You are on page 1of 1

Populasyon ng mga mag-aaral ng Rotonda, tumaas ng 9.

91 %

Kumpara noong nakaraang taong panuntunan na ang bilang ng mga estudyante ay 353,
sa kasalukuyang taon umabot na sa 388 ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng
Rotonda at patuloy pang nadaragdagan. Hindi pa kasali rito ang animnapu’t tatlong mag-aaral
sa Senior High.

Ayon kay Jenny Rose Faustino, tagapamahala ng enrolment ng Paaralan, dahil daw ito
sa maraming bilang ng mga lumipat mula sa ibang paaralan at mga nagsibalik sa pag-aaral.
Dagdag pa niya, nakatulong sa pag-ingganyo ng mga mag-aaral ang mga programang patuloy
na inilulunsad ng Paaralan gaya ng oplan-balik eskwela at adopt-a-child program kung saan
binibigyan ng tulong pinansyal ang mga estudyanteng pursigidong mag-aral.

Para naman sa punong-guro na si Venerando C. Dela Cruz ito ay isang magandang


senyales sa pag-unlad ng Paaralan. Maaari din daw na tumaas ang buwanang MOOE o
Maintenance, Operation and Other Expenses dahil dito.

“Patuloy lang sa pag-ugyon o pagtutulungan tayong lahat para sa kinabukasan ng mga


mag-aaral at estudyante.” Pahayag ni Dela Cruz sa isang panayam.

“Hindi ko kayang mag-isa, kailangan ko ang tulong ng bawat isa sa inyo. Basta sama
sama, kaya nating mas mapaunlad pa ang ating eskwelahan.” Dagdag pa niya.

Subalit sa kabila ng pagtaas ng populasyon ng Rotonda NHS, may mga estudyante


parin itong nanganganib na mahinto sa pag-aaral. Kung kaya’t paliwanag ni Dela Cruz, dapat
mas lalo pang paigtingin ang pagbisita sa Bahay ng mga mag-aaral na ito at patuloy na
hikayatin at gayakin na ipagpatuloy ang pag-aaral.

Ibig sabihin, mas mahabang oras ang dapat ilaan ng mga guro sa mga mag-aaral na ito
upang mas magabayan sila sa tamang landasin ng buhay.

You might also like