You are on page 1of 4

Ang Dugo Ay Hindi Ibinigay Na Pagkain

Ang Dugo Ay Hindi Ibinigay Na Pagkain

Marami ang nagpapalagay na ang Iglesia Ni Cristo lamang ang


nagbabawal ng pagkain ng dugo. Nag-aakala rin ang marami
na ang pagbabawal ng pagkain ng dugo ay gawa-gawa
lamang ng mga ministro ng Iglesia Ni Cristo.

Dahil dito, ayaw nilang paniwalaan na ang dugo ay


masamang kainin. Ngunit sino nga ba talaga ang nagbawal
ng pagkain ng dugo?

Pag-aralan natin ito.

Sino ang nagbawal ng pagkain ng dugo at kailan nagsimula ang pagbabawal?

Ang Diyos sa panahon ni Noe.


"Si Noe at ang kanyang mga anak ay pinagpala ng Diyos: Magkaroon kayo ng maraming anak at
kalatan ninyo ang buong daigdig. Matatakot sa inyo ang lahat ng hayop, pati mga ibon, ang lahat ng
gumagapang sa lupa at ang mga isda. ang lahat ng ito ay inilalagay ko sa ilalim ng inyong
kapangyarihan. Ibinibigay ko sa inyo ang mga hayop at mga halamang luntian upang pagkain ninyo. Isang
bagay lamang ang hindi ninyo makakain, ang karneng hindi inalisan ng dugo na siyang sagisag ng
buhay." (Gen. 9:1-4)

Sa panahon ba ng mga magulang o nina Eba't Adan ay nagkaroon na ng bagbabawal ng pagkain ng dugo?

Wala pa, sapagkat mga pananim at bungangkahoy lamang ang ibinigay na pagkain sa kanila.
"Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy na inyong makakain." (Gen. 1:29)

Nagpatuloy ba ang pagbabawal ng pagkain ng dugo sa panahon ng mga Propeta o ng Bayang Israel?

Nagpatuloy.
"Wika pa ni Yahweh kay Moises, "Sabihin mo sa bayang Israel na huwag silang kakain ng taba ng baka,
tupa o kambing. Hindi lamang iyon; kahit saan kayo naroon, huwag kayong kakain ng dugo ng anumang
hayop o ibon." (Lev. 7:22-23, 26)

Ano sa paningin ng Diyos ang kakain ng dugo at ano ang parusa?

Magiging kalaban ng Diyos at ihihiwalay sa Kaniyang bayan.


"Ang sinumang kumain ng dugo ay magiging kalaban ko at ititiwalag sa kapulungan, maging Israelita
o dayuhan man." (Lev. 17:10)

Ano ang utos sa Bayang Israel na dapat gawin sa dugo kung sila'y magpapatay ng hayop upang kanilang kainin?

Itatapon at tatabunan ng lupa.


"At pag ang sinuman sa inyo, maging Israelita o dayuhan ay humuli ng hayop o ibong makakain, dapat
niyang itapon ang dugo niyon at tabunan ng lupa." (Lev. 17:13)

Ano sa paningin ng Diyos ang hindi pagkain ng dugo?

Ito ay kanyang kalooban at ikapapanuto o ikabubuti ng Kanyang mga lingkod.


"Ngunit huwag ninyong kakanin pati dugo pagkat naroon ang buhay; ang buhay ay di dapat kanin. Huwag
ninyong kakanin ang dugo, sa halip ay patuluin sa lupa, huwag ninyong kakanin iyon; mapapanuto kayo at
ang inyong mga anak kung gagawin ninyo ang naaayon sa kalooban ni Yahweh." (Deut. 12:23-25)

Ano ang dahilan at hindi ibinigay ng Diyos na pagkain ang dugo?

Pantubos ng buhay.
"Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa dambana bilang pantubos sa
inyong buhay." (Lev. 17:11)

Ito ay lumalarawan sa dugo ni Cristo na siyang tunay na pantubos sa kasalanan ng tao.


"Ang kautusan ay malabong anino lamang at hindi ganap na larawan ng mabubuting bagay na
darating. Hindi ito nagpapabanal sa mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga haing inihahandog taon-
taon." (Heb.10:1)

"Ang dugo ng mga kambing at mga toro at ang abo ng dumalagang baka ay iwiwisik sa mga taong itinuturing
na marumi. Sa gayon, sila'y magiging malinis ayon sa Kautusan. Ngunit higit na na di-hamak ang magagwa ng
dugo ni Cristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili na
walang kapintasan. Ang kanyang dugo ay lumilinis sa ating puso't isip upang talikdan na natin ang mga gawang
walang kabuluhan at paglingkuran ang Diyos na buhay." (Heb. 9:13-14)

Anong uring kasalanan sa Diyos ang pagkain ng dugo?

Mabigat na kasalanan. Ito'y kataksilan sa Diyos.


"Kaya, nagmamadali silang humuli ng mga hayop ng mga Filisteo. Nagpatay sila ng mga tupa, baka at mga
bisirong baka. Dahil sa gutom, kinain ang mga ito nang hindi na nakuhang alisan ng dugo. May
nagsumbong kay Saul na ang mga tao'y gumagawa ng malaking kasalanan kay Yahweh--kumakain ng
karneng may dugo. 'Ito'y isang malaking kataksilan!' sigaw ni Saul 'Igulong ninyo rito ang isang malaking
bato, ngayon din,' utos niya." (I Sam. 14:32-33)

Ipinagbawal din ba ng mga Apostol ang pagkain ng dugo sa panahong Kristiyano?

Ipinagbawal.
"Kaya't ang pasiya ko'y huwag nating ligaligin ang mga Hentil na lumalapit sa Diyos. Sa halip, sulatan natin
sila na huwag kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyusan; huwag makikiapid; huwag kakain ng hayop na
binigti, at ng dugo." (Gawa 15:19-20)

Sino ang pinagbawalan? Sino ba itong tinatawag na mga Hentil?

Hindi sila kabilang sa bayan ng Diyos, walang tipan, walang pangako at walang kautusan ng Diyos. Kumakain
sila ng dugo. Ngunit ang mga Hentil na ito'y nangagbalikloob sa Diyos at nakabilang sa iglesiang itinayo ni Cristo
o sa bayan ng Diyos sa panahong Kristiyano kaya sila man ay pinagbawalan ding kumain ng dugo.

"Kaya't alalahanin ninyo ang ang inyong dating kalagayan: kayo'y ipinanganak na mga Hentil at tinatawag
na 'Di-tuli' ng mga Judio. (Ang mga Judio ay tinatawag na 'Tuli' ayon sa ginagawa nila sa kanilang
katawan.) Alalahanin ninyo noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang
Israel, at di saklaw ng mga tipang nasasalig sa mga pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayong
walang pag-asa at walang Diyos." (Efeso 2:11-12)

Kanino ba tinanaggap ng mga Apostol ang utos na huwag kumain ng dugo at mga binigti?

Minagaling ng Espiritu Santo.


"Sa udyok ng Espiritu Santo, ang naging pasya namin ay huwag kayong atangan ng iba pang pasanin
maliban sa mga bagay na talagang kailangan: huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-
diyusan ng dugo, at ng hayop na binigti." (Gawa 15:28-29)

Gaano ba kabigat na kasalanan kung salangsangin o labagin ang kautusan ng Espiritu Santo?

Hindi ipatatawad.
"Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't
ang kapusungan laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinumang magsalita ng isang salitang laban
sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi
ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating. (Mat. 12:31-32)

Ano ang kaparusahan sa kapusungang ito?

Kamatayan sa dagat-dagatang apoy.


"Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ..." (Roma 6:23)

"Pagkatapos ay itinapon sa lawang apoy ang Kamatayan at ang Hades. Ang lawang apoy na ito ang
pangalawang kamatayan." (Pahayag 20:14)
Gaano ba kahirap ang daranasin sa parusang lawang apoy o dagat-dagatang apoy na siyang ikalawang
kamatayan?

Sila'y parurusahan doon araw at gabi magpakailan-kailan man.


"Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang
kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng
kordero:"

"At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan man; at sila'y walang kapahingahan
araw at gabi, silang nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng
kaniyang pangalan." (Apoc. 14:10-11)

Higit na mahigpit ang pagbabawal ng pagkain ng dugo sa panahong Kristiyano kaysa sa panahon ni Noe at
ng bayang Israel.
Hindi totoong maari nang kainin ang dugo sa panahong Kristiyano. Mula sa panahon ni Noe pagkatapos ng
bahang-gunaw hanggang sa panahon natin ngayon at hanggang sa paghuhukom ay nagpapatuloy ang
pagbabawal ng Diyos ng pagkain ng dugo. Sinumang magbabalikloob at pasasakop sa mga utos ng Diyos ay
lumalayo at umiilag sa pagkain ng dugo at gayundin ng mga hayop na nabigti, mga namatay na hindi nakalabas
ang dugo.
Kaya kung ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ay nangingilabot, nandidiri at tumatangging kumain ng dugo
ay sapagkat natitiyak nilang ito ay mabigat na kasalanan laban sa Diyos at sa Espiritu Santo. Nalalaman nilang
kung sadyain nilang kumain ng dugo ay ikahihiwalay nila ito sa Iglesia Ni Cristo na siyang bayan ng Diyos sa
mga huling araw na ito. Ang matiwalag sa Iglesia Ni Cristo ay siyang pinakamabigat na parusa sa
sumasampalataya sapagkat hindi sila magtatamo ng kaligtasan. Hahatulan sila ng Diyos sa araw ng
paghuhukom at pahihirapan sa apoy at asupre magpakailan-kailan man.
Dahil dito, hindi na maaaring magkaroon ng maling palagay ang marami na ang Iglesia Ni Cristo at kanyang
mga ministro lamang ang nagbabawal ng pagkain ng dugo. Masamang kumain ng dugo ng anumang hayop,
sapagkat ang Diyos ang NAGBAWAL nito.

Ang Argumento Ng Iba


Sinasabi ng ibang mga tagapangaral na okey lang daw na kainin pati na ang dugo sapagkat ito raw naman
ay mabibili sa palengke. Ginagamit nilang batayan ang I Corinto 10:25 na diumano'y kumain ng
anumang mabibili sa tindahan ng mga karne. At yamang ang dugo ay mabibili na ngayon sa palengke, okey
lang daw na kainin ito. Totoo kaya ito? Sipiin natin ang nilalaman ng nasabing talata. Ganito ang sinasabi:

"Kumain kayo ng anumang mabibili sa tindahan ng karne at huwag na kayong magtanong pa upang di
mabalisa ang inyong budhi."

Totoong nakasulat na kumain ng anumang mabibili sa tindahan ng karne, hindi sinabing sa tindahan ng
karne at dugo. Walang gayong nakasulat at mababasa. Kung totoo man na mabibili ngayon ang dugo sa
palengke o sa tindahan ng karne, dapat ba nating bilhin ito at kainin? Hindi! Sapagkat mahigpit na
ipinagbabawal ito ng Diyos at hindi ito ibinigay na pagkain kaya makatwiran lamang na hindi ito dapat ipagbili
at kainin. Ang maaari lamang na kainin na mabibili sa palengke o tindahan ng karne ay nauukol lamang sa
karne at hindi sa dugo.

Nakakatulad lamang ito ng pagbabawal na iniutos kina Adan at Eba. Ganito ang sabi:

"Inilagay ni Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y alagaan at pagyamanin. Sinabi niya sa tao,
'Makakain ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, ..." (Gen. 2:15-16)

Kung ating mapapansin, sinabi sa talata na alinman sa bungangkahoy ay makakain. Kung sinabi man na
alinman, ito kaya ay nangahuhulugan na lahat-lahat na ng uri ng bungangkahoy ay maaari nang kainin nina Eba
at Adan? Hindi! Bakit? Sapagkat sinasabi sa kasunod na talat ang ganito:

"... maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama." (Gen.
2:17)

Gayundin ang nauukol o maging pag-unawa sa anumang mabibili sa tindahan ng karne. Maaaring
kainin ang anumang mabibili sa tindahan ng karne maliban sa dugo sapagkat hindi ito ibinigay na
pagkain, ipinag-utos na ilagan o layuan, mabigat na kasalanan kung ito'y kainin at walang
kapatawaran.
Anuman ang ibigay na pangangatwiran ng mga taong maibigin sa pagkain ng dugo, ito'y maaaring
pangangatwiran na lamang nila bunga ng hindi nila pagkaunawa o kaya naman ay upang mabigyang laya ang
kanilang hangarin na kainin pati na ang dugo. Subalit sa lahat ng ito'y nasusuklam ang Diyos at
nangangahulugan ito ng pagkapahamak na kanilang kaluluwa.

PAG-IBIG sa kapuwa at hindi anupaman o makasakit ng damdamin ang layunin ng paglalantad ng


katotohanang ito.

Bakit ang dapat maging pagkaunawa sa nilalaman ng I Corinto 10:25 ay nauukol lamang sa karne at hindi sa
dugo?

Sapagkat noong una, nagbigay ang Diyos ng tuntunin sa bayang Israel ukol sa mga hayop na dapat at di dapat
kainin, mga hayop na malinis at mga hayop na itinuturing na marumi (buong kabanata ng Levitico 11). Subalit
sa panahong Kristiyano, ang mga hayop na itinuturing na marumi noong una ay nilinis na ng Diyos at maari
nang kainin.

You might also like