You are on page 1of 7

Jose Rizal

Cast
Dr. Jose Rizal – Ramos
Paciano – Jerome Atindido
Donya Teodora – Castillo
Saturnina – Gundran
Leonora – Santos
Segunda Katigbak – Desiree Aquino
Josephine – Cospe
GOMBURZA – Garcia, Dela Rosa, Lukas
Prayle – Lazatin
Luis Taviel – Hequibal
Andres Bonifacio – Costales
Antonio Luna – Del Pilar
Marcelo Del Pilar – Rench Lafue
Graciano Lopez Jaena – Robert Dawates
Pedro – JC Buado
Salandanan – Imbao
Maestro Justiniano Aquino Cruz – Jong
Arcbishop - Insierto
Act 1: Ang Pagpatay Kay Jose Rizal
Exterior Day: sa Luneta
Scene 1
Magmamartsa ang mga guardia sibil kasama sina Jose Rizal at Luis
Taviel mula Fort Santiago patungo ng Bagumbayan.
Habang naglalakad ay makikita ni Rizal ang Ateneo at aalalahanin
ang kanyang nagging panahon dito.
Bakas ang takot sa mga Pilipino kasabay ng pagsigaw ng ibang
masasakit na salita Viva España ng mga Kastila.
Habang nagmamartsa ay bibigkasin ang Mi Ultimo Adios (Rizal)
Rizal
Dito, sa Ateneo, nagsimula ang lahat. Dito ako unang naging
maligaya.
Scene 2
Nang makarating sa lugar ng pagbabarilan ay may hihilingin si
Rizal.
Rizal

un último favor, déjame enfrentar al pelotón de fusilamiento


Kastila
Imposible
Rizal
entonces al menos perdona mi cabeza
Titingin ang Kastila kay Taviel at sasagot sa pamamagitan ng
pagtango. Lalapit si Taviel upang kamayan si Rizal. Marahang
pupuwesto ang mga kastila upang barilin si Rizal.
Kastila
Listo, Carga, Apuntar,

Rizal
Consummatum est.

Kastila
Fuego!
Magsasara ang mga ilaw at mabilis na lilipat sa Act 2

Act 2: Kapanganakan ni Rizal


Interior Night: Tahanan nila Rizal
Scene 1
Maririnig na pinapaanak si Doña Teodora
Doña Teodora
Arrrggghhhhhhhhh!
Nagpapaanak
Kaunting tulak na lamang Doña Teodora
Scene 2
Maririnig ang isang napakalakas na iyak ng isang bagong silang
Nagpapaanak
Lalaki!! lalaki muli!
I aabot kay Doña Teodora si ang bagong panganak
Ngingiti si Doña Teodora at hahagkan ang kanyang anak.

Act 3: Kamusmusan ni Rizal


Interior Night: Tahanan nila Rizal
Scene 1
Makikitang tinatamad na si Pepe sa pag-aaral habang tinuturuan
siya ng kanyang ina. Pagod at malumanay na magtatanong si Pepe.
Pepe
Nanang, para san ba ang lahat ng ito? Kanina pa ako nakaharap sa
mga aklat at mga aralin.
Titigan at ngingitian ng Doña ang kanyang anak. Bago ito
kuwentuhan dahil alam niya na pagod na ang anak.
Doña Teodora
Sige Pepe, mukhang pagod na pagod ka na. Halika at pakinggan mo
na lamang ang kuwento ng gamu-gamo.
Pepe
Kuwento ng Gamu-gamo?
Doña Teodora
May isang gamu-gamo na mahilig maglaro sa malapit sa apoy. Akit
na akit siya sa liwanag na dala nito. Kaya nang makita siya ng
kanyang ina ay binalaan niya ito. “Anak huwag kang maglaro
malapit sa apoy at baka ikaw ay magliyab at masunog.” Makikita
mo sa mukhang ng batang gamu-gamo ang pagkayamot sa sinabi ng
kanyang ina. Ngunit, matigas ang ulo ng batang gamu-gamo.
Patuloy itong naglaro malapit sa apoy at sa isang pagkakataon ay
nasunog ang kanyang pakpak na naging dahilan nga kanyang
pagkamatay.
Titingin lamang si Pepe sa kanyang nanang
Act 4: Ang Pag-aaral ni Pepe sa Laguna
Interior day: Iba’t ibang lugar sa Laguna
Scene 1
Iikot ang ilaw sa tatlong lugar habang palipat lipat si Pepe
kila Maestro Celestino, Lucas Padua, at Leon Monroy.
Mamamatay si Leon Monroy at iiyak si Pepe
Scene 2
Ipapadala ni Don Franciso at Doña Teodora si Rizal sa Biñan
upang doon ay maging guro niya si Maestro Justiniano Cruz
Darating si Pepe sa lugar ng maestro
Mahihiya, ngunit unti-unting magpapakilala si Pepe
Pepe
Magandang araw, uunahan ko na kayo at sasabihin kong hindi ako
gaanong magaling sa wikang Latin
Magtatawanan ang buong klase dahil dito
Act 4: Si Pepe sa Ateneo
Interior day: Ateneo
Scene 1
Kausap ni Don Franciso si Fr. Magin Fernando
Fr. Magin Fernando
Hindi ko na maaaring tanggapin ang inyong anak sapagkat nahuli
na siya sa kanyang aplikasyon at napaka liit niya pa. Sa
ganitong sistema ay uupo lamang siya sa likod at matatabunan ng
mga nauna at mas malalaki niyang kamag-aral.
Don Francisco
Baka naman po maaari pa nating magawan ito ng paraan, mahusay na
mag-aaral ang aking anak, matalino, masipag, at higit sa lahat
ay buo ang loob nito.
Iiling lamang si Fr.Fernando sa kanyang pagtanggi
Scene 2
Samantala, mababalitaan ni Manuel Burgos ang pangyayari at
tutulong ito sa pamilya Rizal.
Tuluyang makapapasok ng Ateneo si Pepe.
Ipakikilala si Jose Bech, ang unang propesor ni Rizal sa Ateneo
Jose Bech
Mahahati ang klase sa dalawang pangkat, ang una ay para sa mga
taga loob ay ang Romans, at ang ikalawa para sa mga taga labas
ay ang Carthaginians.
Kayo naman ay paghihiwalay hiwalayin base sa inyong mga marka,
ang mga pinaka-mangunguna ay tatawaging mga Emperor, susunod ay
Tribune, Decurion, Centurion at ang pinaka-huli ay ang mga
Standard Bearer.
Hindi naging maganda ang Simula ni Rizal sa Ateneo
Propesor
Rizal, basahin mo ang mga susunod na talata.
Hirap na babasahin nila Rizal ang mga pangungusap at
pagtatawanan ng kanyang mga kamag-aral

Rizal
Tila ba hindi ko makita kung bakit ako nag-aaral dito, hindi ko
rin naman kasalanan kung hindi ako magaling mag Español.
Scene 3
Ngunit imbis na mawalan ng gana ay mag-aaral siya ng Español sa
Sta. Isabel tuwing bakante.
Tutor
Sige, ipakilala mo ang iyong sarili sa wikang Español at isulat
mo ito sa papel.
Rizal
Me llamo.. Rizal Soy de Calamba, Laguna tengo onse años…
Unti-unti ay gagaling si Rizal sa nasabing wika.
Makakamit din niya ang titulo bilang emperor makalipas lamang
ang isang buwan.
Propesor
(Nagtatawag nga mga pangalan ng mga Emperor Paeng Rivero,
Primitivo Mojares) Jose Mercado Rizal,
Tatayo si Rizal sa harap at pasasalamatan ang propesor.
Ipakikita ang kahiligan ni Rizal sa pagsusulat at pagbabasa ng
mga nobela
Ipakikita ang isang malaking props ng Count of Monte Cristo na
nobela.

You might also like