You are on page 1of 6

PAGTATASA SA KAUGNAYAN NG MGA GAWING PAG AARAL

SA AKADEMIKONG TAGUMPAY NG SJDMNHS


SENIOR HIGH S.Y 2017-18

Tisis na iniharap sa kampus ng


San Jose Del Monte National
High School

Bilang Bahagi ng Kahingian sa Asignaturang Pagtatamo


ng Proyekto Sa Pagbasa at pagsusuri sa ibat ibang
teksto tungo sa Pananaliksik

Ni/Nina
Enriquez Junmark
Bilbao Jeremy
John Rosales
Carino Kimberly
Carino Lorie Joy
Abbygail Canedo
Garcia John Noriel
San Pedro Marvin
Suliranin at Saligan ng Pag- aaral

Paninimula

Sabi nila ang edukasyon ang mahalagang sangkap upang magtagumpay, ang

edukasyon ay nariyan palagi at magagamit sa lahat ng aspeto ng buhay. Binibigyan tayo

ng kaalaman at binabago sa positibong paraan. Binibuo nito ang pagkatao ng isang

indibidwal, at ang magandang edukasyon ay magreresulta sa tagumpay.

Ang isang mag-aaral ay hindi matututo sa simpleng pagsasabi at sa panonood sa iba,

upang matututo ay kinakailangan na hasain ang sarili ng madalas. Ang isang matagumpay

na mag-aaral ay may masusing pagsasaayos ng kanyang oras upang makagawa ng kanyang

paraan ng pag-aaral upang magamit ang mga aktibong estratehiya sa pag uugnay para

bigyang dahilan ang kahalagahan ng oras na inilalaan sa pag aaral at upang mapanatili ng

kanilang motibasyon sa pag aaral sa pamamagitan ng pag uugnay ng kanilang pangarap at

kaugalian. Ang isang mag aaral ay kailangang maipatupad ang maayos na kahiligan sa pag

aaral. Sa pamamagitan nito ay maitataas ang kanilang gawain sa paaralan.

Ang pabagsak ng mga estudyante ay karaniwan na lamang sa panahon ngayon, kahit

ang mga estudyanteng may sipag sa pag aaral ay hindi naiiwasang maging tamad. Ang iba

naman ay nagiging kuntento na sa simpleng pagpasa ng kanilang mga grado at hindi na

sinusubukan na pagbutihin ang kanilang kakayahan at abilidad sa abot ng kanilang

makakaya. Anong pag-aaralan, saan ang pag-aaral, at kung paano ang pag-aaral ay

kinakailangan sa bawat mag- aaral ng klase. Ang katotohanan, wastong gawi sa pag- aaral

ay nagsisilbing kagamitan para sa malalim na kaalaman sa iba’t- ibang asignatura.


Upang makakuha ng magandang marka ay nangangailangan ng mabuting

kakayahan sa pag-aaral, pasensya, at tiyaga. Ang pag-aaral ay hindi madali, ito ay

nangangailangan ng makabagong kaalaman, kakayanan, asal at pagsasama sama ng mga

impormasyon sa pagpapatuloy na proseso.

Sa panahon ngayon maraming mag-aaral ng senior high school ay nakakakuha ng

mababang marka maaaring ang dahilan nito ay kakulangan ng kakayahan sa pag-aaral. Ang

kakayahan sa pag aaral ay isa sa pinakadahilan at kinakailangan upang makakuha ng

mataas na grado. Sa pamamagitan din nito ay madaling maiintindihan ng mga estudyante

ang mga pinag aaralan, mahasa ang isip at mas mapagbuti ang pagsasaayos sa oras.

Maraming paraan ang nakakaapekto ng sa kakayahan sa pag aaral, pwedeng ang

kapaligiran kung saan nag aaral ang estudyante, Ang dami ng oras na ginugugol ng mag

aaral sa pag aaral ay pwede ring maka epekto.

Ang mga mananaliksik ay naniniwala sa pagkamit ng maayos na estratehiya sa pag

aaral, ang bawat isa ay nararapat na mapabuti at matuto sa paraan na nais nila. Ang

pagtitiyaga at motibasyon sa pag aaral ay napaka halaga dahil alam nila na ang pag- aaral

ay isang tuloy tuloy na proseso.

Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral

Isa sa mga mithiin ng paaralan ng San Jose del Monte High School ay maisabay

ang edukasyon ng Senior High sa iba pang mga bansa. Ito ay ang pakakaron ng mga

matataas at dekalidad na mag aaral upang maging propesyonal at magkaroon ng mga

estudyanteng handang makipagsabayan sa ibang bansa.


Kaming mga mananaliksik ay tunguhin na makatulong sa estudyante upang

makayanang siyasatin ang mga paksa sa malalim at malawak na paraan, kalakip ang

malikhain at makahulugang paraan sa kanilang pagkatuto at pagbuo ng malalim na

pagtanaw sa relasyon ng mga asignauranf kanilang tinatalakay sa abuuan ang mga

estudyante ay makakaroon ng mga modelo ng kataasan ng antas ng kanilang pag aaral, at

pagtuturo sa pag sasaayos ng kaunlarang pang edukasyon ng mga estudyante.

Batayang Teoritikal

Paglalahad ng Suliranin

Upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral, humahanap ang pag-aaral na ito ng

mga kasagutan sa mga sumusinod na suliranin.

Ang pag aaral na ito ay nangangailangan sagutin ang mga sumusunod na tanong

1. Ano ang mga impormasyon ng mga mag aaral sa mga sumusunod na demograpiya:

1.1 Kasarian

1.2 Taon at Antas


2. Antas ng Estratehiya sa Pag aaral ng mga estudyante ayon sa mga sumusunod:

2.1 Konsentrasyon

2.2 Pagsasaayos ng oras

2.3 Preperasyon sa Pagsusulit

2.4 Pagbabasa

3. Ano ang kahalagahan ng antas ng estratehiya sa pag aaral sa impormasyon ng mga

mag aaral?

Asumpsyon/Hipotesis

Ang Impormasyon ng mag mag aaral at antas ng kanilang estratehiyang pag aaral

ay walang signipikadong relasyon

Saklaw at Hangganan ng Pag Aaral

Ang mga mananalksik ay naniniwalang ang kanilang pag aaral ay magbebenepisyo

sa mga sumusunod:

Sa Paaralan:

Sa pamamagitan ng pagsusuri ng kakayanan ng mga mag aaral, Mahahanap ang

positibo at negatibong epekto ng Estratehiya ng paaralan, Sa pamamagitan nito

maaring lumago ang pagpoprodyus ng paaralan ng mga mahuhusay na mag aaral.


Sa mga Estudyante

Upang maitaas pa ang kalidad ng edukasyon, kailangan ay maitaas din ang

stratehiya sa pag aaral. Dahil sa pamamagitan nito ang karunungan at kalidad ng

mga estudyante ay tataas at magiging basehan nito ay kanilang nakamit sa aspetong

akademiko.

Sa mga Guro

Ito ay importante sa mga guro upang malaman ang tamang estratehiya upang

makamit ang positibong pagkatuto ng mga mag aaral.

Sa mga susunod pang mananaliksik

Ang pag aaral na ito ay makakatulong sa mga manananliksik na may kaugnay sa

paksang inaaral, ito ay maaari nilang pagkuhanan ng impormasyon.

You might also like