Professional Documents
Culture Documents
Isang pananaliksik
na iniharap sa mga guro ng
Departamento ng Sining at Agham
Benguet State University- Buguias Campus
Bilang Bahagi
Ng mga Gawaing Kailangan sa
Asignaturang Filipino 109:
Introduksiyon sa Pananaliksik
i
PASASALAMAT
ii
TALAAN NG NILALAMAN
Pamagat na Pahina i
Pasasalamat ii
Talaan ng Nilalaman iii
Kabanata 1 1
Panimula 1
Paglalahad sa Suliranin 2
Kahalagahan ng Pag-aaral 2
Talaan ng mga salitang ginamit 3
Kabanata 2 4
Metodolohiya 4
Kabanata 3 5
Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos 5
Kabanata 4 10
Konkusiyon 10
Applikasyon at Rekomendasyon 10
Sanggunian 11
Mga Liham 12
Liham sa mga Tagatugon 12
Talatanungan 13
Talambuhay 14
iii
KABANATA 1
PANIMULA
Karaniwang salin ang wikang pantulong ng auxiliary language sa Ingles. Ang auxiliary
ay may pakahulugang dagdag na tulong o suporta. Ang wikang pantulong samakatuwid ay wika
na ginagamit para sa higit na pagkakaintindihan ng dalawa o higit pang nag-uusap. Sa
edukasyon, tumutukoy ito sa wika na higit na alam ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan
kaysa sa opisyal na wikang panturo kaya maaaring gamitin ng guro upang higit siyang
maintindihan ng kanyang mga tinuturuan.
Ayon kay Almario, dahil multilinggwal ang Filipinas napakahalaga ang paggamit ng
wikang pantulong para sa higit na epektibong pagtuturo sa mga pook na ikalawang wika lamang
ang wikang panturo. Bagaman walang opisyal na atas, ginagawa ito noon pa ng mga guro sa mga
pook na di-Tagalog. Sa cebu halimbawa ay ginagamit na wikang pantulong ang Sebwano sa
pagtuturo, sa Vigan, ang Ilocano, sa Benguet, ang Ibaloy at sa Marawi, ang Meranaw.
Ang paggamit ng wikang pantulong ay ipinahihintulot mismo ng 1987 konstitusyon.
Alinsunod sa ikalawang pangungusap ng Artikulo XIV, seksiyon 7: Ang mga wikang rehiyonal
ay ang mga opisyal na wikang pantulong sa mga rehiyon at magsisilbing mga wikang pantulong
sa pagtuturo sa naturang pook.
Sa ilalim ng patakarang bilinggwal na itinaguyod ng dating Pangulong Corazon C.
Aquino, sa probisyon ng 1987 konstitusyon sa pamamagitan ng Execuive Order No. 335 na nag-
aatas sa lahat ng kagawaran/kawanihan/opisina/instrumentality ng Pamahalaan na magsagawa ng
mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang wikang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya, ang mga asignatura sa elementarya at
sekundarya ay hinati upang ang isang pangkat ay ituro sa Ingles. Bukod sa asignaturang wika at
panitikang Filipino, ang mga klase sa araling panlipunan ay gumagamit ng Filipino bilang
wikang panturo. Bukod naman sa asignaturang wika at panitikang Filipino, ang mga klase sa
Matematika at agham ay Ingles ang wikang panturo.
Sa antas ng tersiyarya, mayroong dalawang midya na ginagamit sa pagtuturo, ang wikang
Filipino at Ingles. Katulad rin sa elementarya at sekundarya, ang mga asignaturang Matematika
at Agham ay Ingles ang wikang panturo sa kadahilanang may mga termino na walang katumbas
sa Filipino.
Sa kasalukuyan, limitado pa rin ang paggamit ng wikang Filipino sa mga asignaturang
pangkolehiyo. Ayon sa pananaliksik ni Maxima Alejado na Epekto ng mga Wikang Filipino at
Ingles bilang midya sa pagtuturo ng Aljebra sa Antas ng Pagkatuto ng mga mag-aaral sa
kolehiyo, kapag dumarating ang pagkakataon na hindi maunawaan nga mga mag-aaral ang ang
aralin na kanilang itinuturo sa wikang Ingles, ito ay ipinaliliwanag sa wikang Filipino. Dahil
dito madaling naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin. Sa puntong ito, ang ang
Filipino ay nagsisilbing wikang pantulong sa pagtuturo ng aralin.
Dahil sa paggamit sa wikang Filipino bilang wikang pantulong, nagaganap ang tinatawag
na pagpapalit-koda. Ito ang pagpapalit-palit ng dalawang wika sa pag-uusap o talakayan.
Tinatanggap na natural ang pagpapalit-palit ng isang bilinggwal na Pilipino sa paggamit ng
wikang Ingles at Filipino. Kadalasang nagkakaroon ng pagpapalit-koda kapag higit na
komportable ang nagsasalita sa paggamit ng isang wika kaysa ibang wika batay sa paksang
kanyang tinatalakay. May mga larangan kasi na higit na magndang ipahayag sa Ingles o di kaya
ay sa Filipino.
Ang pagiging bilinggwal ayon kay Tiamson-Rubin ay madaling magbigay-daan sa
pagpapalit-koda. Nagbibigay-daan ito sa malayang panghihiram sa mga salita sa wikang Ingles o
sa wikang Filipino. Dahil dito, nagiging mas epektibo ang pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-
aaral kung nagkakaintindihan sila.
Paglalahad sa Suliranin
Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ginagamit ba ang wikang Filipino bilang wikang pantulong sa pagtuturo sa mga
asignaturang pangkolehiyo?
2. Ano ano ang mga epekto ng paggamit sa wikang Filipino bilang wikang pantulong sa
pagtututro ng mga aralim?
3. Sa ano - anong mga asignatura ginagamit ang wikang Filipino bilang wikang pantulong?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa epektibong pagtuturo at pagkatuto. Sa pamamagitan ng
2
pag-aaral na ito, malalaman ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang wikang pantulong sa
pagtuturo na mga aralin na nasa wikang Ingles.
3
KABANATA II
METODOLOHIYA
Disenyo at Metodo
Pamaraang palarawan ang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito sa dahilang
ilalarawan ng mananaliksik ang dalas at epekto ng paggamit sa wikang Filipino bilang wikang
pantulong sa pagtuturo ng asignaturang pangkolehiyo. Gumagamit rin ang pamamaraang ito ng
talatanungan na siyang kailangan ng mananaliksik upang makalikom ng datos.
KABANATA III
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Bilang Ranggo
Madalas 7 2
Paminsan-minsan 12 1
Kung kinakailangan 6 3
Ipinapakita ng talahanayan 4 ang mga epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang
wikang pantulong sa pagtuturo. Mayroong naitala na 4 na positibong epekto at 4 na negatibong
epekto na siyang tutukuyin ng mga tagatugon. Lumabas sa resulta na pinakamataas ang epektong
nagiging mas malinaw sa mga mag-aaral ang paksa na mayroong 18 na bilang. Pumangalawa
ang epektong napapalalim ang pag-unawa sa paksa at nahihikayat ang mga mag-aaral na
gumamit ng wikang Filipino para sa aktibong talakayan na mayroong 15 bilang. Pumangatlo
naman ang epektong lumalawak ang talakayan na mayroong 12 bilang. Nailahad sa talahanayan
na mayroong tumukoy na tig iisa sa epektong nababago ang kahulugan ng ilang salita at nagiging
komplikado ang aralin samantalang walang tumukoy sa epektong pagdududahan ang kakayahan
ng guro sa pagtalakay kapag gumagamit ng ibang wika at nagiging malabo ang paksa dahil sa
paggamit ng ibang wika.
7
Talahanayan 4: Epekto ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng aralin
Mga Epekto Bilang Ranggo
Nagiging mas malinaw sa mag-aaral ang paksa 18 1
Lumalawak ang talakayan 12 4
Napapalalim ang pag-unawa sa paksa 15 2.5
Nahihikayat ang mga mag-aaral na maaaring gumamit ng wikang Filipino 15 2.5
para sa aktibong talakayan
Nababago ang kahulugan ng ilang salita 1 5.5
Pagdududahan ang kakahayan ng guro sa pagtalakay kapag gumagamit ng 0 7.5
ibang wika
Nagiging komplikado ang aralin 1 5.5
Nagiging malabo ang paksa dahil sa pag-iiba ng wika 0 7.5
Nagiging mas malinaw sa mag-aaral ang paksa sa paggamit ng wikang Filipino. Malaking
tulong ang paggamit ng wikang pantulong sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sapagkat
malaki ang bahaging ginagampanan nito upang maintindihan nila ang kanilang mga aralin,
maipahayag ang kanilang kasagutan sa pinakamadaling paraan, pakikipagpalitan ng mga ideya sa
guro at pagiging malikhain sa pagsasalita sa harap ng klase. Dahil sa paggamit ng wikang
pantulong, mas madaling nauunawan ang mga paksang tinatalakay at madaling naiintindihan ng
isang mag-aaral ang kanyang mga aralin sa pamamagitan ng pagpapaliwanang sa mga paksa
gamit ang wikang mas pamilyar sa kanya. Sa paggamit sa wikang Filipino bilang wikang
pantulong, nagaganap ang tinatawag na pagpapalit-koda. Ito ang pagpapalit-palit ng dalawang
wika sa pag-uusap o talakayan. Tinatanggap na natural ang pagpapalit-palit ng isang bilinggwal
na Pilipino sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino. Kadalasang nagkakaroon ng pagpapalit-
koda kapag higit na komportable ang nagsasalita sa paggamit ng isang wika kaysa ibang wika
batay sa paksang kanyang tinatalakay. May mga larangan kasi na higit na magndang ipahayag sa
Ingles o di kaya ay sa Filipino. Si Crystal (1987) sa pagbanggit ni Fangwa (2003), ang nagsabing
may mga dahilan kung bakit nagpapalit-koda ang mga tagapagsalita mula sa isang wika patungo
sa iba pang wika.
8
Maaaring nahihirapang magpahayag sa sarili ang tagapagsalita gamit lamang ang isang
wika kaya siya ay nagpapalit-koda. Ginagawa niya ito upang matugunan ang kakulangan ng
mga salita at upang siya ay makapagpahayag nang epektibo nang sa gayon ay malinaw sa mga
mag-aaral ang paksa.
Lumalawak ang talakayan sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pantulong.
Iminungkahi ni Gumperz na ang pagpapalit-koda ay isang elemento ayon sa napagkasunduang
katayuan sa lipunan ng mga magkasingkahulugang pagpapahiwatig ng mga saloobin
(contextualization cues) at mga paraan na ginagamit ng mga ispiker upang makipag-usap sa
interlokyutor sa isang patuloy na pakikipag-ugnayan sa panlipunan at pangsitwasyong konteksto
ng pakikipag-usap. Sa pamamagitan rin nito, higit nagkakaalaman ang nag-uusap.
Napapalalim ang pag-unawa sa paksa sa tulong ng wikang Filipino. Sa paggamit ng wika
na mas nauunawaan ng mga mag-aaral, napapalalim ang pag-unawa sa paksa. Nakapagbibigay
sila ng iba-ibang ideya at kaalaman tungkol sa kanilang aralin sapagkat nakakaugnay sila sa
paksang pinag-uusapan sa tulong ng wikang Filipino. Sa pamamagitan ng wikang pantulong,
napapaunlad din nito ang kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip nang malalim sapagkat
malinaw na nauunawaan na nila ang talakayan na siyang nagbibigay-daan upang maiugnay nila
ito sa iba't ibang aspekto.
Nahihikayat ang mga mag-aaral na gumamit ng wikang Filipino para sa aktibong
talakayan. Isa sa mga estratehiyang pangkomunikasyon na karaniwang ginagamit ngayon sa mga
silid-aralan ay ang pagpapalit-koda. Ayon kay MCGroaty (1991) sa pagbanggit ni Fangwa
(2003), ang mga guro ay nagpapalit-koda upang mahikayat na magsalita ang mga mag-aaral.
Nakapagpapaunlad ang paggamit ng unang wika sa bilinggwal na instruksyon sa kakayahan ng
mga mag-aaral. Natuklasan ni Fangwa na mahalaga ang pagpapalit - koda ng mga guro upang
ipabatid sa mga mag-aaral na maaari nila itong gamitin upang tuluy-tuloy ang daloy ng
pakikipagtalakayan. Ayon sa karanasan ng ilang mga guro ng tersyarya, may mga mag-aaral na
humihinto sa pagpapaliwanag upang isipin o itanong sa mga kaklase kung ano ang katumbas sa
Filipino ng nais nilang ipahayag. Sa kabuuan, lahat ng mga respondenteng guro anuman ang
unang wika ay nagpapalit-koda na maaaring sa salita, parirala at pangungusap. Ang gurong
tagalog na matatawag na bihasa sa paggamit ng wikang Filipino ay nagpapalit-koda na rin.
Dagdag pa niya, nakatutulong nang malaki ang unang wika ng mga guro dahil nagagamit
nila ito sa kanilang pagtuturo. Ito ang dahilan kung bakit palasak ang pagpapalit-koda na
maaaring sa Ingles, Ilokano, Ibaloi, Kankana-ey at iba pa. Sa tulong din ng unang wika,
masasabing lalong mauunawaan ng mga guro ang antas ng pagkatuto ng bawat mag-aaral na may
ibat ibang unang wika.
Nakatutulong nang malaki ang paggamit sa wikang Filipino batay na rin sa resulta ng
sarbey na dalawa lamang ang tumukoy sa negatibong epekto nito.
KABANATA 4
KONKLUSIYON, APLIKASYON AT REKOMENDASYON
Konklusiyon
1. Ginagamit ang wikang Filipino bilang wikang pantulong sa pagtuturo ng asignatura.
2. Ginagamit ang wikang Filipino bilang wikang pantulong sa pagtuturo sa mga asignaturang
nakatala ngayong panggitnang semestre 2017 maliban sa asignaturang English 13 at Pehma 131.
3. Paminsan-minsan ang paggamit sa wikang Filipino bilang wikang pantulong sa pagtuturo ng
aralin.
4. Epektibo ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pantulong.
Aplikasyon at Rekomendasyon
1. Dapat marunong ang guro sa wikang Filipino para sa epektibong partisipasyon ng mga mag-
aaral.
2. Gamitin ang wikang Filipino bilang wikang pantulong sa mga asignaturang pangkolehiyo.
3. Gamitin nang madalas ang wikang Filipino sa pagtuturo para sa epektibong pagtuturo at
pagpgkatuto. Higit na mahalaga na nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksa.
SANGGUNIAN
Crystal, D. 1987 sa pagbanggit ni Fangwa, P. P. 2003. Ang Pagpapalit-koda sa Klase ng
Filipino sa Antas Tersyarya ng Benguet State University. Unpublished Masters Thesis,
Benguet State University, La Trinidad, Benguet
Garcia, Lakandupil, ed., et. al. Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino. Malabon City,
Metro Manila. Jimcyzville Publications, 2012.
Tiamson-Rubin, Ligaya, et. al. Retorika, Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik. Sampaloc,
Manila. Rex Bookstore, 2006.
www.scribd.com/doc/71885361/Effects-of-Bilingual-and-Code-Switching-in-Filipino-Learns.
Enero 6, 2013.
12
Benguet State University
BUGUIAS CAMPUS
Loo, Buguias, Benguet
Hulyo 7, 2017
Mga tagatugon:
Ang maylagda ay nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa Paggamit sa Wikang Filipino
Bilang Wikang Pantulong sa Pagtuturo ng mga Asignaturang Pangkolehiyo sa BSU-BC
Ngayong Kalagitnaan ng Semestre 2017 bilang katuparan sa Asignaturang Fil.109: Intro
sa Pananaliksik. Kaugnay nito, ang mananaliksik ay humihingi ng tulong sa pamamagitan
ng matapat na pagsagot ng mga talatanungan.
Asahan po na na ang lahat ng mga kasagutan at inyong pagkakakilanlan ay gagamitin
lamang sa pananaliksik na ito.
Maraming salamat po.
Lubos na Gumagalang,
CRISTINE MAY DAYAODAO
13
TALATANUNGAN
Pangalan:
14
TALAMBUHAY
15