You are on page 1of 2

Sana’y Maibabalik Pa Ang Mga

Kahapon
Sisimulan ko sa kung saan kami pa’y buo at masaya. Ang araw na una
kong nakita ang liwanag ng mundong ito at ito ang pamilya ko. Si papa na
parating nauunang gumising para kaming mga anak ay hahalikan niya sa noo
habang kami ay tulog pa. Si mama na bawat paggising niya ay palagi niya
kaming ipinagdarasal sa Maykapal. Ang kapatid kong matiyaga at masipag na
gigising agad para mag-aral sa mga aralin. Si bunso naman na pinakamatagal
gumising at kahit gisingin mo pa nang gisingin ay ayaw talaga munang
gumising. Ewan ko ba kung bakit ang tagal tagal gumising ng bunso namin
kapag may pasok sa paaralan. Kung wala namang pasukan, mas nauuna pa
nitong gumising para maglaro sa labas. Ako naman na walang magawa kundi
ang magmasid sa bawat kilos at ginagawa nila.

Agahan, tanghalian, at hapunan, kami ay palaging magkasabay na kumain


at muntik ko na palang makalimutan, kapag meryenda din pala. Naalala ko pa
noon na kung sino ang huling kumain ay siya ang paliligpitin sa
pinagkainan namin. Dahil sa ako palagi ang huling kumain, alam ko na kung
ano ang dapat gawin pagkatapos kumain. Buti nalang ay may utak pa ako para
gumawa ng desisyon, desisyon na dapat papayag ang mama ko at pumayag naman
ang mama ko sa desisyon kong magpalit-palit kami ng kapatid ko sa
paghuhugas.

Sa panahon na kami ay nababagot o walang magawa ay bigla nalang akong


sasayaw para tatawa sila dahil sa baduy kong sayaw. Hindi rin
nagpapatalong magpasikat ang bunsong kapatid namin at bibong-bibo itong
sasayaw sabay halakhak ng kanyang mga labi habang kami ay aliw na aliw na
nakatingin sa bunso namin. Kung saan ang mga ngiti sa aming labi at
ligayang naramdaman ng aming mga puso ay hinding hindi matutumbasan ng
kung ano pa man.

Isang araw, nagising nalang ako dahil sa boses na aking narinig,


boses na nakatatakot, boses na parang galit at napakalakas nito. Alam kong
boses ‘yun ng papa ko. Sa dinami-dami ng pinagsasabi ni papa, isa lang ang
nasa puso’t isipan ko, takot at kaba. Pumasok na sa paaralan ang dalawang
kong kapatid at ako nalang ang hindi pa pumasok. Nakita ko ang mga luhang
pumatak galing sa mga mata ng mama ko. Nakita ko ang mga pulang mga mata
ng papa ko na halatang galit na galit talaga. Binalewala ko ang lahat nang
iyon dahil kailangan ko pang pumasok sa paaralan. Habang hinahanda ko ang
aking uniporme sabay kinig sa mga masasakit na sinasabi ng aking papa, ‘di
ko na kinaya at nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumuhod sa harapan
nilang dalawa at ang mga luha ko’y hindi mapigilan ang pagpatak habang
pautal-utal na nagmamakaawang tapusin na ang away nila. Oo, natapos nga
ang away nila pero ‘dun na rin siguro natapos ang relasyon nilang mag-
asawa.

Hanggang ngayon, pinagdarasal kong magkabalikan sila, pinagdarasal


kong hindi mawala ang pag-ibig na kung ano ang meron sila, at pinagdarasal
kong magkaroon sila ng pag-iintindi sa isa’t isa. Alam kong hindi na
maibabalik pa ang kahapon pero ang alam ko sa ngayon ay mabubuo rin kami
ulit na masaya, masagana, at mapagmahal sa bawat isa.

You might also like