You are on page 1of 119

.7th Unit.

written by: purpleyhan


© November2011

CHARACTERS

Kristell Lyka Alonzo


Dylan Arellano
James Patrick Sison
Meily De Guzman
Kyle Adrian Alonzo
Catherine Arellano

.Prologue.

Love? Tss. I don’t care ‘bout that.


Mas priority ko pa ang friendship. Ayokong may nasisirang pagkakaibigan dahil sa love love na
yan.

But. THE HELL. Di ko alam na mangyayari sa akin ‘to.

I have fallen in love for the first time. Don’t know what to do. Parang biglaan na lang. But it
hurts. Masakit pala no? Diyahe!

Di ko alam kung,
He’ll be staying with me. Or he’ll run away from me. Hirap no? Baliw kasi ako eh.

Sabi nga sa movie na Captain Corelli's Mandolin:

When you fall in love, it is a temporary madness. It erupts like an earthquake, and then it
subsides. And when it subsides, you have to make a decision.

And my decision is,


at the 7th unit.
.chapter 1.

Sobrang init! And I’m lucky dahil wala akong payong. Great. :| At super sakit na rin ng paa ko
ha? Kanina pa ako lakad ng lakad dito. Where the heck is that place?!

Hay, sana kasi nagtatanong ako para mahanap ko na yun. Naku naman. Buti may babae dito sa
labas.

“Uhmm, excuse me po ma’am. Alam nyo po ba kung saan yung mga apartment na pinapaupahan ni Mrs.
Gonzales?” Nasaan na ba kasi yun?
“Ahh, ako si Mrs. Gonzales. Mag-iinquire ka ba Ms.?”

AAAHHH! Andito lang pala yung apartment sa likod ko?! Akalain mo nga ring napagtanungaan ko pa
yung may-ari? Swerte nga naman oh. Buti nahanap ko na! Kanina pa ko ikot ng ikot dito, ang
init-init pa man din!

“Opo. Magkano po ba per month?” Sana mura lang, please?


“3,000 per month. Pero malaki naman yung room. Gusto mong makita? Tara.”

Nag-tour naman kami dun sa mga apartment. Infairness, malaki nga para sa isang tao! Kinuha ko
yung number 7 na nasa second floor dahil dalawa nalang yung bakante. Eh yung isa nasa
pinakadulo, ayoko nga nun. Nagbigay naman na ako ng deposit tsaka advance payment. Pwede na daw
akong lumipat next week dahil mabilis ng ayusin yung unit ko. Next week lilipat na ako. ^_____^

Dahil tanghali na nung makaalis ako doon sa apartment, kumain muna ako sa Jollibee tapos
bumiyahe na rin pauwi. Natulog lang naman ako buong biyahe.

After 2 hours na biyahe ay nakarating na rin ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, tumakbo agad
ako sa kusina dahil nandoon sya at nagluluto.
“KUYAAAA!! ANDITO NA KO!”

Napatigil naman sya at tumingin sa akin.

“Oh? Kamusta biyahe? May nahanap ka ng apartment?”


“Ahh, o--..”
“Magkano? Kailan ka lilipat? Malaki ba?”
“Pw--..”
“Malapit lang ba sa campus? Maganda ba? Anong--”
“KUYA!!!!!”

Natawa naman ako dahil nagulat talaga sya at nanlaki pa yung mata. Para talagang bata ‘to!

“Hindi ka naman masyadong excited magtanong no? Andami eh! Nagmamadali? Nagmamadali?”

Tinawanan naman nya ako. Sinikmuraan ko nga.

“Aray ko! Ang sakit nun ha?! Eto, masama bang tumawa?? Pasalamat ka di ako nananakit ng babae.”

Aba! Di daw nananakit? Wala nga syang dugo ng pagiging mabait eh!

“Sus! Talaga lang ha? Eh kung isa-isahin ko kaya lahat ng karahasan mo ha? Pinalo mo nga ako
nung grade 1 ako eh, tapos binalot mo pa ako sa kumot nung grade 4 dahil kinain ko yung cake
mo, pinalo mo rin ako nung--”
“Oy, ibang kaso naman yun!” sabay inom ng tubig na para bang napahiya. HAHAHAHA! Guilty!
“Kahit na no? Nanakit ka pa rin. Di daw nananakit? 5,000 nga pala yun per month. Next week na
ako lilipat.”

Buti talaga malayo ako sa kanya, kundi shower time talaga yun para sa akin. Ibuga daw ba yung
tubig?! Tinapik-tapik ko naman yung likod nya ng malakas.

“Hinay-hinay lang kasi sa pag-inom! Ang dami-dami nating tubig dyan oh.”
“Aray ko. Tama na nga. Teka! Bakit ang mahal?!? Wag ka dun mag-rent!”

Halatang ayaw na ayaw nya doon. Ang dami niyang sinabi nung sabihin kong 5,000 per month yung
rent doon. Ang sarap talagang lokohin ng kuya ko! Parang bata kasi yung facial expression eh.

“HAHAHA. 3,000 lang pala. Sayang, may kupit sana akong 2,000 per month oh! Tsk. Pasalamat ka
kuya, mabait ako.”
“Mabait ka pa ng lagay na yan ha? You’re evil.”
“Hmp, pa-english english ka pa, bahala ka nga dyan. Sige, akyat na ko.”
“Talaga, umakyat ka na. Baka gusto mong masapok ng di oras.”

Iniwan ko na sya dun sa kusina at tinuloy nya na yung pagluluto. Umakyat naman na ako at
pumasok na sa kwarto. Nagbihis na rin at humiga sa kama.
HAYYY! I can’t believe this. College na ako in less than a month. Nakakakaba na nakakatakot.

Ako nga pala si Kristell Lyka Alonzo, magcocollege na this school year. Si Kyle Adrian naman
ang kuya ko. Kaming dalawa na lang dito sa bahay dahil wala na kaming parents. They died
because of a car accident nung 1st year highscool ako at si kuya ay 1st year college. Malungkot
pero nakapag-move on na kami. Siguro. Well, wala akong masyadong friends as in close or best
friend dahil hindi ako marunong makipag-socialize. Or should I say, ayoko nang makipag-
socialize. Ayos na rin ang may kuya ako, at proud ako diyan dahil tumatayo siyang magulang ko.
Oo nga pala, sa malayong university ako mag-aaral kaya kailangan kong mag-apartment. Ayaw ni
kuya sa dorm dahil daw mahirap mabuhay doon lalo na kung ubod ng bagal ang mga kasama mo.

Ang tagal ko na ring nakatunganga lang dito. Andami kong naiisip pag nagsimula na yung first
semester. Hayyy. Bahala na nga! Ayoko nang mag-isip, masakit masyado sa utak!
Kumain lang kaming dalawa ni kuya nung gabing yun tapos natulog na rin.

***
Okay. Nakatayo ako ngayon sa may pintuan. First day sa apartment with kuya! Grabe ang gulo-
gulo. Tinulungan naman ako ni kuya na mag-ayos ng mga gamit kanina. Medyo kaunti lang yung
dinala kong gamit kasi mag-isa lang naman ako dito tsaka konti lang naman talaga yung gamit ko
eh. Ngayon ay nakatayo lang ako sa may pintuan dahil sumakit na yung likod ko.

“Hoy babae, tulungan mo ko dito. Nakatunganga ka na naman dyan eh! Di porket babae ka eh di ka
na tutulong.”
Kita mo ‘to. Iniistorbo pa ako sa pagpapahinga ko eh.
“Oo na. Andyan na po! Andami pang sinabi eh.”
“Good girl.” Tapos ngumiti ng nakakaloko.

Sa buong maghapon eh nag-ayos lang kami ng gamit ko. Grabe pala?! Kahit konti lang yun, inabot
pa rin kami ng magdamag sa pag-aayos.

Nung bandang 5 ng hapon, umalis na si kuya kaya mag-isa na lang ako dito. May work kasi siya sa
Manila na di niya maiwan kaya di siya pwedeng mag-stay dito. Naman eh! Buti medyo maayos na.
Konti nalang yung mga nakakalat na gamit. Nag-ayos-ayos din naman ako ng mga damit at personal
things ko hanggang 8:00. Ay, nakakapagod talaga!!!

Kumain nalang ako sa labas dahil tinatamad na akong magluto. Nakakapagod kayang magligpit?!
After nun eh umuwi na rin agad ako.

Homesick mode! Arrggghh! Di ako makatulog!!! Kanina pa ako dilat ah?! Ewan ko kung naduling
lang ako pero pagtingin ko sa orasan ay alas-tres na. Kamusta naman diba? May campus tour pa
bukas ng 7:00. Ahhhh, patay na ko.
Pinilit ko namang matulog. Kaso napakababaw lang. Nagigising ata ako every hour eh! Naman!

“AAAAHHHHHHHHHHH!!!!”

Nagbibiro ba ‘to?! 6:45 na?? Ayyyy!! Naman oh!

Napakilos ako ng mabilis nun. 15 minutes? Di ‘to kaya. Late na talaga ako nito. Arrgggh!
Nakaalis ako sa bahay ng 7:15. Ano ba yan, campus tour lang nalate pa ako. Kakahiya.

Buti nalang di pa nagsisimula pagdating ko. Pinag-group kami according sa mga course namin.
Pero dahil around hundred students per course, hinati pa ulit yun sa tatlo, or apat sa iba na
masyadong marami. So, 25-40 kami per group.

Nag-ikot-ikot naman na sa campus. Nakakapagod at masakit sa paa! At in fairness, ang lalayo ng


mga buildings ha? At in fairness din, wala akong makausap dito! Nagiging loner ako nito eh!
Sana talaga matapos na ‘to.

Habang tumatagal ay nakakabisado ko na yung mga buildings. Kaso di ko maalala kung saan yung
math building. Oh well, pwedeng magtanong Lyka. Kinalabit ko naman yung nasa unahan ko dahil
wala akong katabi.

“Uhm excuse me po? Saan nga ulit yung Math Building? Kanan o kaliwa?” Sana natandaan pa ng
lalaking ‘to.
“Bakit ko sasabihin? Makinig ka kasi.”

Wow, napakagandang sagot. Best answer I’ve ever heard!! Ang sungit mo! Doon pala ang Math
building?! Hmmp bwisit!! Panira ng araw.

“Kala mo naman kung sinong magaling. Siguro di nya lang rin alam. Aggrrh, ang sarap sapakin ng
mokong na ‘to eh.”
“Anong binubulong-bulong mo dyan? Ha?” Aba, at may gana pang magtanong ‘to? Magantihan nga.
“Bakit ko sasabihin?! Makinig ka kasi!!!”
“Aba?! Psshh!” sabay talikod sa akin.

Nakita ko naman yung reaksyon nya. Nakakatawa!! Nawala yung inis ko. Para syang bulkang sasabog
na eh.HAHAHA. Gusto ko nang tumawa ng malakas kaso nakakahiya. Lumayo naman na ako sa kanya at
baka masapak ako nun ng di oras.

After 2 hours ng pag-iikot eh natapos na rin. Sa wakas! Nagutom ako dun ha? Wala man lang
silang pakain?! HAHAHA. Asa, Lyka. Pumunta nalang ako sa convenience store.

Basta gutom ako. Andami kong pinagkukuha. Tinapay, chips, inumin, tapos may chocolate at
candies pa. Hay naku, lulusog ako nito. At, gastos na naman! Fifty pesos nalang ang natira sa
dala kong pera.Dumaan naman ako dun sa may mga alak dahil may malaking salamin akong nakita
doon kanina. Mag-aayos lang ng sarili. Kaya lang, ang pangit ng view na nakita ko sa salamin
eh. Sa likod ko ay may isang lalaki na nakakairita ang pagmumukha. Kainis! At mukhang nakita pa
ako. Makaalis na nga!

“Uy!” tapos tawa ng tawa. Baliw siguro ‘to?

Di ko nalang pinansin. Mukha syang ewan dun na tawa ng tawa.

“Wag mong titigan yung salamin at baka mabasag! Talagang pumunta ka pa dyan para lang
magsalamin ha? Ibang klase ka! Wala ka bang salamin ha? At saka, di ka ba nahihiya sa ginagawa
mo?”

Dahil sa sobrang inis ko, humarap ako sa kanya. Kaso mukhang maling move yun.

“OH MY GOD.”

Paano ‘to?! Patay na. Ayoko na!! Bwisit yung lalaking yun.
Pumunta naman yung isang staff dun at nakita yung nangyari.

Ang alam ko lang nung mga oras na yun ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ayoko nang marinig
yung saabihin ng staff!

“Sinong nakabasag ng mga alak??”

Help?

.chapter 2.

Anong gagawin ko?! Wala akong dalang pera!! Nagastos ko na!

“Siya po.” Sabay turo sa akin. AHHH!! Pahamak talaga tong lalaking ‘to.

“Bleh!” Nang-aasar pa talaga!!!!! AAARRRGGHHH!! HE’S GETTING INTO MY NERVES!

“Miss, you have to pay this. Dahil isang set ang nabasag mo, 4700 ang babayaran mo.”
“Whatttt?!?! Pe..pero po wala akong dalang pera ngayon.”
“Oh pano yan? Kailangan mo tong bayaran ngayon.”

Umalis naman sya at kukuha ata ng panglinis. Buti mahinahon siyang makipag-usap. Pero
nakakatakot pa din!!

Naiiyak na ako nun. Paano yan?! Nasa bahay yung pera ko. Anong gagawin ko? Naiyak na talaga ako
nun. Nakakainis naman kasi eh! Pinagtitinginan na kami ng mga tao dun. Bwisit kasi tong
lalaking ‘to eh!

“Nakakainis ka!!”
“Ako pa may kasalanan? Ikaw humarap sa akin dyan eh!”

Teka. May naisip ako. Dahil kasalanan naman niya talaga ‘to eh! Kailangan ko ‘tong gawin.
Hingang malalim. Kailangan ng konsentrasyon! PRIDE, dyan ka muna sa tabi. Babalikan kita!

“PAUTANG NGA!!”
“Haharap pa kas—ANO?!?!?”
“Sabi ko pautang!”
“Ayoko nga. Bahala ka na nga dyan! Alis na ko.”

AAHH. Di pwede ‘to! Hinatak ko naman sya nun para di sya makaalis.

“Ano ba bitawan mo nga ako!”


“Pautang na kasi!”
“Ayoko nga sabi eh.”
“Sige na. Please?”
“Close ba tayo ha? Bahala ka na nga dyan!”
Umiyak na talaga ako nun ng malakas. Di ko na alam yung gagawin ko. Makukulong na ba ako, ha?

Narinig ko naman yung mga bulung-bulungan ng mga tao. At may naisip ulit akong magandang idea.
Hmm, di mo ko papautangin ha?? Makonsensya ka!

“Ano ba yan? Nagpapaiyak ng girlfriend? Anong klaseng lalaki yan?”


“Bakit kaya sya umiiyak? Nakakainis naman yung lalaki, mukhang inaway. Wala talagang kwenta mga
lalaki eh. Kahit kailan.”

I’m sure narinig nya rin yung mga sinasabi ng mga tao sa paligid nya kaya napahinto sya tapos
tumingin sakin. Akalain mo yun? Madali pala siyang maapektuhan ng mga sinasabi ng ibang tao?
Buti na lang.

Nilakasan ko naman lalo yung iyak ko para magpanic sya. Wala na akong pakialam kung sinong
makakarinig. Basta kailangan ko ng pera ngayon! Nagulat ako nung tumakbo sya papunta sakin
tapos tinakpan yung bibig ko.

“Shh, wag ka na ngang umiyak! Ako napapahamak dahil sa’yo eh!”

Tumigil naman ako sa pag-iyak.

“Pa..pa..papau..utangin mo..mo na ko?” Nagtanong pa rin ako kahit humihikbi.


“Oo na! Nakakainis ka!”
“YE..HEY! P..promise ba..baba..yaran ko. T..thanks!” Para akong baliw nun. Kasi nakangiti ako
pero humihikbi-hikbi pa din.
“Fine!! Eto oh! Bahala ka na dyan!” tapos tumakbo na sya palabas ng store. Baliw talaga yun.

OMG. 5,000?!? Ang yaman nya ha? Nagbayad na ako para dun sa mga nabasag ko, then umuwi na.

GRABBEEEEE! Nakakastress yun ha?! Nakakahiya pa!! Argghh!! Nakakainis talaga!!!! Di ko nga alam
kung paano ako nakauwi sa bahay ng maayos eh. As in sabog ako habang naglalakad. Ang gulo-gulo
ng ayos ko! Pero pag naaalala ko yung kanina, naghahalo lahat ng feelings ko eh! And I think
hindi yun maganda.

Natulog naman ako ng maaga dahil first day of classes bukas. Kakalimutan ko na lang lahat ng
nangyari doon sa convenience store. Baka kasi sa sobrang pag-iisip ko ay di na naman ako
makatulog, malate pa ako.

***

Rise and shine! Inat-inat muna.

Nagprepare ako ng sinangag at hotdog for breakfast. Naalala ko tuloy si kuya. Dati siya yung
naghahanda para sakin. Hay, nakakamiss kahit tatlong araw pa lang ako dito.

Naligo na rin ako at nagbihis. Dahil first day, kailangan presentable ang suot kaya nag-skirt
ako and pinagpatong ko nalang yung dalawang damit. Cute naman tignan eh. And I’m off!

Dahil sa Math Building ang una kong klase, naalala ko na naman yung lalaking yun. Teka, di ko
pala alam pangalan nya? Paano ko mababayaran... Ay, bahala sya!

Napahinto naman ako. OMG!! Di ko dala yung pambayad ko! Patay na.. Tsk, hayaan mo na nga. May
bukas pa naman, at saka di naman ako sure kung makikita ko siya ngayon. So, tinuloy ko nalang
ulit yung paglalakad. Pagdating ko sa room...

Masyado ata akong maaga? Wala pang tao sa room eh. Well, eh di maghintay. 6:40 pa lang naman
eh. Umupo ako sa bandang dulo dahil hindi ako ganoon ka-talented sa pakikipagsocialize.

Maya-maya lang ay nakita ko nang dumarating yung mga classmates ko. Nanlaki naman yung mata ko
sa nakita ko. Kita mo nga naman oh, sa kasamaang palad, classmate ko pa sya.

Hay Lyka, magpakabait ka. Malaki utang mo dyan....

Oh my God, yung utang ko!!


Di nya ata ako nakita kaya magandang pangyayari iyon. Ayoko namang singilin nya ako sa harap ng
maraming tao. Nakakahiya yun no.

Maaga rin namang dumating yung professor namin. Dahil first day, nagpakilala lang sya at
inintroduce yung subject.

Nagulat naman ako nung pinatayo kami. Anong meron?

“Okay class, para di ako mahirapan magcheck ng attendance at para madali ring magrecord, i’ll
arrange you according to your colleges and courses.”

Akalain mo ngang may seating arrangement pa rin pala kahit college?! Akala ko pa naman..

Teka?! Ibig sabihin malaki ang possibility na malapit ako sa kanya dahil pareho kami ng course?
And worst, magiging seatmate ko sya? Oh God, please no.

“Alonzo, Kristell Lyka here.” Unang una pa oh. Nga naman. Di na nagbago simula high school.

“Arellano, Dylan next to Alonzo.” Pagtingin ko kung sino...

Siya?! Sabi ko nga worst eh. Nag-turn naman ako doon sa left side para di nya makita yung mukha
ko. Kainis naman, katabi ko pa ‘to. Dinapuan na ba ako ng kamalasan?!

Nagulat naman ako nung bumulong sya.

“Hoy wag ka nang magtago. Kita na kita. Yung utang mo ha?”

Sabi ko nga nakita nya ko!

“Oo na, bukas ko babayaran. Naiwan ko eh.”


“Siguraduhin mo lang. Baka takasan mo ko.”
“Kung pwede nga—I mean, paano kita matatakasan eh magkaklase nga tayo dito?”
“Aba malay ko ba kung di ka pumasok bukas? O kaya the next day?”
“Hoy attendance din yun! Babayaran ko nga bukas.”

Nagpatuloy namag magdicuss si sir pero general information lang about sa subject. Di naman sa
pagmamayabang pero medyo magaling naman ako sa math kaya sana madali kong ma-gets yung mga
ituturo nya sa amin.

“God. I hate math!” Ano ba ‘tong nilalang na ito. Nagsasalitang mag-isa. Baliw? Hate daw ang
math? Ang saya-saya kaya non!
“I love math! Masaya yun!”
“Am I asking your opinion? At saka bakit mo ba ako kinakausap ha?”

Bwisit talaga ‘to. Nakakainis yung mga sinasabi eh. Buti nga kinakausap pa sya eh, kaysa naman
nagsasalita syang mag-isa?!

“Feeling ka. Kausap ko kaya sarili ko! At saka bakit mo ba ako kinakausap ha?”
“Ewan ko sa’yo. Ang hilig mo ring manggaya ng mga sinasabi eh no? Baliw.”

ARGGHH! Bakit ba kapag nakikipagtalo ako dito feeling ko ako lagi ang talo? Hindi naman di ba?

Natapos naman ang Math kaya english naman. One hour pa yung break ko pero pupunta na rin ako
dahil wala naman akong gagawin at tinatamad na rin akong bumalik sa apartment. Palabas na ako
sa pintuan kaya lang may humatak sa braso ko.

“Ano ba?”

Panira talaga ng araw ‘to eh.

“Ano bang problema mo ha? If you don’t mind, may klase pa ako.”
“May klase? Bakit sa schedule mo may one hour break ka pa?”

At paano naman nalaman ng taong ito? Stalker ba sya? Ayan, umaatake na naman ang kakapalan ng
mukha ko dahil sa kanya. Kainis!

“Paano mo nalaman? Stalker ka ba?”


“Kung ikaw ang ii-stalk, No way. Ayan oh! Kitang-kita kaya!”

Sabi ko nga nasa maliit na ataché case na see-through yung sched ko. Sorry naman, bulag lang!
Pahiya ako dun ah.
“Sabi ko nga!”
Bigla naman nya akong hinila. Ang lakas nya ha? Di ako makapalag at baka bigla nalang akong
madapa sa sobrang bilis ng lakad niya.

“Ei san ba tayo pupunta? Ha?”

Di naman sya sumagot. Ang ayos talaga niyang kausap no?

Huminto naman siya kaya napahinto rin ako. Okay alam kong canteen ‘to pero wag niyong sabihing
kakain kaming dalawa?

“Kakain tayo?”
“Ano pa ba?” tapos pumasok na siya.

Di naman ako gumalaw doon. Kasabay ko siyang kumain? Yun na yata ang huli kong pangarap. Kung
pwede nga wag ng mangyari.

Bigla naman siyang lumingon tapos nag-sign na pumasok ako.

“Ayoko! Bahala ka diyan!” naglakad ako palayo doon sa canteen, kaso nakakatatlong hakbang pa
lang ako ay may humawak na naman sa braso ko.

“Says who?”
“Says me.”

Pumunta naman siya sa likod ko at tinulak-tulak pa ako papasok dun sa canteen.

“Ano ba? ayoko nga.”


“Dali na, ang arte mo.”
“Eh sino ba kasing nagsabi na isama mo ako dito? Hindi naman ako nagugutom kaya mag-isa ka
nalang kumain!”
“Hindi pwede.”
“At bakit?”
“Well, ililibre mo lang naman ako. Remember, utang mo?”
“Fine! Wag mo nang ipaalala. Teka, pera lang naman kailangan mo diba?”

Tinignan ko yung wallet ko. At sa kamalas-malasan, walang barya. 200 na buo yung andoon.

Nagulat naman ako nung kinuha nya tapos tumakbo doon sa bilihan.
Bwisit talaga yun. Imbes na nakaalis na ako eh! Hihintayin ko pa tuloy yung sukli.

Naghanap naman ako ng table kaya lang yung puro pandalawahan nalang yung natitira. Teka nga?
Ano naman, eh kukunin ko lang naman yung sukli? Okay na dito, siya lang naman mauupo dito dahil
aalis rin ako agad.

Nakita nya ako kaya papunta na siya dito. Hay salamat, makakaalis na ako.

“Oy akin na yung sukli ko at aalis na ako.”


“Says who?”
Ang hilig niya sa ‘says who?’ ha.

“Says me.” Ako naman sa ‘says me.’ >:D


“Oo. Kakain muna ako bago ko ibigay. Kung gusto mo, kunin mo sa bulsa ko.”

Arrrgggh!! Nakakainis talaga siya! Alangan namang kunin ko sa bulsa nya? Nakakahiya yun! Makita
pa ng ibang tao, sabihin kung anong ginagawa ko. Ngayon kailangan ko pang maghintay!

“Bwisit ka talaga.”
“I know.” Sabay tawa. Nagsimula naman na rin siyang kumain.

Umupo nalang ako doon at pinanuod ko nalang siyang kumain ng.....

“Apat na kanin?!?!”

Di ko napansin yun kanina ah? Nabilaukan naman siya kaya nagpanic ako. Nag-iba kasi yung kulay
ng mukha nya. Napatayo tuloy ako ng di oras at tinapik-tapik ko yung likod niya. Maya-maya
lang, ayos na siya nung uminom siya ng tubig. Buti naman!
“Papatayin mo ba ako ha?!”
“Pasensya naman! Eh nagulat lang naman ako ah?! Paano ba naman... ” tapos tinuro ko yung
pagkain nya.
“Kaya mong ubusin yan?”
“Eto? Parang apat lang!”

Hindi naman halatang gutom siya no? o yan talaga ang normal na dami ng pagkain niya? Ay ewan!
Wala na akong balak alamin.

Wala pa sigurong ten minutes ay tapos na siyang kumain. Ibang klaseng talent yun ah! Ang bilis
niyang kumain.

“Akin na yung sukli ko.”

Hindi niya ako pinansin at naglakad na paalis sa canteen.

Aba?! Pagkatapos niya akong paghintayin??

Tumakbo naman ako at hinawakan ko siya sa braso.

“Yung sukli ko?? Wag mong sabihing 200 lahat yun? Sabi ko naman sa’yo babayaran ko bukas yung
utang ko eh. Balik mo na yung sukli dahil wala na akong dalang pera!”

Naglalakad pa rin siya kahit hawak ko yung braso niya. Grabe, ako pa yung nakakaladkad eh!

“Sa room ko nalang ibibigay.”


“Dito na lang! Bakit sa room pa??”

Teka... room?!?!?

“What do you mean… sa room???”

Ngumiti siya ng nakakaloko. Mukhang nagegets ko na, pero sana mali yung hinala ko. Don’t tell
me....

classmate ko din siya sa English???


.chapter 3.

“Oh my God, no way!”

Tumawa naman siya ng malakas.

“Oh come on! Ayaw ko rin namang maging classmate ka no, kaya wag kang mag ‘no way, no way’
diyan. And pwede ba, bitiwan mo yung braso ko?”

Natakot ako sa tingin niya kaya napabitaw ako ng di oras. Kainis na schedule ‘to! Bakit ba
classmate ko na naman siya? Ang malas malas ko na simula nakita ko sya.
Di ko namalayan na andito na kami sa room namin. Nakakainis talaga!

“Oh akin na yung sukli ko.”

Wala naman siyang sinabi at binigay nalang yung pera tapos pumwesto doon sa pinakalikod.
Pagtingin ko, 140 pa yung pera. So 4840 nalang ang utang ko sa kanya. Ayos. Pero ang laki pa
rin nun. Hayyy. !

Gusto ko sana sa likod umupo kaso baka isipin ng taong ito na sinusundan ko siya. No way! At
ang nakakainis pa ay sa harapan nalang ang mga vacant seats. Now I have to sit in front because
of that freaking monster!! I hate him!!
Ayun. Puro orientation lahat ng subject na napasukan ko. AND THE WORST IS.. HE’S MY SUPER
CLASSMATE. Almost, I mean. Buti at di ko siya classmate sa Chemistry! Haha, pero magkatabi lang
ng room. Wow. Gusto ko nang lumipat ng university. Bwisit talaga!!!! Sa dinami-rami ng mga ka-
course ko, bakit siya pa?? Isinumpa ko talaga ang araw ng campus tour. GRRRRR.

Pagkauwi ko sa bahay, feeling ko ay pagod na pagod ako. Ewan, pero bagsak agad ako sa kama. Di
ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising naman ako bandang 2:30 ng madaling araw at hindi
na ulit ako makatulog.

Nag-prepare ako ng breakfast ko at nag-ayos na rin. Ang aga pa, ano kayang pwedeng gawin?

Nakapagdesisyon naman ako na maglakad-lakad na lang at hintaying mag-time. Dumiretso ako doon
sa may mga bench malapit sa Engineering college. Ang sarap pala ng simoy ng hangin dito kapag
madaling araw. Pagtingin ko sa relo ko, 4:30 pa lang. Ang aga pa! Pinikit ko muna yung mata ko
para ma-relax ako.

Pagdilat ko, tsaka ko na-realize na nakatulog pala ako. Bigla ko namang tinignan yung relo ko,
6:00 pa lang. Whew! Buti naman! Akala ko late na ako eh.

“Hey miss, next time don’t just sleep here.”

Napaatras naman ako kaya nalaglag ako sa upuan. Bakit ba bigla ‘tong sumulpot sa tabi ko?!
Nakakagulat ha!

Tinulungan nya akong tumayo doon. Nakakahiya naman! Pagtingin ko sa kanya, naka-smile lang
siya.

Hmm, feeling ko Korean or Japanese siya. Di kasi siya mukhang Pilipino eh! Pero infairness ha,
ang galing niyang mag-English! Para siyang Amerikano kung magsalita. Ano ba yan!! Ang dami ko
nang sinabing lahi ah! Cute din siya ha. Ang lalim ng dimples eh. Mapagtripan nga.

“Nakakaintindi ka ba ng Tagalog?” Kumunot naman yung noo nya. Mukhang hindi nga!
“HAHA. Buti naman. Buti at di mo ko maiintindihan!” Oh God. Nababaliw na naman ako
“Bakit ka kaya tumabi sakin kanina? Siguro nagandahan ka sa akin no? HAHA. Ang kapal ko talaga!
Pero alam mo, cute ka din eh! Bagay tayo no? HAHAHA.” Natatawa talaga ako! Buti di niya
naiintindihan yung mga pinagsasabi ko. Ang cute niya tignan kasi naka-smile lang siya.
“Hey, alis na ako ha, sige babay! I mean, goodbye!” Naglakad naman na ako palayo dahil medyo
malayo ang Math building no!

Pero bigla na lang akong kinilabutan kaya napahinto ako at napatingin sa likod.

Merong kausap yung katabi ko kanina. Di ko naman naiwasang makinig..

“Hey bro, pasok na tayo. May assignment ka na ba?”


“Yup. Pa-compare na lang ha?”

Gosh. Tumakbo na talaga ako nun. NAKAKAHIYAAAAAAAA!! Bakit ganun?! Bakit nagtatagalog
siya?!?!?! Di ba hindi naman siya nakakaintindi nun?? OH MY GOD. Or asuming lang ako na hindi
siya nakakaintindi ng Tagalog?? AHHHHHHHH!! Ayoko na talaga!!!

Tumakbo talaga ako papunta sa Math building kahit maaga pa. Nakakinis! Sana hindi mag-cross ang
landas namin! Papakatay na talaga ako pag nangyari yun! Kung anu-ano pa man din ang pinagsasabi
ko sa kanya! You are so stupid Lyka. Sinampal-sampal ko naman yung sarili ko nang matauhan ako
sa ginawa ko. GOSH.

Di naman ako makapag-focus sa klase. Napapailing nalang ako pag naaalala ko yung mga
pinagsasabi ko. Eto namang katabi ko eh nambubwisit na naman dahil sa peste kong utang. Naku
naman! Eh wala pa nga akong pambayad eh! Naiwan ko ulit! Or should I say, napambayad ko na sa
rent sa bahay. May advance-advance payment pa kasing nalalaman eh!

Papunta na akong next class. Nasa unahan ko si mokong. Ayoko namang makisabay sa kanya no? Duh?
Baka may sabihin na naman yang di maganda.

Nagulat naman ako nung andaming babaeng pumaligid sa kanya at yung iba ay kinukuhaan pa siya ng
litrato. Aba, SIKAT siya? Ayos ha. Lakas ng hatak niya sa mga babae!

Nakita ko naman na pinilit niyang makawala dun sa crowd. Kung saan-saan na siya lumusot para
lang makalabas. Hay naku! Bakit ko ba siya pinapanuod?? Nagtuloy-tuloy nalang ako naglakad
hanggang makarating ako sa room namin. Hay, sa unahan nga pala ako! Kainis! Nakakaantok pa
naman yung prof ko sa English!

Dumating naman ang loko after five minutes siguro. Ang gulo-gulo ng buhok niya tapos nagusot na
yung t-shirt na suot niya. Para siyang pinagsamantalahan! HAHAHA.. Yuck. Naka-receive naman ako
ng isang nakakatakot na tingin sa kanya dahil tumatawa ako. Bakit ba?! Siya ba ang
pinagtatawanan ko?! SIYA nga!

Ayun nga. Pumunta na akong next class which is History. Medyo okay naman dahil gusto ko rin ang
subject na ‘to. Nagtuluy-tuloy lang din ang klase ko hanggang 4:00 at umuwi na ako.

HAAY BUHAY! Nakakapagod palang pumasok! Kinuha ko naman na lahat ng hand-outs na pwedeng
basahin sa mga subjects ko. Kumain na rin ako ng maaga para tuluy-tuloy na ang pag-aaral at
pagtulog ko.

Isang linggo na rin pala ang nakalipas at ganun pa rin naman ang buhay ko. Masyadong magulo.

At napag-alaman kong sikat nga ang mokong dito sa campus. Paano kaya nangyari yun? Tsk. Di
kapani-paniwala!
Break ko naman kaya nasa canteen ako ngayon at kumakain ng tapsilog.

“Pst. Pahingi ulit ng pera.”

Napatingin ako doon sa nagsalita at nairita naman ako.

“Pwede ba wag mo akong guluhin ngayon? Kumakain ako oh? Istorbo ka eh.”

Eto na naman. Pinasok na naman sa usapan ang UTANG ko. Bwisit talaga to eh.

“Wala nga akong dalang pera ngayon, ok??”


“Eh paano ko kakain? Sino ba kasing may kasalanan, ha??”
“Bahala ka dyan. Ang kulit mo. Sabing babayaran ko nalang eh!” badtrip talaga tong lalaking to
eh.
“Ibawas mo nalang sa utang mo! Dali na kasi.”

Kinulit niya talaga ako nang kinulit. Di talaga ako nakakain eh. Badtrip neto! Wala akong
nagawa kundi bigyan siya ng pera. At ang kapal pa ng mukha, tumabi pa sa akin. Nakakawalang-
gana to ah!

Nagulat naman ako nung bigla siyang tumigil sa pagkain. Tapos sumeryoso yung mukha nya, di na
sya mukang rapist. Naramdaman ko ring may mga nakatayo sa likuran ko kaya lumingon ako.

“Hey Dylan, hello! !”

Woah. Ibang klase tong babaeng ‘to ah? Ang ganda niya, I mean ang gaganda NILA. Yeah marami
sila, mga lima ata. Si Dylan naman, seryoso pa rin, pero parang shocked na di mo maintindihan.
Pero nag-hello rin naman siya. At ako eh hindi ko maisubo yung pagkain sa kutsara ko dahil
nakakahiya! Ang rude ko naman kung kakain lang ako habang parang may mga nag-shoshoot na
artista rito.

Dahil nagtititigan lang naman sila, kumain nalang ulit ako. Eh sa nagugutom ako eh!

“Oww, Dylan ipakilala mo naman ako sa kasama mo. Who is she?” sabay smile.

Nabulunan talaga ako nun kaya kinuha ko yung tubig at uminom. Ang calm ng boses niya at para
siyang angel. Akalain mo yun?! May ganito palang klase ng nilalang??

Wala naman siyang nagawa kundi ipakilala kami sa isat isa.

“Ahh.. Uhmm, Lyka this is Mei. My childhood friend.. I mean close friend. And Mei this is Lyka,
my uhhmmm….”

HAH! Wala pang maisip na description sa akin oh! Sana naman at hindi niya ako ipahiya at
sabihing may utang ako sa kanya.

“…my super classmate. I think?”

Hmm. Better!

“Nice to meet you Lyka! Sige, may class pa ako eh. Bye Dylan, bye Lyka! !” tapos smile ulit.

“Ah ako rin. Nice meeting you Mei. Bye!” ang awkward sa pakiramdam. Ewan ko kung bakit.

Tuluyan nang umalis yung grupo ni Mei sa table namin. At ngayon ko lang napansin na ang daming
taong nakatingin ha! Mukhang totoo ngang may nangyaring shooting dito ah! Kasali kaya ako sa
cast? Hmm.

Napatingin naman ako kay Dylan at napataas ang kilay ko.

“What? May dumi ba ako sa mukha or something?”

Nag-smile naman siya.

Bakit ba lahat ng good-looking sa campus na ito eh ang cute mag-smile?!?!

OH NO. Did I say something? Like, cute? None right?

“Wala. Na-realize ko lang na simula bata ako eh dalawa lang ang naging kaibigan ko. Am I
weird?” he chuckled.

Whaaaattt?!?!

.chapter 4.

Okay, alam kong hindi ako bingi, pero… ANO DAW??? Ilan ang kaibigan nya??

Tumawa naman ako ng malakas. As in.

“So you really think it’s weird huh?”

Tumigil naman ako sa pagtawa ko at seryoso na ang mukha niya. Eh tawanan ko ba naman ng as in
tawa talaga eh.

“No. Hindi ka weird. Ayos ka pa nga eh!”


“Huh? Tumawa ka after kong sabihin na dalawa lang ang naging kaibigan ko, then sabay bawi? Ayos
ka rin ah.” Siya naman ang tumawa.

Okay. Para kaming baliw.

“Ang ibig kong sabihin, buti ka nga dalawa naging friends mo. Well, ako isa lang…”

Then I mumbled… “…nawala pa.”

“WHAT?! For real??”

Tapos biglang may pumasok sa utak ko. TEKA, DI BA BADTRIP AKO SA KANYA?!? WHY AM I EVEN TALKING
AND LAUGHING WITH HIM?!

“Teka nga! Bakit nga ba kita kinakausap eh naiinis ako sa’yo?! Diy…diyan ka nga!”

Kinuha ko naman yung mga gamit ko at umalis na doon. Tapos na rin naman akong kumain eh.
Dumiretso naman ako sa next class ko, which is--- Philosophy. Kaso may 30 minutes pa before
mag-start yung class. So tutunganga na naman ako. Start.

Para akong baliw doon na nagpupunit ng mga dahon ng halaman. Kawawa nga eh. Makakalbo na ata.

Buti nalang at dumating na yung prof namin. Kung hindi, mababawasan ang bilang ng mga halaman
na nakatanim dito.

Eto ang ayoko sa Philosophy eh. Panay essay ang pinasasagutan sa exercises. I suck at writing
essays and expressing my opinions. Err. Idagdag mo pa na ang pangit ng view na makikita mo sa
harapan mo. Nang-aasar pa eh. Magsulat ba naman sa papel ng 4840 at sinadyang ihulog para
ipakita sa akin?! Sinong hindi mabubwisit dun? Eh di ako, ako lang naman na may utang sa
kanya!! Ang sarap niya talagang patayin.

Ganun pa rin sa ibang klase ko. Yung iba ayos, yung iba boring.

Dahil uwian na, dumiretso na ako sa apartment. Kaso, may sumusunod na mokong sa likod ko.
Bwisit talaga to eh. Huminto na ako nun.

“Ano bang problema mo, ha?”


“Now, what’s your problem?” kumunot rin yung noo niya.
“Bakit ka sumusunod?”
“Huh? Bakit kita susundan? Pauwi na ko, if you don’t mind.”

Nilagpasan naman niya ako at umakyat sa hagdanan.

OH NO. THIS ISN’T HAPPENING.

Tumakbo naman ako papunta sa kanya.

“Teka, bakit ka andito??”


“Eh dito ako nakatira eh, sa unit 8. Bakit ba?” halata mong asar na rin siya.
“NOOOOO.”
“Hey, don’t tell me…”

Tumakbo talaga ako sa unit ko at sinarado ang pinto.

Okay. Katabing unit ko siya. How funny. Coincidence? YEAH!

Bakit ba lagi na lang nagco-cross ang landas namin? Kainis!


Nagpalit naman ako ng damit at dumiretso sa kwarto ko.

Hindi naman ako talaga galit sa kanya. Err. I mean, medyo inis ako sa kanya. Basta di ko ma-
explain! Siguro takot lang ako. Na maging malapit ulit sa isang tao. And the worst is, sa
lalaki pa.

Bakit? Simple lang naman. Dahil sa best friend ko. I’ll tell you what happened 10 years ago..

***

Nung summer vacation bago ako mag-grade 2 eh lumipat kami ng bahay. And may nakilala agad akong
bata. Kapitbahay namin. We were both 6 years old back then. His name is James. Lagi kaming
naglalaro at nagkukulitan.

Lumipas ang tatlong taon, naging mag-bestfriend kami. Nung 9th birthday niya, nag-paparty yung
parents niya.

Habang naghahanda ang lahat ng tao sa bahay nila para sa party niya, ako naman eh pumasok sa
kwarto niya at babatiin ko sana siya.

Pero iba ang naabutan ko. Si James na umiiyak at galit.


Lumapit naman ako sa kanya para i-comfort siya pero…

“HUWAG NA HUWAG MO KONG LALAPITAN! HINDI KITA BESPREND! MASAMA KA! AYOKO SA’YO!”
Nagulat ako sa pinagsasabi niya. Pero lumapit pa rin ako at tinapik ko yung likod niya.

“James, wag ka ng umiyak. Sinong nang-away sayo? ‘Lika, awayin din natin!”
“SINABI NANG WAG MO KONG LAPITAN EH! UMALIS KA SA BAHAY NAMEN! ALIS!!!!!!”

Tinulak niya ako. Pinagtulakan niya ako sa labas ng kwarto niya. Di ko naman maiwasang maiyak
noon. Wala akong alam sa nangyayari. Bigla nalang siyang naging ganun. Parang bago yung araw ng
birthday niya eh naglalaro pa kami. Tapos biglang naging ganito.

Umuwi ako sa bahay namin at umiyak sa kwarto ko. Sabi ko nalang kila mommy nasugatan ako at
masakit tapos tumakbo na ako sa room ko.

Nalaman ko nalang kinabukasan na lumipat na pala ng bahay sila James. Ni wala man lang pasabi.
Walang iniwan na contact number. Walang kahit ano.

-end of flashback

***

Naiyak nalang ulit ako. Kahit seven years ago na yun, ang sakit pa rin. Siya kasi yung una kong
kaibigan. Unang bestfriend. Homeschooled lang kasi ako nung bata ako dahil sakitin daw ako.
Madalas sa bahay at walang classmates.

Hayyy. Hanggang ngayon, iniisip ko parin sya. Kung ano talaga yung nangyari nung araw na yun at
bakit galit na galit siya sa akin. Naiinis rin ako sa kanya. Ni hindi man lang niya sinabi sa
akin kung ano yung problema. Why bother calling me as his bestfriend kung di niya sinasabi?!

Pinunasan ko naman yung luha ko. Para akong baliw. Umiiyak mag-isa.

Kaya simula noon, hindi ko na binalak na makipagkaibigan ulit. Nadala na rin siguro ako. Or
should I say, na-trauma at nagalit. Kaya dati, kapag pinagtutulakan or tinataboy ako, uhmmm
well… nagiging weird ako dahil.. uhm, sinusuntok or sinasapak ko sila. HAHAHA. Yeah right.
Self-defense ata tawag dun.

HAYYY! Tama na nga ang malungkot kong storya. Nagugutom na ako.


Kumuha ako ng pera at sa labas na ako kakain dahil tinatamad akong magluto.

Chineck ko muna kung sakaling nasa labas si Dylan. Mahirap na, baka may mangyari pang di
kanais-nais. At mukhang wala naman! And the coast is clear!

Napunta ako sa isang medyo malaking carinderia at ang inorder ko ay nilaga. Kinuha ko naman
yung tray at may balak nang kumain. Kaso, walang bakanteng lamesa. Uh-oh.

Inikot ko naman yung paningin ko. Luckily, merong bakanteng upuan sa may gitnang table.
Dalawang lalaki lang kasi yung nakaupo. Well, makikiupo na lang siguro ako, kahit hindi ako
ganun ka-sociable.

“Uhmm, excuse me po, pwede bang makiupo?”

Nakatalikod naman sila sa akin kaya humarap sila parehas. Pero ako naman yung napatalikod.

OH.MY.GOD.

“Sure miss, sige upo ka na lang.” sabi nung isang lalaki.


“Uhmm, ahh hindi na pala. Thanks.”

NAKAKAINIS!!!

“Wait, parang kilala kita ah.” Sabi naman nung isa pa. Naku naman.
“Really bro?”
“Ahh, sorry hindi kita kilala.” Sinagot ko naman siya kahit nakatalikod ako sa kanila. Di naman
ako makaalis sa spot na yun. Parang ang bigat ng paa ko. NAMAN! BAKIT NGAYON PA?!
“AH! Sabi ko na nga ba, I know you. Ikaw yung girl na nakatulog sa bench dun sa Engineering
college!”

Para naman akong napagsakluban ng langit at lupa nung sinabi niya yun. Oh Lord, please get me
na. I’m dead. Really dead.

Humarap naman ako sa kanila. Wala na. Sira na ang buhay ko. Wala na akong kahihiyan.

“Yeah, ako nga yon. Sorry sa mga pinagsasabi ko. Malay ko ba----” naalala ko na naman yung mga
pinagsasabi ko! AHHH!!
“Ah basta, sorry.” Nakakahiya.
Tumawa naman siya. “Nah. Its okay. Sige, upo ka lang.”

Umupo naman ako. Talagang kumakain lang ako at wish ko eh matapos ko na tong kinakain ko. Gusto
ko nang umuwi.

“Kelan nga pala uuwi Mommy mo? Di ba this year yun?”


“Ahh oo. Maybe this October.” Bakit ba pag nagsalita siya eh parang amerikano? May lahi nga
ata.

Nag-usap naman sila tungkol sa kung anu-ano na hindi ko maintindihan. Bahala sila.
Dahil tapos na rin naman akong kumain, aalis na ako. Nasa labas na ako nun kaya lang…

“Miss na nakatulog sa bench!!”

Oh My. No he didn’t!

Bakit niya sinigaw?! Sira na talaga buhay ko dito. As in. KAKAHIYA! Andami pa namang tao.
Nagulat naman ako nasa tabi ko na sila.

“What’s your problem?? Bakit mo sinigaw??” nakakainis talaga eh!


“Oops. Sorry. Di ko kasi alam name mo eh.”
“Lyka. Bakit ba?!”
“Sasabihin ko lang na naiwan mo yung wallet mo.”
“Bait mo bro!” sabi naman nung kasama niya.”
“Oww. Thank you?” ang tanga ko naman. Wallet na nga lang iniiwan pa!
“Oh sige bye! Oh ang by the way…”

Kinuha nya naman yung kamay ko at nakipag-shake hands. Weird?

“I’m James.” Tapos tumakbo sila.


WHAAAAATTTT?!?!?!?!?!?!?!
.chapter 5.

“I’m James.”

ERRRR. Nag-eecho pa rin sa tenga ko yun. Tumataas lahat ng balahibo ko kapag naaalala ko.
Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng matino eh! Ang alam ko eh nawala na ako sa
katinuan nung tumakbo sila.

“Hey, ano na? Sino si James?”


“Ah? Sa tingin mo bakit James yung pangal---”

Teka nga…

“ANONG GINAGAWA MO DITO?!?!?!?!??!”

Ewan ko ba pero automatic na sumuntok at sumipa yung kamay at paa ko. Well, ganun nga ata
talaga.

“Aray ko! Ang sakit nun ha!”


“Bakit ka ba andito?!?” susuntok sana ako kaso naharangan niya.
“Nakakarami ka na ha, pasalamat ka hindi ako nanakit ng babae.”
“Huh! Ano naman?? As if!”
“Ahh ganon? Gusto mo kong makitang gumanti? Huh Lyka?”

Tinulak niya ako at na-corner naman ako sa dingding. Naman! Ang masama pa nito, palapit ng
palapit yung mukha niya. Sana talaga hindi niya hawak yung dalawang kamay ko para nasuntok ko
na yung mukha nito eh.

“Hey, hey, hey! Stay away from me! Lagot ka talaga sa akin kapag nakawala ako dito.” *glare*
“Whoa! Ano yang tingin na yan?” Tapos lumapit sya ng lumapit at…

kinurot niya ng todo yung pisngi ko! ARRGGHH!

“OUCH!!!! You.....maniac! Arrgghh! Bakit ka ba kasi andito?! Alam mo bang trespassing yang
ginagawa mo?!”

Kumunot naman yung noo niya. Ano bang problema ng mokong na ‘to?

“Sabi ko na nga ba wala ka sa sarili mo kanina eh. HAYYY.”

Binitwan naman niya ako.

“Huh????” clueless talaga ako ngayon. Ano bang nangyari??

Nagulat naman ako nung hinatak niya ako kaya napaupo ako sa upuan. Pero ang mas nakakagulat,
TINALI NIYA AKO. OO. AS IN TINALI NIYA AKO SA UPUAN! Akala ko sa movies ko lang to makikita.
Akalain mong nangyayari sa akin ngayon??

“There. Para di mo na ako i-judo or whatever you call that. Whew!” tapos umupo siya sa harapan
ko.
“Anong drama mo at may ganito?! AT PWEDE BA TANGGALIN MO ‘TO?!?!”
“Hay, buti talaga at tinali kita. Kung hindi, masisira siguro yung cute kong mukha.”

Yuck.
Ang sabihin mo yang makapal mong mukha. Tss.
“Okay. Kaya ako nandito kasi pinapasok mo ako.”
“What? Ako? Hoy, manigas ka!”
“Pwede ba patapusin mo muna ako?”
“Eh paano kung ayoko?”
“Fine.” Tumayo siya at mukhang lalabas na ng bahay. “Tanggalin mo na lang yang nakatali sa’yo…

Kung kaya mo.”

ANO?!?! Eh ang higpit-higpit ng pagkakatali niya eh!! Kainis talaga!

“HEY!!! Fine! Tapusin mo na kwento mo!!” Bumalik naman siya sa inuupuan niya. Sasapakin ko
talaga ‘to mamaya.
“Okay. Madali ka pala kausap eh.” Tapos ngumiti. Alam niyo yung ngiting nakakaloko na ansarap
tapalan ng masking tape?!

At ayun nga. Kinuwento niya kung bakit siya andito. Talaga bang ginawa ko yun? Ibang klase rin
pala akong mawala sa sarili eh, kung anu-anong pinagsasabi at pinaggagawa ko.
‘Naglalakad kang tulala kaya tinanong ko kung anong problema. Sabi mo “James pangalan niya.”
Tinanong ko kung sino yun. Wala ka nang sinabi. Pero tinulak mo ko papasok sa unit mo. Tapos
tulala ka nang mahigit.. uhmmm.. five minutes, I think? So, the end. How’s my story.’ Yun yung
istorya niya. Bigla nalang siyang tumakbo palabas pagkatapos nun. Ginawa ko ba talaga yun? As
in talagang talaga? Hmmm..

OOOKKKKAAAYYY. Dahil masyadong maraming pangyayari ngayong araw na ito, I therefore conclude na
matulog na ako!

***

Isang buwan na rin ako sa university na ‘to. Pero wala pa akong kaibigan. I mean, kinakaibigan.
Sabi sa inyo, hindi ako sociable eh.
Maliban na lang sa mga taong madalas kong nakakasagupa at nakakasalubong. Tulad netong katabi
ko ngayon. Sinisingil na naman ako sa utang ko. Hay. Buti 3,500 na LANG.

“Kailangan ko na ngayon yun.”


“Ahmm, pwede bang next week? Wala na talaga akong pera eh.”
“Tss.”

Bigla naman niyang binilisan yung lakad niya papunta sa Math building. Hay, first subject pa
lang mukhang badtrip na ah. ABA! Eh sa wala akong pambayad eh. Sorry naman.

Hanggang matapos yung klase eh hindi niya ako pinansin. Nasa unahan ko lang siya lagi hanggang
umuwi. Bakit ba hindi naghihiwalay ang landas namin? :\
Teka nga, bakit ba pinoproblema ko yun? Eh mas maganda ngang ganito! Err. Naman!

Nung nasa tapat na kami ng mga unit namin, hinarap ko na siya.

“Hey, sorry na. Wala talaga akong pera.” Err. Di ako sanay sa mga ganitong sitwasyon.
“May magagawa ba ako?”

WHOA. Ang cool ng pagkasabi niya sabay hawak sa ulo. Or is it just me?

ANO BA YAN! LYKA, TUMINO KA NGA!

“Bakit ba bigla mong kelangan ng pera?”


“Pambayad lang naman ng renta. Hanggang bukas na lang yung bayaran diba? Ang strict kasi
masyaso nung landlady. Hay.Guess, this will be my last night here.” Panay naman siya bunting-
hininga.

Oo nga pala. Bawala pala late magbayad ng rent dito. Buti nakapagbayad na ako nung isang araw!

Ewan ko ba. Pero kung kinokonsensya nya ako, sobrang EFFECTIVE! Super nakokonsensya na ako.
Naman! Dahil sa akin mawawalan sya ng apartment? Aba, sino bang dahilan kung bakit ko nabasag
yung alak? Siya naman ah!
Okay, one minute ko ring pinag-isipan ‘to. PHEW.
Wag nalang kaya? Naman!
Nakatayo lang siya tapos nakatingala. Ano ba ‘to? Nagdadrama ba talaga siya? Galing umacting
ha! O sadyang nag-eemo lang dahil wala siyang pambayad?

“Uhmm. Ano..”
“Hmmm??” tumingin naman siya sa akin.
*hingang malalim*
“Tutal may utang naman ako sa’yo…tutulu---”
Di ko naman natuloy yung sasabihin ko dahil natulala talaga ako. Biro mo ba namang sabihin niya
sa akin na,

“AHHHHH TAMA! AKO ANG TITIRA SA UNIT MO SA LOOB NG ISANG BUWAN! AYOS! HAHAHA. Humanap ka nalang
ng ibang apartment ha?”

Tumawa lang siya ng tumawa hanggang makapasok siya sa unit niya. Ako naman. Ewan ko, parang
nawalan ako ng kaluluwa. Ano daw???

Kumatok naman ako sa pinto niya. Bwisit! Sinong maysabing papatirahin ko siya sa unit ko?? Aba,
ang sasabihin ko lang naman eh tutulungan ko siyang humanap ng part time job para may pambayad
siya ng bahay habang nag-iipon ako ng pambayad sa utang ko, at bagong malilipatan! Arrrggh!

Sumakit naman yung kamay ko kakakatok at yung lalamunan ko kakasigaw. Baliw talaga yun. Di man
lang binuksan yung pinto!
Dumiretso naman ako sa kwarto ko. Nakakapraning. Saan ako kukuha ng 3,500 sa loob ng isang
araw?!?!

Sumakit talaga yung ulo ko kakaisip. Ayoko namang sabihin kay kuya. Nakakahiya. At saka siya na
nga nagbabayad ng tuition fee ko, sya pa rin pagbabayarin ko sa utang ko? Ayoko namang maging
pabigat.

Bahala na bukas.

***

AHHHHHHHHHHH!!!! Ano ba yan! Nakatulog pala ako ng hindi nakapagpalit at nakakain.


Mala-late na rin ako! 15 minutes na lang!!

Super bilis talaga ng kilos ko nun. Kaso late pa rin ako ng ten minutes sa klase. Di tuloy ako
nakapag-quiz. Malas.
Habang nagkaklase, sitsit ng sitsit ‘tong bwisit kong katabi. Nakakainis na talaga eh.

“Ano???”
“Sasabihin ko lang naman na sinabi ko na kay Mrs. Gonzales na lilipat ako sa unit mo mamaya.”
“WHAT!?!!?!?”
Nagtinginan naman sa amin lahat.
“Ah.. sige lang po. Don’t mind us. Aha..ha..”

Buti mabait yung prof namin! Kung hindi, napalabas na siguro kami ng klase.

Break na. Pinoproblema ko pa rin si Dylan. Bwisit! Bakit niya sinabi kay Mrs. Gonzales?! Paano
ako ngayon?? Hala, baka paalisin na ako mamaya. Oh No.

Hanggang sa matapos ang klase naming eh yun pa rin ang nasa isip ko.
Haaay. Ang sakit pala talaga sa ulo kapag masyado kang nag-iisip ng mga bagay-bagay no? Papasok
na sana ako sa unit ko kaso…

“Oops. Bawal pumasok sa UNIT KO.”

Huh? Anong pinagsasabi nito? Sa pagkakaalam ko eh unit 7 to.

“Pwede ba? Masakit na ulo ko kakaisip sa utang ko sayo kaya pagpahingahin mo na ako.”
Hinawakan naman niya yung dalawang braso ko at na-corner ako. Bakit ba lagi nalang ganito????
Manyak talaga siguro ‘to.

“Babayaran mo ngayon din yung utang mo? O ako ang titira sa unit mo?” seryoso naman yung mukha
niya. Nakaktakot.
Napalunok naman ako nun. Wala akong masabi.

Paano na? Wala akong pera ngayon. Pero paano yung utang ko sa kanya? Wala na akong magagawa….

“Pero may isa ka pang choice...”


“Huh?”

Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.

“Ilayo mo nga yang pagmumukha mo sa akin! Manyak ka talaga!”

Para namang wala siyang narinig sa mga sinabi ko at di niya pa rin nilalayo yung nakakainis
niyang pagmumukha.

“Titira tayo sa isang unit sa loob ng isang buwan. Deal? That way mababayaran mo yung utang
mo.”

THE HECK. Ano daw??????? O_O


.chapter 6.

“What?! Are you out of your mind??”


“Bahala ka. Ikaw rin, wala kang matutuluyan.”

Matapos ang mahaba-haba naming pagsasagupaan at bakbakan, nag-end kami sa madugong pagpayag ko.
HAAAYY BUHAY NGA NAMAN! Lagi na lang ako ang dehado!
Dinala niya naman agad yung mga gamit niya sa unit ko. Akalain mo nga namang nakapag-impake na
ito?? Ready talagang iinvade ang unit ko eh!

“Hoy, tandaan mo isang buwan ka lang dito!”


“Hmm, ewan.”

Aba talaga naman. Ginagalit talaga ako nito eh. Hinawakan ko naman yung neck part ng t-shirt
niya. Ang tapang ko no?

“May sinasabi ka? Ha Dylan?”


“Whoa.. whoa.. easy ka lang! Mas mahal pa yang t-shirt ko sa rent mo dito.”
“Asa! May 3,000 pesos ba na t-shirt?! Lokohin mo lelang mo!”
“Ang tapang mo rin eh no? Gusto mong gumanti ulit ako?” Ngumiti na naman siya ng nakakaloko.

Bakit ba tuwing numingiti siya ng ganun eh kinikilabutan ako? Feeling ko nagsisitaasan lahat ng
balahibo ko eh!

Sinikmuraan ko naman siya para tumigil na. Ang kulit masyado eh. Panira ng araw.
Pagkatapos niyang ayusin yung mga gamit niya, “nag-meeting” kami sa may sala.

“House rules.” Tapos naglabas ako ng blangkong papel at ballpen.


“Fine. House rule # 1: Privacy.” Sinulat ko naman yun sa may papel.
Aba malamang naman! Yun dapat ang priority. Okay, turn ko na.

“House rule # 2: Since isa lang ang kwarto… dito ka sa sala matutulog.”
“Tama.. tam--.. TEKA! Bakit ganun? Tandaan mo, mas malaki sa bayad sa renta yung utang mo sa
akin. Dapat nga ako sa kwarto eh!”
Ang kapal talaga ng mukha nito eh.

“No way!”
“Ayaw mo? O sige ganito na lang. Dun tayo parehas sa kwarto pero sa magkabilang dulo. Maglagay
ka pa ng malaking harang kung gusto mo para divided na rin yung kwarto.”
“Huh! Fine!” Sinulat ko naman yun sa papel.

“House rule # 3: Walang dapat makaalam nitong sitwasyon natin ngayon.”


Isang malaking TAMA! Patay kami pag may nakaalam. Baka kung anu-ano pang isipin nila.

“House rule # 4: Ako ang magluluto, ikaw ang maglilinis at maghuhugas.”


“Wait, that’s not fair!”

Fair-fair-in ko kaya pagmumukha nito? Lagi nalang may objection pag ako ang nagbibigay ng rules
eh! Kabadtrip!

“Ano na namang problema mo Arellano? Patas yun no!”


“Unfair! Ang dali lang kayang magluto. Ang hirap maghugas at maglinis ha!”
“Oh anong gusto mo? Ako gagawa lahat? NO WAY!”
“Sige ganito. Pag Monday, ako ang maglilinis at ikaw ang magluluto at maghuhugas. Next day, ako
naman ang magluluto at maghuhugas at ikaw ang maglilinis. Okay ba yun?”
“Haynaku. Fine. Fine. Fine.”
“House rule # 5: Hati tayo sa iba pang gastusin sa bahay.” Check!
“House rule # 6: Uhm, kung pwede magpart time job ang isa sa atin. Lugmok pa rin tayong parehas
sa kahirapan eh.”
“Hmm. Bakit isa lang? Unfair naman yun. Dapat parehas tayong magdusa no!”

Eto na naman si Boss. Sabi ko na nga ba sisitahin na naman ako nito eh.

“Hmm, wala na akong maisip. Tama na siguro yan!”


Bigla namang may pumasok sa isip ko.

“Teka may House rule # 7 pa no! Bawal ang anumang relationship between sa ating dalawa.
Hanggang classmates lang, I mean hanggang superclassmates lang. Okay???”

Wala naman siyang reaction. Pero after ata five seconds eh tumawa na siya ng tumawa. Sige,
maganda yan. Para mamatay ka kakatawa.

“AHAHAHA! Ano ba yan Lyka? Lokohan ba ‘to?”


“Sira! Para sure! Yang mga mukhang yan…” tinuro ko yung pagmumukha niyang kanina ko pa gustong
suntukin..
“…hindi yan mapagkakatiwalaan! Tabas pa lang ng mukha mo, mukhang may problema na eh!”
“Hoy hoy hoy wag ka. Pinagkakaguluhan sa campus itong gwapo kong mukha.”

Yuck. Kapal. Eew. Kadiri.


“Ewan ko sa’yo.”

Pinirmahan naman naming yung mga house rules at parang mga sira pa dahil may pa-shake hands
shake hands pang nalalaman.

***
Nagsabit kami ng malaking kumot sa gitna ng kwarto. Hinila ko naman yung foam ko sa kabilang
dulo. Kainis. Lumiit tuloy yung space ko. =__=
Hindi naman ako makatulog dahil hindi talaga ako makatulog. Ang gulo ko ba? Hindi ako inaantok
eh. Idagdag mo pa na hindi ako sanay na may kasama sa bahay, and worse—lalaki pa, and the worst
is—yung may pangalan pang Dylan Arellano.

Mulat pa rin yung mga mata ko hanggang alas-kwatro. Wala! Di talaga ako makatulog! Kainis!

Tumayo na lang ako at balak ko nalang maligo. Eh halos kailangan ko na rin namang gumising eh.
Dahil sa may side ako ng pinto ng kwarto, hindi ko nakita kung paano siya matulog o kung tulog
pa ba siya. Kumuha na lang ako ng damit at pumunta na sa banyo.
After kong maligo eh nagluto na ako. Kakain na sana ako kaso naalala kong may kasama nga pala
ako sa bahay. Ano ba yan. Bakit ba hindi pa rin yun gumigising?? Alas-singko na ah?
Pinuntahan ko naman siya sa kwarto. Aba at akalain mo nga namang napakasarap pa ng tulog?!
Buhusan ko kaya to ng mainit na tubig?

“Hoy Dylan, gising na.”


Tinapik-tapik ko naman siya. Ayaw pa rin magising.

“Pst. Huy! Gumising ka na!” Nakakainis naman ‘to!


“Ayaw mo ha?”

Hinila ko yung kamay niya at binigla ko siyang tinayo.


“Hmmm.. baket ba?” inis pa yung tono niya eh.
“Anong bakit ba?? Alas-siyete na po! Baka gusto mong gumising diyan at maligo at magpalit ng
damit at kumain at pumasok sa klase at magquiz at matuto??”

Bigla siyang napadilat sa sinabi ko. Teka, may mali ba sa sinabi ko? Wala naman ah.

“Fine. Fine. Alas-siyete ka diyan. 5:10 pa lang. Paki-adjust na lang ng relo mo ha? Masyado
atang advance.” Tapos biglang dumiretso sa banyo.

Walang hiya! Ako na nga ang nanggising, ako pa ang binuwisit niya. Eh kung ikulong ko kaya siya
sa banyo forever?? Hmmm.. Ma-try nga!
Dahil may lock sa labas yung banyo, ni-lock ko. Bahala siya diyan.

After mga fifteen minutes..

“Hey, bakit ayaw mabuksan ng pinto?? Lyka! Ano na naman ba ‘to??”


“Bakit ba?? Take your time. Mahaba pa oras mo. 5:30 pa lang naman eh.”
“Ano ba?!”
“Mamaya ka na lumabas. After five minutes. Enjoy your stay there, Dylan.” Tapos tumawa ako na
para akong loka-loka. HA! Ako pa kinalaban mo ha?

Maya-maya lang, tumahimik sa loob ng banyo. Ano kayang nangyari dun? Na-flush na ata.

Binuksan ko naman na dahil five minutes na rin naman. Kaso, bigla siyang lumabas at… HAY! Wala
na bang katapusan ang pag-corner niya sa akin sa dingding?!?!?!

“Gusto mo ba talaga akong gumanti sa’yo? Ha Lyka?” mukhang di naman siya galit. Pero feeling ko
nang-aasar na naman eh.
“HOY! Tsupi! Wag mo nga akong lapitan! Galing ka sa banyo kaya puro germs ka.” Teka, saan ko
nakuha yun??

Buti nalang at binitawan niya ako. Phew!

“Sa ibang araw na lang pala ako gaganti. Mukhang mas maganda kung maiipon mga atraso mo sa akin
eh.” Heto na naman ang ngiting nakakaloko.

“Pwede ba?? Tigilan mo yang pa-smile-smile mo diyan? Nakakatakot eh! Nagiging kamukha mo si
Chuckie!”
“Okay. Nilait mo na naman ang gwapo kong mukha. Ilan na ba atraso o sa akin? Hmm, sampu na ata
o eleven?”
“Ewan ko sa’yo. OH eto piso, hanap ka ng kausap mo ha??”

Binigyan ko talaga siya ng piso at lumayas na ko tutal tapos na akong kumain. At mahirap na,
baka harass -in na naman niya ako.

Habang naglalakad ako, biglang nag-ring yung cellphone ko. Naku naman, di pa pala ‘to naka-
silent!

Pagtingin ko, si Kuya pala yung tumatawag.

“Hello kuya?”
“ANONG PINAGGAGAWA MO DIYAN AT MAY LALAKING SUMAGOT KAGABI SA TAWAG KO?!?”

Nilayo ko talaga ng todo yung cellphone sa tenga ko. OUCH!! Ang sakit nun sa tenga ha! Aba
kuya, mahal ko pa ang eardrums ko!

“Teka lang, let me explain!”


“Talaga! Mag-explain ka ngayon din!”

At ayun nga, kahit nakakahiya eh kinuwento ko ang punu’t dulo ng lahat.

“Ayun, isang buwan lang naman.”


“Safe ba yang lalaking yan??”
“Sus! Wala yung laban sa akin pag nagkamali siya!”
“Ang yabang mo rin eh no? Oh sige na. bye.”

Phew! Akalain mo nga namang nailigtas ko pa ang buhay ko??


“Sino yun?”
“Ay, kabayo!” Nyemas naman!

Badtrip talaga ‘tong nilalang na ito! Bigla-bigla nalang sumusulpot!

“Ang sama mo talaga no? Mukha ba akong kabayo? Sa cute kong ito?” tapos hinawakan nya pa yung
‘cute’ daw na mukha nya.

As if.

“Oo bakit?? At saka pwede ba?! Wag ka bigla-biglang nagsasalita?? Alam mo yun, pwedeng ikaw pa
maging cause ng kamatayan ko eh!”
“Eh di masaya!”

Okay. Suko na ako sa kanya. Crap.

***
Nagsimula at natapos naman ang klase ng maayos. Teka, bakit ba feeling ko eh hindi ko feel ang
mga klase ko ngayon??

Break na.

Pumunta ako sa canteen ng building tapos pumila, kaya lang may tulakan. Badtrip na mga taong
ito!

“Ouch!” Uh-oh. No.


Kamalasan nga naman oh. Ako pa na-jackpotan ng tumba. Ang sakit ha. Tumayo naman ako at
nakakahiya dahil nagtitinginan na sila.

“Hey ayos ka lang miss? Sorry.”


“Ayos l--- ” teka parang kilala ko sya ah? San ko nga ba to nakita? Baka classmate ko?
“Teka, Lyka?? Ikaw si Lyka di ba?”

Kilala niya ako? Sino ba ito?

“Uhm, sorry. Kilala ba kita?”


“Yung guy sa may engineering college. Sa may bench. Remember? James.”

AHHHHHHHHH!!! >______<
.Chapter 7.

Kinilabutan naman ako nun. Oo nga pala. Siya si JAMES!!!

Ewan ko ba. Pero nag-end up kami na sabay kaming kumain. Kwentuhan ng kung anu-ano. Pero hindi
boring. Nakaka-excite pa nga eh.

Teka, ano bang pinagsasabi ko?

“So, anong next class mo?”


“Huh? Ah.. ano, history.”
“Wow. That must be great. To tell you the truth, I like that subject but I suck at
memorization.”
“Ahh, uhmm.. ganun ba? Ayos lang yun, di lang naman puro kabisaduhan dun eh.”

Crap. Ano bang pinagsasabi ko?!?! Super walang kwenta! At in fairness, ang galing niya mag-
English ha!

“Uhmm, ikaw? Anong next subject mo?”


“Ah, English.”
“Ahhh.”

Tinuloy na lang namin yung pagkain since wala na kaming mapag-usapan. Sabagay, totally
strangers lang naman kami sa isa’t isa. At nagkakilala lang dahil sa nakakahiyang pagtulog ko
sa bench.

Nagulat naman ako nung may gumulong sa paanan ko.


Ballpen lang pala.
“Ah sorry that’s mine!!”

Pagtingin ko kung sino yung nagsalita, yung babae eh nasa harapan ko na.

“Eto oh.” Inabot ko naman yung nahulog niyang ballpen.


“Thank you!”

Teka parang kilala ko siya ah! Saan ko nga ba siya nakita? Classmate ko ba siya? Hindi ata.

“Hey Lyka, is that you? Thank you sa pagbalik ng ballpen ha. ^_^”

Kilala niya ako?


“Uhm, kilala mo ko?”

Ngumiti naman siya. Artistahin ang lola mo!

“Of course! We also met here right? Kasama si Dylan. I’m Mei.”

AHHHH! Sabi ko na nga ba kilala ko siya eh!

“Ahhhh. Naalala ko na. Sorry nakalimutan ko.”

Napatingin naman siya kay James, tapos nawala yung ngiti niya. Pagtingin ko kay James, seryoso
rin yung mukha niya.
Woops. I feel some strange aura here.

“Hi James, it’s been a long time since we last met.”


“Yeah, how are you?”
“I’m fine. And you?”
“I’m good.”

Kailangan talagang nag-eenglish pag nagkakamustahan?!?! Hello?? Wala sila sa STATES! Pilipinas
to mga tsong!! Sus maryang mga tao ito!

Tapos biglang tumayo si James.

“Sige nga pala Lyka, may class pa ako eh. Thanks for the time. Bye Mei.”
“Uhm, sure.”

Narinig ko namang nagbuntung-hininga si Mei.

“Ma..may problema ba?”


“Wala naman. Matagal ko lang na hindi nakita yung childhood friend namin ni Dylan. Sige nga
pala, alis na din ako. Bye Lyka!” tapos tumakbo na siya.

Ano daw? Si James? CHILDHOOD friends silang tatlo??


WOW.

***

Pumunta na ako sa next class ko at baka ma-late pa.


Buti at nakaabot ako sa quiz namin sa history. And I’ve got a perfect score! Yehey! :DDD

“Pst, pengeng papel.”


“Bakit?”
“Kailangan ba may dahilan? Pahingi na.”
“Ewan ko sa’yo.”

Umatake na naman ang kakulitan ng mokong na to. Ang nakakainis, kung hindi ko siya katabi sa
mga klase eh nasa harap o likod ko lang siya! Is he a stalker or what?!!?! ARRRRGHH! Pakiramdam
ko sinusundan ako ng kamalasan. :’(

“Pahingi na kasi.”
“Ang kulit mo. Alam mo yun?”

Inagaw niya naman yung bag ko at kinuha yung papel.

ARRGHH! He’s really getting into my nerves!


Pero Lyka, easy ka lang. Nasa klase ka. Baka makita ka pa ng prof mo. Calm down.

“Oh eto na bag mo. Thanks sa papel!”


BWISIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Hanggang sa mga sumunod na klase eh nang-iinis pa rin siya. Kung hindi manghihingi ng papel, eh
manghihiram ng ballpen o kaya notes sa ibang subject.
Nakakairita diba?
Buti na lang at tapos na ang klase. Pero di pa rin tapos ang ‘kalbaryo’ ko sa isip-batang ito.
Pumasok na ako sa unit kasunod si Dylan.

“Lyka pahiram ng susi bukas.”


“Bakit?”
“Basta.”
“Bakit nga?”
“Basta nga. Bakit ba?”

Kitams. Sinong hindi papayag na suntukin ko itong hinayupak na ‘to?!

“Ewan ko sa’yo. Manahimik ka na lang.”


“Ipapa-duplicate ko nga.”
“Yun. Sabihin mo kasi agad, hindi yung basta ka ng basta diyan.”
“Nanay ba kita para sabihin ko sa’yo?”

NAPUPUNO NA TALAGA AKO SA KANYA!!!!

“YOU KNOW WHAT?! WHY ARE YOU ALWAYS PISSING ME OFF?!?!! YOU ARE SO ANNOYING!!!!”

Bwisit talaga! Akala niya nakakatawa mga pinagsasabi niya. Argh! Tumakbo naman ako papunta sa
kwarto at talagang ni-lock ko. NAKAKAINIS!

Humilata ako sa kama at balak kong itulog na lang yung inis ko sa kanya.

***

Ouch. Parang sumakit bigla yung pisngi ko.


Dinilat ko naman yung mata ko. Kaso…

“Whoa! Gising ka na! Ang galing!”

O_O
“AAAAHHHHHHH!!!!!!!!”
“Hey, hey! Don’t shout ano ba?!”

Bigla niyang tinakpan yung bibig ko.

Alam ko nasa state of shock pa ako. Eh paano ba naman kasi, sino ba namang hindi sisigaw kung
pagdilat mo eh may mukhang tatambad sa’yo two inches apart?! Idagdag mo pa na nakakurot sa
pisngi mo! Oh diba?!

“Pwede ba wag kang bigla-biglang sumisigaw?!” tinanggal ko yung kamay niya sa bibig ko.
“Eh sino ba naman kasing maysabing ilapit mo yang pagmumukha mo sa akin?!”
“Aba, nang-iinsulto ka na naman ba Lyka? Nakakarami ka na ha!”
“At saka.. paano ka nakapasok dito?!!?”
“Gamit ‘to.” Pinakita niya sa akin yung perdibleng na-deform.
“Pwede mo palang gawing sideline yung pagnanakaw eh. Papasa ka dun, promise!”
“Ewan ko sa’yo. Magluto ka na nga.”
“HOY.HOY.HOY. Ano ako katulong? For your information, ako pa rin ang may-ari ng unit na ‘to.
Makautos ka.”
“Hoy hoy hoy ka rin. For your information rin, eh Wednesday ngayon kaya ikaw ang magluluto
ngayon.”

Wednesday ba ngayon? Pahiya ako dun ah.


“Tss. Whatever. Tabi nga dyan!” tinulak ko naman siya ng malakas kaya nauntog siya sa pader.
“Ouch. Awww.”
“Oops. Sorry, napalakas.”
“Sige lang, ipunin mo mga kasalanan mo sa akin. Tignan natin kung sinong iiyak pag nakaganti
ako.”
“HAHAHA. Grabe Dylan, natatakot ako!” tapos dinilaan ko siya at sinara ko na yung pinto.
Mahirap na at baka masapak pa ako ng di-oras.

Nagluto ako ng adobo kaya medyo matagal ako sa kusina. Bukod sa pagkanta eh hilig ko ring
magluto. Wala lang, masaya lang mag-experiment sa pagkain. :D
Naghahanda na ako sa lamesa kaya sumigaw na lang ako para tawagin siya.

“Hoy kakain na! Lumabas ka na diyan!”

Mga 10 seconds na ang lumilipas eh hindi pa rin bumubukas yung pinto sa kwarto kaya pinasok ko
na.
At aba naman! Natulog na! Pagkatapos akong utus-utusang magluto eh tutulugan lang pala?!

“HO---” teka nga, picturan ko kaya para pang-asar pagkagising? >:)

Nilabas ko naman yung phone ko at.. click! BWAHAHA! May pang-asar na ako. Ayos!
Nakaharap siya sa pader kaya lumapit naman ako sa kanya at tumapat ako sa tenga niya.

“HOY KAKAIN NA!”

Hinimas nya naman yung tenga niya.

“Mmm, teka lang.”

Lumapit ako lalo sa may tenga niya.

“KAKAIN NA NGA EH! BUMANGON KA NA DIYAN!!”


“Ano ba yan Lyka? Ang ing---” bigla siyang nag-turn paharap sa akin.

Nanlaki na lang parehas yung mata namin.


Kinilabutan talaga ako. Para akong nawalan ng kaluluwa. As in.
Tinulak ko naman siya.

“Nakakainis ka! KUMAIN KA NA NGA DOON!!”

Tumakbo ako papuntang banyo at nagkulong ako doon.

BWISIT TALAGA! Leche!

First kiss ko nasayang! Sa kanya pa! >_______________<

.Chapter 8.
Nakatulala lang ako doon sa salamin sa banyo.

“Yuck. EEEEHHHHHH!!” Para akong bata doon na inis na inis sa pangyayari!

Sa lahat naman ng pwedeng mangyari, bakit yun pa?! Nakakairita talaga! Nagtoothbrush tuloy ako
ng wala sa oras. Pero mas kinuskos ko yung labi ko.

“Hoy Lyka! Matagal ka pa ba dyan? Dalian mo maliligo pa ako!”


Kita mo ‘to. Parang walang nangyari!
Teka, bakit ba parang ako lang ang affected dito?!

“Gabi na maliligo ka pa?? Matagal pa ako dito!”


“Paki mo ba? Eh naiinitan ako eh! Dalian mo!”

Kumatok pa siya ng malakas at talagang gustong buksan yung pinto ng banyo. ABA! Kitang may tao
sa loob eh!

“Eh di tumapat ka sa electric fan! Dun ka na nga! Istorbo ka eh!”


“Tss.” Tapos sinipa niya ata yung pinto ng banyo. Bwisit! Nagulat ako dun ah?!

Teka, hindi pa rin ako makapag-move on! First kiss. First kiss. First kiss. First kiss.
NASAYANG!!!!!!! T_T

“ARGGGGHHHHH!!!!”

Okay. Ganito nalang. Kunwari nakapag-move on na ako. Past is past. Part na yun ng history Lyka.
Wala na. As in nangyari na. MOVE ON!

Okay. I’m fine.

Lumabas na ako ng banyo at natapos na ang counselling ko sa sarili ko. Effective naman ata? Oh
well, makakain nalang nga!
Nagsandok na ako ng kanin at kumuha na rin ng ulam. Hmm, mukhang masarap ‘tong niluto ko ah?
Ayos. Ang galing ko talaga!

“Lyka!”

O_O

“F*CK!!”

OMG. Feeling ko lumubog yung puso ko!!

“AHAHAHAHA!” tapos lumabas siya sa ilalim.


“Walang hiya ka!! Ano bang ginagawa mo doon? Papatayin mo ba ako?!”
“Gumaganti lang. Ayaw mo kong paliguin eh. Pero makakaligo na pala ako. Sige!” tapos tumakbo
siya papasok sa banyo.

Nakakainis yun! Napaka-isip bata eh!

Biruin niyo ba namang magtago sa ilalim ng lamesa at biglang hawakan yung paa mo sabay tawag sa
pangalan mo?!?! Akala ko talaga multo na! Whew. Buti wala akong sakit sa puso. Napamura pa
tuloy ako. Kainis!

Binilisan ko naman yung pagkain ko at gusto ko nang matulog dahil nababadtrip ako sa mga
nangyari at maaga pa klase ko bukas. Kaya naman na niya sigurong kumain ng mag-isa ‘di ba?
Hinanda ko na yung tutulugan ko and hello dreamland!

***
GOOD MORNING! *yawn*

Aga ko naming nagising! 4:30 pa lang -_- Pero maliligo na rin ako para naman magising diwa ko.
After kong maligo, magluluto na sana ako ng kakainin ko, kaya lang naalala ko na trabaho pala
ni Dylan yun ngayon. At tignan mo nga naman oh, tulog-mantika talaga ‘to.

Lalapit na sana ako para gisingin siya kaso naalala ko yung nangyari kagabi. Yuck. -_-
Kinuha ko nalang yung walis tambo at yun yung pinanggigising ko sa kanya.

“Hoy señorito, bumangon ka na po!”

Pinapalu-palo ko naman ng mahina yung hawakan ng walis sa bewang niya.


Nothing happened.

“Gumising ka na, magluluto ka pa!” this time eh yung tambo na yung kinuskos ko sa katawan niya.
Eh ayaw pa ring bimangon. Nagmumurmur lang siya dun. Tadyak-tadyakan ko kaya ‘to ng magising ng
tuluyan?

Dahil naiinis na ko, pinatong ko yung tambo sa mukha niya kaya ayun biglang tumayo. SUS! ETO
LANG PALA KATAPAT MO EH!

“Tsk. Ano ba Lyka?! Ang dumi-dumi nyan eh!”


“Eto madumi? Eh mas madumi kaya mukha mo rito.” Sabi ko nga nagsimula na naman akong mang-asar.
“Talaga? Mas maraming bacteria sa mukha mo no.”

Ahh hinahamon ako nito ah!


“Tsong, malinis ang mukha kong ito. Ni hindi pa nga to nadadapuan ng walis tambong pinangwalis
ko sa labas ng bahay eh! Oops.” Tapos tinakpan ko yung bibig ko kunwari.
“WHAT?!”
“Ay pasensya na, naiwalis ko kasi ‘to kanina eh. Sorry.” Natatawa naman ako sa mukha niya.
Mukhang ewan lang.
“Humanda ka sakin. Ngayong linggo ako gaganti sa’yo. Tandaan mo yan ha?”

Alam nyo yung seryoso yung mukha niya pero gusto mong tumawa sa harap niya? Pero hindi mo
magawa dahil baka bigla ka niyang sapakin? Yun yung pakiramdam ko ngayon eh. Nakakatawa talaga!
AHAHAHAHAHA!

“Natatakot naman ako. Death threat ba yan? Padala mo na lang sa kuya ko ha?”
“Whatever.” Tapos bigla siyang tumayo at pumunta sa kusina.

Ay seryoso pala talaga siya? Bakit nakakatawa pa rin yung mukha niya? Ah ewan. Nevermind na
lang.
After thirty minutes siguro eh nakapagprepare na siya ng breakfast. Hmm yummy! Sinangag at
hotdog. Kainan na!
Sabay kami kumain kaso parang wala siya sa mood. Sabi ko nga galit ata siya. Bakit kasalanan ko
bang pikon siya?

Nauna na akong pumasok kahit maaga pa lang dahil maliligo pa lang siya. Tutal 6:00 pa lang
naman eh naglakad-lakad na lang ako dun sa may open field. Ang cute kasi ng mga damo eh.

Hala? Nacute-an daw ba sa damo? HAHA.

“Lyka!” kagulat naman! Eh? Nasaan yung tumatawag sa akin?

“Lyka dito! Sa likod mo!” Pagtingin ko, si James lang pala. Teka,

SI JAMES?????????

Para naman akong na-estatwa dun sa kinatatayuan ko. Ang cute niya kasi eh. Nakaupo lang siya
doon sa ilalim ng puno at ang cool tignan.

AND WHAT THE HECK AM I SAYING?


Halos one minute na ata akong nakatayo doon kaya tumayo siya tapos lumapit sa akin. And then,
hinila niya ako papunta sa puno. Pagtingin ko sa baba,

O_O HAWAK NIYA PALA YUNG KAMAY KO. Teka teka, anong gagawin ko?! Dapat ba mailang ako?
Tatanggalin ko ba? Didiinan? Ano? Ano? Calm down. Wag kang magpapanic Lyka. Sus, hawak niya
lang naman yung kamay mo eh. Yun lang!

WAG KANG MAGPAPANIC!!!!!!!

WHOA! Buti nakarating na kami sa puno. Wala na ang kamay issue sa utak ko. Badtrip! Ano bang
nangyayari sa akin?! May mental disorder na ata ako eh!

“Anong oras nga pala klase mo?”


“Seven pa. Ikaw?”
“Nine.”
“NINE!?!” O_O Kainggit!
“Bakit?”
“So uupo ka lang dito hanggang nine? Sigurado ka?”

Tumawa naman siya.

DAMN. Ang gwapo. I mean, ang cute ng ngiti nya. Este ano pala, maganda yung pagproject niya sa
smile niya. ANO BA?! Pati sarili ko niloloko ko na ah? Fine. Ang gwapo mo. Period.

“Oo, boring sa dorm eh.”


“Bakit hindi ba boring dito?”
Ang boring kaya dito. Nakakaantok pa.
“Eh andito ka na eh.”
“Dapat sa—WHAT?”
“Wala sabi ko ang cute mo.” Sabay pisil sa pisngi ko.

Umurong ata dila ko. Tapos bigla atang uminit.

“Just wait here. Bibili lang ako ng drinks.”

Pagkaalis niya, sumabog ata yung mukha ko sa hiya. The hell. Bakit ganun siya?!

Alam kong playboy ang dating niya, pero hindi niya ba naiisip na bawat babaeng sinasabihan niya
ng ganun eh ma-iinlove sa kanya? Syempre kasama ako, este PWERA ako pala.

“Joke lang yun. Joke lang yun. Joke lang yun. OKAY?!” todo convince ako sa sarili ko eh no?

After five minutes siguro eh bumalik na rin siya. Pagtingin ko, dalawa yung hawak niyang juice
ata. Binilhan niya ako? Oh baka sadyang nauuhaw lang talaga siya?

Ang the right answer is…

“Here.”
Akin nga! Bait naman.
“Thanks!”

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Yung iba nga senseless eh.
Pagtingin ko sa phone ko, 6: 55 na?! Shocks! Natuwa ako masyado sa mga pangyayari! May klase
nga pala ako!

“Sige pala! Late na ako! Bye!”


“Gusto mo hatid kita? Ayun yung sasakyan ko oh.” Tapos tinuro niya yung car na white. May
sasakyan siya?!

Sumikip naman bigla yung dibdib ko.

“NO!! I mean, wag na. Sorry. Bye.”

Tumakbo na ako nun ng mabilis. Kainis naman! Di ko naman sinasadyang sigawan siya eh. Ayoko
kasing sumakay dun.
I HATE CARS. Really.

Oo nga pala, malalate na pala ako. Baka ma-zero na naman ako sa quiz! Speed up Lyka!
Halos sabay lang kami ni Sir Sales pumasok ng room. Yes! Di ako late! Makakapag-quiz ako! :D
Umupo na ako sa upuan ko at maglalabas na sana ng papel tapos biglang,

“Wala tayong quiz ngayon ha. Maghahabol kasi tayo ng lessons eh.”
“YES! YAHOO!” sigawan naman yung mga classmates ko.

Pero parang ako lang ang hindi masaya. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa. Hindi ba nila
alam na tinakbo ko with full speed mula open field hanggang math building na nasa magkabilang
dulo para lang makaabot sa quiz?! Leche. Nasayang lang ATP ko. Napawisan pa ako. BADTRIP NA
BUHAY.

Matapos yung lesson sa math eh didiretso na sana ako para sa English. Kaya lang nakaharang na
naman sa daanan si mokong.

“Wala daw klase.”


“Talaga?”
“Ayaw mo maniwala eh di wag.”
“May sinabi ba akong di ako naniniwala? Naninigurado lang ako.”
“Shut up. Dami mo pang sinasabi.” Tapos sabay walk-out.

Umatake na naman yung mood swings niya! Daig pa babaeng may period eh! Nuknukan ng sungit.
Sarap umbagan. Hmp!
Sinundan ko nalang siya dahil wala rin naman akong pupuntahan.

“Dylan! Wala kayong klase di ba? Kami rin eh. Let’s eat!” HALA! San sumulpot ‘tong si Mei?
Bigla-biglang nanggagaling kung saan eh! Katakot. Tumagos ata sa dingding?
“Sige.” Aba, ngumiti ang loko.

Napatingin naman si Mei sa akin.


“Oy Lyka, tara! Sama ka na rin.” Tapos napansin kong sumimangot si Dylan.

Hmmm, I smell something fishy here.

“Hindi wag na, kakakain ko lang.”


Bigla atang nabuhay si Dylan. Sabi na nga ba may tinatagong secret ‘to eh. Ang swerte niya
dahil ako lang naman ang nakaalam. >:) Maasar nga para makaganti. Bwahaha.

“Sasama na pala ako. Let’s go Mei!”


Hinatak ko si Mei palayo sa kanya tapos nagmukha siyang serial killer. Katakot! HAHA. Yung
titig nya kasi nakakatakot eh. Parang kakain ng tao.
Naglakad naman kaming tatlo papunta sa canteen. Syempre nasa unahan kami ni Mei tapos nasa
likod si Dylan. HAHA. Di mo masosolo si Mei! Akala mo ha?
At mukhang ito na ang oras para makaganti.

“Mei, may tanong ako.”


“Ano yun?”
“Sinong crush mo?”

Na-shock naman silang dalawa sa tanong ko. Ewan ko kung bakit pero parang biglang nag-iba yung
atmosphere.

“Ahh ano, wag mo nang sagutin. Sorry, feeling close ako.” Nakakahiya naman. Kaya ayokong
makipagkaibigan eh! Nakakabadtrip mga ganitong eksena! Ngumiti naman siya pero halatang pilit.

“Okay lang yun, ano ka ba. Crush ko?

Si James.” Tapos bigla siyang tumakbo papasok sa canteen.


O_O
.Chapter 9.

“Si James.”

Pagtingin ko sa likod, di ko maiwasang tumakbo ng mabilis sa loob ng canteen.


Eh ikaw ba naman makakita ng taong gusto atang pira-pirasuhin ka?! Katakot kaya!
Pagpasok ko, nagbubulung-bulungan na naman yung mga estudyante.

“Ang gwapo nya talaga no?”


“May girlfriend na kaya sya?”

ASUS! Pinag-uusapan na naman nila si Dylan. Bakit ba napaka-big deal ng taong yan? Gwapo ba
talaga sya?

Parang hindi naman.


Wala atang taste mga tao dito.

“Lyka! Dylan! Dito tayo!”

Oh? Tinatawag na pala kami ni Mei. Pumunta na ako dun sa table at nilapag ko yung mga gamit ko.
Then, umorder na ako. Kasunod ko na rin silang umorder.
Okay, wala na akong break after nito dahil may gagawin akong importante sa 1-hour lunch break
ko. So, kanin na ang inorder ko. Sila naman, macaroni spaghetti lang.

Diet?

“Wala ka na bang break, Lyka? Bakit rice meal ang inorder mo?”
“Mmm. Wala na akong break eh.”
“Di ba may lunch break ka after Biology?”

Epal talaga ‘to.

“Eh may gagawin ako eh, bakit ba?”


“So?”

Napaka-walang kwenta talaga niyang kausap. Alam nyo yun? >:(

“Hey Mei, sorry talaga kanina. Nakakahiya.” Yumuko nalang ako. Nakakahiya talaga!
“Sus! Ano ka ba? Kumain nalang tayo okay?” ngumiti naman siya.

Buti nalang maraming mababait na tao sa mundo! :)


Napatingin naman ako kay Dylan. Then, napatingin rin siya sa akin kaya inalis ko na yung tingin
ko sa kanya. Nanlilisik ba naman yung mata?! Akala mo leon eh! Tsk.

At marami ring masasamang tao!

Tinignan ko naman silang dalawa habang kumakain. Super close talaga sila no? Yun nga lang,
ibang level yung kay Dylan. May gusto ata siya kay Mei eh.

Sana may bestfriend din ako.

“James.”

Nagulat ako dahil nasabi ko yung pangalan ni James. Ano ba yan?! Napatingin tuloy sa akin si
Lyka.

“Ah sorry. James kasi yung pangalan ng bestfriend ko.” Tapos hininaan ko, “Dati.” Napayuko
nalang ako. Crap. Ano bang nangyayari sa akin?

“Okay lang yun no. Ang dami-daming James sa mundo. Well, James rin naman ang pangalan ng isa ko
pang bestfriend eh. Syempre, meron ding Dylan.”

Ang ganda ng smile niya. Siguro ganyan din ako kasaya kung may mga kaibigan ako? At saka
bestfriend.
AHHHH!!! Emo na ba ako ngayon? Mukha akong ewan.

“Ahm, Mei. Pwede ulit magtanong? Kaso medyo personal eh.”


“Go ahead.” Huh? Nakangiti siya? Bakit parang tuwang-tuwa siya?

Nabasa niya ata yung tanong sa isip ko.

“ Alam mo bang ngayon lang ako nakipagkwentuhan sa isang girl?”


“Wh..what?!”
“Paano kasi, dalawang guys ang bestfriend ko. Plus, mga heartthrob pa. So maraming naiinggit na
girls sa akin at minsan eh inaaway nila ako. Ayaw daw nila sa akin kasi inaagaw ko raw yung mga
crush nila. Pero syempre, pinagtatanggol ako ng mga bestfriends ko.”
“Wow. That must be tough. Ang saya pala ng may bestfriend no?”
“Oo nga eh! Lalo na pag lalaki. Parang knight in shining armor lang.”

Nagtawanan kami ni Mei dahil tungkol kay Dylan at James yung pinagkukwentuhan namin. Nung high
school pala sila eh para daw silang bodyguard ni Mei. Nakakatawa di ba?
Pagtingin ko kay Dylan, mukha siyang abno dahil hiyang-hiya na siya sa mga pinagkukwento ni Mei
sa akin.

“So ilang taon na kayong mag-bebestfriend?”


“Ahhh, kami ni Dylan 10 years na. Si James naman, 7 years.”

7 years. Ganun na rin pala katagal nung huli kong nakita si James. Yung bestfriend ko. Pero
alam ko naging crush ko rin sya dati eh?
WAAAAHH! Ano bang sinasabi ko?! Erase. Erase.

Teka? Hindi kaya.. No, Malabo.

“Ahh. So after 3 years nyo lang nakilala si James?”


“Yup. Bagong lipat siya sa subdivision dati. Hindi nga siya friendly nung una eh. Lumipat sila
after nung birthday niya.”

Wait. Umalis sila sa James sa lugar namin… after his birthday din. Pero, imposible talaga eh.
Lalo ko tuloy gustong magtanong! Gusto kong malaman kung… siya ba.

“Pwede mang malaman kung kailan yung birthday ni James?”


“April 7. 17 na siya ngayon.”

O_O NO WAY. NO WAY. Baka magka-birthday lang sila? Marami namang ganun di ba?

“Ganun na ba ako kasikat para pag-usapan niyo?”

Napatingin kaming tatlo sa gilid.

Si…si…. James.

“Speaking of the devil.” Sabi sa akin ni Mei ng mahina.


“Oh James, ikaw pala. Tara dito ka nalang, may isa pang vacant seat oh.” Wow.

Ang galing ni Mei. I mean, di ba may gusto siya kay James? Pero parang sa situation ngayon,
parang wala. Parang bestfriend lang ang turing niya kay James.

“Thanks. So sikat pala ako sa girls?” then nag-smile siya. CUTE.

Magkatapat kami ni Mei tapos katabi nya si Dylan. Katapat naman ni Dylan si James.
In short, katabi ko siya. O_O

“Tss. Hindi lang ikaw no! Si Dylan din kaya.”


“Bro! Ngayon lang ulit tayo nagkita ah? How’s life?”
“Ayos naman dude.”
Ayos sa tawagan ah! States?

Bigla akong kinilabutan. Parang ang awkward ng environment namin ngayon. BASTA! Di niyo ba
feel?

Si Mei may gusto kay James. Si Dylan may gusto kay Mei. Si James, may gusto sa akin. HAHAHAHA!
Joke! Asa naman. Ahem, seryoso na nga. Si James, di ko alam kung may gusto ba siya kay Mei.
Ako, epal lang dito. Sabit sa kanilang tatlo na magbebestfriend at sa love triangle.

“Ay oo nga pala. Di ba magkakilala na kayo ni Lyka, James?” sabi ni Mei. Oo nga pala, nakita
niya pala kaming kumakain noon.
“Magkakilala kayo?” si Dylan naman yung nagtanong.
“Ah yes. I met her sa Engineering building.”

TEKA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

“Anong ginagawa mo sa Engineering building? Wala ka namang klase dun ah?”

Nagtanong pa ‘tomg mokong na ‘to! Kainis! Baka malaman pa nilang nakatulog ako sa bench at
sinabihan ko si James ng kung anu-anong kalokohan dahil akala ko eh foreigner siya! ARRGG.

“Bakit masama?! Masama bang pumunta dun?”

Si Dylan biglang ngumiti. WHOA! Ngayon lang siya ngumiti ngayong araw ah?

“So kaya ka pala nagkaganon.” Sabi ni Dylan ng mahina. Pero narinig ko? At saka,

WHAT DOES THAT MEAN?

“So paano kayo nagkakilala?” si Mei naman yung nagtanong.

Naku eto na ang kinatatakutan ko eh!

Wala na. Yumuko nalang ako. Parang umaalis na naman yung kaluluwa ko. Huhuhu. Masyado na akong
lubog sa kahihiyan.
Narinig ko naman yung tawa ni James. Kita niyo?!? Pati siya, pinagtatawanan ako! Nakita nya
sigurong hiyang-hiya na ako dito.

“Nalaglag kasi yung mga gamit niya sa daan kaya tinulungan ko siyang pulutin.”

Huh?
Teka, kelan nangyari yun?

“Asus! Ang bait talaga ng bestfriend ko!” tapos ginulo ni Mei yung buhok ni James.
“Hey, hey, Mei! Stop it!”

Ang cute nilang tignan.


Si Dylan naman mukhang nagmumukmok at sinusubukang kausapin yung pader. Selos?
Tapo tumingin si James sa akin. Tapos. Tapos.

OMO! Kumindat siya! *faints*

Okay, I know that he saved me from a very disappointing situation, pero kailangan ko pa ring
malaman kung siya at si James eh iisa.
Tapos na pala akong kumain. Silang tatlo nalang yung kumakain. Ang bagal?! Kanina pa kumakain
si Mei at Dylan ah??
Dahil wala akong magawa eh nilabas ko nalang yung ballpen tapos isang pirasong papel.
Magdadrawing nalang ako. Bagal nila eh.

Medyo magaling akong mag-drawing. Syempre mana sa kuya ko! Dinadrawing ko silang tatlo habang
kumakain. Ang cute talaga nilang tignan. Para silang mga elite kung kumain.

Pero paano ko kaya malalaman kung siya si James? Alam kong James pangalan niya pero that’s not
my point. NAMAN!

“Eh?”

Ano ba yan? Nalaglag pa yung ballpen ko. Ang nakakaasar pa dun sa kabilang gilid ni James
pumunta.
“Kunin ko na.”
“NO! Ako nalang. Kumain ka nalang.” Iistorbohin ko pa pagkain niya.
“O..ok.”

May naalala naman ako bigla.

Teka, may balat sa batok si James na bestfriend ko. Okay, eto na ang time for proving!
Tumayo ako para kunin yung ballpen ko tapos pumunta ako sa likod ni James dahil malapit dun
yung ballpen. At syempre para makita ko na rin yung…

“Balat?!”

Tinakpan ko yung bibig ko. Bobo! Sana hindi niya narinig. Pero,

MAY BALAT SIYA?!?!?!?

Bumalik na ulit ako sa upuan ko.

“Hey Lyka, what’s wrong? Para kang nakakita ng multo ah?” Oo Mei, I think I saw a ghost.

SIYA? As in siya talaga? Pero, hindi pwede eh! How come?

“Ahh wala, may naalala lang ako. Sige, kain lang kayo.”

Tinignan ko si James. Di ako makapaniwala. Di naman pwedeng coincidence lang lahat ng yun?
Siya? Siya si James? ANG LABO TALAGA!

Para naming nag-flashback lahat ng nangyari 10 years ago. Gusto kong maulit yun. Kaso mukhang
malabo na. Hay buhay!

“Ouch!” Sino ba yung sumipa sa akin?!


“Bakit Lyka?”
“Ah wala Mei, may kumagat na langgam sa paa ko. Kumain ka nalang.”

Pagtingin ko, si James pala.


Problema nito?!

Tinitigan ko lang siya. Tuloy lang naman siya sa pagkain kaya lang bigla siyang huminto.

“Sorry Lyka, for leaving you seven years ago.”

O_o
OUCH. TT_TT

.chapter 10.

“Uhm, sige una na ako. May klase pa ako eh.”


“Okay. Ingat Lyka.” Ang bait ni Mei no? Kahit di kami masyadong close.

Naglakad na ako palayo sa kanila. Kaso umepal na naman si Dylan.

“Teka, 45 minutes pa bago mag-History ah?”

Di ko nalang siya pinansin. Basta gusto ko nang umalis sa spot na yun.


Banyo. Banyo. Asan na ba yung banyo?!
Pagkapasok na pagkapasok ko sa cubicle, I started to cry.

Di ko rin alam kung bakit. Basta gusto kong umiyak. Kainis. Kainis. Ano ba kasing nangyari?
Wala man lang akong alam! Ang ayoko sa lahat eh yung nagmumukha akong tanga sa harap ng mga tao
eh!

Tina-try ko na pigilan yung luha ko. Pero ayaw eh. Ah basta. Dapat matigil na ‘to. Para akong
bata.

***

Pumasok ako sa tatlo ko pang klase na parang kinagat ng ipis yung mata ko. Pangit tignan!
Wala akong pinapansin na kahit sino dahil wala ako sa mood. Minsan lang naman ako mag-inarte
eh, lulubus-lubusin ko na ang moment ko.

Pag-uwi ko sa bahay, nakaupo lang si Dylan sa harap ng lamesa. Tapos nakatingin sa akin at
nakangiti ng nakakaloko. Anong nakain nito? Parang naadik eh?
Di ko nalang pinansin at gusto kong matulog ng maaga.

“James pala ha.”

Napahinto naman ako at nanlisik talaga yung mata ko sa kanya.

“Anong meron sa kanya?”


“Wala naman. Siya lang naman ata ang long lost bestfriend mo. Am I right?” tapos nag-feeling
matalino pa. Hmp!

Teka, pano niya nalaman? Kinwento nya sa kanila?!

“Paano mo nalaman?”

Nagulat siya sa sinabi ko. Anong meron?

“So totoo yung hula ko?! WOW. Ang galing ko naman!”

Pwede bang ilayo nyo sakin ‘tong mokong na ‘to?! Mabubugbog ko sya ng wala sa oras eh! Akala ko
pa naman alam niya talaga! ARGH!
Ngayon, alam na niya talaga!!!

“Get lost.” Yun nalang yung nasabi ko. Kainis siya!


“Kaya pala para kang engot na banggit ng banggit ng pangalan ni James dati.”

Huh? Ano daw? Kelan?

“Ewan ko sa’yo.” Napakawalang kwentang kausap ng lalaking ‘to.


“May gusto ko sa kanya no?”

O_O

“WHHAATTTT?!”
“Bakit, wala ba? Halata kaya!”

Nababadtrip na ako sa kanya ha. Dapat dito ginagantihan eh. Humanda ka sa special weapon ko!

“Alam mo, bestfriend lang ang tingin ko sa kanya. Di tulad ng IBA DIYAN, na more than
bestfriends ang tingin sa bestfriend niya.”
“So what are you trying to say?”

HAHA. Napipikon na siya. Pikon talaga! Nakakatawa! Kaya ang sarap niyang asarin eh.

“Wala naman. Natatamaan ka ba? Bestfriend lang naman tingin mo kay Mei diba? Oh baka may gusto
ka kay James?” Bilib na ako sa talent ko! Ang pang-aasar!
“Ha? Si—sinong may sabing may gusto ako kay Mei? Baliw ka? Be..bestfriends lang kami no!”
“Eh bakit ka defensive?! So kay James ka may gusto?”
Kumunot yung noo nya at parang gusto niya akong awayin. Aba! Mababaw na asaran pa lang ‘to ha?
Talo agad!

“Sabi na nga ba Dylan eh.”


“What?”
“Isa kang….” Pumorma na ako para sa aking grat escape.

“BAKLA! BADING! BAKLA! BAKLA! BAKLA!”

Tapos tumakbo ako papuntang kwarto at ni-lock ko yung pinto.

“WHAT?!? Humanda ka sakin pag nakapasok ako dyan!”

HAHAHA. Nakakatawa talaga! Masyado siyang pikon! Parang tinawag lang na bakla eh! Babaw niya
ha.

“Kung makakapasok ka! Try mo!”

Gumalabog bigla yung pinto.


May balak ba siyang sirain yon?!

“Pasalamat ka di ako makaganti ngayon! Masyado ka ng maraming atraso sa akin! Gaganti talaga
ako ngayong linggo!”
“GOOOO! As if I care?” ay ang taray ko?

Dahil hindi naman ako makalabas ng kwarto at baka bigla nalang akong atakihin ng mokong na yun
sa labas, gumawa nalang ako ng assignments. Kaso nagugutom na ako. -_- Di tuloy ako makakain.
Naman!

Parang ang tahimik ata sa labas? Baka umalis siya? O kaya nagseset-up ng traps? Aba, palaban
rin ‘to ah!

“Humanda ka sakin Lyka.”

AAAAHHHHHH! Nakakagulat! Paano siya nakapasok?!

“Hoy paano ka nakapasok?! Wag mong sabihing sinira mo yung pinto?!”

Wala siyang sinabi at tuluy-tuloy lang siyang lumalapit sa akin. Ako naman eh napapaatras.
Bakit ba ako natatakot sa kanya?! Nag-aral ako ng self-defense! Kayang-kaya ko siya no!

“Don’t dare. Wag kang makalapit-lapit sakin ha! Sinasabi ko sa’yo, kaya kitang balian ng buto!”
Tama na ba yung tapang na yun?

Ngumiti siya ng nakakaloko. Ayoko talaga ng ngiti nyang yun. Kinikilabutan talaga ako.
Yiiikkess!

“Kahit nag-aral ka pa ng judo, or whatever, babae ka pa rin. Mas malakas pa rin ako sa’yo.”

Tuloy pa rin yung pag-atras ko at pag-abante niya. Kainis!

“Huh! Ang yabang mo! Baka gusto mo talagang mabalian ng buto?”


“Gusto mo ng proof na hindi mo ko kaya?”

Bumilis naman yung paglapit niya kaya binilisan ko rin yung pag-atras ko.

“Ouch.” Uh-oh. Dead end. Pader na. Bakit ba lagi niya nalang akong na-cocorner sa pader?!?!

Bigla niyang hinawakan yung mga braso ko. Ouch! Malakas nga siya! Teka, pano ako lalaban nito
ngayon?!

“See? I’m stronger than you. Lagi ka ngang natatalo sa move na ‘to eh. Wala kang kawala, dito
pa lang. Tss. Weak.”

Weak pala ha?

“Sinong weak?” tapos sinikmuraan ko siya gamit yung tuhod ko.

Nabitawan niya mga braso ko kasi hinawakan niya yung tiyan nya.
OKAY. Another successful escape!

“Oops. Sorry, di lang pala kamay nakakasakit. Tuhod rin.” Then talagang tumakbo ako palabas at
nagtago ako sa cr.
Badtrip! Imbes na kumakain na kami ngayon eh nagkaroon na naman ng war dito sa bahay.

“Lyka!”

Aba! Bahala siya diyan. Kasalanan niya naman eh.


Pero kinabahan ako bigla. Shemay! May lock pala sa labas ‘tong pinto ng banyo! Bakit dito ako
pumunta?!
Binuksan ko yung pinto. Pero ayaw bumukas.

“Hey! Hey Dylan! Buksan mo ‘to! Isa!”

Narinig ko siyang tumatawa. Kainis! Pag ako nakalabas dito, bubugbugin ko talaga siya!!!

“Akala mo ha? This is the start of my revenge, Lyka.” Tapos tumawa ulit.

Hala? Nabaliw na talaga ata siya?

“May revenge, revenge ka pang nalalaman dyan! Buksan mo to!”


“Ayoko nga.”
“Ano ba?!?!”
“Enjoy your stay there, Lyka.”

So ginagantihan niya talaga ako?

“HOY!!! Pinalabas naman kita dati nung kinulong kita dito ah?! Palabasin mo na kasi ako!”
“Well, kasalanan mo yun. Bakit mo kasi ako pinalabas?”

YYYAAAAAAHHHHH!!!!!! Dapat pala kinulong ko siya ng buong araw nun eh!


Wala na akong energy nun para sumigaw pa. Ubos na. Plus nagugutom pa ako. At inaantok na rin.
Ano ba naman yan!!

“KAKAIN NA LYKA! DALIAN MO DYAN! LUMABAS KA NA! ANG SARAP NG NILUTO KO OH!”

BWISIT! Nang-aasar pa! Nagugutom na nga ako eh, nang-iinggit pa!


Ang sakit na talaga ng lalamunan ko. Di na ako makapagsalita. Masyado ba akong madaldal?
After 10 minutes siguro eh napagod na akong tumayo kaya naupo ako doon sa gilid ng pintuan.
Inaantok na talaga ako. Gusto ko nang matulog.

*BLACK*

***
Dylan’s POV

Huh! Akala niya ha? Marunong rin naman akong gumanti sa babae no! Lalo na sa mga katulad niya.
15 minutes na ring nakakalipas nung ni-lock ko sya sa cr. Bakit kaya bigla siyang tumahimik?
Nakakapanibago ha?
Or should I say, nakakapangilabot? Parang kakaiba na hindi siya nagrereklamo ah? Asarin ko kaya
ulit?

“Lyka! Wag mong i-flush sarili mo ha?”

Kaso walang sumagot.


Baka naman nagseset-up na naman siya ng trap? Aba, aba! Di ako mahuhulog dyan ui!

“Wag ka nang magbalak ng masama! Lalo kitang di palalabasin diyan!”

Wala pa ring nagrereklamo. Ano bang nangyayari?


Baka naman…

Di kaya may nangyaring masama?


Kinabahan ako bigla. Naku, yari ako pag nagkataon!

Binuksan ko kaagad yung pinto. Tapos si Lyka, nakahiga sa sahig.

Nagpanic naman ako sa nakita ko. Nahimatay siya?! Di kaya tumama yung ulo niya? HALA BAKA MAY
DUGO?!?!
Chineck ko yung ulo niya. Whew! Buti naman wala!

“Lyka! Lyka!” tinapik-tapik ko yung pisngi niya.


“Mmmmm.”
Huh?
Teka.
Na..na..nakatulog siya?!?!?!

Akala ko pa naman kung ano ng nangyari! Nakatulog lang pala! Walang hiya! Kinabahan pa man din
ako.
May nahawakan naman akong kung anong basa sa sahig. Pagtingin ko, kulay pula.

Teka, DUGO?!

Ano ‘to? Di kaya? Eto ba yung sa babae? YUCK!!!


Hinugasan ko kaagad. Kadiri.
Ano ba naman ‘tong babaeng ‘to.

Pero napatingin ako sa braso niya. Bakit may dugo dun? Umaabot ba yun doon?

Tinignan ko ng mas malapit. May sugat pala siya. Ang laki! Wala naman yun kanina nung hinawakan
ko braso niya ah? Saan yun galing?

Gigisingin ko na dapat siya kaya lang, bigla kong na-imagine yung mangyayari kapag naabutan
niya ako dito sa loob. Baka mabugbog ako ng di-oras.

Ano pa nga bang magagawa ko? Aynaku naman!


Binuhat ko siya papuntang kwarto.

“Buti di ka masyadong mabigat.”

At buti di siya nagising.

Oo nga no? Eh madali lang ‘tong magising ah? Bakit tulog pa rin hanggang ngayon? Ah ewan. Wala
na akong pakialam.
Bumalik ako sa cr para patayin yung ilaw. Sayang sa kuryente eh. Tapos may dugo pa rin dun sa
tiles.

AHHH! May basag na tiles nga pala sa gilid! Baka dito sya nasugat? Ano ba naman yan! Di nag-
iingat!
Bumalik ako sa kwarto. Mukhang malalim tulog niya ah. Kainggit -_- Di pa rin ako inaantok eh.

Wait.

HALA! Nakalimutan ko yung sugat niya! Kumuha agad ako ng panlinis ng sugat at betadine. Pati na
rin ng bulak at benda.
Ang warfreak kasi ng babaeng ‘to. Ni wala man lang katiting na pagkamahinhin. Napaka-abnormal
pa at di marunong mag-ingat. Walang-wala siya kay Mei.

Ang galing ko bang manglait? Buti nalang tulog. Pero mukha siyang babae pag tulog ha? Pa tulog
lang. Pag gising, monster.
Ginamot ko na yung sugat niya at binendahan ko na rin. Buti may mga dala siyang ganito.
Hindi pa pala siya kumakain. Tsk. Di ko naman yun kasalanan eh! Palalabasin ko na dapat siya
para kumain pero nakatulog naman.

Gisingin ko kaya?

Or not. Wag nalang siguro.

Pero, paano na ko makakaganti neto? Eh tulog na siya? Balak ko pa namang asarin siya bago
matulog! Sayang!

Ah alam ko na!

Kinuha ko yung cellphone ko tapos, pinicturan ko siya ng tulog. BWAHAHAHA! >:) May pang-
blackmail na ako sa’yo Lyka! Humanda ka bukas!

Dahil medyo inaantok na rin ako, humiga na ako.

TULUGAN NA!
.Chapter 11.

Lyka’s POV

Dinilat ko yung mata ko. Nakatulog pala ako?

Huh? Di ba nakakulong ako sa banyo? Bakit parang ang laki ng banyo ngayon?

TEKA! KWARTO NA PALA TO! Pano?!


Tinignan ko yung cellphone ko. Alas-tres pa lang.

“Ouch.” Parang ang sakit ng braso ko ah!

Pagtingin ko, may benda! Whoa! Magic! Pero ang sakit talaga eh!
Dahil naramdaman ko ang matinding kagutuman, tumakbo ako papuntang kusina. Grabe, gutom na
gutom na ako!

Ang bilis kong kumain. Ganun ba talaga pag sobrang gutom? Mukhang nahahawa na ako kay Dylan ah?
And speaking of Dylan, siya kaya naglagay ng bendang ‘to?

Eh baka ako? Unconscious nga lang. At baka nag-sleepwalk lang ako palabas ng banyo kahit naka-
lock? Di ba?

Imposible.

Okay, baka nga siya may gawa ng lahat. Baka, na-guilty.


May atraso nga pala sa akin ‘to ah!!
Nilapitan ko siya tapos sisipain ko sana kaso biglang gumalaw. Phew! Akala ko magigising eh.

Pero, ang cute niya pag tulog. Sana lagi nalang siyang tulog. Pag kasi gising para siyang
matandang kaka-menopause pa lang eh.

Eto na naman. CUTE?! Kelan ko pa natutunang ilagay sa isang sentence ang CUTE at DYLAN?!

Yuck. Never.

Nahihilo ako. Pero kumain na ako ah? Gusto ko na ulit matulog kahit halos kagigising ko lang.

“Ang sakit talaga ng braso ko.”

HALA! Bakit iba yung boses ko?! Ang pangit.


Ano ba yan! Sinisipon pa ako. Malas naman. Makatulog na nga!

***

James’ POV

Seven pa pala class ko ngayon. 6:00 pa lang. One hour pa akong maghihintay. -_-
Pumunta naman ako sa open field. Lagi namang dito yung tambayan ko eh. Syempre tahimik! Tsaka
presko.

Kamusta na kaya si Lyka? Dapat ba inamin ko sa kanya ng mas maaga? O dapat matagal pa? Ah ewan.
Naamin ko na eh. Di na mababago yun.

Si Mommy kasi eh. Kasalanan niya yung lahat.

*flashback*

“Mom, bakit tayo lilipat?”


“Masyado kasing maliit ‘tong bahay na ‘to James. Di comfortable eh.”
“Pero po, ang laki-laki ng house natin ah? Tsaka gusto ko po dito! Andito yung bespren ko!”
“James, nakakuha na ako ng bahay sa magandang subdivision. Mas malalaki mga bahay dun. Tsaka
mas maraming kalaro.”
“Ayoko dun!” tapos lumabas ako ng bahay at nakipaglaro kay Lyka.
Kinabukasan, birthday ko, may sinabi sa akin si Mommy.

“James, sabi ni Lyka, di ka na raw niya bestfriend. Lumipat ka nalang daw dahil ayaw niya na
sa’yo.”

Umiyak ako nun. Di ko akalaing sasabihin yun ni Lyka. Kaya sabi ko kay Mommy, bukas lumipat na
kami. At ayoko na ring mag-celebrate ng birthday ko. Nakaka-walang gana.

Nagulat ako nung biglang pumunta si Lyka sa kwarto ko. Naiinis pa rin ako sa kanya kaya kung
anu-anong sinabi ko sa kanya. Pinagtabuyan ko siya sa bahay namin.

Kinabukasan, lumipat na kami. Habang busy si Mommy, tinanong ko yung yaya ko kung kelan sinabi
yun ni Lyka kay Mommy.

“Sir James, di naman po nagkausap yung Mommy mo at saka si Lyka eh.”

Naguluhan ako nun kaya pinuntahan ko si Mommy.

“MOMMY!”
“Bakit James?”
“You’re a liar!”
“That’s bad!”
“Sabi mo kinausap ka ni Lyka, eh hindi naman talaga!”
“Ah yun ba? Sorry anak. Ayaw mo kasing lumipat eh. I don’t have a choice. Well, at least
nandito na tayo.”
“MOMMY!!!!! I hate you!”

*end of flashback*

Kaya simula nun eh wala na akong contact kay Lyka. Di rin ako lumalabas ng bahay.

Siya yung una kong friend. Tapos naging bestfriend ko pa siya. Madalas kasing walang kumakausap
sa akin dati dahil nakakatakot daw yung Mommy ko. Pero siya, di siya natakot.

After 2 months eh saka lang ako naglibut-libot sa subdivision. Dun ko nakilala si Mei at Dylan.
Well, sila yung mga naging bago kong bestfriend. Pero syempre, di ko pa rin nakakalinutan si
Lyka.

Masyado na ata akong nagkukwento sa past ko! Hahaha. Anong oras na ba?

6:15 pa lang T_T TAGGAAAALLL.

“James!”

Nakita ko si Mei na papalapit sa akin.

“Yo!”

Sinamahan niya ako sa ilalim ng puno. Pero tahimik lang siya.

“James?”
“Yeah?”
“May nagugustuhan ka na bang girl?”
“Why?”
“wala naman. Kasi ano…”
“Look, Mei. Wer’re bestfriends. Ayoko sanang masira yung friendship natin dahil sa infatuation
mo.”
“But it’s not just infatuation, James! Sana naman maisip mo yun.”

Tapos yumuko na lang siya.

“Mei, you’re beautiful. Andaming lalaking nagkakagusto sa’yo.”


“I don’t care ‘bout them. Ayoko sa kahit sino sa kanila.”
“You’re so mean. Paano nalang si Dylan?”
“Huh? What about him?”
“Matagal ko nang napapansin ‘to. And I think, he’s in love with you, Mei. Di mo ba yun
napapansin?”
“What do you mean?”
“Ikaw na bahalang umalam nun, Mei. You’re big enough to understand it.”

Tumayo na ako nun at baka kung saan pa mapunta yung usapan namin.

“See you later. Alis na ako.”


Di naman siya sumagot. Nakatulala lang siya. May mali ba sa sinabi ko?
Tsk. Lagot ako kay Dylan pag nalaman niyang sinabi ko kay Mei. Hayaan mo na nga!
6:30 na. Naglakad na ako para sa first class ko. Papasok nalang ako ng maaga. Wala na akong
matambayan eh. Tss.

After ng dalawa kong klase, break ko na. Tinext ko si Mei para sabay kami kumain.

‘Where are u? sbay na taung kumain. Treat ko. Sorry na rin ‘to pra knina. :)’

Nag-reply naman siya agad.

‘Okay. :) apology accepted.’

Pumunta na ako sa canteen. Yung table sa gitna nalang yung bakante kaya dun na ako naghintay.
5 minutes later, dumating na rin si Mei.

“You’re late.”
“Sorry! Hinarang pa ko ng stalker ko eh. He’s creepy.”

Natawa naman ako sa facial expression niya. Para talaga siyang bata.

“Anong order mo?”


“Parehas nalang tayo, tinatamad akong pumili eh.”
“Okay.”

Pumila na ako sa counter para bumili. Binigyan naman ako ng number. Tss. Maghihintay pa.

“Medyo matagal pa ata ‘to eh.”


“Okay lang yun.”

Naupo nalang ulit ako. Pagtingin ko kay Mei, seryoso yung mukha niya. Ano kayang nangyari?

“What happened?”
“Tungkol sa kaninang umaga.”
“Don’t mind that.”
“Pero James!”
“Please Mei. Ayaw kitang saktan. Pero ayoko ring saktan si Dylan. Sana naman maintindihan mo.”
“I’m telling you he’s not in love with me!”

“Mei!!!!!”

Napatingin naman kami sa sumigaw. Si Lyka kasama si Dylan. Palapit sila sa amin.
Oh no. This is not right.

“Look, James. I’ll prove it. Walang gusto sakin si Dylan.”


“Mei ano ba? Don’t do anything!”

Nung nasa harapan na namin yung dalawa, biglang tumayo si Mei. Napansin ko naman yung benda sa
braso ni Lyka. Ano kayang nangyari?

“Bakit, Mei?” tinanong naman ni Dylan.

Patay na.

“Please Dylan, answer me truthfully.”


“What?”

“Do you love me?”

.Chapter 12.

Lyka’s POV
O_O
“Do you love me?” Nagulat ako sa tanong ni Mei kay Dylan.

Ano bang nangyayari dito?


Pagtingin ko sa paligid, WTF?! Andaming nagtitinginan! Eh paano ba naman, andito yung dalawang
heartthrob “daw”. Grabeng hatak sa audience ah!

Tinignan ko si Dylan. Halatang cornered siya. Tapos tumingin siya kay James. Pagtingin ko,
nag-peace sign si James sa kanya.

Would you please tell me what’s happening here?!

Para akong sira dun na epal na walang kaalam-alam sa mga pangyayari. Pero bakit ko ba yun
inaalala? May sarili din pala akong problema.

KANINA PA AKO NAHIHILO AH? Ano bang problema ng katawan ko?

“Ano Dylan? May gusto ka ba sakin?!” parang naiiyak na si Mei. Bakit niya ba yun tinatanong? Di
ba obvious???

Naramdaman ko naming huminga ng malalim si Dylan. Sasabihin nya kaya? Mukhang magandang eksena
‘to ah!

“Mei, I don’t love you…”


“What??”

O_O Isa kang sinungaling na torpe Dylan! TORPE! TORPE!

“I love Lyka.” Bigla siyang tumingin sa akin tapos hinatak ako. Then, kiniss niya ako sa
forehead.

O_O O_o o_O


THE HECK?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?

Hinatak ako ni Dylan palabas sa canteen. Shemay! Andaming taong nakatingin! Napaka-tsismoso’t
tsismasa nyo!
Tinignan ko si Mei. Nakatulala lang siya doon. Naaawa ako sa kanya. Si James naman, pinapaupo
si Mei.

Tumingin naman ako kay Dylan. NAKAKABWISIT SIYA!!!


“Ano bang drama mo?! Ara--”
“SHUT UP!!!”

Ewan ko pero parang galit na galit siya. At ang sakit na ng kamay ko. Ang higpit ng hawak niya.
Jackpot pa at yung sugat ko yung hawak niya. Gusto ko sanang magreklamo pero nakakatakot talaga
siya ngayon eh.

Lakad lang siya ng lakad ng mabilis. Napapagod na ako. Plus nahihilo pa. At nagugutom na rin.
Pero…

NAKAKATAKOT TALAGA SIYA! T_T

At last! Tumigil rin!!!

Pagkabitaw niya, napaupo nalang ako sa damuhan. Nasa open field pala kami. Hinihingal talaga
ako. Di na ako makahinga.
Humarap siya sa puno tapos,

“F*CK!” bigla niyang sinuntok yung puno. OUCH! Sakit nun!

Pero di na talaga ako makahinga. At lalo pa akong nahilo. Pagtingin ko sa braso ko, dumudugo na
naman yung sugat ko.
Nainis na talaga ako nun. Bakit ba lagi na lang niya akong dinadamay?!!?

“MAY BALAK KA BANG PATAYIN AKO, HA DYLAN?! BWISIT KA!”


“Pwede ba?! Shut--”

Napahawak ako sa ulo ko. Naman! Umiikot na talaga yung paningin ko. Napahawak na lang ako sa
damo.

“Hey, what happened? Teka, dumudugo yung sugat mo!”

Parang humina yung boses ko.

“Kasalanan mo ‘to. Kung di mo ko hinila ng hinila, eh di sana…” parang nag-bablack yung


paningin ko. Anong nangyayari sakin?
“Hey, hey.. Lyka. Wake up. Wake up.”

Humihina na rin yung boses niya. Ang huli ko na lang narinig eh ‘wake up’.

***

Dylan’s POV

Ano bang pumasok sa isip ni James at sinabi niya yun kay Mei?!?! BWISIT!
Hinatak ko ng hinatak si Lyka. Wala na akong pakialam. Naiinis ako.

Pagdating naming sa open field, huminto na ako.


Sinuntok ko yung puno sa sobrang inis ko. Wala ng pumapasok sa utak ko kundi puro inis.

“MAY BALAK KA BANG PATAYIN AKO, HA DYLAN?! BWISIT KA!”

Sabi na nga ba magrereklamo na naman ‘to eh. Humarap ako sa kanya.


“Pwede ba?! Shut--”

Nakita kong nakahawak siya sa ulo niya tapos dumudugo yung sugat niya.

“Hey, what happened? Teka, dumudugo yung sugat mo!”

Ano bang gagawin ko?

“Kasalanan mo ‘to. Kung di mo ko hinila ng hinila, eh di sana…”

Yeah right. Kasalanan ko nga. Kung bakit kasi di ko napansin na sa sugat ko pala siya
nahawakan?!
Bigla siyang napahiga sa damuhan.

“Hey, hey.. Lyka. Wake up. Wake up.”

Bigla siyang nawalan ng malay. Kainis! Naman!


Marami na namang taong nakatingin. Ano bang problema nila? Ngayon lang ba sila nakakaita ng
taong nahimatay at dumudugo ang sugat???

AKO OO!

Dahil pakiramdam ko eh nagpapanic na ako, binuhat ko siya papuntang clinic. Di ko rin alam kung
paano ko nalaman kung nasaan yung clinic eh. Basta nakarating kami dun.
Naghintay ako dun sa waiting area. Buti yung last class namin eh mamayang alas-kwatro pa.
Siguro mga 10 minutes na yung nakaraan, lumabas yung doctor ata yun? O nurse? Basta.

“Ikaw ba yung kasama nung babae kanina?”


“Opo. Ano po bang nangyari? Bigla siyang nahimatay eh.”
“Tinatrangkaso siya. At mataas masyado yung lagnat niya. Nakadagdag rin yung sugat niya kaya
madali siyang nahilo.”
“Ahh okay po. Matagal pa ba siya diyan?”
“Wag mo na lang siyang papasukin sa klase. Paggising niya, ihatid mo na lang siya sa bahay
nila.”
“Okay po.”

Umalis na yung doctor. Trangkaso? Akalain mong nagkakasakit pala ang monster? Kakaiba ha!
Pinuntahan ko siya sa loob. Ang galing talaga no? Mukha siyang babae pag tulog. Astig.
Naalala ko bigla yung kanina. Anong sabi ko? I love Lyka? Tss. Sa lahat naman ng babae, bakit
siya pa?

Sabagay, siya pinakamalapit sakin nung time na yun. Pero, hinalikan ko siya? Ano bang pumasok
sa isip ko?
At bakit ba hindi ko inamin kay Mei? Ewan ko ba. Pakiramdam ko hindi tama na aminin ko yun.
Alam kong nasabi ni James kay Mei na may gusto ako sa kanya at gusto lang patunayan ni Mei kung
totoo yun.

Eh kung inamin ko? Eh di nagalit yun sakin. Hay buhay! MASYADONG KUMPLIKADO!

Idagdag pa yung mga usiserong yun. Kairita! Nakita pa nila yung eksena namin. Panigurado kalat
na yun sa campus.

Ano pa nga bang magagawa ko?

ACCEPTANCE LANG KATAPAT NIYAN DYLAN.

Hinintay ko nalang magising si Lyka. 12 na ata siya nagising eh.

“Hay salamat nagising rin.”


“Anong nangyari?”
“Nahimatay ka lang naman sa open field habang maraming nakatingin tapos binuhat kita papunta
dito at sabi ng doctor eh may trangkaso ka raw at lagnat at nakadagdag pa yang sugat mo kaya ka
nahilo. Okay na?”
Natatawa ako sa itsura niya. Ang bilis ko kasing magsalita eh. Para siyang napraning.

“Got it. Teka, anong oras na?!”


“12 pa lang. Wag ka na daw pumasok sabi ng doctor.”
“EH? Kaya ko pa namang pumasok ah! Di na ko nahihilo.”
“Wag ka ngang makulit, Lyka. Sinabi na nga ng doctor eh. Mas magaling ka pa sa doctor ah!”
“Eh sayang yun! Papasok ako.”
“Ang kulit mo rin eh. Bahala ka. Pag ikaw nabinat, mas lalo kang di makakapasok. Ako dati,
isang linggo akong di pumasok dahil nagpumilit rin ako.”

Wow. Galing kong gumawa ng istorya ah?

Halata naming natakot siya sa sinabi ko. Eh ayaw na ayaw niyang umabsent eh! Parang isang
subject na lang naman. May sakit na nga, makulit pa rin.

“O..okay. Uwi muna tayo.”


“Okay. Halika na.”

Inalalayan ko siya hanggang sa paglabas. Tsk. Di bagay sakin maging gentleman! Para akong nag-
aalaga ng mga maysakit eh!
Sumakay kami ng jeep. Nakakapanibago nga at magkasundo ata kami ngayong araw. At minsan lang
siya magsalita.

SANA LAGI NALANG SIYANG MAYSAKIT!


Hahaha. Joke lang.

Pagdating naming sa bahay, pumunta agad siya sa kwarto. Paglabas niya, nakapambahay na siya.
Pagkatapos, pumunta siya sa kusina. Magluluto pa siya sa lagay na yan??

“Hoy, hoy! Magluluto ka ba?”


“Ano pa ba? Di ba ako ngayon?”
“Ako na!”
“Aba Dylan? Bumabait ka na ata?”
“Asa. Baka kasi pangit lasa ng maluto mo dahil maysakit ka. Mas mabuti ng sigurado.”
“Tss.”

Pumasok na siya sa kwarto. Tama yan. Magpahinga ka nalang at wag ka ng manggulo. Para talaga
akong babysitter ngayon >_<

Nagulat ako nung bigla siyang lumabas.

“Dylan.” Whoa! Ang hinahon niya ata magsalita? Anong meron?


“Bakit?”

“Thank you! ^_^” tumakbo siya pabalik sa kwarto.

O_O Bakit parang kakaiba?

.Chapter 13.

Lyka’s POV

HAHA. Di pala mahirap mag-thank you eh! Whew!


Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Naabnormal na ata?

Wala akong magawa. Ano kayang pwedeng magawa?

Sinarado ko yung pinto at ni-lock ko. Oo nga pala, kahit i-lock ko to eh nabubuksan ni Dylan
gamit yung perdible. Ang galing no? Dapat matutunan ko rin yun! Para kung sakaling ma-lock ko
‘to, mabubuksan ko rin agad.

Ano kayang gagawin ko ngayon? Eh nakapagpahinga naman na ako sa clinic. Pumasok kaya ako?
Mamayang 4 pa naman yun eh. Okay na siguro ako ng mga oras na yun.

BWAHAHA. Nakatakas rin pala ako sa pagluluto! >:)))) Akalain niyong alam pala ni Dylan kung
paano maging mabait? Akala ko magsungit at mang-asar lang ang alam niyang gawin eh!
Nag-iikot ikot ako sa kwarto. Tapos napunta ako dun sa “teritoryo” ni Dylan. Ayos ha! Ang
linis. Daig pa ako eh! Lalaki ba talaga ‘to? Baka nga bakla?

Pinakialaman ko mga gamit niya. Patay talaga ako pag nalaman niyang nagkakalkal ako dito.
Patingin-tingin lang ako sa pinto at baka buksan niya bigla.

Siguro after one minute eh may nakita akong dalawang photoalbum. Una kong binuksan yung color
blue na medyo sira na yung cover.

WOW. O_O

Sabi na nga ba mga alien sila eh. Bakit ang ganda ng lahi ng pamilya niya? At sino kaya ‘tong
batang babae sa picture? Di naman kamukha ni Mei. Kapatid niya kaya?

Siguro. Bakit ba inaalam ko pa? Eh wala naman akong pakialam.

Yung laman ng first album eh puro family pictures. Ang cute nga ng daddy niya eh, super
magkamukha sila! ANG COOL! Eh di ganun itsura nya pag tumanda siya?

Tinignan ko yung 2nd album na kulay red. Parang bigla akong kinabahan.

Paagtingin ko sa loob, puro childhood pictures nila ni Mei. Ang close talaga nila no?

Meron namang isang picture dun na parang magka-holding hands silang dalawa.

ANO BA NAMAN YAN! Ang babata pa nila diyan ah? Susmiyo Dylan! Kung kelan siya tumanda, tsaka pa
naging torpe! Sarap batukan eh.

Pagdating ko sa bandang gitna, eto na nga yung kinakatakot ko. Silang tatlo na yung mga nasa
pictures.

SIYA NGA.

IT’S REALLY HIM.

Di ko pa nakakalimutan yung mukha niya simula bata pa kami. Di pa rin ako makapaniwala.

“Ikaw ba talaga yan?! Kainis ka! Badtrip! Bigla-bigla nalang aalis tapos mag-sosorry?? THE
HELL!”

Okay. This is driving me crazy. So kinakausap ko na yung litrato. Dito talaga naglabas ng sama
ng loob eh no? Baliw na ako.
Niligpit ko na yung mga photo albums at bumalik ako sa “teritoryo” ko.

Dahil wala akong magawa eh kumuha nalang ako ng post-it notes at nagsulat-sulat doon.

Sa yellow, sinulat ko:

Wow! Nagkasakit ako ngayon. Astig ba? HAHA. Nakakatuwa lang kasi at.. at.. SECRET! :))))

Hala! Bakit kaya secret yung sinulat ko?


Hayaan mo na nga!
Nadamay ako sa isang love triangle. So love square na ba ang tawag dun? HAHAHAHA! Ang corny mo,
Lyka. Shut up.

Isa pa kaya?

At dahil maysakit ako, ligtas ako sa HOUSE RULES a.k.a gawaing bahay! YAHOO! Feeling senyorita
ang drama ko ngayon. HAHA.

Natawa naman ako bigla. Ano ‘to post-it notes diary? Baliw na nga talaga ako. Eh nung high
school nga pag nagdiadiary ako hanggang simula lang eh. Walang natapos kahit isa! :D

Dinikit ko nalang sa pader sa medyo ibaba yung mga sinulat ko. Sayang naman eh. Pinaghirapan ko
rin naman yang isulat!

“JUST LEAVE!!!!!!!!!!!!”

Ay pusa! GALIT?!
Binuksan ko yung pinto. Langyang mokong yan! Kung makasigaw akala mo may sumusugod sa unit
namin eh.

O_O

“May sumusugod nga!!” nasabi ko na lang yun bigla.


Napatingin naman yung tatlong babae sa akin.

Uh-oh.

“HEY!” sabi nung isang girl.


“Di ba siya yung laging kasama ni James at Dylan?” dagdag pa ni girl2.

“Sabi ko umalis na kayo!”

Katakot si Dylan. >_< Parang kakainin niya yung tatlo eh! Pero di rin siguro. Kung ako si
Dylan, wag na uy! Baka pangit lasa nyang mga yan!

HAHAHAHA. Just kidding.

At nagawa ko pang magbiro sa ganitong sitwasyon ha? Mukhang mapapahamak kami dito ah?

“Bakit andito yang girl na yan, ha Dylan? Tell us.”

Pake mo ba? Bahay mo? Bahay mo? Sarap barahin ng mga ‘to eh! Pasalamat sila may sakit ako
ngayon at mahina ako!

“And you!...” at talagang dinuro pa ako ah! Sapakan nalang oh!


“…you’re a flirt! Ikaw pa ang pumupunta sa bahay ng guy ha? At talagang sa room pa niya! SLUT!”

Di na talaga ako makapagpigil.

“OUCH!!”

HA! Yan ang bagay sa’yo, piggy! Pinilipit ko lang naman yung braso niya. Tss. Pasalamat pa nga
siya at wala yung kalahati ng lakas ko eh! BADTRIP!

“FLIRT FLIRT FLIRT!!!!!”

Natakot ata yung tatlo sa titig ko at biglang kumaripas ng takbo eh. CHICKEN!!!! Pero nasaktan
ako sa sinabi nila ha. Kainis lang. T_T
Pag-alis nila, nakatitig lang sa akin si Dylan.

“WHAT?!”

Nagulat ako nung tumawa siya. Nang-aasar ba ‘to? Kung oo, sobrang effective eh!!! Eto oh,
gustung-gusto ko na siyang upakan!
“Ganyan ka pala talaga magalit. ASTIG! You’re an amasona!”
“So? Eh nakakabwisit yung baboy na yun eh! Akala mo kung sino! Buti sana kung sobrang ganda
niya, eh hindi naman! Ang taba-taba pa! Badtrip! Mas flirt pa siya sa akin dahil pumunta pa
siya dito para ano? To see you? What the hell. She’s freaky.”

O_O <-- -ganito yung reaction ni Dylan pagkatapos kong magsalita.

“What’s with that face?!?!”


“Ang warfreak mo Lyka. May sakit ka pa ng lagay na yan ha? At grabe ka manglait. Wagas eh.”
“Tss. Nanglalait talaga ako pag sobrang inis ko na no! Ikaw ba naman sabihan ng flirt at slut?!
Badtrip talaga! Si kuya nga di ako pinagsasalitaan ng ganun tapos siya? THE HECK TALAGA.”

Ewan. Parang baliw yung kausap ko. Tawa lang ng tawa. Sikmuraan ko kaya? Tignan ko lang kung
tatawa pa ‘to.

And ayun nga.

“ARAY!”

Sinikmuraan ko nga! HAHA. Parang automatic yung kamay ko eh. Sorry!

“Bakit mo yun ginawa?!”


“Eh tawa ka ng tawa eh! Mukha kang timang. Wala namang nakakatawa.”
“Meron kaya.” Kelangan seryoso yung mukha?
“Ano?” gaya-gaya naman ako. Serious face mode rin.

Guess what.
He pointed at me. At tinulak niya ako papunta sa lamesa tapos tumakbo pabalik ng kwarto. In 2
seconds ata nagawa niya lahat yun.

Na-slow ako dun. Ganito ba pag nagkakasakit? Slow ang pag-process ng mga bagay-bagay sa utak?
Saka ko lang na-gets nung pagkasarado nya ng pinto.

“DYLAN!!!!!!!!! Walang hiya ka!”


“Kumain ka na lang diyan! Sigaw ka pa ng sigaw, eh kahapon paos ka nga! At for your information
lang naman, may sinat ka pa. Baka gusto mo lang namang malaman yun, Ms. Warfreak.”

Kahit nasa loob siya talagang dinig ko eh no? Aba eh sa lakas ba naman ng boses niya eh! Baka
pati mga kapitbahay naming narinig mga sinabi niya. Daig pa niya radio announcer.

“WHATEVER! Wag ako pagsabihan mo! Pagsabihan mo yung mga stalkers mo!”

Kumain nalang ako. Kakagutom kayang makipag-away! HAHA.

Walang kupas! Sarap magluto ni Dylan. Ayos, libre luto, hugas at kain ko ngayong araw!
After ko kumain, niligpit ko nalang yung kalat sa lamesa. Tapos gusto ko na ulit matulog.
Parang napagod kasi ulit ako bigla eh. At in fairness, lumamig ang simoy ng hangin! Bakit kaya?

Oo nga pala, di na ako pumasok sa last class ko. Nahihilo kasi ako kanina eh. At alam niyo kung
ano?
Di rin pumasok si Dylan. Ang dahilan niya? Naiinggit daw siya sa akin kasi ako raw eh hindi
papasok. Unfair daw yun.

He’s so baliw rin no?

“Ei Dylan, papasok.” Binuksan niya agad yung pinto.

Tuluy-tuloy lang ako sa kama ko. Walang imikan. Grabe parang ganito rin yung feeling ko
kaninang umaga ah? Humiga nalang ako at pumikit na.

“Hoy, ayos ka lang.”

Tignan mo ‘tong taong to. Kung maka-hoy akala mo katulong ako eh.

“Maka-hoy ka dyan. May pangalan ako no.” sinabi ko yun kahit nakapikit ako. Feeling ko kasi pag
dumilat ako eh sobrang hilo ang mararamdaman ko.

“Eh sira ka pala eh! Nilalagnat ka na naman oh!”

Ahh kaya pala parang may malamig na something na nakapatong sa noo ko. Whoa!
Kamay niya kaya yun?
Ay hindi Lyka, paa talaga yun eh!

Di ko talaga minulat yung mata ko eh no? Baka bigla akong mahilo eh. Kainis kaya yung ganung
feeling.
Bigla naming gumalaw yung kumot ko. HALA! Tinaas niya lang pala. Pwede na siyang caregiver ah!

“Ano ba yan Lyka, nilalagnat ka na nga, nakuha mo pang mag-electric fan. Bangag ka?”

Kaya pala sobrang lamig. Di ko ata napatay kanina. Sorry naman!

“Thank you ha! Compliment ba yun Dylan?”


“Hindi. Eto yung totoong compliment: Mukha kang ewan. Nagsasalita tapos nakapikit. Uso ba yan
ngayon?”

Nakakailan na ‘to ah! Buti nga di pa ako dumidilat kundi patay ‘to sa akin!

“Ayaw kasi kitang makita eh. Baka lalong tumaas yung lagnat ko. Alam mo na, nag-iingat lang.”

Huh! Kala mo papatalo ako sa’yo kahit nakapikit ako? NO WAY!

“Yeah right. Tataas talaga lagnat mo pag nakita mo ako.”

Aba! Iba ‘to ah.

“Buti naman ala--”

“’COZ I’M HOT.”

O_O
Napadilat talaga ako dun. YUCK! IN HIS FACE!

“Oh di ba dumilat ka? Sabi na nga ba hot ako eh.”

Ano daw? Di ko na-gets.


Pero biglang umikot yung paningin ko. Shemay. Sabi nang wag dumilat eh! Kulit ng lelang mo
Lyka! Napahawak na lang ako sa ulo ko.

“Nahihilo ka na naman?”
“Obvious ba?”
“Hindi. Malay ko ba kung acting lang yan?”
“Ang galing palang mag-acting ng mga nerve cells ko!... Ouch!”
“Di nga? Nahihilo ka talaga?”
“Hello? Di mo ba narinig na nag-ouch ako? Badtrip ka naman!”
“Magandang proof yan Lyka. Nice one.”
“Sarcasm ba yan?”
“Hindi.”
“Aahh.”

Ganda ng usapan namin no?

Humiga nalang ulit ako para mawala yung hilo. Mas lalo atang sasakit ang ulo ko kung kausap ko
siya eh. Napaka-walang kwenta ng usapan eh! Yan ang new version ng trashtalking!

***

Gabi na siguro. Di ko na tinignan yung orasan dahil ayoko na ngang dumilat. Pero di naman ako
makatulog. Ilang oras na rin siguro akong nakapikit lang.

After 10 seconds ata,

“Gising ka pa?”
Si Dylan ba yun? Baka yung kapitbahay namin?

“Oo. Bakit?”
“Wala. Di rin ako makatulog eh.”

Ayos ah. Since may harang yung room, parang ewan lang dahil di naming nakikita yung isa’t isa.

“Ako rin eh.”

Tumahimik naman. Anong nangyari dun?

“Eh bakit di ka pa makatulog?” ako naman yung nagtanong.

Bakit parang ibang tao kami ngayon? Para kaming alien ah? Kami ba talaga yung nag-uusap?

I guess not.

“Naalala ko lang kasi yung kanina.”


“Kanina? Ano yun?”
“Nung nasa open field.”

Ano bang nangyari sa open field bukod sa doon ako nahimatay?

“Ano bang nangyari? Wala na akong malay nung mga oras na yun eh.”
“Yun nga.”

Huh? Labo. Ano daw?

“Anong yun nga?”

Silence again.

Bakit parang nakakakaba? Ah ewan.

“Lyka?”
“Hmmm?”

“Please don’t do that again. Natakot ako eh. Akala ko may nangyari ng masama sa’yo. ”

OH MY.

.Chapter 14.

Uminit ata bigla? Pero kahit na.

Nagtalukbong ako ng kumot after niya magsalita. At buti nalang di na siya ulit nagsalita.
Ano bang nangyayari sa akin? Ang tindi ng epekto ng trangkaso ha! Ibang level talaga!
Makatulog na nga!

***

“Ang down ata ng aura mo ngayon, Ms. Trashtalker?”


“Manahimik ka nga dyan, Mr. Torpe!”

Napakaganda ba ng tawagan namin? As usual, nag-away kami bago pumasok sa klase at ayan. Nauso
ang nicknames. Tss, paraang siya di trashtalker eh!
Pero namomroblema talaga ako ngayon. Di ko kasi namalayan. Di ko namalayan na bukas eh dea….…

MIDTERM exams na pala next week!!! T_____T

“Tss. Exams lang pinoproblema pa!”


“Eh paki mo ba? Exams yun! Di lang yun quiz no!”

Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch break namin. Ewan ko ba bakit magkasama kami ngayon.
Eh nagsasawa na nga ako sa pagmumukha netong mokong na to! Lagi ko nalang kasama.

“Di ‘ba sila yung nag-kiss kahapon?”


“Ahh, sila na kaya?”

WHAT?!?!?

Tama ba yung naririnig ko? Kami kaya pinag-uusapan nila? Baka assuming na naman ako?

“Oo, ki-niss ni Dylan yung girl eh. Andun nga rin si James tsaka si Mei.”

Okay. Kami nga ang subject. Lintek.

“Badtrip.”
“Tss. Ikaw lang ba badtrip?”
“Ikaw kasi eh! May nalalaman ka pang ganun-ganun. Di na lang umamin! Hmp! Torpe talaga.”
“Shut up, Lyka! Nagipit lang ako, okay?”

Para kaming sira. Kung mag-usap kami parang kami lang talaga ang nagkakarinigan. Kakaimbyerna
naman kasi ‘tong mga tsismosang ‘to eh!

“Hot topic tuloy tayo sa campus! Nakakairita talaga.”


“Ayaw mo nun? Sikat ka na rin?”
“Duh? Ayokong maging kagaya niyo. Ayokong makipag-socialize kung kani-kanino!”

Tuloy pa rin yung kwentuhan, este tsismisan nung mga babae dun sa kabilang table. Makisali kaya
ako?
Napatingin nalang ako dun sa labas. Pero super kinabahan ako sa nakita ko.

At pumasok na sila.

Oh no. This is not good. This is not good.


Kinalabit ko ng todo si Dylan.

“Dylan, Dylan, Dylan!”


“What?!?!”

Tapos tinuro ko yung mga papalapit. Gosh. End of the world na. Andito na sila.

“Hey Dylan! Oh, kasama mo rin pala yung flirt!”

Shit. Dami na naming nakatingin! Bakit ba lagi nalang akong nasasama sa mga ganitong scene?!?!

“Pwede ba? Umalis nalang kayo?” si Dylan, naiinis na rin ata.

Nakakainis talaga itong tatlong ‘to. Lalo na yung nasa harapan ni Dylan. Si Piggy! I-lelechon
ko ‘to eh!
Tumingin silang tatlo sa akin.

“Di ka pa nakuntento sa bahay niya ha? Sumunod ka pa hanggang canteen.”

Excuse me?! That’s my apartment! ITS MINE!


“So? Inggit ka?” Aba! Palaban rin naman ako no! Papatulan ko na tong baboy na to! Iritang-irita
na ako sa kanya kagabi pa eh!
Pero hello? Nagkukumpul-kumpol na naman ang sangkatauhan ng world! Gosh. Mala-action movie kaya
ang gawin ko?
Nagulat ako nung hinatak ako ni taba kaya napatayo ako. Hmm, mas matangkad siya sa akin ng
konti. Pero wala akong pakialam. Mas mataba naman siya sa akin.

BWAHAHA. Ang sama ko.

“Sumasagot ka na ha? Gusto mo ba talagang mapahiya?”


“Hey, I said leave us alone! Ano--”
“DYLAN! Wag kang makialam dito pwede? Mapilit ‘tong pangit na baboy na ‘to eh!”

Oops. Nasabi ko na. Naiinis na kasi talaga ako eh. Nagusot kaya yung damit ko nung pagkahatak
niya!! Si Dylan naman, halatang kunsumido na sa amin. Huh! Eh gusto ko lang naming makaganti.
Yung mga tao may nalalaman pang cheer. Eh kung inaawat nila kami no?! Napahiya si Piggy sa
sinabi ko kaya di na maipinta yung mukha niya. HAHAHA. Nakakatawa! Pikon rin pala ‘to eh!

“How dare you! At least di ako katulad mo na flirt!!” bigla siyang humarap sa mga estudyante.
Mukhang di maganda ‘to ah.
“Alam niyo ba na nasa apartment siya ni Dylan kagabi? Nasa loob pa ng kwarto! She’s really a
flirt! SLUT!”

Yung mga estudyante, nagbubulungan na. Eto ang ayaw ko sa lahat eh. Yung nagmumukha akong
tanga.

“Talaga lang ha? Eh paano mo yun nalaman? Don’t tell me that you’re stalking Dylan? Grabe ha,
tatag mo din eh! Gabing-gabi na sinusundan mo pa yung lalaki! Sino kayang malandi sa atin?”

Gosh. Ngayon lang ako nakipag-away sa tanan ng buhay ko. Yari talaga ako kay kuya pag nalaman
niya ‘to. >_<

Muntik na akong masampal ni Piggy. Buti napigilan ko yung braso niya! Aba! Nag-self defense ata
ako!

Natatawa ako dahil pulang-pula na yung mukha niya sa inis. Si Dylan, halatang seryoso na rin.
Di ko kasi pinapakinggan yung mga sinasabi niya eh. Kanina pa siya salita ng salita pero
lumalabas lang sa kabilang tenga ko mga sinasabi niya.

Ang sama ko ba?

“Siguro malandi rin yung nanay mo kaya ka ganyan no? Bwisit ka!”

Biglang nag-iba yung pakiramdam ko. Ewan ko ba. Parang gustung-gusto ko siyang bugbugin ngayon.

“PWEDE BA?!? WAG MONG IDADAMAY PARENTS KO DITO!”


“Bakit?? Dahil totoo? Tss. Like mother, like daughter! SLUT!!”

Di ko na napigilan. Imbes na sampalin ko siya, sinuntok ko talaga siya. Wala na akong pakialam
sa mga tao. Gusto ko siyang saktan ng saktan. Sinuntok ko pa siya ulit. Buti nga di pa dumudugo
mukha niya eh!

“Hey Lyka, that’s enough!”

Di ko alam na nakayakap na pala sa akin si Dylan para lang pigilan ako. Tapos yung dalawang
alalay nung baboy na yun eh tinulungan siyang tumayo.

“PWEDE BA DYLAN BITIWAN MO KO?!?!?”


“ANO BA?? UMAYOS KA NGA! ANDAMI NANG NAKATINGIN SA ATIN OH!”

Oo nga. Super daming tao. Nakakahiya. Kumalma naman ako. Nangingiyak na ako nun. Di ko na alam
yung gagawin ko. Gusto ko nang umuwi.

“Hey Bea, are you alright?”

So Bea ang pangalan ni taba? Tss. Di bagay.

“Sa tingin mo ba Dylan okay ako? Pagsabihan mo nga yang flirt na yan sa tabi mo!”
“Pwede ba? Kanina pa ako nagtitimpi ha. Hindi siya flirt. So don’t call her like that.”
“Bakit ba siya pa yung kinakampihan mo? Ako na nga yung nabugbog eh! Palibhasa, mana lang yan
sa nanay niya!”

Nainis na naman ako. Susugod ulit sana ako kaso hinawakan na ako ng mahigpit ni Dylan.
“Ano ba?!? Bitiwan mo nga ako para masuntok ko ulit ‘tong baboy na ‘to!”

Di sa akin nakatingin si Dylan. Kay Bea pa rin siya nakatingin. Pero di rin ako makawala. Super
higpit ng hawak niya. Ang sakit na nga eh.

“Ano Dylan? Ano mo ba yang babaeng yan?!”


“Dylan ano ba?! Bitiwan mo nga a--”

“She’s my girlfriend. Kaya wag na wag niyo siyang ipapahiya sa harap ko. Got it?”

O_O

Ano daw?
Ano daw?
Ano daw?

Hinatak niya ako palabas dun sa crowd. Di ako makapalag dahil feeling ko eh wala ako sa sarili
ko.

Ano daw ulit?

Lakad lang kami ng lakad. I mean, siya lang pala. Kinakaladkad niya lang pala ako. Maya-maya
lang, nasa loob na kami ng bahay. Paano ako napunta dito? Ang bilis ata.

Ano daw yung sinabi niya kanina?

Binitiwan niya yung kamay ko. Ang sakit. Pero tulala pa rin ako. Wala na akong matinong maisip
sa mga nangyayari.

“ANO BANG PINAGGAGAWA MO LYKA?!?”

Natauhan ako bigla. Natakot kasi ako sa sigaw niya eh. Ngayon ko lang siya nakitang galit na
galit na galit. Katakot talaga >_< Di ako umimik. Parang umurong yung dila ko.

“ALAM MO BANG DAHIL SA GINAWA MO EH LALO KANG MAGKAKAPROBLEMA DAHIL PAG-UUSAPAN KA NA NAMAN?!”
“Eh siya naman yung nanguna eh! Nainis na ako kaya ginantihan ko lang siya!”
“I UNDERSTAND THAT THING. BUT WHY DO YOU HAVE TO PUNCH HER?!”

Bigla na lang namasa yung mata ko. Teka, ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harap niya.

“Eh dinadamay niya pati mga magulang ko eh!”


“LYKA NAMAN! KUNG DI YUN TOTOO DAPAT DI MO NA PINATULAN!”
“Pero anong gagawin ko?! Tutunganga nalang?!?” Ewan ko ba. Nagagalit na rin ako.
“DAPAT NGA DI MO NALANG PINATULAN!!!”

Wala ng pag-asa ‘to. Gusto ko nang ilabas lahat ng sama ng loob ko. LAHAT. Lahat ng gusto kong
sabihin four years ago. Lahat ng nasa loob ko na ang tagal-tagal ko ng tinago. Gusto ko nang
ilabas ngayon.

“SHE’S ALREADY DEAD DYLAN!! MY MOM DIED FOUR YEARS AGO! WALA NA AKONG MGA MAGULANG! AT BUKAS
YUNG DEATH ANNIVERSARY NILA! ANONG GUSTO MONG GAWIN KO!?! TUMUNGANGA HABANG INIINSULTO NIYA
YUNG NANAY KO?!? KAYA WALA SIYANG KARAPATANG SABIHIN YUN SA HARAP KO! AT IKAW! WALA KA RING
KARAPATANG SABIHAN AKO NG GAGAWIN KO PAG TUNGKOL NA SA PAMILYA KO YUNG PINAG-UUSAPAN! DI MO
NAMAN KASI NAIINTINDIHAN EH! MAHIRAP MAWALAN NG MAGULANG NG SABAY!! BIGLA MO NALANG MALALAMAN
NA WALA NA SILA! IKAW? DI BA MAY PAMILYA KA PA?! AKO???? WALA! SI KUYA NALANG! KAYA WALA KAYONG
KARAPATANG LAHAT NA MAGSALITA TUNGKOL SA MAGULANG KO!!!!!!!!”

Tumutulo yung luha ko habang sinasabi ko yan. Di ko na napigilan. Ngawa ako ng ngawa habang
nakasalampak sa sahig.
I missed my mom and dad. Sana andito sila ngayon. Sila sana yung nag-cocomfort sa akin. I miss
them so much. :’(
“So..sorry.” Nasa tabi ko na siya ngayon at nakayakap sa akin. Di na ako makagalaw dahil
sobrang higpit ng yakap niya.
“MOM!! DAD!! BAKIT NIYO AKO INIWAN?:’(” iyak pa rin ako ng iyak. At sino ang karamay ko?

Si Dylan. Yung mortal kong kaaway. Nakita niya pa akong umiiyak ng ganito.

“Lyka, tama na.”

“Dylan, wala na sila. :’( Akala ko tanggap ko na, pero hindi pa pala. I missed them so much.
Naiinggit ako sa mga classmates ko dati na hinahatid sila ng mga daddy nila papuntang school.
Tapos may mommy sila na kasama nilang mag-mall at makipagkwentuhan. Nun graduation, si Kuya
lang ang kasama ko…”

“Stop, Lyka.”

“…Ni hindi ko man lang sila nayakap nung araw na yun. Sana ako nalang yung naaksidente. Sana
buhay pa sila ngayon. Sana nasabi ko sa kanilang mahal ko sila. Sana..sana..” iyak ako ng iyak
habang nagsasalita ako. Gusto kong ilabas lahat ng gusto kong sabihin dati pa.

“I want my parents back, Dylan. Gusto kong makaranas na buo yung pamilya namin. Kahit kelan di
man lang kami nakakain ng sabay-sabay dahil wala sila lagi sa bahay. Sobrang miss ko na sila.
Bakit nila ako iniwan agad? :’(”

Hinigpitan niya lalo yung yakap sa akin. Di na ako makapagsalita dahil sobra na ata yung pag-
iyak ko at paghikbi.

“Lyka, tama na ilabas mo yan. But that’s enough. Alam kong na-mimiss mo na sila…” lalo akong
naiyak. Basang-basa na yung damit niya. Sorry Dylan.

“…pero tingin mo ba masaya sila sa nangyayari ngayon? Na ganyan yung ginagawa mo sa sarili mo?
I know it’s hard to move on. Pero you need to be strong for them, for your brother. So please,
stop crying.”

Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Ako naman yung yumakap sa kanya at umiyak ako ng umiyak. Buti
nandito siya. Siguro, mababaliw na ako pag walang taong nagcocomfort sa akin ngayon.

Mga five minutes na akong umiiyak at di siya umiimik. Pagod na yung mata ko. Pagod na rin yung
utak ko.

“Lyka, I’m just here.”

Pinikit ko nalang yung mata ko. I want to rest.

.Chapter 15.

Dylan’s POV

Binuhat ko si Lyka papuntang kama niya, tapos naupo ako sa tabi niya. Nakatulog pala siya sa
balikat ko. Napagod siguro kakaiyak. Buti sabi nung classmate namin sa History, eh walang prof
kaya walang klase.

Ewan ko ba. Pero naaawa ako sa kanya. All this time, andami niya palang hinanakit. Tinatago
niya yun sa sarili niya lang.

Di ako masyadong nakakakita ng mga taong malapit sa akin na umiiyak. Kaya di ako marunong mag-
comfort. Pero nung nakita ko si Lyka na umiiyak, niyakap ko nalang siya. Yun lang ang alam kong
way para kahit papaano eh gumaan yung pakiramdam niya.

Tinignan ko siya habang natutulog.

Hindi halatang may ganun pala siya kalaking problema. Ang galing niya magtago ha. Sa sobrang
kulit niyang kumilos, di talaga mahahalata na may problema siya.

Hapon na pala. 4:00 na. May klase pa kaming isa. Pero di ko na siya gigisingin.

Tumayo na ako at nagpalit nalang ng damit. Basang-basa eh. Grabe pala siyang umiyak! Ga-balde
ang dami!

4:05 na ako nakaalis. 4:30 pa naman yung klase ko eh. Classmate pala namin dito si James.
Nagulat pa nga nun si Lyka nung tinuro ko dati si James sa klase eh. Di niya raw kasi
napapansin na classmate pala namin siya. Tss. Ang sabihin niya, ayaw niya lang talagang
pansinin yung mga classmates namin. Galit ata siya sa mga tao eh!

“Bro! Dito!”

Si James. Umupo ako sa tabi niya. May kasalanan pa pala sa akin ‘to.

“Dude! Siraulo ka! Anong palabas yung kahapon? Tsaka anong nangyari kay Mei?”

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Eto! Nagtatanong ng maayos eh!

“Bro, sorry. Ang kulit ni Mei eh. Nadulas lang naman ako eh.”
“Ewan ko sa’yo. Libre mo ako mamaya. Pambayad atraso.”

Tss, di ako nadadaan sa sorry. Kelangan may pakain rin! BWAHAHA!

“Call. Pero ano ring drama mo at may ‘I love Lyka’ ka pang nalalaman?”

Ako naman yung tumawa. Naalala ko tuloy yung kahapon.

“Siya kasi pinakamalapit na babae sa akin kahapon eh. Alangan namang manghatak pa ako ng iba?”
“Siraulo ka!”

Nagtawanan laang kami. Grabe talaga kahapon. Daming nangyari. Lakas tama naming lahat eh!

“At ano pa ‘tong narinig ko kay Bea na girlfriend mo na daw si Lyka?”

Oo nga pala. Yung kanina pa pala. Ano ba yan. Pwede na ata ako sa drama eh. LOL

“Si Bea kasi eh, naipit ako sa scene kaya ayun. Dakilang palusot.”
“HAHAHA. Eh patay na patay pa naman yun sa’yo! Nakita ko kanina nilalantakan yung 3 ulam. Ganun
pala yun pag-brokenhearted!”
“Tss. Baliw! Asa mo naman!”

Oha! Ngayon lang kami nakapag-usap ng matino. Pano kasi laging andiyan si Mei o kaya si Lyka
pag nagkikita kami.
Mga babae talaga, diyahe.

Pero teka, di ba?...

“Dude, si Lyka, ano mo siya? Siya ba yung sinasabi mong long lost bestfriend?”
“Tss. How did you know?”
“Wala lang. Halata pre.”
“Halata ba? Miss ko na kasi siya eh.”

HAHA. Sa totoo lang, di naman siya halata eh. Si Lyka yung halata kung kumilos.

“Do you wanna see her?”

Nagulat siya nung sinabi ko yun. Ay tanga! Di ko pa pala nasasabi sa kanila na magkasama kami
ni Lyka sa isang unit.

Ayun nga. Kinwento ko sa kanya lahat. Bestfriend ko naman yan eh. Yung mga kwento ko tungkol
kay Lyka, nagiging interesado siya. Tss, ibang klase palang maka-miss ‘tong lokong ‘to! Wagas
eh! Pero di pa rin daw siya makapaniwala na all these times, kasama ko pala si Lyka sa
apartment.

“Sige, I’ll visit her after our class. Andiyan na si Sir eh.”
“Sure, dude.”

Nagklase na si Sir dela Cruz. Tss. May research assignement pa siyang binigay. Badtrip naman.
Friday na nga, may assignment pa.

Taopos na yung klase. Umalis agad kami ni James at pupunta na kami sa unit namin ni Lyka.

“Kamusta na nga pala si Mei?”

Ngumiti siya ng nakakaloko. Ano na namang iniisip neto? Nagtatanong lang eh!

“Iba ka talaga bro! Loyal na loyal ah!”


“Shut up James. Ano nga? Di kasi nagrereply kagabi eh.”
“Di talaga yun magrereply. Nagpalit ng sim eh.”
“Bakit?”
“Kasi may stalker siya. After niyong umalis ni Lyka doon kahapon, may nagtext sa kanya ng
nagtext. Ayun, ayaw siyang tantanan kaya nagpalit ng sim card.”
“Loko yun ah!”

Aba! Ako nga di ko magawang mag-double send sa kanya eh! Tapos yung hinayupak na yun nang-
flood?! Amp.

“Easy lang bro. Kaya nga, after ng class niya kanina eh tumakbo na yun papunta sa dorm. Eto new
number niya oh. Di ka niya matext kasi naka-save sa lumang sim yung number mo eh.”

Ti-nype ko naman yung number sa phone ko. Tss. Ano ba yan, nakabisado ko kaagad. Stalker rin
ata ako eh?

“Tingin mo galit sakin si Mei?”


“Why? Dahil sa kahapon?”
“Yeah.”
“Tss. I’m sure tuwang-tuwa pa yun! DAhil AKALA niya eh wala kang gusto sa kanya. Torpe mo kasi
bro!”

Kita mo ‘to. Inasar pa ako.

“Asa mo. Eh patay na patay sa’yo yun eh. May laban ba ako?”
“Bro naman, di ko aagawin sa’yo si Mei. Wala akong balak. And I’m always telling her that I’m
not the one for him.”
“Whatever.”

Yoko nang pag-usapan yung tungkol sa aming tatlo. Masyadong kumplikado eh!

Andito na pala kami. Binuksan ko yung pinto tapos pumasok na kami.

“Ikaw ba yan, Dylan?”

Gising na pala siya. Pero ang tamlay pa rin ng boses. Binuksan ko yung pinto sa kwarto.

“May kasama ako. Gusto ka daw makita.”

Nagulat naman siya, tapos nag-smirk. Problema nun?! Si James, ayaw pa pumasok sa kwarto.
Nahihiya ata.

“Sino naming dadalaw sa akin? Eh wala nga akong friends dito.”

Biglang naglakad si James papunta sa kwarto. Since nakayuko si Lyka, di niya nakita.

“Ako.”

O_O <--- ganyan yung reaction ni Lyka nung inangat niya yung ulo niya.

Baliw ‘tong si James eh. Epic ang entrance! Pwede nang award-an!

“Ja..james?!”

***

James’ POV

“Ako.”

Sa totoo lang, nahihiya pa akong humarap sa kanya nun.

“Ja..james?!”

Sumenyas ako kay Dylan na iwanan muna kami. Lumabas naman siya at sinarado yung pinto.

“James, why’re you here?!”


“Syempre, dinadalaw ko yung long lost bestfriend ko. ^_^”
Yumuko ulit siya.

“Tss. Long lost bestfriend? Eh iniwan mo nga ako. -_-”

Eto na nga ba yung kinakatakot ko eh. Fine. Tutal andito na rin ako. Magkaalaman na.

“Lyka, please hear my story.”


“Ayoko. Ayoko. Ayoko. Ayok--”
“Just listen okay???”

Pasaway pa rin talaga siya.

Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari simula nung birthday ko. Tuluy-tuloy na yung pagkwento ko.
Nakayuko lang siya. Pero halata namang umiiyak siya eh.

Di ko siya malapitan dahil andami ko pang atraso.

Nung nakita ko siya dun sa Engineering college, parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Tapos nung
sa carinderia, nung sinabi niyang Lyka yung name niya, parang kinutuban na ako nun. Then when I
said that my name is James, nag-iba rin yung reaction niya. So that made sense right?

Parang alam ko na, na siya si Lyka. Yung bestfriend ko. Na iniwan ko dati.

“James, the point is, di mo man lang ako sinabihan. Ni wala man lang kahit ano. Para san pa na
naging bestfriend kita?”

She’s right. Alam kong galit siya sa akin. But I want to fix this. I want her to be my best
friend, AGAIN. And this time, I’ll never leave her.

“Sorry Lyka. I’m really sorry. Sana mapatawad mo ko.”

Nagulat ako nung umiyak na talaga siya. This time, lumapit na talaga ako sa kanya and I hugged
her. Gusto ko siyang i-comfort. As her bestfriend. Eto na lang yung magagawa ko eh.

“I’m really really really sorry.”

Pinilit niyang wag umiyak. Tss. Ang hirap kaya nun.

“Thank you, James.”

Huh? Para saan?

“For what?”
“For being my best friend again. Thanks.”

Nagulat ako nun. Then that means…

“So tinatanggap mo na yung sorry ko?”


“Ayaw mo? Sige, babawiin ko na.”
“HINDI! Thank you Lyka! Thanks.”

Niyakap ko siya ng mahigpit. I missed her so much. After all these years, dito rin pala kami
magkikita at magkakaayos.

Biglang tumigil yung pag-iyak niya. Ayos ah? Bilis magbago ng mood! Tapos huminga siya ng
malalim. Anong balak nito?

“JAMES PATRICK SISON!!! BESTFRIEND NA ULIT KITA!!!! YEHEY!!!!!!!!!”


:D

.Chapter 16.
Lyka’s POV

Wednesday.
KYAAAAAAAAAAA!!!!! -___-

Midterms na. At puyat na puyat na ako kakaaral ng IBA’T IBANG SUBJECTS.


Pero kaya ko pa! Grades ko ang nakasalalay dito. Dapat line of 1 ang makuha ko! AJA!!!

Ayan. First exam. Biology.


Yakang-yaka ko to! Kabisaduhan lang eh. HAHA, buti kabisote ako. Advantage! >:)

Wuhoo! Tapos na ako sa Bio. Tse! Ang dali lang naman pala eh! (Yabang ko. Peste! HAHAHA.)
Palabas na ako sa room, este kami pala ni mokong. Tss, nakapikit pang naglalakad oh. Parehas
kasi kaming puyat kagabi. Di nga ako makapaniwala na nag-aaral pala ‘tong nilalang na ‘to eh!

“Hoy! Mabubunggo ka na oh!” hinatak ko siya dahil andaming taong nagsisilabasan.


“Huh? May sinasabi ka ba?” sabay kusot sa mata.

Batukan ko kaya nang magising ang kaluluwa neto?

“Uy, di ba sila na? Bagay pala sila eh!”


“Oo nga. Ang cute nila tignan. Cute couple!! ^_^”

-___-
Kalat na nga pala sa campus na “kami” na.
Langya. Alam ko may instant noodles na. Pati ba naman instant boyfriend meron na rin?

Crap.

Okay Lyka, joke ba yun? Ang corny eh.

Kapani-paniwala bang siya? Etong mokong na ‘to?

Eh BOYFRIEND KO?????

Di ba hindi naman?

“Pst Lyka, lika na. Malalate tayo sa philo exam.”

Ay oo nga pala! Nakalimutan ko pa. Hinatak ako ni mokong at tumakbo na kami papuntang next
exam.

Kung bakit naman kasi nagsabay-sabay yung mga subjects na ‘to eh.
Kakaiyak. TT^TT

After ng exam sa philo, tumambay muna kami ni Dylan sa open field. Phew! Buti mamayang 3 pa
yung huling exam namin!
Pigang-piga na utak ko eh! Nawalan ng stock! Sakit sa ulo ng mga tanong!

“Tss. Katamad naman!”

Kita mo tong lalaking ‘to. Tinamad pa!

“Ang sakit nga sa ulo eh! Ang hirap kaya ng exam sa philo. Buti pa yung Bio madali lang.”
“Yeah. Whatever. Kabisaduhan lang naman yung dalawang subjects na yun. Tss. Boring talaga.”

Yeah right! Medyo boring nga. Idagdag mo pa yung mga prof na parang nagpapasyon kung magturo.
Isang beses nga eh, nakatulog ako sa Bio! Buti di ako nahalata!

Sumandal naman ako sa puno. Ang sarap matulog!


Pero di naman ako inaantok. -_-

Oo nga pala, siguro curious kayo kung ano nang nangyari sa amin ni James.

Well, best friend ko na ulit sya. AND I’M SO HAPPY!!! :))))) Nagkwentuhan kami ng matagal sa
bahay. Para ngang nawala yung kabadtripan ko nun eh.
Akala ko may crush na ako sa kanya kasi di ba yung mga actions ko these past few weeks eh
kakaiba? Yun pala eh na-miss ko lang talaga siya. AS MY BEST FRIEND.

Basta best friends lang kami. We know our limits. Hanggang dun lang yun.

Alam rin niya na isang malaking JOKE lang ang relationship kuno namin netong si Dylan. Si Dylan
ata nagsabi sa kanya eh. Si Mei naman, di pa niya alam. Di raw kasi nila madalas makita na si
Mei. Laging maaga umuuwi. Bakit kaya?

“EEEEEEEEERRRRRR!”

Ay putek!

Gulat ako dun ah!


Bigla ba namang humiga sa damuhan?! Akala ko nahimatay na or nabagok yung ulo niya eh! Langyang
lalaki ‘to!

“Matutulog ka diyan?” nakapikit kasi siya eh.


“Obvious ba?”

Sungit! May period na naman ata!

“Hindi. Malay ko ba kung pipikit ka lang ba diyan, o kaya iidlip? O baka naman mag-iisip lang.
O baka talagang matutulog ka?”

HAHA. Nang-aasar na naman ata ako.

“Dami mong sinabi! Ingay eh!”


“So? Girls are made this way.”
“Tss. Ang sabihin mo, ikaw lang ang ganyan. Abnormal.”

Argh! Gumaganti! >:(

“Talaga? Eh di mas abnormal ka pala sa akin? Bakit yung ibang guys nagagawang magsabi ng
feelings nila sa girls? Eh yung IBA DIYAN? So torpe!”

Oops. Napa-personal ata ng kaunti.

“Lyka?” seryoso na siya.


“Yes, Mr. Torpe? May sasabihin ka?” Haha. Ang sama ko talaga!
“Pwedeng tapalan mo muna ng kahit ano yang bibig mo? Nakakaperwisyo eh.”

HAHAHAHA. Ang sabihin mo, pikon ka lang! Affected!


Natawa na lang ako sa kanya. Affected masyado.

“Yo bro! Hey, Lyka!”

Uy si James!

“Hi best friend! ^_^”


Haha. Ang cool ng best friend ko!

“What’s up bro? Bored?”


“Yeah.”

Syempre eepal na naman ako.

“Napikon lang yan. HAHA. Sorry na nga.” Eh kasalanan ko naman talaga eh. Ang sarap niya lang
asarin.
“Whatever Lyka.” HAHA! Kitams?
“Lika bro, Frisbee tayo. Bored din ako eh.”
Nabuhayan ata ng dugo itong si Dylan. Maglalaro sila?

“Fine. Pampawala ng boredom.”

Ayun. Tumayo na sila at nagpaalam sa akin.

Iwan daw ba ako dito?

Pero sa bagay, di naman ako marunong maglaro nun. Hirap kayang sumalo!

Frisbee? Naiimagine ko eh para silang mga aso. Di ba? Yung mga hinahabol yung hinahagis ng amo?
Basta parang ganun! HAHA. Pero ang cute naman nilang mga aso! :DDDD
Dahil wala na akong magawa, nagbuklat na lang ako ng notes ko sa history. Isa pa ‘tong
kabisaduhan. -_____-
Basa lang ako ng basa. Buti nga may pumapasok pa sa utak ko eh!

“Hey Lyka!”

Sino yun?
Pagtingin ko,

“Mei!! Long time no see! ^_^”


“Oo nga eh. ^_^”

Umupo siya sa tabi ko. Tapos nakatingin kila Dylan at James.

“Ang cool nila no? Ang cute nilang panoorin. Tignan mo, lakas ng hatak nila sa audience.”

Tinignan ko yung paligid.

O_O
Grabe! Daming nanonood ah! Parang sandali pa lang silang naglalaro eh.

“Oo nga! Grabe!”

Bigla naming nagbago yung mukha ni Mei. Parang naging malungkot.

“Hey, may problem ba?”


“I heard from James na ikaw daw yung nawawala nyang best friend. So kamusta naman?”

Teka. Parang alam ko na pinahihiwatig niya ah. Oo nga pala, he’s in love with James.

“Yup. He’s my long lost best friend. Pero BEST FRIEND lang talaga. Don’t worry. He’s not my
type.”

Ngumiti naman siya pero pilit.

“Ganun ba? Okay lang no. Tutal, I already gave up. Ayoko nang ipilit yung sarili ko sa kanya.
Baka masira pa yung friendship namin eh.”

TAMA SIYA DUN! Mas importante ang friendship kaysa sa love. Check!

“And what’s this story na kayo na daw ni Dylan? Is that true?”

Shemay! Yun pa pala! Tsismis nga naman oh. Ang layo ng nararating!
Sasabihin ko ba?

Sige na nga.

“Actually, that’s not true.”


“Eh?”
“Basta mahabang story eh. Pero di niya ako girlfriend. Ni hindi nga kami magkasundo eh! At saka
ikaw yung gus--”

OH MY GOD!!!!!!

“What? Ano yung sinasabi mo? Anong meron sa akin?”


“Ahh.. uhmm, ano.. haha.. wala.”

Crap! Anong gagawin ko?! Tanong ng tanong sa akin si Mei.

Stupid! Stupid!

Ano? Sabihin ko na kaya? Eh wala na rin naman akong lusot eh.

“Okay. I’ll tell you na.”


“Okay. Ano ba kasi yun?”

Inhale. Exhale. Sana di ako patayin ni Dylan. TT__________TT

“Dylan is in love with you.”


NR naman siya. Huh? Di man lang siya nagulat?

“Hi..hindi ka man lang ba nagulat?”


“Hmm, nope. Alam ko naman na eh.”

WHAT?!?! Bakit parang ako pa yung na-shock?

“HUH?! How did you know?”


“HAHA. Nung tinanong ko si Dylan ng ‘do you love me?’, remember?”

Teka, yun ba yung he-kissed-me-in-the-forehead scandal? Oo, yun ata yun eh.

“Ahhh. Eh di ba sabi niya nun eh he doesn’t love you? Paano mo nalaman?”


“Ano ka ba Lyka? He’s my best friend. I know when he ‘s lying. Halata naman sa mata niya eh.
Kaya ayun.”

Talaga? Pag pala best friend mo na ng matagal eh alam mo na kung nagsisinungaling siya o hindi?

COOOOOOOOOOOOOL! Ganun pala yun?

Tumahimik kaming dalawa.

Alam na niya pala. Ano kayang gagawin niya? Sabihin ko kaya kay Dylan? Kaso baka magalit yun.
Aish. Nabubuhay na naman ang duong pakialamera ko!

May itatanong sana ako sa kanya kaso naunahan niya akong magsalita.
And nagulat ako sa sinabi niya.

“You know what, Lyka? I’m planning on giving him a chance. Gusto ko na rin kasing kalimutan si
James. So sasagutin ko si Dylan if he’ll court me. Sige, alis na ako.”

Tama ba lahat ng narinig ko?

Bakit parang ayoko sa gagawin ni Lyka? Kawawa naman si Dylan. For rebound lang siya. TT_____TT

Pero teka nga,

Bakit ayaw kong masaktan si Dylan?

.Chapter 17.

Wuhoo! Tapos na ang midterm exams! Nakaraos ako!


Pero sobrang puyat naman. -_- sabado nga pala ngayon. Uuwi sana ako sa Manila pero sabi ni Kuya
wag na lang daw. Wala daw siya kasi dun for 1 week dahil sa work niya.

So I’m here at the 7th unit at nakahilata sa kama ko.


Umuwi si Dylan, so mag-isa lang ako dito.

Loner.
Sanay naman na ako eh.

LOL. Nag-eemo ata ako? Bawal yun! HAHAHA. Dapat lagi na akong happy since James is back! Yay!
But I felt a little bit of sadness para kay Dylan. Alam nyo na siguro kung bakit? Aww. Pang-
rebound lang siya. Saklap nun. Ayoko namang sabihin sa kanya dahil ayokong pakialaman yung love
life niya. Bahala na nga. Bakit ko ba iniintindi yun?

Ako nga walang love life eh. T_T Darn.


Tumayo ako pero tinatamad talaga akong bumangon. Mga five minutes ata akong nakaupo lang sa
kama.

NAKAKATAMAAAAAAAAAAAADDDDD!!!!

Paglingon ko sa wall, nakita ko yung mga pinost ko.

Wall post? HAHAHA.


Whatever.

Madagdagan nga.

Sana di sya masaktan. Nakakaawa eh.

Isa pa.

But I’m so happy! ^___^ My best friend is back! :)))) Super duper happy to the max!

And last one.


Bakit parang kakaiba ‘to?

Please don’t be selfish. Love him as much as he love you. Being a rebound hurts like hell!
He’ll be hurt. Surely.

Bakit ba inaalala ko pa yung mga bagay na yun?! Yaan mo na nga!


Dinikit ko na yung tatlong post-it-notes sa pader.

Tapos, nilabas ko yung sketchpad ko. Makapagdrawing na nga lang!


Nagdrawing ako ng kung anu-ano. Nagdrawing ako ng mga tao. Yung iba abstract. La akong magawa
eh!

AHHHH. BORING. -___-

Tumayo na rin ako sa wakas. Tapos napadpad ako sa side nung kwarto ni Dylan. Hmmm. 2nd time ko
pa lang makapunta ulit dito. Tutal wala naman siya, mangingialam nalang ulit ako. BWAHAHA!

Habang naghahalungkat ako ng kung anu-ano, may nakita akong papel.

May nakasulat?

I’ve been in love with her for the last 9 years. FUCK! But she didn’t notice it. Should I give
up? Wala naman akong napala eh. I’m just his best friend! Yun lang. Yoko na.
Give up? Hell yeah! That’s what I’ll do. 9 years has been wasted. I loved a woman who doesn’t
loved me back. Damn. I think it’s over.

“You've spent your whole life running and running, trying to catch up with something that has
never been there for you. And all you've done is go farther and farther away from the precious
love that's been waiting for you all the time.”
-I’ll be waiting.

What the hell is this? Parang ang bigat ng puso ko. Ah ewan. Nakakaawa naman siya. T^T

9 years?! Crap. Tagal nun. Ibig sabihin simula naging mag-best friend sila eh love na niya si
Mei? He’s awesome huh?

Kinuha ko naman yung papel. Wala lang. Trip ko lang.


Nagtingin-tingin pa ako ng iba.

Ngayon ko lang naisip. Wala pala kaming alam sa isa’t isa. Kahit mahigit 2 months na kaming
magkasama, limited lang ang information na alam namin.

Bumalik ako sa side ko at binasa ko ulit yung nakasulat sa papel.

HAHA. May dramatic side rin pala ‘tong si Dylan? Di halata ah! Akala ko puro snobbish at
idiotic act lang ang alam niya eh. Tss, marunong rin palang malungkot.

Oh whatever. Imma eat na nga!

***

Monday.

Eto na naman. Wala na ba ‘tong katapusan?!

“Dylan, gumising ka na!! May pasok pa tayo!”


“Hmm? Later.”

Oha? Ang mala-award winning kong mga style kung paaano gisingin si Dylan.

“Ayaw mo ha?”

Binalot ko muna siya sa kumot tsaka ko sya tinulak ng malakas. Haha! Parang bowling lang ‘to
ah! Strike yung mga libro nya! Pero ambigat. Wuhoo! Sakit sa muscles!

“What the hell, Lyka!”

Oh diba? Nagising?
Galing ko talaga! ^.^

Sabay na kami kumain at hinintay ko na siyang matapos maligo. Tapos sabay na rin kaming
pumasok.

Hala? Anong nangyayari sa amin? Bakit sabay kami?

Ayun oh. Tsismisan dito. Tsismisan doon. Errr. Kami na naman ang topic. Badtrip.

“Yaan mo sila.”
“As if I care. Tss.” Kairita kasi eh.
“Pfft. Bakit ko ba kasi sinabing girlfriend kita eh.”
“Yeah right. This is your fault.”

Talaga naman eh! Makadamay ng tao, wagas! Hawak niya lang yung phone niya. May katext ata.

Pumasok na kami sa room. Ayun, binigay yung result ng exam sa Math.


^______^

YEHEY! Naka-96 ako out of 100! Great!


Tinignan ko yung papel ni Dylan.

O_O Holy sh*t.

“99?!?!”
“Bakit? Angal?” YABANG!

Akala ko ba, hate niya ang Math?! Eh kung makakuha ng score, parang hindi naman eh! Bastusin
‘to ah! Di pa pinerfect!
Wala siyang pakialam sa score niya. Tss. Eh pano ang pinapakialaman niya lang eh yung cellphone
niya. Todo text eh!

Sa ibang class naman, mataas rin yung mga nakuha kong scores. Si Dylan rin, pero yung iba,
medyo di ganun kataas. Pero pasado pa rin.

Pumunta kami sa canteen dahil tinext kami ni James na sabay na daw kaming kumain.

“Yo guys!”
Pumunta na kami dun sa table na kinauupuan ni James..

At Mei?

“Oh andito ka rin pala Mei.” Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya.

Tinignan ko si Dylan. Mukhang masaya ang mokong ah? Tapos tumingin naman ako kay Mei.
Nakatingin siya kay Dylan.
So titigan sila, ganon?

“Lyka, libre na kita.”


“Sige ba! Sabi mo yan James ha! Walang bawian!”

HAHA. Ayos. Libre pagkain ko. Naiwan kami ni Mei sa table dahil yung dalawa yung umorder.

“Lyka, thanks nga pala ha.”

Huh?

“For what?”
“Wala lang. Basta. ^_^”

Mukhang masaya naman siya.

“Oh.. okay.”

Thank you daw eh. Eh di tanggapin nalang! Pagkabalik nung dalawa, kumain na kami. Kaya lang
biglang tumigil sa pagkain si Mei.

“Bakit Mei?” si James yung nagtanong. Naunahan ako eh.

Ngumiti muna siya.

“May sasabihin lang ako sa inyong dalawa.” Tinuro niya kami ni James.

Sa aming dalawa lang? So alam na ni Dylan? Ano kaya yun?

Tapos tumingin siya kay Dylan.

“I’m his girlfriend na. Sinagot ko siya kanina lang. ^_^”

O_O
What the. Patay na. TT^TT

.Chapter 18.

Sila na? Kailan pa? Paano?


Ang bilis ha!

“Hey Bro! Congrats! Nadali mo!”


“Sira dude! ^_^”

Okay. So anong gagawin ko?

“Uhmm, ano.. congrats pala.. uhm.. sa inyong dalawa. Ha..haha..”

Great. Nabati ko sila.


“Thanks James. Thanks Lyka! ^_^”

Ok. Sila na masaya. Ako masaya rin. Well, maybe not. Ano bang nangyayari sa akin? Affected much
ako. Err! Erase! Erase! Wag mo silang pakialaman! Yaan mo sila. Buhay nila yan.

“Lyka? What’s wrong?” bulong sa akin ni James.

Huh?

Tinignan ko naman siya. WAAAAHHHH!!


Tapos na siyang kumain! Ako nakaka-tatlong subo pa lang.

Epal kasi yung news na yun! Masyadong na-sink sa utak ko! Di tuloy ako nakakain ng maayos. T_T

“Ahh.. ano kasi.. busog ako eh.”

Tapos yumuko ako.

“Mei, bro, una na kami ni Lyka ha. May pupuntahan pa kami eh.”
“Sige dude. Ingat.”
“Aalis na agad kayo?”
“Sorry Mei. Next time. Sige.”

Tapos hinila ako ni James. Di man lang ako nakapagpaalam ng maayos. Umurong dila ko eh. Nung
nakalabas na kami sa canteen, tsaka lang ako nagsalita.

“Hey James, san tayo pupunta?”


“Lyka, marami kang sasabihin sa akin. Remember, I’m your bestfriend. Di pwedeng sinasarili mo
yang problema mo.”

Tss. So halatang may problema ako? Ano ba yan. Di na ba ako marunong magtago ng problema?
Hatak-hatak niya pa rin ako. Teka! Papunta na ‘to sa unit namin ah!

“Oi James! Sa bahay ba tayo pupunta?”


“Yeah.”
“Bakit?”
“Nothing.”
“Anong gagawin natin dun?”
“Talk.”
“Tungkol saan?”
“Problems.”

Putek. Magandang usapan ‘to! Kung sagutin ako eh isa-isang salita lang talaga eh! Ayun na nga.
Andito na kami. Nakaharap sa pinto.

“Open it.”
“Bakit ba kasi dito pa?”
“Basta. Buksan mo na lang.”

Seryoso talaga siya?

Dahil nakakatakot yung aura niya eh binuksan ko na. Pumasok siya sa kwarto.

“James, ano ba kasing pag-uusapan natin?”


“Eh di yung problema mo. Ano pa ba?”

Sungit. -____-

“Wala naman akong probleama ah?”


“Liar.”

Ouch. Liar.

“Lyka, halata naman eh. Kaya pwede mong sabihin sa akin.”

Di naman ako kumibo. Kainis. Halata ba talaga? Tss. Umupo ako dun sa kama ko. Siya naman
kaharap ko.

Sasabihin ko ba?
Kaso bigla siyang nagsalita.

“Lyka, sorry.”

Teka, huh? Sorry?

“Bakit?”
“Napalayo na ata loob mo sakin eh. Sorry dahil hinayaan kita for 7 years. Ni hindi man lang
kita natulungan sa mga problems mo. Am I really your bestfriend?”

Akala ko ba ako yung may problema? Bakit parang siya?

“Okay lang yun. Nangyari na eh. At least, andito ka na ulit.”


“But because of me, you have no friends. Simula elementary hangang high school. I’m really
sorry.”

Oo nga no? Di na pala ulit ako nakipag-usap kahit kanino noon.

“Past is past James. Wala na yun.”


“Pero I’m thankful na nagkaroon ka ng mga kaibigan ngayon.”

Talaga?! Meron?

“Sino???”

Ngumiti naman siya.

“Mei and Dylan.”

Kaibigan ko sila? Napakunot-noo ako.

“Yeah. They are your friends. Di mo lang napapansin.”

Napaisip ako sa sinabi niya. Nagflashback lahat-lahat. Simula umapak ako sa university na ‘to.

Si Dylan, kahit nag-aaway kami minsan, I mean lagi pala, tinutulungan niya rin naman ako kapag
kailangan ko ng tulong. Si Mei, siya yung nakakausap ko kapag about girly things na. Di ko
naman kasi pwedeng sabihin kay Dylan at di niya rin masasabi yun kay Dylan at James.

Oo nga. They are my first friends.

“Yeah, you’re right James. Friend ko nga sila.”

Tumayo si James. Tapos ikot-ikot sa room. Napunta siya dun sa pwesto ni Dylan.

At kagaya ko,

Nakikialam din siya ng gamit.

Bestfriends talaga kami! HAHAHA.

“Alam mo ba kung gaano na siya katagal in-love kay Mei?”

Napayuko ulit ako.


Bakit ganun? Nakakalungkot pag siya na yung pinag-uusapan?

“Yeah. 9 years right?”

Napatingin sa akin si James.

“Pano mo nalaman?”

May kinuha ako sa bag ko.


“Dahil dito.”

Pinakita ko sa kanya yung papel na nakita kong nakaipit sa notebook ni Dylan.

“So he’s writing huh?”


“Siguro super saya nun ngayon no? Kasi natupad na yung wish niya na mapansin siya ni Mei.”

Ano bang pinagsasabi ko? Ang weird ko na ha.

“Oo. Masaya yun ngayon. And I’m also happy for him. Ikaw? Di ka ba masaya para sa kanila?”
“No.. Yes.. Err, no.”

Hindi naman talaga eh. -______-

“Bakit?”

Natahimik ako. Bakit nga ba? Ewan. Dahil ba dun?

“Kasi may sinabi sa akin si Mei nung nag-frisbee kayo ni Dylan.”


“Andun ba siya nun?”
“Yeah. Kausap ko siya. Sabi nya…”

Naalala ko yung sinabi niya. Grabe.

“You know what, Lyka? I’m planning on giving him a chance. Gusto ko na rin kasing kalimutan si
James. So sasagutin ko si Dylan if he’ll court me.”

“Kakalimutan ka daw niya by giving Dylan a chance. Di ba parang di naman tama yun?”

Nakatingin lang si James sa akin.

“I guess.”
“Masakit maging rebound di ba? Naawa lang ako kay Dylan. Di niya alam na ginagamit lang siya.”
“Me too. Pero naaawa rin ako kay Mei.”
“Bakit?”
“Para lang makalimutan niya ako, kailangan niya pang gumamit ng ibang tao. I’m sure masakit rin
yun para sa kanya. This is my fault.”

Lalo akong nalungkot nun nung nakita ko yung mukha ni James. Nakakaawa.

Best friends.

Yeah. Ngayon ko lang naisip.

We’re always worrying for those persons who don’t worry about us.

Right?

.Chapter 19.

Gabi na.

At dahil gabi na, malamang nakauwi na si James.


At dahil gabi na, nasa bahay na rin si Dylan.

At dahil gabi na, nasa bahay rin si Mei.

At dahil gabi na, naiinis ako.

Huh? Ano daw? HAHAHA. Baliw na ako. Sinilip ko naman kung anong ginagawa nila. Andun kasi sila
sa sala eh. Eh bakit ko ba sinisilip? Wag na nga.

Magkaheartac—I mean, kuliti pa ako dyan eh!

*Vibrate…vibrate…*

Sino kayang nagtext? Kinuha ko naman yung phone ko sa bulsa ko.

Whoa! Tumatawag si James! Akala ko text lang!

Di pa alam ang pinagkaiba ng message tone sa ring tone. -____- Bobo much.

“Oi James! Bakit ka tumawag?”


“Wa..wa..l---a la..ng”

Ano ba yan!

“Teka, lalabas lang ako choppy eh!”

Bakit ba walang signal dito sa kwarto? Epal naman. Nung nasa sala na ako, nakatingin silang
dalawa sa akin.

What???? May ginawa ba ako? May dumi sa mukha ko? Masama na bang dumaan dito?? Aish. Bahala
kayo diyan! Magsama kayo! Hmp. Lumabas na lang ako at dun ako nakipagkwentuhan kay James.

***

Mei’s POV

Pinapunta ako ni Dylan sa Unit nila. At sinabi na niya rin sa akin na she’s living with Lyka.
Syempre na-shock ako nung una. Di halatang nakatira sa iisang bahay eh!

Well, kami na nga pala ni Dylan, no? >__<

Kainis naman kasi si James eh! Bakit ba ayaw niya sa akin?? Maganda naman ako ah!
T___T

Okay Mei, move on. Maraming lalaki sa dagat. I mean, marami palang isda. Pero sa mundo,
maraming lalaki. Wala sa dagat.

Ewan.

Nung nalaman kong may gusto sa akin si Dylan, gusto kong bigyan siya ng chance.

Pero, at the same time, gusto ko na ring makalimutan yung pesteng James na yun!

Imbyerna!
Paasa!
Manhid!
Pa-fall!
WAAAHHHH!!

Yoko na nga. Shut up na.

Kakahiya naman kay Dylan. Siya kasama ko ngayon pero si James iniisip ko.

Nagkukwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Napatingin ako dun sa pinto sa room dahil biglang
gumalaw.

Si Lyka lang pala. Bakit kaya siya sumisilip?? Hmmm.

“Hey Dylan, anong tingin mo kay Lyka?”

Bakit ko ba yun natanong?


“She’s a loner. Tigre rin yan kung minsan. Pero babae pag tulog. At masyado siyang fan ng
pagtulog ko kaya naging tagagising ko na siya. ^__^ Bakit mo natanong?”
“Wala lang. ^___^”

Daming alam ah!

“Ui James! Bakit ka tumawag?”

Biglang lumakas yung pandinig ko ah. May narinig akong James eh. HAHA. Okay tama na ang landi.

K. Mei, shut up.


Syempre na-curious ako. Bakit kaya tumawag si James kay Lyka? Sabagay, best friends sila.

Pero.. pero.. BESTFRIENDS din nama kami ah?? TT^TT

What the.

Bakit ba puro James na lang?!

M-O-V-E-O-N. Duh? Di ka niya gusto, okay??

Kailangang i-convince ko ang sarili ko! >___<

Tinignan ko naman si Dylan. Mukha na kasi akong James eh. Pero nakatingin rin siya kay Lyka.

Affected rin siya?

Si Lyka, nagtaka sa amin. Eh paano ba naman, parang kakainin naming siya ng buhay eh! HAHAHA.

Lumabas tuloy siya. Di ko maririnig yung usapan nila.T____T

O sige.
Oo na.
Ako na.

Ako na ang stalker!

“Mei, dito ka na lang kumain. ^___^ Ako magluluto.” Sabi naman bigla ni Dylan.

Waaah! Na-mimiss ko na ang luto niya!

“Oh sige! Number one fan mo ako eh! ^____^”

Tapos pumunta na siya ng kitchen.

Awwww.. anong gagawin ko? Mukhang di ako makakapag-move on eh! Halata ba? Pero baka masaktan ko
si Dylan.

T____T

Waaaahh!! Bakit ko ba kasi siya sinagot in the first place! TT^TT

Sige na, ako na ang stupid!

Brokenhearted na nga, stupid pa.

SAKLAP TEH!

***

Dylan’s POV

Nasa kusina ako ngayon. Ipagluluto ko si Mei. ^__^

Pero bakit kaya tumawag si James? Once in a blue moon lang yun kung tumawag eh. Mas gusto
niyang magtext. Sa bagay, si Lyka naman yun. Best friends sila eh. Eh kami rin naman ah!

Di kaya?
Di kaya may gusto siya kay Lyka?

OUCH! F*ck!

Ano ba yan! Nahiwa pa ng kutsilyo! Malas.

Hinugasan ko naman agad para di magdugo.

Tss.

Eh ano naming paki ko kung may gusto siya kay Lyka? Magsama pa sila. Pero gf ko na si Mei. At
last! ^____^

Badtrip lang. Pero okay na rin yun. Kahit rebound lang. Martir ko ba? Masyado bang gay? Tss.
Sorry naman! Gusto ko lang maranasan yung ganito. Natapos na akong magluto at si-nerve ko na
kay Mei.

Hinintay ko naman yung comment niya.

“Waaahh! The best ka talagang magluto Dylan! ^_____^”


“Syempre ako pa!”

Wahaha. Yabang ko.

Pero bigla siyang naging seryoso. Naiiyak pa nga eh. Hala? Nung nangyari?

“Ei bakit? May problema?” umupo ako sa tabi niya.


“Sorry Dylan. T___T I think I can’t continue this.”

Parang alam ko na ‘to ah.

I know this will happen. Sabi na nga ba eh.


“Nah. It’s okay. Pinilit lang naman kita eh. Alam ko namang mahal mo pa rin si James.”

“Sorry talaga! :’(”


“I know. Okay lang talaga. At least alam mo.”

Pinilit niyang tumigil sa pag-iyak.

“I want to say this to you.”

Ano kaya yun?


“Alam mo, pag daw bumilis yung heartbeat mo kapag kasama mo yung isang tao, love mo daw yung
taong yun. Pag may nangyaring masama sa kanya at super worried ka. Kapag may lumalapit sa kanya
at todo-selos ka. Yun daw yung pakiramdam pag in-love ka.”

“Why are you saying this to me?”

“Dylan, sana maging masaya ka. Ayokong ako yung dahilan kung bakit malungkot ka. Bestfriend
kita kaya ayokong mangyari yun. Sana mahanap mo na yung other half mo. I’m sorry. T__T” tapos
niyakap niya ako.

Masakit. Pero di tulad ng dati. Siguro sanay na ako? Sa 9 years ba namang nakasunod ako sa
kanya eh! Tsss.

Shit. Di bagay sa aking magdrama. It’s so gay!

“’Lika na, hatid na kita. Gabi na eh.”

Pinunasan niya luha niya. Tss.. Nakapagpaiyak na naman ba ako ng babae??

Lagi na lang. -_____-

“Okay. Pagod na rin ako eh.”

Lumabas na kami ng bahay. Pero pagtingin ko dun, wala si Lyka. San kaya yun nagpunta? Ah ewan.

Hinatid ko na si Mei sa dorm nila. Pagbalik ko sa unit, nagulat ako dahil may nakaupo dun sa
hagdan. Nakayuko.

Teka, si Lyka ‘to ah!


Pero parang may sound? Ano yun?

“HUY!!!”

O_O

.Chapter 20.

Lyka’s POV

Papasok na sana ako sa unit kaya lang…


-_______-

Magkayakap sila eh. Tssss. Baka maistorbo ko pa. Nu ba yun! At dahil mukhang paalis na sila,
naagtago ako dun sa pintuan nung kapitbahay namin.

Eh bakit ba ako nagtatago? Tinawagan ko si James.

“James? Nakauwi na si Mei. Okay na? Sige, bye.”

Haaay. Ayoko namang pumasok sa bahay dahil nakakatakot. Ayoko kayang mag-isa! Mamaya may multo
dyan eh! Atakihin pa ako sa puso! Umupo naman ako sa hagdan.

Ang dilim.
Nakakatakot.

-_____-

Tatawagan ko sana si James kaso wala na akong load. Bakit ngayon pa?!

WAAAAHHHH!!! Ang imagination ko gumagana na naman!!


Feeling ko may katabi akong…

WAAAAHHHHH!!! Erase! Erase!

Walang multo.
Walang multo.
Walang multo.
Walang multo.

TT____TT

Natatakot na talaga ako. Bakit ba kasi naiwan akong mag-isa sa bahay?!?! Eh gabing-gabi na nga
eh!!! Buti sana kung maaga pa!
Nakakatakot kaya! Malay mo may katabi na pala akong white lady! O kaya multong walang ulo at
puro dugo-dugo pa! Tapos baka sa puno, may kapre at tikbalang!

AHHHHH!! Tama na! Bakit ba kung anu-anong iniisip ko?!

Nanginginig na ako sa takot! James! Kuya! T^T

“Walang multo. Walang multo. Walang multo. Walang multo….”

O__O

Kinilabutan talaga ako. Kasi biglang…

May humawak sa paa ko!!!!!

“HUY!”
“AAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!! TT________TT”
Nasa heaven na ba ako? Namatay na ba ako?

OK. Ang OA na.

Napaiyak na ako nun. Pagtingin ko si Dylan lang pala.

Gulat naman siya. Siguro akala niya timang na ako. Nagulat tapos umiyak ako. Eh kasi naman eh!

“Ayos ka lang?”
“Walang hi..ya ka.. Papa..ta..yin mo ba.. ako?? Aka..la ko mul..to na.. TT________TT”

Umiiyak pa rin ako. Whew! Akala ko talaga multo. Badtrip! Siya pa nakakita! Nanginginig pa rin
ako. WAAAAHHH! Bakit ayaw kumalma ng katawan ko?! Hikbi pa rin ako ng hikbi. Ayaw tumigil ng
luha ko eh. Bwisit kasing Dylan to eh! T_T

“So.. sorry. Takot ka ba sa multo?”

Err! Obvious ba?? Iiyak ba ako kung hindi?!

“Mala..mang. ti..nakot mo pa ako..”

Nagulat ako nung tinayo niya ako.

“Pasok na tayo.”
“Si..ge..”

Crap! Nanginginig yung tuhod ko! Ano ba! Umayos nga kayo! Stand straight!

Nung nasa loob na kami, pinainom niya ako ng tubig. Medyo kumalma naman na ako.

Pero pagkatapos nun, tumawa siya! At yung nakakaasar pa ha! Tawa talaga!

“Pwede ba? Wag kang tumawa? Kainis ka!”


“Eh kasi naman? Takot ka sa multo? HAHAHA! Nakakatawa lang.”

Errrrr! Pasalamat siya gwapo siya!

“Ewan ko sa’yo. Normal na sa tao yun no!”


“Eh bakit ka kasi nasa labas? Bakit di ka pumasok dito sa loob?”
“Eh kasi…nakakatakot rin dito eh. -______-”

Kfine. Ako na ang duwag. Eh sa ganito ako pinanganak eh!

Sorry nalang!

“Tss. Ang corny ha.”


“Whatever. Oh ayan na baso mo!” tapos nilagay ko sa kamay niya yung baso. Kainis eh! Nanglait
pa!
“Ouc--”

*CRACK!*

Pagtingin ko sa kamay niya..

“WAAAAHHH!!! MAY DUGO!!!!”

Hala. Nalaglag yung baso. T_T Ang daming dugo ng kamay niya!!!

“Pwede ba, hinaan mo yang volume ng microphone sa lalamunan mo?? Lakas eh!”
“Sorry naman! Waah! Andami ng dugo!”

Nagpapanic na ako. Grabe! Andami talagang dugo eh! May cut yung dalawang daliri niya tapos,
andami talagang dugo!!! Kinuha ko yung first aid kit. May silbi pala ‘to! Akala ko display lang
eh.

“Akin na!”
Kinuha ko yung kamay niya. Huhu. Paano ko ‘to gagamutin? Katakot!

“Teka, marunong ka ba?! Baka lalong lumala ha!”


“Pwede ba?? Tumahimik ka dyan at baka yang bibig mo yung lagyan ko ng benda!”

Ayan. Marunong palang tumahimik ‘to eh! Gusto may takutan pa eh.

Nilinis ko muna yung sugat niyang maraming dugo. Tapos nilagyan ko ng agua oxynada. Tapos
betadine at benda!
AYAN! Teka, tama ba yung ginawa ko? Ah basta okay na yan!

Teka…

Hawak ko pala kamay niya?

O///////O

Binitawan ko naman agad.

“Ouch! Bakit mo binitawan?!”


“Eh tapos na eh!”
“Eh di sana sinabi mo! Ang sakit kaya!”
“Ang arte mo! Ginamot na nga eh! Bahala ka na nga! Matutulog na ako!”

Pumasok akong kwarto.

Gosh.

Ano ba talagang nangyayari sa akin????

Pagtingin ko sa salamin,

Bakit ako namumula?!?!

WAAAAAHHHHH!!!!

Nahawakan ko kamay niya!!!

Kfine. Ako na ang baliw.

ERRRRR!!! Hate this feeling! >___<

.Chapter 21.

September na pala.

Bilis ng panahon! Waaaaahh!

Saturday ngayon. At di na naman ako umuwi. Nitatamad ako eh. -______-

Naalala ko tuloy yung sabi sa akin ni kuya sa phone.

“Di ka na naman uuwi? 3 weeks ka ng di umuuwi ah?”


“Eeeehhh! Tinatamad ako kuya eh!”
“Pssshh. Ano ba yan. May papakilala pa naman sana ako sa’yo.”
O_O

TEKA.

“WAAAHHH!! KUYA MAY GIRLFRIEND KA NA?!?!?!”

*Silence*

“Naman Lyka! Wag kang sumugaw dahil ang sakit sa tenga ng boses mo!”
“Sorry naman! Pero di nga? May gf ka na? Sino? Maganda ba? San mo nakita? Kelan ka niya
sinagot? Mayaman?”

LOL. Mayaman? Haha.

“Ewan ko sa’yo. Dami mong tanong. Pag umuwi ka na lang. Bye.”

He hanged up.

Babaan daw ba ako? Bastusan kuya??

At ayun. Eh tinamad akong umuwi. -_____- at isa pa..

Wala akong pamasahe pauwi!

Duh? Nag-iipon kaya ako! -___- Bawal gumastos!

*knock knock*

Hay salamat dumating din!

“JAMES!!! ^___^” tapos niyakap ko siya. Weeeee!


“Did you miss me that much? Haha.”

Pumunta kami sa kwarto tapos nagkwentuhan. Obvious naman na lovelife ang topic namin eh. Sa
dami ba naman ng nangyari?

Yeah. Maraming nangyari. Di niyo lang alam.

***

James’ POV

Andito ako ngayon kila Lyka dahil pinapunta niya ako. Pasalamat siya bestfriend ko siya at di
ako pwedeng tumanggi. >__<

“Oh ano na?”


“Eh di wala. Yaan mo na siya. Tss.”
“James?!?! Mr. Torpe ka na rin ba???”

Tss. Ako torpe??

Di no!

“Ayoko nga. -___-”


“Yan ang hirap sa inyong mga lalaki eh! Naman oh. Masyadong malihim!”

Aba. May hinanakit ata siya ah?

“Pero ang bad mo James. -_____- Sabi mo sa kanya di mo siya gusto. Tapos ngayon, magcoconfess
ka sa akin na gusto mo rin pala siya?? Ang saya mo rin eh no??”
“Tss. Bakit ba parang galit ka?”

Ano bang ginawa ko sa kanya? Bumalik na naman pagiging manhater niya eh!

“Eh kasi naman eh! >_< Ang gulo ng utak mo!”


“Ikaw magulo dyan eh. Gulo mo kausap.-_____-”
“Eh napakadakilang martir mo naman kasi eh… pareho tayo.”

Ano daw? Medyo mahina yung pagkakasabi niya sa last part pero narinig ko. Aba! Sadyang matalas
ata ang tenga ko!
Pareho kami? Saan?

“What??” LOL. Kunwari di ko narinig.


“Wala! Sabi ko ang gwapo mo. ^_^” Tss. Iniiba lang yung usapan eh! -_____-
“Alam ko na yun dati pa! Pero anong sabi mo kanina?” Haha. Ang hangin ko.
“Wala ngaaaaaaa. >_<”
“Ano nga?”

Ang kulit ko rin eh no?

“Basta!”
“Ano ba kasi yun??”
“Ang kulit mo naman James eh!”

Kailangan kong malaman yun! Ano ba kasi yun?? Curious ako!

“Dali na! Say it to me!”


“Nothing! It’s nothing okay?”

Kailangan na ‘tong personalin!

“Lyka, sabihin mo na sa akin. Bestfriend mo naman ako eh.”


“Eh basta!”
“Do you have no trust in me? Sige ganyan ka naman eh.”

Tss. Galing kong magdrama. Apply na nga akong artista! HAHA.

“Waaahh! Bakit ka ganyan?? Kino-corner mo ba ako?? Ang sama mo!”


“Sabihin mo na kasi. Sinabi ko nga secret ko sa’yo eh. Tapos ikaw pinaglilihiman mo ko?? Ganyan
ba ang bestfriends??”

HAHA. Nagtampo daw ba?

“Sige na nga. TT_____TT”


“Napipilitan ka ata eh. Wag na lang.”

Masyado na akong magaling umarte.

“Fine! Fine! I like him okay??”

O_O

Like him? Sino?

Si Dylan?

Amp. Dalaga na bestfriend ko.

Lumalablayp na!

“Dylan???”

>/////////////<
Ayun. Naag-blush. Sows! Patay na.
Kaso biglang nag-pout at nag-sad face.

“Sus. Asa pa ako. Di pala tayo parehas. Buti pa ikaw, mutual ang feelings niyo. Eh ako? Tsss.
AAHHHRRRGGG!”

Bigla siyang humiga sa kama tapos nagtakip ng unan.

Anong nangyari dun?

.Chapter 22.

Lyka’s POV

Gabi na. Natulog lang ako buong maghapon. Nakaalis na rin pala si James kanina pa.

>///////////<

KYAAAAAAAAAAAAAAA~

Talaga bang umamin ako kay James?? Nakakahiya.

Yeah. Napagtanto ko rin yung feelings ko kahapon lang habang nakaharap sa salamin. Oh diba?
Imbyerna lang?

I like him.

Di ko rin alam kung bakit eh. Eh lagi naman kaming nag-aaway? Ayoko sa ugali niya. Ayoko sa
mood swings niya. Eh bakit ko siya nagustuhan?

Ang weird ko rin eh no?

Baka hindi ko talaga siya gusto? Infatuation lang ata?

Sows. Ano ba yun?

Lyka! Erase! Erase! Kalimutan mo yung torpeng yun! May lovelife na yun!

Wag nang umasa!

Okay. Yan na ang bagong motto ko.

Dahil wala akong magawa, eto na naman ako sa post-it-notes.

Wag nang umasa. Wala akong mapapala. Period. T______T

PAK! Oh ayan nakadikit na. Para lagi kong nababasa at tumatak sa puso—I mean sa utak ko.

Sinarado ko na yung pinto sa kwarto at matutulog na ako.

*BLAG!*
OMG! Ano yun?

T___T Hindi naman siguro multo yun di ba? Nagtago ako sa ilalim ng kumot. Naman eh! Mag-isa pa
ako ngayon!

*BLLAAAAGG!!!*

WAAAAAHHH!! Natatakot na ako ha! Ano ba yun?!?! Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko si
James.

“James T__T”

Naiiyak na talaga ako nun. Nakakatakot talaga kasi eh!

“Uy, natatakot ako dito eh. Samahan mo ko.T___T AHHHHHHHHH!!!”

Napasigaw ako dun sa phone dahil may tumunog na naman sa labas.

TT_________TT HINDI YUN MULTO DI BA?!?!?!

“Sorry James. T^T Kasi naman eh! Bakit ka umalis agad?!”


“Hala? Sabi mo kaya umuwi na ako dahil gabi na rin?”

Sabi ko ba yun?

“Ka-kahit na! Eh alam mo namang mag-isa ako ngayon eh! T__T”


“Sige punta na ako dyan.”
“Da—dalian mo! Bago pa ako atakihin sa puso!”

HUHU. Nakakainis naman kasi eh! Pa-ulit-ulit yung tunog.

Sino ba naming di matatakot doon?!? Hindi naman ako makalabas sa kumot dahil natatakot nga ako.
Para akong sira dun dahil nakabalot talaga sa akin yung kumot.

“James, nakalabas ka na bang bahay niyo? Dalian mo please? T_T”


“Palabas pa lang. Stay calm ok?”

Paano ako kakalma nito kung paulit-ulit yung tunog?!?!

Waaaaahhhh!

“JAMES.. dali..”

Palapit ng palapit yung tunog.

Tapos.
Tapos.
Tapos.

O_O

Naririnig ko yung pagbukas nung pinto ng kwarto.

OMG! WAAAAAHHHHHH!!

Kinikilabutan na ako. Sobrang lakas na rin ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan yung pagbukas eh.

“Ja..james? Ikaw na ba yan?”


“Hello Lyka? Nasa kanto pa lang ako. Pero malapit na.”

O_O

Hindi si James yun?


Eh sino yun?
Mu—multo??????

T_____________________T
WAAAAAHHHHHHHHH!!!

“Wa..wag kang la..lala..pit.”


“Lyka? Hello? Anong nangyayari dyan?-------”

Parang wala na akong naiintindihan sa sinasabi ni James.


Naiiyak na talaga ako. T__T
Nakatalukbong pa rin ako ng kumot tapos nakapikit na rin.

Ayoko na! Sana panaginip lang ‘to! Ayoko na talaga!!!

May naririnig akong footsteps papalapit s akin. T____T

Ayan na.
Ayan na.
Aatikihin na ata ako sa puso.
Shemay.

Biglang may humatak ng kumot. WAAAHH!

“NOOOOOOOO!! WAG!!! TT_______TT”

Umiyak ako dun. Nakapikit pa rin. Yung multo!!!

“Are you really that scared? Huh, Lyka?”

.Chapter 23.

Alam niyo yung nakakabwisit?

Yun yung takot na takot ka na nga, dahil akala mo may multo,

Yun pala,

MUKHANG MULTO LANG YUN! >:((((((

“Nakakainis ka alam mo yun?!?”

Tumawa siya ng tumawa. Ang sarap ngang sipain eh.


“Wala lang. Sobrang takot ka eh! Ang cute mong matakot! ^_^”

Eh mokong pala ‘to eh!

“Inulit-ulit mo pa yung tunog! Alam mo bang muntik na akong atakihin sa puso?! Tapos hinatak mo
pa yung kum---”

Teka, ano daw sabi niya?

C..cu..te..e..??? Ako???

>///////<

“Oy anong nangyari sa’yo? Na-stroke ka na ba?”

Napatalukbong ako ng kumot ng di-oras. Asar! Ang init ng mukha ko!

“Lumabas ka nga! Badtrip ako sa’yo! Tsupi! Shoo!”


“HAHAHA! Sige magtago ka nalang dyan sa lungga mo.”

Tapos narinig kong sumarado yung pinto.

Kakainis!

Ayun na eh! Nagagalit na ako eh oh! Tapos biglang magsasabi ng unnecessary word?!

Err! Sira ang diskarte ko!

Vibrate..vibrate..

Huh?

Ay tumatawag pala si James.

“Hello James?”
“Andito na ako sa labas ng unit. Bye.”

Napatayo naman ako at lumabas sa unit. Ayun. Nakatayo si bestfriend.

“Oh? Bakit parang maayos ka na?”

Napayuko naman ako.

“Sorry James. Si Dylan lang pala yung nananakot. -____-”

Nakakahiya talaga! Pinapunta-punta ko pa siya dito. T______T Bigla namang may humila sa akin sa
likod.

Err. Yung mokong na torpe.

“Yo dude. Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah? Nanliligaw? Sa kanya?”

Aba! Lagyan daw ba ng malisya??

Natawa naman si James. Ano kayang nakakatawa?

“No bro. Pinapunta lang ako ni Lyka. Bakit? Selos ka?”

O_O
JAMES!!!!

Bigla naman akong binitawan ni Dylan tapos tinulak kay James. Walang hiya! Bastos talaga ‘to
eh!

“Ako? Magseselos? Dude naman! May Mei na ko no!”


“Ganun ba? O sige, hiramin ko muna si Lyka ha? Lalabas lang kami.”
“Teka, 10:00 na ah? Lalabas pa kayo?”

So ano ako? Listener? Wala man lang akong masabi!

Sige, kayong dalawa lang mag-usap! HELLO?! Andito ako oh! Yahoo???

Makasingit na nga.

“Eh ano naman? Pag ikaw ba lumalabas ng gabi pinipigilan kita? Hindi naman ah!”
“Tss. Edi lumabas ka! Bahala kayo!”

Sabay walk-out. Ay walk-in pala. Pumasok sa unit eh.

O sige, ako na corny. -___-

“Tss. Torpeng mokong.”

Binulong ko sa sarili ko. Isisigaw ko sana eh kaso baka kainin niya ako ng buhay.

Tumawa naman si James. Napapansin ko lang ha? Ang hilig niya atang tumawa ngayon?

Di kaya nababaliw na rin ‘tong isang ‘to?

“Tawa ka dyan?” Yes naman! Ang taray ko! :D

Naglakad naman siya paalis sa unit. Kaya sumunod na rin ako.

“Wala lang. Nakakatawa kasi kayo eh.”

Nakakatawa?? Eh nakakainis nga yun eh! Lagi na lang akong pinagtitripan!

“Nakakatawa ka dyan? Bwisit nga yun eh! Nakuuuuuu!!!” nakakagigil talaga!


“HAHAHA. By the way, where are we going?”
“Huh? Malay ko sa’yo. Ikaw naglabas sa akin eh.”
“Ay ganun? Kailangan ako magdedecide?”

Kita mo rin ‘tong lalaking ‘to. Hahatak-hatakin ako, di rin pala alam kung saan pupunta.

NAMAN! MGA LALAKI TALAGA WALANG MAGAWANG MATINO!!

“Ahh alam ko na! Sa bahay nalang! ^_^”


“Okay.”

Mga five minutes na MABAGAL na paglalakad eh nakarating na rin kami sa bahay niya. Oo nga pala,
siya lang mag-isa dito. Buti pa siya kayang mag-isa!T____T Fine. Ako na duwag!

Bahay talaga nila ‘to. Pinagawa ng mommy niya. Two-storey house ‘to. Oh diba bongga? May second
floor pa! Sosyal! Pumunta naman kami sa room niya. Dun sa taas.

“Dito ka muna ha. Maliligo lang ako.”


“Teka? Gabi na maliligo ka pa?”
“Eh kasi naman, nakakapagod kayang maglakad papunta sa inyo. Pinagpawisan ako dun ha!”

OA ha! Pinagpawisan kahit gabi? At saka, medyo malapit lang naman sya sa amin ah!

“Kfine. Dun muna ako sa terrace.”

Pumunta na siya ng banyo. Sus. Akala mo kaylayo ng pupuntahan eh andito lang naman sa loob ng
room niya.Pumunta naman ako dun sa terrace. Ewan. Veranda tawag niya dun eh. Pinaarte pa.

Secong time ko pa lang makapunta dito. Yung una eh nung umamin siya sa akin na siya si James na
kababata ko. Dinala niya ako dito. ^__^ Pero naaamaze pa rin ako.

Ang ganda kasi eh. Makikita mo yung mga lights sa paligid. Tsaka kitang-kita mo rin yung mga
stars. And I really love stars. Ewan. Nagustuhan ko lang sila bigla nung bata ako.

Super ganda nila. Shining shimmering!

Napaisip naman ako bigla. Akala mo ang lapit lang nila, pero ang layu-layo pala.
Parang, parang…

Si Dylan.

.Chapter 24.

Parang si Dylan.

Ang lapit-lapit nya lang sa akin. Nakatira nga lang kami sa iisang bahay eh. But he’s really
far away from me. Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya. At parang ang hirap nyang abutin?

Yeah right.

I’m emoting again.

Nakakaleche.

Puro nalang Dylan. Dylan. Dylan.

Mawala ka nga sa utak ko! Peste ka eh!

Siya iniisip ko. Pero ni minsan ba inisip niya ko?

Nah. Hindi no. Asa pa ako.

Duh? May Mei kaya yun! Anong laban ko dun? 9 years? Sus! Talong-talo ako!

Bakit ba kasi nagkagusto pa ako sa kanya?! Pahamak.

“HOY!”
“AY KABAYO!”

Susmiyo! Nagulat ako dun ah!

“Ang sama mo naman! Mukha ba akong kabayo? Sa gwapo kong ‘to? -________-”
“James naman eh! Nag-eemote kasi ako oh! Nasa climax na ako eh! Sana pinatapos mo man lang!”
“Sus! Si Dylan lang naman yan eh.”

Natahimik ako. Binaggit niya pa. Hmp!

“Eh ano naman kung siya? Kalilimutan ko na yung mokong na yun! Pahirap eh!”

Tama! Operation Limot!

“Aba aba! Gumaganon na ang bestfriend ko! Dalaga na talaga! ^_^” tapos ginulo yung buhok ko.
“Ano ba yan James. Ginulo mo na naman yung buhok ko! >3<”
“Oy wag kang mag-pout! Ma-inlove ako sayo nyan, sige ka!”

Hinampas ko naman siya. Loko eh!

“Aray ko! Ang sakit nun ah.”


“Baliw ka kasi eh! In-love ka dyan? Sumbong kita kay Mei eh!”
“Asa.”

Inopen ko naman yung topic tungkol kay Mei. BWAHAHA! Ako naman ang mang-aasar! Akala mo ikaw
lang ha?

“Umamin ka na kasi! Confess! Wag mong sabihing torpe ka rin?”


“Ako torpe? Hindi no!”

Asus!

“Hindi daw? Eh anong tawag sa ginagawa mo ngayon?”


“Nagpaparaya.” Sumeryoso siya.

Ano daw?

“Huh?”
“Dylan really loves her. And he’s my bestfriend. Ayokong ako yung dahilan para masaktan siya.
Eh di magparaya na lang.”

Teka. Bakit feeling ko mali? Ewan.

***

James’ POV

Nag-iba naman yung reaction ni Lyka. Parang naging seryoso. Tama naman yung sinabi ko ah?
Nagpaparaya lang ako.

“You’re selfish.”

Ano daw?
Ako?
Selfish?
Paano?

“Teka, bakit naman?”


“You don’t wanna hurt his feelings, but you’re hurting HER feelings. Alam mo kung anong mali sa
ginawa mo?...”

Nag-pause siya ng kaunti tapos huminga ng malalim.

“Mas pinili mo pang saktan yung babae kays sa lalaki. You know that a girl’s heart is fragile,
yet you are willing to break it for the sake of friendship? God James! Kahit bestfriend kita,
naiinis ako sa’yo. Guys are tougher than ladies. Alam mo yan. Pero yung sarili mo pa rin yung
iniisip mo.”

Nagulat ako nung umiiyak na siya. Teka, anong meron?

“Hey Lyka. Stop it. Tama na.”


“I just want to express my opinion. Sana lahat ng lalaki, tandaan ‘to. Including YOU.”

She’s crying.

Is she really in pain?

“Don’t ever break the heart who truly loves you, or else you’ll end up regretting it.”

Tapos tumakbo siya palabas.

“Hey Lyka! Where are you going? Don’t run!” hinabol ko siya.

Sh*t! Ang bilis na niyang tumakbo! Buti nalang nadapa! At ayun, naabutan ko din!

“Ayos ka lang???”

Umiiyak lang siya. Nasa gate lang kami ng bahay. Buti at di siya nakalabas. Ang bilis talaga
tumakbo eh! Sinubukan niyang tumayo, kaso muntik nang matumba. Buti nasalo ko. Hay nako naman.
Ang kulit kasi eh.

“Ou..ch! Awww.”

Hinawakan niya yung tuhod niya. Pagtingin ko,

“Sh*t!! Andaming dugo! Halika, gamutin natin!”


Binuhat ko siya papuntang kwarto. Tapos nilabas ko yung first-aid kit. Ginamot ko yung sugat
niya. Grabe yung dugo. Ang sama ata ng bagsak niya eh! Napakakulit kasi eh! Sinabing wag
tumakbo.

“Oh ayan, nagamot ko na yung su---”

Aba naman! Tinulugan ako?? Hay nako Lyka.


Inayos ko naman yung posisyon niya. Parang ang sakit kasi sa leeg eh. Nakasandal kasi siya sa
headboard ng kama ko. Hiniga ko nalang siya.

Vibrate..vibrate..

Teka ano yun? Cellphone ko ba yun? Ay bobo, nasa lamesa pala phone ko. Pagtingin ko sa bulsa ng
jacket ni Lyka, may umiilaw.

“Hoy Lyka gabi na! Di ka pa ba uuwi?! Inaantok na ako! Bakit mo ba kasi iniwan yung susi mo?!”

Si Dylan pala.

“Bro, ako ‘to. Dito na muna mag-stay si Lyka sa bahay.”


“Te..teka, bakit??”
“Napagod ata kakaiyak eh. Nakatulog na.”
“U..miyak siya?? At saka, magkasama kayo sa bahay mo?! Teka dude, susunduin ko na lang siya!”
“Wag na. Diyahe lang.”
“Pero… bakit ba siya umiyak? Lagi na lang ah!”

Tss. Manhid ba ‘to?

“Bro, better ask yourself. I’m hanging up.”

.Chapter 25.

Dylan’s POV

Anak ng! Binabaan ako?

Pero ano daw?


Better ask myself?
Bakit ako?

Ah ewan. Bahala sila! Magsama pa silang magdamag! Wala akong pakialam!

Kakainis!

Nahiga na lang ako sa kama ko. Mag-eemote na lang ako dito.

Haaay. Tanggap ko na. Wala akong pag-asa kay Mei. Move on na. Ano ba namang laban kokay James?
Eh bata pa lang kami, may gusto na siya dun. -_____-

Talong-talo ako.

Si James naman, ewan ko ba sa lokong yun! Ano bang di niya nagustuhan kay Mei?! Kung ako sa
kanya eh matagal ko nang niligawan yun. Tss.

Kung kelan naman kailangan ko ng kausap tsaka walang makausap! Nakakairita. Isa pa ‘tong si
Lyka! Lagi na lang nakadikit kay James! Di porket bestfriend sila eh lagi na siyang sumasama sa
lalaki! -____-

HAAAAYY BUHAY NGA NAMAN OH!


Pinikit ko nalang yung mata ko. Inaantok na ako eh.

***

Lyka’s POV

“AAAAAAAAHHHHHHHHH!!!”

Napatayo ako bigla tapos nasa harapan ko na si James.

“Bakit?? Anong nangyari???”


“Di..dito ako natulog?? Saan ka natulog??”
“Akala ko naman kung ano na. -______- Oo dito ka natulog. Dun ako sa sofa natulog.”

WHOA! Nakatulog pala ako. Ang huli ko lang natandaan eh ginagamot niya yung sugat ko.

“Nga pala, mag-almusal ka na. I already prepared it.”

Naks! Sipag ni bestfriend! ^_^


Pumunta na ako sa dining table at sabay na kaming kumain.

“Nga pala Lyka, di ka pa ba magrereview? Finals na bukas ah?”

O_O

Sheeeeeeet! Oo nga pala!

Ano bayan! Nakalimutan ko pa dahil sa kaka-emote ko! Hmp!

“Waaaah! Sige-sige magrereview na ako pagkatapos kong kumain. Buti pala wala ng klase ngayon! -
____-”
“Sige sabay na tayong magreview. ^_^”

After kong kumain eh pumunta muna ako sa unit ko para kunin yung mga review materials ko. Di ko
feel na finals na. Bakit ganun? -_______-

“Bakit ngayon ka lang?!”


“Ay pusang tumalon!” napahawak ako sa dibdib ko.

Susmiyo! Muntik nang matanggal puso ko sa gulat ah!

“Pwede ba?? Wag ka ngang nanggugulat?!”


“Tss. Bakit nga ngayon ka lang??”

Eh ano naman? May pakialam ba siya?

“Nandun kasi ako kila James. Dun ako natulog. And pupunta nga pala ulit ako dun ngayon. May
kukunin lang ako dito.”
“WHAT??!!??!?!!”

Pagkasabi ko nun, talagang nabingi ako. Ouch! Ang precious eardrums ko! T______T

“Ang sakit sa tenga ha! Tabi nga, may kukunin ako!”

Dumeretso ako dun sa kwarto at kinuha ko yung bag ko pati yung mga papers na kung anu-ano. Kaso
ang bagal ko pa ring maglakad at iika-ika dahil nga sa katangahan ko kagabi. >_<
Aish. Ang bigat!

“Te..teka, bakit pupunta ka ulit dun?!?! Lagi ka na lang andun ah?? Tsaka.. anong nangyari dyan
sa tuhod mo??”
“Eh bakit ba? Bestfriend ko naman siya ah?? And hello dalawang beses pa lang akong pumupunta
dun no! At ano.. yang tuhod ko, uhm.. nadapa ako.”

Ang kulit rin ng mokong na ‘to eh.

“Tss. Tatannga-tanga kasi eh. Eh.. ano.. uhm.. sino nalang magluluto mamaya?? Duty mo na ah??”

Tss. Sige na ako na ang tanga! Ako na ang nadapa! Hmp! Di man lang tinanong kung okay ako eh,
mas inuna pa yung lecheng duty na yan!

“Eh di ikaw magluto. Dun naman ako kakain eh!”


“WHAT?!?!?!?”

Ouch again. T____T

“Ano ba?? Di kaba titigil sa kaka-what mo dyan?! Uumbagan na kita eh!”


“Eh.. du.. dun ka ulit matutulog??”

Hmmm. Dun kaya ako matutulog? Kaso nakakahiya naman kay James.

“Gusto mo dun ako matulog??” tanong ko sa kanya.


“AYAW!!!”

Ewan ko pero uminit ata yung mukha ko kaya napatalikod ako ng di-oras.

Naman!

“Ah.. ahm, I mean, SINO NA LANG MANGGIGISING SA AKIN BUKAS???”

Yung init ng mukha ko kanina eh lalong nadagdagan dahil sa inis. Hmp! Akala ko pa naman…

Oh well Lyka, maraming namamatay sa maling akala. Pero nagulat ako nung hinawakan niya yung
magkabilang balikat ko mula sa likod.

Ta..tapos naramdaman ko yung paghinga niya sa tenga ko.

Kinilabutan talaga ako. O_O

“Please stay with me tonight.

Ms. Kristell Lyka Alonzo”

>///////<
.Chapter 26.

Andito na nga pala ako kila James. Hingal na hingal nga ako eh! Tumakbo kasi ako. Phew! Syempre
naman no! Ikaw ba naman sabihan ng stay with me tonight, di ka mapapatakbo?!

Pero naguluhan lang ako. May pafull name-full name pa siyang nalalaman! Hmp! Ay!!! Tama na nga!
Magrereview na lang ako! Baka mamatay pa ako sa kilig eh. >//<

“Oh, lika na review na tayo.”


“Ok.”

Nagsimula na kaming magreview ni James. Medyo mahaba-haba rin pala ‘to! Andaming kailangang
sauluhin! -_- Ang sakit sa utak. Suko na mga brain cells ko. -______-

“Oh kaya pa?”


“Dedo na ako James.”

At dahil dun, kumain muna kami! Haha! Syempre kailangan ng breaktime no!

Pinaghain ako ni James. Yummy sarap ng niluto niya. Oo, marunong din yang magluto. Susmiyo,
chef ba naman ang nanay eh? Nagluto siya ng sinigang. Grabe, ang swerte swerte talaga ni Mei sa
lalaking ‘to. Nakuuuu, napaka naman kasi ni James eh! May pagpaparaya pang nalalaman. =__= Pero
sa bagay, swerte rin ako at bestfriend ko siya, andami kong benefits. BWAHAHAHA!

After naming kumain eh balik aral ulit.

Balancing equations
Thermodynamics
Differentials
Integrations
Processes

Please stay with me tonight..

AAAAHHHHHH!! ANO BA??? BAKIT KA SUMISINGIT SA PAGREREVIEW KO!!!

“Huy, nababaliw ka na ba?” sabi sa akin ni James dahil pinupukpok ko na yung libro sa ulo ko.
“Ha?. Ah.. eh.. haha! OO NABABALIW NA AKO! LECHENG DYLAN YAN EH!”

O__O

Napatakip nalang ako ng bibig. Bakit ba napakadaldal ko? =__=

Nakita ko naman ang mapang-asar na mukha ni James. Tss.

“Oh asan ang kwento? Dali.”


“Sapak James, gusto mo?”
“Sus, magkukwento lang eh!”
“Heh! Magreview ka na nga lang dyan!”

Tinigilan naman niya ako at nagreview na ulit kami. Pero parehas ata kaming wala sa sarili ni
James eh. Siya kasi tingin ng tingin sa phone niya, I wonder kung anong meron. At ako naman,
every ten minutes ata eh pumapasok sa utak ko yang shemay na ‘please stay with me tonight’ na
yan eh! >///< Waaaahh mababaliw na talaga ako dito.

***

James POV

James, please meet me at the coffee shop. Please?

Nagreply naman ako.

As in now? Aren’t you reviewing for the finals?


Nabobother ako na ewan. Tss. Bakit pa kasi nagtext si Mei eh. =__= Di tuloy ako makapag-aral ng
maayos.

*vibrate*

Please? Importante lang. I just want to tell you something..

Lalo naman akong kinabahan. Parang may nararamdaman akong hindi magandang mangyari.

Okay. I’m on my way.

Tumayo naman ako.

“Oh, san ka pupunta?”


“Dyan lang.”
“Kay Mei?”

Nakakabasa ba ‘to ng utak?

“Hahaha! Naman James, halata ka masyado eh. Magcoconfess ka na ba? Uuuyyy.”


“Tange. Hindi no. Hinding-hindi ako magcoconfess.”

Nakita ko naman sa mukha niya na parang nakukunsumi na siya sa akin. Tsk. Ang kulit naman kasi
ng best friend ko eh. Ayoko nga kasing magconfess.

“Isang araw, pagsisisihan mo rin na hindi ka nagtapat, James.”

After she throw her words, umalis na ako.

Inaamin ko, lahat ng sinasabi sa akin ni Lyka, nakatatak sa isip ko. Para kasing makahulugan
lahat. Kung di ko lang yan kilala eh napagkamalan ko na yang love expert. Daming alam eh. Pero
sawi naman sa lovelife sa totoong buhay. -___-

Nakita ko naman agad si Mei sa may coffee shop.

“Hey.” Tapos umupo na ako sa tapat niya.

“James, I’m leaving tonight.”

.Chapter 27.

“WHAT?!” napatayo ako sa sinabi niya. Pero nakayuko lang siya nun.
“Mei, don’t joke around. Finals week na. Marami pa tayong exams kaya sige na mag-aral ka na.”

“I’m not joking.” Tinaas niya yung ulo niya and I saw her crying. Kahit gustung-gusto ko nang
punasan yung luha niya, hindi pwede. Sila na ngayon ni Dylan. Ayoko nang may masaktan. Kahit
ako nalang.

“Nag-early exam na ako.” She said as she wiped her tears.

Ako naman hindi pa rin makapagsalita. Tell me, she’s joking right?

“My dad.. He wants me to go to London. Gusto niyang dun ako mag-aral at para may katulong rin
daw siyang magmanage ng company namin dun.”
“Why are you saying this to me?” bigla ko nalang nasabi. Di ba dapat kay Dylan niya sinasabi,
because he’s her boyfriend?
“I don’t wanna tell it to Dylan. Alam mo namang gagawin niya lahat para lang mapigilan akong
umalis.”

Yeah right. Like what happened two years ago.


Dapat aalis rin nun si Mei pero pinigilan siya ni Dylan. Kinausap ni Dylan ang dad niya. No one
knows what happened to their ‘talk’, but in the end, pumayag na rin ang dad niya na mag-stay
muna siya dito sa Philippines.

“But..”
“Please James.. Keep this between the two of us.. Please don’t tell him.”

Napatango nalang ako. Pero deep inside, gusto ko rin siyang pigilan. Ayoko siyang umalis.
Ayoko. Nagulat ako nung tumayo na siya at paalis na ng coffee shop..

“At para na rin makamove-on ako sayo. Mukhang wala na talaga akong puwang sa puso mo eh.”
Pagkasabi niya nun, tumakbo siya palabas.

Ako?

I punched the table.


Ang g*go ko pala!

Mei’s POV

I ran away from the coffee shop. From James.

Ang sakit pa rin.


Ang sakit sakit.

Wala ba talaga siyang pakialam sa akin?


Ni katiting?

Hindi ba pwedeng isantabi niya muna na best friends kami at tignan niya ako bilang isang
babae?! Bilang si Mei na nagmamahal sa kanya?!

:’(

I cried and cried the whole time. Andito ako ngayon sa favorite spot ko sa campus. Buti nalang
at busy ang mga tao ngayon sa pagrereview kaya walang tao dito.

“JAMES PATRICK SISON!! BAKIT BA HINDI MO AKO MAGAWANG MAHALIN HA?! ANO BANG WALA SA AKIN? BAKIT
HINDI MO AKO TIGNAN KAHIT ISANG BESES LANG?! BAKIT BA HANGGANG BESTFRIENDS LANG??” humagulgol
na ako nun.

For seven years, I loved that guy. For seven years, umaasa ako na kahit konti.. mapansin niya
ako. And for seven years, I always felt his rejection. :’(

“WALANG HIYA KA!! NI HINDI MO MAN LANG AKO NAPANSIN FOR THE PAST SEVEN YEARS! ALAM MO BA KUNG
GAANO KASAKIT MAGHINTAY SA TAONG ALAM MONG WALA KA NAMANG BALAK HINTAYIN?! ANG SAKIT SAKIT!!
KAHIT KONTI LANG JAMES, WALA! SANA HINDI KA NALANG NAGING SWEET SAKIN! EH DI SANA HINDI AKO
MAIINLOVE NG GANITO SAYO!! Sana.. sana..” ang sakit sakit talaga. For the last seven years, ito
yung gustung-gusto kong sabihin sa kanya.

“SANA HINDI AKO NASASAKTAN NG GANITOOOOOO! :’’(”

I know. I’m pathetic. Parang baliw na humahabol sa lalaki. Loser. Pero masisi niyo ba ako?
Mahal ko siya eh. Ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari.

Pero nakakasawa palang ipaglaban yung taong hindi ka naman mahal.


Nakakasawang maghintay.
Nakakasawang umasa.

Tama. Kaya I’ve decided na pumunta na sa London. Actually, I lied to him. Hindi ako pinilit ni
Dad. It’s my own will na pumunta dun para makapagsimula ulit. Ang sakit sakit na kasi ng puso
ko dito eh. Lalo na pag nakikita ko siya.

Akala ko, pipigilan niya akong umalis.

But no.
Ouch right? Ang feeler ko kasi eh. Akala ko, kahit papano eh ayaw niya akong umalis. Akala ko,
gusto niya akong makasama.

Puro akala. Puro assumptions.

James’ POV

“JAMES!! I REALLY MEAN NOTHING TO YOU, HUH? ANG SAKIT TANGGAPIN NA HINDI MO AKO PINIGILANG
UMALIS. AKALA KO… PERO AKALA LANG PALA LAHAT! SANA AKALA KO NALANG RIN MAHAL KITA! PARA HINDI
AKO GANITONG NAGHIHIRAP!! ALAM MO BANG ANG SAKIT-SAKIT DITO?!” then she pointed her heart.

Kung alam mo lang Mei.

Kanina pa durog na durog ang puso ko habang pinapanood siyang umiiyak. Kung masakit para sa
kanya, mas masakit para sa akin. Nagpapanggap akong hindi siya mahal pero ang totoo, mahal na
mahal na mahal ko siya.

I looked like a gay right now. Crying because of a girl. Umiiyak ako sa mga pinagsasabi niya. I
know she’s in pain, pero ayokong sirain yung pagkakaibigan naming tatlo. Paano nalang si Dylan?

“AYOKO NA SAYO!! AYOKO NA SAYO!! AYOKO NA SAYO!! MANHID KA! NAPAKAMANHID MO!! AYOKO NAAAAAAA!!
AYOKO NANG MAHALIN KAAAAAA!!” tapos umiyak na naman siya at naglumpasay sa lapag.

Yung huli niyang sinabi, it really hurts me. Parang may tumusok sa puso ko.

Tangnang pagpaparaya naman yan James! Wala nang katuturan! Ang sakit rin palang magpanggap. Ang
sakit rin palang sabihan ka ng taong mahal mo na ayaw ka na niyang mahalin.

“Isang araw, pagsisisihan mo rin na hindi ka nagtapat, James.”

After Lyka’s voice echoed in my mind, I made my decision.

.Chapter 28.

Lyka's POV

I was really shocked.


A..ano bang nangyayari?!

Naiiyak na rin ako sa nangyayari. Bakit ganun? ang sarap sarap niyang sugurin ngayon! Kahit
bestfriend ko siya, susuntukin ko talaga siya sa mukha! Gugulpihin kita James!

T__T

Sinundan ko kanina si James nung umalis siya. Kasi parang.. parang may hindi tama. Ewan, feel
ko lang. Tss. Napakapakialamera ko talaga. At ngayon, habang nakatago ako dito sa likod ng
puno, nasasaktan ako para sa kanila.

Si Mei nagsisigaw-sigaw doon at binubunot yung mga damo. Tapos eto namang napakahinayupak kong
bestfriend, nakatago lang rin parang ako. Bakit ba ayaw niya paang lapitan si Mei?! AARRRGGHHH!
Papanain ko si James eh!

Dahil baka masira ko pa kung anong gagawin ni James, o kung may gagawin man siya, umalis nalang
ako. Tama. Dapat hindi ko pangunahan yung bestfriend ko. Bahala siya dyan. Bahala siyang
magparaya o pagpakatorpe. Tss.

Bumalik muna ako sa bahay ni James. Psh. Finals nga pala bukas. Kailangan ko pang magreview.
Binuksan ko na yung pinto para makapasok na at makapagreview na.

"Bakit ngayon ka lang?"


"AY PUTAKTENG HALIMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW!!"

Wuhoooooo! Jusme yung puso ko! Hinga Lyka, hinga! Whooooo!


"Aray ko. -__-" sabi nung halimaw habang nakatakip yung tenga niya.

Kumalma naman ako kaagad. Kung may sakit ako sa puso, siguro kanina pa ako namatay. Leshe 'to,
biglang sumusulpot!

"Eh.. a..ano.. ba kasing ginagawa..mo dito?! Papatayin mo ba ako ha?!"


"Bakit, bahay mo ba 'to?"

Psh. Sungit. Baka namiss ako?

HAHAHAHA. Libre mangarap Lyka.

"Sinabi ko bang bahay ko 'to?"


"May sinabi ba akong sinabi mo?"

Ooooookay, ano daw?

"Ewan ko sa'yo. tabi nga dyan, mag-aaral pa ako." then nilagpasan ko siya.
"Umuwi na tayo."

Pagkasabing-pagkasabi niya nun. Biglang may nagdrums sa dibdib ko. Ano 'to. Feeling ko rin
umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Tapos nanigas pa ako dito.

"Huy, anong nangyari sayo? Sabi ko uwi na tayo. Iuuwi na kita."

Waaaah ano ba?! Maghyhyperventilate ako dito ng hindi oras eh!

"A..ah.. a.nnnnooo kasiii.. mmmaa..magrere..vieww paa aaaa..ko." tae bat di ko mahakbang yung
paa ko?! T__T

"Pwede ka namang magreview sa bahay ah? Tsaka ano.. tsk. turuan mo rin ako sa psychology. Wala
akong notes nung isang araw eh." kahit nakatalikod ako sa kanya, namumula pa rin ako. Leshe
tong lalaking to!

"Aa..noooo, hihintayin ko..pppaaa kasi s..si James eehh.." makapagdahilan lang ako.

"Bakit ba lagi kang andito? May bahay naman tayo? Dun ka na kasi."

AHHHHH SHET! TAYO DAW! TAYO!

Ano ba, lalo akong namumula!

May bahay naman tayo


May bahay naman tayo
May bahay naman tayo

Ayoko na!
Aasa na naman ako eh.
Napaka nitong lalaking 'to!

PA-FALL!

Aish!

"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Tara na."

O____O
WAAAA HINAWAKAN NIYA YUNG KAMAY KO!

911! 911! Help!

.Chapter 29.

Waaaaaah! Bwisit naman ‘tong lalaking ‘to eh! Di ba nga kailangan ko nang tanggalin yung
pagkagusto ko sa kanya?! Tapos ngayon bibigyan niya pa ako lalo ng motibo para tuluyang ma-
inlove!

Anak ng tokwa.

>///<

Hawak niya pa rin yung kamay ko habang naglalakad kami paakyat a unit namin. Waaah ayoko na
talaga! Pag ako naghyperventilate dito, bubugbugin ko talaga siya.

“Tsk. Iniwan mo pa yung susi mo. Tapos hindi ka naman pala uuwi. Ang kapal mo rin eh no? Di man
lang nagsasabi. Buti sana kung walang naghihintay sa’yo.”

Psh. Kita mo ‘to? Nasa kalagitnaan ako ng pagkakilig tapos biglang ganun?! Aba, loko pala siya
eh! Sino ba kasing nagsabing hintayi—

Teka..

Hi..hinintay niya.. AKO?

O/////O

“Oh? Anong nangyari sayo dyan? Huy! Pasok na sa loob. Tsk. Baliw ka na ata eh? Halika na nga.”

Tapos hinawakan niya ulit yung kamay ko tsaka hinila sa loob.

WAAAAAAAAAAHHHH!! ANO BA DYLAN?! NAPAKA MO! ANG MANHID MANHID NETO! SHET EH! PINIPIGILAN KO NA
NGA YUNG SARILI KO EH. PERO ANO?! WALA!!! LALO LANG AKONG NA-FAFALL!

T_______T

James, help.

Pero.. hindi kaya.. hindi kaya..

May gusto na rin siya sa akin??

“Oo nga pala. Baka nakakalimutan mo? Toka mo ngayon. Aba sumosobra ka na ha. Lagi ka nalang
kila James. Tss. Di mo na nagagawa responsibilidad mo dito.”

Ah.

Yun pala yun.

Sabi ko nga.

</3

Akala ko pa naman.. psh. Tama Lyka, maraming namamatay sa maling akala. Bakit ba kasi siya pa?!
Bakit siya pa yung nagustuhan ko? Ang hirap naman neto. To think, na nasa iisang bahay pa kami.
Tinignan ko naman siya. Parang aligaga sa phone niya. Ano kayang meron?

“Tsk.”
“Ba..bakit?” eto na naman ang pagkapakialamera ko, umandar na naman. Napatingin rin siya sa
akin.

“Si Mei kasi eh. Ayaw sagutin mga tawag ko. Pati text ko di nirereplyan. Kanina pa ako nag-
aalala.”

Ewan ko pero parang lumubog yung puso ko sa sinabi niya. Mahal na mahal niya talaga si Mei, no?
Sana.. sana yung mamahalin ko ganyan rin sa akin.

Pero ang malas ko, kasi yung taong nasa harapan ko ngayon, na nag-aalala para sa taong mahal
niya..

YUNG TAONG MAHAL KO.

Pero siguro hindi ko pa siya mahal. Baka gusto pa lang? Kasi ang bilis naman ata? 4 months
lang? Pero bakit ang sakit pag nakikita kong nag-aalala siya para sa ibang babae?

Tss. Ano ba talaga Lyka?

“Dylan?” napatingin ulit siya sa akin. Tapos biniyan niya ako ng nagtatanong na tingin.
“Ma..mahal na mahal mo talaga si Mei, ano?” then nakita kong sumeryoso yung mukha niya.
“Yeah. I love her more than myself. I love her so much.”

Ouch.
Ouch.
Ouch.

Parang sumasakit yung lalamunan ko. Yung mata ko rin, parang nagtutubig. Hahaha. Ano bang
nangyayari sa akin?

“Pero ang problema. She cannot love me back.” Then he flashed a weak smile.
“Ang hirap pala no?” bigla ko nalang nasabi.

Napakunot bigla yung noo niya.

“Bakit? Ikaw rin? Te..teka.. Wag mong sabihing in-love ka na rin Lyka?! ABA! Akalain mo yun?!
Naiinlove pala mga halimaw! HAHAHAHA. Ang malas naman ng lalaki!”

“Tsk. Ako ang malas. Kasi yung lalaking yun, hindi rin ako gusto eh. May gusto siyang iba.
Tapos lagi niya pang binabanggit na mahal niya yung babae sa harap ko. Ang sakit nun di ba? Ang
sakit lang.” naiiyak na ako. Napakamanhid kasi ng lalaking ‘to.

“Bah, pareho pa pala tayo ng kapalaran? Haaay. Halika nga dito, mag-aral na tayo. Wag muna
tayong mag-emo. Tsaka na pag tapos na mga exams.” Tapos inakbayan niya ako tsaka pumasok kami
sa kwarto.

Pumatak yung luha ko nun. Pinahid ko nalang. Ayokong makita niya ulit akong umiiyak. At saka,
halata namang ayaw niyang maging malungkot ngayon eh. Tsk. Gusto ko pa naming magdrama ngayon.

Pero kasi naman.

Bakit sa lahat ng pwedeng dumamay sa akin, eh yung taong iniiyakan ko pa?

Haaaay Lyka. Ang eng-eng mo talaga.

.Chapter 30.

“Tsk. 5 PM na. Ang bilis naman.” Reklamo ng lalaking katabi ko. Aba sino pa ba ang mahilig
magreklamo? Tss. Tatlong oras pa nga lang kaming nag-aaral eh.

Pero teka…

Sa pagkakatanda ko..
I mean, sa pagkakarinig ko…

I’m leaving tonight. Mamayang 6 PM na ang flight ko. Goodbye James.

“OH MY GOOOOOOOOOOD!!”
“P*TA!!”

O__O
Grabe, lutong magmura.

“Makapagmura ka naman!” tapos sinipa ko siya. Grabe bibig ha!


“Aray ko. Aish. Eh pano bigla kang sumigaw dyan! Akala ko kung ano nang nangyari at talagang
napatayo ka pa dyan?! A..aray ko! Masakit na, tabi na dyan!!”

Ay, oo nga no? =__=

Nakahiga kasi kami habang nagrereview eh. Inalis na muna namin yung harang sa kwarto tapos
naglatag kami sa gitna. Magkatabi kaming nagrereview. Ako nakahiga, siya naman nakadapa. Eh..
napatayo ako nung naalala ko yung sinabi ni Mei. Pero sa kasamaang palad,

Natungtungan ko siya. Nakatayo ako ngayon sa likod niya. Hihi. Sorry, nabigla lang.

“Haha, sorry na.” tapos pinagpag ko pa yung damit niya.


“Whooo! Akala ko madudurog yung baga ko. Siraulo ka ba?! Papatayin mo ko? Aray aray koooo. Pag
nabali isa sa mga buto ko yari ka sa akin!” sabi niya habang hinihimas-himas yung likod tsaka
dibdib niya.

Tss. Nagsorry na nga eh. Di ko naman sinasadyang tapakan siya ah?! Nadala lang naman ako sa
sinabi ni Mei..

AAAAHHH OO NGA PALA SI MEI!!

“TAYO DYAN! MAY PUPUNTAHAN TAYO!!!”


“AY P*TA!! ANO BA! DI KA BA TITIGIL KAKASIGAW?!”

Sinikmuraan ko nga. =__= Namumuro na yung bibig niya ha. Kasi naman eh! Di ako sanay makarinig
ng bad words! Si kuya nga hindi nagmumura eh! I mean, minsan lang.

Tapos tsaka ko siya hinatak palabas ng bahay.

“Te..teka san ba tayo pupunta?! Huy! Di pa tayo tapos magreview! Gusto mo bang bumagsak?! Hoy
pangarap ko pang iperfect ang mga exam!”
“Hoy hoy hoy. Anong nakain mo mister torpe at napaka-GC mo ata ngayon?!”

Aba! Ang alam ko eh wala siyang pakialam kung mababa o mataas ang makuha niya basta pasado. At
balak pang perfectin?! Edi siya na!
Hinayaan ko nalang siyang magbunganga dyan. Basta hila-hila ko lang siya. Ang lakas nga eh!
Buti nalang expert ako sa judo at natatarget ko mga critical parts niya pag may balak tumakas.
Psh. Bugbog sarado tuloy sa akin. =__=

“Anong oras na?!” tanong ko sa kanya habang hila-hila ko siya palabas ng taxi. Andito na kasi
kami sa airport at madilim na!
“5:57. Teka bakit ba tayo andito?! Wag mong sabihing itatanan mo ko?! Hoy bata pa ako!”

Naku kung pwede nga lang eh! Ay tae! Ano bang pinagsasabi ko?! Nahahawa na ako kay James!

“Kapal mo ha! Ikaw itatanan ko?! Asa ka boy! Ano ba?! Ang bagal ng pick-up mo ha! Ah shet!
Three minutes nalang!”

OMG! Hindi ko macontact kanina pa si James. Pesteng lalaking yun! Sana pinigilan niya si Mei!
Kung hindi, eh uupakan ko talaga siya!

“Ma’am hindi po pwede dito ang hindi pasahero. Sorry ho.”

Anak ng tinapay naman ‘tong si manong oh! Nakisawsaw pa sa problema! Aish!

“Manong, please? May kakausapin lang po kami sa loob. Please?! Aalis na siya oh! 6:00 na!”
“Ma’am hindi po talaga pwede. Magaga—OOWWW!”

Psh. Bahala na si catwoman! In-arm throw ko si manong. Sorry po manong. Ang kulit mo kasi eh.
>_<
Tapos tumakbo na kami ni Dylan na siguro eh nagkakaideya na sa mga nangyayari.

“Hey, tell me. Who’s leaving?” seryosong tanong niya habang tumatakbo kami sa loob.
“Mei.”

Pagkasabing-pagkasabi ko nun, bigla siyang kumaripas ng takbo. Halos naiwan na nga ako sa bilis
eh. Pero anong maagawa ko? Eh sa mahal niya yun eh. At ayaw niyang umalis, malamang. Ang sakit
lang. Bakit ba kasi..

Bakit ba kasi ganito?

“MEEEEEEEIIII!!! WHERE ARE YOU?!!!?? MEEEEEEIIII!!! ANSWER ME!!!!! WHERE ARE YOU?!?!??!
MEEEEEEEEEEEEEEIIIIII!!!!”

Sigaw siya ng sigaw dun habang nagpapaikot-ikot. Ako naman, hindi ko na napigilang umiyak kaya
tumakbo ako sa isang sulok.

Kitang-kita kong nasasaktan siya. Kitang-kita ko sa mata niya. Paiyak na siya. Alam kong
pinipigilan niya lang. Pero alam ko, naiiyak na siya. Nasasaktan.

“MEEEEIIII!!!! ANSWER ME!!!! IIWAN MO NA NAMAN BA KAMI?!?! IIWAN MO NA NAMAN BA AKOOOOO?!


HAAAA?!?! MEEEEEIIII!!! DON’T DO THIS TO ME!!! MEEEEEEEIIII!!!!”

Halos pinipigilan na siya ng mga guards dun.

Ang sakit lang isipin, na ganyan siya nasasaktan. Ang sakit makita na, nsasaktan siya dahil sa
kanya. Ang skit dito. Ang sakit sa puso.

Ano ba?! Napakataksil naman ng mga luha ko eh. Ang tanga ko rin kasi. Bakit ba kasi asa ako ng
asa na kahit konti eh may nararamdaman rin siya para sa akin? Eto na yun Lyka. Eto na yung
sagot sa tanong mo.

Wala.
Kitang-kita kung paano siya masaktan dahil kay Mei.

“MEI ANO BA!!!! MAGPAKITA KAAAAAA!! BAKIT MO ‘TO GINAGAWA HA?! HINDI MO BA ALAM NA NAHIHIRAPAN
NA AKO MASYADO?! PLEASE WAG GANITO!!!! WAG KANG UMALIS!! SIGE LALAYUAN NA KITA!! HINDI NA KITA
KUKULITIN!! HINDI NA KITA ITETEXT O TATAWAGAN! BASTA WAG KA LANG UMALIS!! ANO BA!!”

Hindi ko na kinaya. Kumawala na yung lahat ng luha ko. Ngayon ko napatunayan, na mahal ko nga
siya. Kasi kung hindi, eh di sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Ang sakit pala. Ang sakit
sakit.

Ganito rin pala yung nararamdaman niya pag laging iniisip ni Mei si James. Ang hirap huminga.
Masakit sa puso.

“Dylan, hindi lang ikaw ang nasasaktan.” Bulong ko sa sarili ko.

Lahat kaming apat, nagkakasakitan. Lahat kami, nadadamay. Kasi lahat kami, nagmamahal. Bigla
kaming napatinging lahat sa eroplanong nagsimulang lumipad sa hangin. At dun na tumulo nang
tuluyan yung luha ni Dylan. Nakatayo lang siya dun sa gitna habang pinapanood na umalis yung
eroplano.

Tumakbo ako papunta sa kanya dahil alam ko na kung ano ang binabalak niya.

“Dylan, tama na! Wala na siya!” humahagulgol na ako nun. Niyakap ko siya ng mahigpit mula sa
likod dahil pinipilit niyang tumakbo at habulin yung eroplano.

“MEEEEEEEIIIII!!! NOOOOO!!! BITIWAN MO KO!! HINDI SIYA DAPAT MAKAALIS! HAHABULIN KO SIYA!
BITIWAN MO KO!!” naiiyak lang ako lalo. Napakadesperado niya. Nasasaktan ako. Kung alam niya
lang.

“Dylan, please. Stop this! Wala na siya! Ayaw man nating mangyari yun, pero wala na! Nakaalis
na siya!” sabi ko sa kanya habang patuloy lang yung pag-agos ng luha ko.

“Ikaw! Kasalanan mo ‘to eh! Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi?! Eh di sana naabutan natin
siya! Eh di sana andito pa siya ngayon! Edi sana kasama natin siya! KASALANAN MO! KASALANAN MO
KUNG BAKIT WALA NA SIYA! I HATE YOU!”

*PAK!*

Alam kong nadadala lang siya ng emosyon niya. Pero ang sakit eh. Bakit kasalanan ko pa? Ako na
nga tong nagmagandang loob para mapigilan namin si Mei eh. Ako pa ang nasisi. Eto ba ang
makukuha ko sa pagtulong sa kanya?! Kahit nasasaktan na ako ng todo?! Shet!!!!!

“Sige sisihin mo ako! Sige ako ang may kasalanan! Sige Dylan! Itatak mo dyan sa makitid mong
utak na ako ang dahilan ng pagkawala ni Mei! Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan ha?! Pare-
pareho lang tayong nasasaktan!!! PARE-PAREHO LANG TAYONG TAO!! Pare-parehong may puso!
Putangin* naman oh! Ito pa nag nakuha ko, ha?! Eto pa?! Alam mo ba yung masakit ha?! Yung ako
na nga yung tumulong, ako pa yung nasisisi! And worst, ikaw! Ikaw pa! bakit sa lahat ng tao,
ikaw pa?! HA?! SABIHIN MO NGA!! I HATE YOU! I HATE YOU DYLAN!!” and then I ran out of the
scene.

Sobra-sobra na.
Ang sakit-sakit.

Sa lahat ng ginawa niya, dito ako pinakanasaktan.

Naghahalu-halo na yung nararamdaman ko. Galit, inis, lungkot, sakit. Lahat-lahat. Ang alam ko
lang, nakalabas ako ng airport at tumakbo ako dun sa likuran sa may damuhan. Tsaka ako naupo
doon at umiiyak ng umiyak.
Tss. Akalain mo nga naaman oh. Nakisabay pa sa akin ang panahon. Umulan pa. Ayos ‘to. Hindi na
halatang umiiyak ako.

Hindi na halatang nasasaktan ako.

“I can lend you a hug if you need it.” Nagulat ako sa nagsalita at bigla niya akong niyakap sa
likuran.

Ngayon, lalo lang akong naiyak. T___T

.Chapter 31.

Mei’s POV

Nakaalis na ako.

At ngayon, umiiyak ako. Umuulan pala. Ayos nakikiramay rin pala sa akin ang panahon.

Sa tingin ko tama ang naging desisyon ko.

Tamang hindi ako tumuloy.

Umalis ako sa waiting area at nagpalipas ng oras sa cr. Nag-iiiyak dun. And I’ve heard
everything kaya lalo akong naiiyak.

Naaawa ako kay Dylan. He really loves me. But I cannot love him back. Kasi na kay James na yung
puso ko. Napatakip nalang ako sa bibig ko habang nagwawala siya kanina. Kitang-kita ko kung
gaano siya nasasaktan. Sorry Dylan. Sorry.

Hindi ako ang babae para sa kanya. Alam kong hindi ko masusuklian yung binibigay niyang
pagmamahal sa akin. I’m not worth it for his love. Alam ko, may ibang babaeng makakapagpasaya
sa kanya.

At yun ay yung babaeng kayakap ko ngayon.

Para kaming sirang dalawa na umiiyak sa gitna ng ulan. Yeah. Alam kong nagkakaintindihan kami.
Kailangan lang talaga naming ilabas lahat-lahat ng hinanakit at sama ng loob namin. And I know,
the only way is crying.

Crying is one of the best way to ease the pain.


“Mei, ang sakit sakit. Akala ko kaya kong pigilan eh. Pero hindi pala. Ang sakit marinig mula
sa kanya yung mga salitang yun. Bakit kasi siya pa. :’(” I patted her head.

“Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Tayong lahat, Lyka. Alam mo bang mas masakit sa pakiramdam
yung alam ng mahal mo na mahal mo siya pero pilit ka niyang nirereject. At kahit gusto mong
lumaban, mapapagod at mapapagod ka lang.” this time ako naman ang lalong umiyak. Naalala ko
lang lahat ng sinabi sa akin ni Patrick dati. Ang sakit sakit mareject ng taong minahal mo mula
pagkabata.

I cannot accept your heart, Mei. Mahal kita, but only as a sister. As a bestfriend. Sorry.

Pero kahit gaano niya ako itaboy, bakit ba ang kulit-kulit ng puso ko at siya parin yung
minamahal?! Imbes na umalis ako ng bansa para makalimutan siya, pinili ko pang mag-stay para
sumubok ulit sa huling pagkakataon.

Minsan talaga nagiging tanga ang isang tao pagdating sa pag-ibig. Hindi na pinapairal ang utak.
Mas ginugustong masaktan. Mas ginugustong umiyak at lumaban.

“Ang tanga-tanga ng mga lalaki no? Bakit ba sa pagmamahal, lagi nalang babae ang unang
nagmamahal? Bakit napakamanhid ng mga lalaki?” sabi ko kay Lyka.

Tumango nalang siya. Basang-basa na kami dito. Sobrang lakas kasi ng ulan eh. Nakalumpasay lang
kami sa damuhan.

Magkayakap.
Umiiyak.
Nasasaktan.

Siguro nga kailangan lang talaga namin ng comfort. Siguro halos kalahating oras kaming nag-
iiyak dun at saka kami tumayo. Buti nalang at hindi kaagad umalis yung driver namin. Inaya ko
nalang siyang sumakay sa kotse.

“M..mei, pwede bang makituloy muna ako sa dorm niyo?”


“Naku hindi pwede dun. Nag-aaral mga dormmates ko. Tsk. Di ba exam bukas? Dapat nag-aaral ka
rin ah?” tapos ngumiti lang siya. Halata naming pilit.
“Hindi ka pwede sa dorm, pero pwede tayo sa bahay ng uncle ko. Malapit lang rin yun sa campus.”
Nginitian ko nalang siya.

At syempre, parehas kaming nanginginig sa lamig. Kaya pagkadating na pagkadating namin sa bahay
ni tito Sam, naligo agad kami. Ako na ang nauna tapos nasa banyo pa rin ngayon si Lyka.

Haaaaaaaaay.

Akala ko pa naman, pipigilan ako ni James kanina. Pero hindi pa rin pala.

Ayan na naman. Nagsisimula na naming tumulo yung luha ko. Kasi naman eh. Umaasa pa rin ako
kahit papaano. As her bestfriend. Na pigilan niya ako tulad nung ginawa ni Dylan kanina. Pero
wala.

Walang James na dumating para pigilan ako.

I guess I really need to move on. Nakakapagod rin kasing humabol sa taong hindi ka kayang
pahalagahan. Nakakasawang ipakita sa kanya yung pagmamahal mo.

Nasasayang lang.

Pero hindi ako nagsisising minahal ko siya. Dahil sa kanya, naging mas matatag ako.
Pinunasan ko yung luha ko. Tama. Simula ngayon, wala na dapat luhang papatak sa mata ko na siya
ang dahilan. Hindi na dapat siya ang dahilan ng pag-iyak ko. Sisiguraduhin kong iiyak lang ako
dahil sa tuwa at hindi sa lungkot. Kailangan kong ipakita sa kanya na malakas ako.

Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo. Siguro, hindi lang talaga siya ang lalaki para sa
akin.

Nag-iwan nalang ako ng note sa table. Nilagay ko dun na nagpahangin lang ako sa labas. Hindi pa
kasi tapos maligo si Lyka eh.

Ako naman, pupunta ako sa favorite place ko pag malungkot ako. Accidentally ko lang nakita
‘tong place na ‘to. Tumatakbo kasi ako nun dahil umiiyak ako dahil kay James. Haaay. Siya pala
lagi ang dahilan ng pag-iyak ko no? Tsk.

Yung place na sinasabi ko ay malapit sa lawa. Maaliwalas sa pakiramdam, pero medyo tago dahil
natatakpan ng mga puno. Paghawi ko ng mga sanga ng puno, nagulat ako sa nakita ko at napatakip
nalang sa bibig ko.

Nagtago ako sa isa sa mga puno. Naiiyak na naman ako. Kasasabi ko lang kanina na hindi na ako
iiyak eh.

“Alam mo ba? Kanina habang sinasabi mong ayaw mo na akong mahalin, biglang kumirot yung dibdib
ko.”

Teka.. ano bang pinagsasabi niya? Na..narinig niya ba ako kanina?! Oh my gosh. Bakit siya
nagsasalitang mag-isa?! Noooo. :’(

“Haay, di mo kasi alam eh. Hindi mo alam kung gaano ako nahihirapan. Ang sakit pag
tinaatanggihan ko lahat ng sinasabi mo. Kahit gustung-gusto ko, hindi ko magawa.”

Ano bang pinagsasabi niya?! Tsaka bakit ba siya andito? Pinapagulo na naman niya yung isip ko
eh.

Binibigyan na naman niya ng pag-asa yung puso ko eh.

“Sabi ko sa sarili ko, kapag nakuha ko na yung favorite flower mo, sasabihin ko na lahat ng
totoo sayo. Haha. Nakuha ko nga yung bulaklak, pero ikaw.. hindi naman kita nakuha.” Naramdaman
kong nagcacrack na yung boses niya. Sinilip ko siya at nakita ko nga na hawak niya yung
favorite flower ko.

Dati kasi, may flower ako na gustung-gustong makuha. Kaso nasa gilid siya ng lawa at delikadong
kunin. Kulay blue yun at maganda. Dati pinapakuha ko sa kanya yun, pero ayaw niya kunin dahil
daw baka malaglag pa siya.

“Pinilit ko ‘tong kunin kanina dyan.” Then tinuro niya yung lawa sa harapan.

“Para mapatunayan ko sa sarili ko, na tama yung desisyong gagawin ko. Kasi kung hindi ko kayang
kuhanin yung simpleng bulaklak na gusto mo, paano pa kaya yung babaeng may gusto nito?”

Gustung-gusto ko na siyang yakapin ngayon pero wala akong lakas ng loob.

“Kanina, nagmadali akong pumunta sa airport dala ‘tong mga bulaklak na ‘to. Balak kong
ipagmalaki sayo. Balak kong sabihin na nakuha ko yung matagal mo nang gusto. Gusto kong
mapatunayan.. gusto kong mapatunayan na mahal talaga kita.” Narinig kong umiiyak na siya kaya
lalo akong naiyak.

“Pero nahuli ako eh. Naabutan kong sumisigaw si Dylan sa gitna. Nawalan ako ng lakas. Parang
lahat ng ginawa ko, nasayang. Haha. Ganun pala yun no? Malalaman mo lang ang halaga ng isang
tao, pag nawala na siya sa’yo. Sorry Mei, sorry for hurting you.”

Unti-unti kong naiintindihan yung side niya. Unti-unti akong nalilinawan sa pagkatao niya.
Halu-halo na rin yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung masaya, malungkot, galit o
inis ako sa kanya.

“Lumayo ako sayo, dahil simula palang, alam kong may gusto na sayo si Dylan. Ayokong masira
yung pagkakaibigan nating tatlo dahil lang sa pagmamahal. Pero may taong nagparealize sa akin
ng mga bagay-bagay. Si Lyka.”
Huh? Si Lyka? Talaga?

“Sabi niya, mas fragile daw ang puso ng mga babae. Mas madaling umiyak. Mas madaling masaktan
kaysa sa mga lalaki. Bakit daw pinili ko pang ikaw ang saktan kaysa kay Dylan. Dun ako
natauhan. Haha. Siguro love expert si Lyka no? Ang daming alam eh.” Napangiti naman ako dun.
Baliw kasi siya eh. Umiiyak tapos biglang tatawa.

“Pero ngayon, isa nalang ang alam ko. Na ang tanga-tanga ko para pakawalan ang isang babaeng
tulad mo. Sorry Mei. Sorry for everything. Sorry for hurting you. Sorry for always rejecting
you. Sorry.” Umiiyak na siya talaga. Tapos nakaluhod siya ngayon sa harap ng lawa. Pati ako
nakikisabay sa pag-iyak niya sa malayo.

Sorry rin James. Sorry for everything.

“I love you!/ I love you.” He shouted as I whisphered.

.Chapter 32.

Dylan’s POV

“Sige sisihin mo ako! Sige ako ang may kasalanan! Sige Dylan! Itatak mo dyan sa makitid mong
utak na ako ang dahilan ng pagkawala ni Mei! Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan ha?! Pare-
pareho lang tayong nasasaktan!!! PARE-PAREHO LANG TAYONG TAO!! Pare-parehong may puso!
Putangin* naman oh! Ito pa nag nakuha ko, ha?! Eto pa?! Alam mo ba yung masakit ha?! Yung ako
na nga yung tumulong, ako p yung nasisisi! And worst, ikaw! Ikaw pa! bakit sa lahat ng tao,
ikaw pa?! HA?! SABIHIN MO NGA!! I HATE YOU! I HATE YOU DYLAN!!”

Nagfaflashback pa rin sa isip ko yung nangyari kahapon.

Katatapos lang ng exams. Buti nga at nakapagsagot pa ako ng maayos eh. Masyadong occupied ang
utak ko ng maraming bagay. Andito ako ngayon sa unit. Nakahiga. Nakatulala.

Unang-una, yung pag-alis ni Mei. Hindi ko pa rin matanggap na umalis siya. Dati nagawa ko pang
pigilan, pero ngayon hindi na.

Paangalawa, si Lyka. Hindi ko alam pero parang nalungkot ako nung sinabi niyang he hates me.
Sabagay kasalanan ko naman. Nadala lang naman ako ng emosyon eh.

AISH! Mga babae talaga pahirap sa buhay!

Tumayo ako dun at nagluto ng pagkain. Hapon na rin kasi, nagugutom na ako. Teka nga, uuwi ba
yung trashtalker na babaeng yun? Dinial ko naman yung number niya.

“The number you have dialled..” Aish! Tsk. Asan ba yung babaeng yun? Ah tama. Baka nakila
James. Tinawagan ko yung number ni James.
“Hello bro, andyan ba si Lyka?”
“Ha? Di ba kayo magkasama kahapon? Wala siya dito.” Matamlay lang yung sagot niya. Siguro
nalaman na niya ring umalis si Mei.

Te..teka.. kung wala siya kila James kagabi.. ASAN SIYA?!

“Bro, nagkahiwalay kami kahapon.”


“Huh?! Gago ka talaga Dylan!” tapos binabaan niya ako ng telepono.

Edi ako na gago.

Aish. Asan na ba yung babaeng yun?! Bakit ba lahat sila nagkakawalaan?! Tinawagan ko ulit yung
number niya, pero wala. Ayaw talaga sumagot. Laging out of service. Anak ng!

Binilisan ko nalang yung pagkain ko tsaka lumabas ng unit. Lahat nalang ng tao nawawala. San ba
sila nagpupunta?! Tsk. Kitang may mga taong nag-aalala sa kanila eh!

***

Lyka’s POV
Haaaaaaaay!

Ano ba yan, kanina pa ako umiiyak ah? Wala na ba ‘tong katapusan?! Ang sakit na ng mata ko. T_T

“Here. I think you need this.” Sabi niya tsaka umupo sa tabi ko.

Inabot ko naman yung panyong binigay ni Mei. Ano ba yan, ilang beses na niya akong nakikitang
umiyak. Nakakahiya.

Andito kami ngayon sa veranda ng kwarto niya. Ang ganda nga ng view eh. Kita mo yung lawa dito.
Tapos puro puno pa yung paligid. Ang sarap sa pakiramdam. Kahit papaano nababawasan yung
lungkot ko.

“So ano nang plano mo ngayon?” tanong ko sa kanya.

Nasabi niya kasi sa akin yung nangyari kagabi. Umuwi kasi siya ditong umiiyak. Mugtong-mugto
nga yung mata niya nun eh. Yun pala eh narinig niyang lahat ng sinabi ni James. Haaaaay, buti
pa siya mahal ng mahal niya. I’m happy for them.

“Ewan. Natatakot pa rin ako eh. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala.” Tapos nagsmile
siya pero halatang pilit.

“I should not be the one telling this but, trust him. I know, he’s sincere. Dati ka pa niya
mahal, hindi niya lang magawang umamin dahil kay Dy.. dahil kay Dy..dylan.”

Now its my turn to flash a fake smile. Pag nababanggit ko yung pangalan niya, naaalala ko lang
yung nangyari sa airport.

“I’m sure hinahanap ka na nung dalawa. Anong balak mo?” tanong niya naman sa akin.

Pinatay ko nga pala yung phone ko kagabi. Alam ko naman kasing kukulitin lang nila ako kung
nasaan ako eh. Ayoko munang lumapit sa kanila. Bumabalik lang yung pagiging manhater ko. Hindi
ko pa sila kayang harapin sa ngayon.

“You really like him, huh?” tumingin siya sa akin tsaka ngumiti.
“No. I think I love him. Sadly, he loves you.” Bigla ko nalang nasabi.

Naiiyak na naman ako. Kasi naman eh. Eto na naman yung topic. Parang kada mapag-uusapan ‘to eh
lumulubog yung puso ko. :’(

“I don’t think so.”

Eh? Anong sinasabi niya?

“Huh?”
“Nothing. Sige sa baba muna ako. Pagpaplanuhan ko pang mabuti yung gagawin ko sa torpe nating
bestfriend.” Nagngitian nalang kami tsaka siya umalis.

Buti pa siya. May chance na sumaya dahil mahal siya ng taong mahal niya. Nakakainggit pala yun
no? Ang saya siguro kung ganun.

Haaaay.

Ilang minuto rin akong nakatulala. Nag-iisip kung anong dapat gawin. Tapos biglang nagflashback
sa akin lahat. Simula nung tumira ako sa unit na yun.

Para tuloy akong sira dito na ngingiti-ngiti tapos biglang iiyak. Tsk. May sayad na rin ata
ako. Tumayo na ako mula dun dahil nakaisip na ako ng plano kung paano ko tatapusin ang lahat
nang ‘to. Nakakapagod na rin kasing umasa. Nakakapagod maghintay sa wala.

Dito na ako kila Mei kumain. Then napagdesisyunan kong umuwi muna sa unit namin. Kailangan ko
siyang harapin. Ayoko nang mahirapan ng ganito.

“Hey, sigurado ka na ba dyan?”


“Yeah. Salamat nga pala sa pagpapatuloy sa akin dito ha? Pakisabi na rin kay tito Sam, thank
you. So alis na ako. Bye.” Then naghug kami dun sa pintuan nila.

Nagsimula na rin akong maglakad pauwi sa unit. 7 PM na rin kasi, mahirap na baka kung anong
mangyari.

***

Phew. Hinga. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. WAAAAAAHH! AYOKONG PUMASOK!!


T___T

Siguro five minutes na akong nakatayo dito sa tapat ng unit. Eh kasi naman eh! Halata namang
may tao sa loob dahil bukas yung ilaw sa kwarto. Tss, baka natutulog na yun. Baka napagod sa
exam. Buti nga ako nasagutan ko pa yun kahit lutang ako. Lagot ako kay kuya pag may bagsak ako.
T______T

Okay. This is the moment Lyka. Buksan mo na yang pintuan.

One..
Two..
Three..

GOOOOOOOO----

O____O

“Uuuuuy! Nandito *hik* ka naaaa! *hik*” tapos bigla niya akong inakbayan at hinila sa loob.
“Hey, teka bakit ka naglasing? At – OMG! Ang daming alak! Te.. teka ano bang nangyayari sayo?!”

Pinaupo ko muna siya sa upuan. Jusko ang bigat ng balikat niya. Ang sakit sa leeg T__T. Merong
limang alak na nakadisplay sa lamesa. Dalawa na yung bukas. Wag mong sabihing may balak siyang
ubusin yan?!

“Hmm? Mashama *hik* na bang maglasheeeeng? *hik*”

Ewan ko kung maaawa o matatawa ako sa kanya eh. Para siyang bata!

“Tama na nga yan. Matulog ka na dun.” Then kinuha ko yung boteng hawak hawak niya.
“Haaaa?? *hik* ayoko pang *hik* matuloooooog! *hik*”

Teka nga bakit ko ba ‘to kinakausap? Eh galit ako sa kanya ah? Aish! Naman Lyka, gising!
Gising! Galit. Ka. Sa. Kanya. Wag mong kausapin!

Pumasok ako sa kwarto at iniwan siya dun sa lamesa. Bahala siya dyan. Ngayon maglalasing-lasing
siya?! Psh! Nahiga nalang ako at nagtalukbong ng kumot. Naiiyak na naman kasi ako eh! Peste
bakit ba kasi ako umuwi dito?

*poke poke*

“Ay kabayo!” napabalikwas ako ng bangon nung may sumundot sa tagiliran ko.

Aba eh sino pa ba? =__= Ibang klase pala ‘to malasing. Nagiging kilos bata!

“Ano na naman ba?!”

Nakita ko namang biglang sumeryoso yung mukha niya tapos.. tapos..

Umiyak siya.

This is the second time I see him crying. Kahapon yung una. Parang kumikirot rin yung puso ko.
Ano ba!

“Alam mo ba.. hindi ako mahal ni Mei.. haha. Ang sakit no? Nagmukha.. akong gago sa loob.. ng
siyam na taon.. Haha! Tama nga si James.. Gago ako. Gago ako! Kasi.. kasi hindi ako kayang..
mahalin ng mahal ko.. hahaha!”

This time, ako naman ang napaiyak. Alam kong kailangan niya ng karamay, pero bakit ba ako? Mas
lalo lang akong nasasaktan sa mga sinasabi niya. Ang sakit-sakit.

“Minahal ko siya.. pinahalagahan ko siya.. tapos..tapos.. haha.. wala akong napala. Ang gago ko
talaga. Bakit kasi siya yung minahal ko no?.. ”

Nahihirapan akong makita siya ganyan. Umiiyak lang siya. Katabi ko siya ngayon at parehas
kaming nakaupo sa kama. Naaawa ako sa kanya. Ang dami niyang pinagdaanan. Gusto ko siyang
damayan, pero nasasaktan ako. Ang sakit na sa akin niya sinasabi na mahal na mahal niya si Mei
ganung mahal na mahal ko rin siya. Ang sakit.

“Oh? Bakit.. bakit ka umiiyak?.. naaawa ka ba sa akin? Psh.. ano ka ba.. wag mo kong kaawaan..
hahaha.. kaya ko ‘to..” halatang lasing na lasing na siya. Totoo pala yung sinasabi nilang ang
taong lasing ang pinakahonest na tao sa buong mundo.

“Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mah---”

“Tama na.” di ko alam pero nasabi ko yun. Ang sakit kasi eh. Pinapamukha niya pa sa akin kung
gano niya kamahal si Mei.

“Eh? Pero mahal na mahal na mahal na mahal --”

“I said enough Dylan!” ayoko na. Tama na. Masyado na akong nasasaktan eh! :’(

“Bakit ba?... eh.. mahal na mahal--”

“Oo na mahal mo na siya! Ayoko nang marinig yan kasi nagseselos ako! Nasasaktan ako! Tama na
please? Wag mo namang ipamukha sa akin kung gaano mo siya kamahal! Hindi mo ba alam.. na mahal
na mahal na mahal rin kita, ha?? Ang hirap kasi sayo napakamanhid mo! Wala ka nang ibang inisip
kundi si Mei. Puro nalang si Mei, Dylan! Sige nga, kahit kailan ba inisip mo ko? Pinahalagahan
mo ko? Hindi di ba? Kasi puro si Mei lang yung laman niyan!..” dinuro ko yung dibdib niya sa
part ng puso.

“.. lagi nalang siya. Hindi ba pwedeng ako naman? Ha Dylan? Hindi ba pwedeng ako nalang ang
mahalin mo?” then I burst out in tears. There. Nasabi ko sa kanya lahat. Ang tagal tagal kong
kinimkim ‘tong mga salitang ‘to. Akala ko gagaan yung pakiramdam ko pero parang lalong bumigat.
Habang siya, nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam kung naintindihan niya lahat ng sinabi ko
dahil lasing siya.

“Uhh..” yan lang ang narinig ko sa kanya tsaka siya lumabas ng kwarto.

Lalo akong umiyak. Bakit ba kapag nagmahal ka, kailangan mong masaktan? Iiiyak ko nalang ‘to.
Napakapathetic kong tao. I know, he rejected my feelings. Malamang, mahal niya si Mei eh.

Siguro tama na ring umamin ako sa kanya. Para masimulan ko na siyang kalimutan.

Dylan, I’m giving you up.

.Chapter 33.

4am.

Nakapagimpake na ako. Sembreak na nga pala dahil tapos na yung exams namin kahapon.

Nilabas ko yung kumot at saka ko kinumutan si Dylan. Sa lamesa na kasi siya nakatulog. Tatlong
beer ata yung nainom niya eh. Nagluto na rin ako ng sopas para sa kanya. Ayoko namang iwan siya
ng ganyan. Then nag-iwan nalang ako ng note dun. Lahat na ng gusto kong sabihin andun na.

Gusto ko nang sumaya. Gusto kong makalimutan lahat ng sakit. Iiwan ko ang unit na ‘to hindi
dahil ayoko. Masyado lang kasing maraming memories dito. Gusto ko nang magmove-on habang maaga
pa.

Nasa pintuan na ako pero umiiyak na naman ako. Parang ayaw kong iwan ‘tong lugar na ‘to. Sa
loob ng apat na buwan, marami akong naranasan dito. Saya, lungkot, galit, inis, kulitan. Parang
may kung anong humahatak sa akin pabalik.

At eto namang si ako, tanga. Bumalik sa pwesto ni Dylan.

“For the last time, Dylan. I love you.” Bulong ko sa kanya and then I kissed his cheek. At
tuluyan nang umagos ang luha ko. Tumakbo na rin ako palabas.

Naglakad na ako palabas ng street habang pinupunasan ko yung luha ko. I need to move on. Para
sa ikasasaya ng lahat. Haaay. Sumakay na ako ng bus at natulog nalang buong biyahe.
***

“KUYA I’M HOOOOOOOOMEEEEEEEEEE!!!” then I hugged him tightly.


“Namiss kita! Haha pero asan pasalubong?”

Oops. Nakalimutan kong bumili. >_<

“Ah.. hehe.. nakalimutan ko eh. Peace!” Tapos tumakbo na ako sa taas dahil I’m sure hahabulin
na naman ako niyan! At ayan nga, naabutan ako. -__-
“Eh kuya, labas na kasi!” naabutan niya yung pagsarado ko ng pinto. Tsk. Ang lalaki kasi ng
hakbang ng lalaking ‘to eh! Parang tipaklong!
“Ayoko nga, di mo ko binilhan ng pasalubong eh.” Naman eh. Parang bata ‘tong kuya ko. Minsan
nga napapaisip ako kung sino ba talaga panganay sa amin eh.
“Tsk. Nakalimutan ko nga kasi!” nakaupo lang kaming pareho sa kama ko. Waaaaah! I missed my
room! Grabe!
“Sus! Mga dahilan mo. Nga pala kamusta lovelife? Sabi sa akin ni James, kumekerengkeng ka na
raw ah?”

O___O

“WHAAAAT?! MAY CONTACT KAYO NI JAMES?!?!”

Grabe pinaglihiman ako ni James! Napaka talaga nun! May tigasumbong pala ako kay Kuya!

“Aray ko ha, palitan mo eardrums ko pag nabasag. =__=” Eeeeh! Ang cute ng kuya ko parang bata!
Hahaha nakatakip yung dalawang kamay sa tenga tapos nakayuko.
“Eh epal ka kasi eh. Bakit mo kinakausap si James? Tsaka pano mo nalaman na nahanap ko na
siya?”
“Ang kulit mo rin eh no? Malamang kinwento niya sa akin sa phone. Itatanong ko ba ang bigo mong
lovelife kung hindi ko alam?”

Ouch ha. Bigo talaga? Palibhasa may girlfriend siya eh. Psh.

“Ewan ko sayo. Shooo! Shooo. Labas na Adrian! Hindi kita kailangan dito. Tsupi tsupi.”

Hahaha. Hindi ko yan ginagalang pag naglolokohan kami. Grabe namiss ko ang kuya ko pero dapat
hindi ipahalata. Aasarin lang ako niyan eh.

“Palibhasa brokenhearted. BWAHAHAHAHAHA! Kawawang Lyka, busted.”

=___=
Binabawi ko na palang namiss ko siya. HINDI KO SIYA NAMISS! Ang sama niya! Pagtawanan daw ba
ako?! Dapat nga dinadamayan ako neto eh! Bugbugin ko siya eh.

“Gusto mong ma-arm throw kuya?” pananakot ko sa kanya. BWAHAHA! Hindi naman kasi siya marunong
mag-judo eh kaya kayang-kaya ko siyang bugbugin ngayon. BWAHAHAHAH! Nakakatawa mukha ni kuya,
natatakot!
“Syempre joke lang yung kanina. Hahaha. Kawawa ka naman baby, sino ba yang hinayupak na
lalaking yan ang nanakit sa puso mo ha? Lika resbakan natin! Magdadala ako ng walis tambo!”
“Tanga kuya, walis tingting ang gamit ni Harry Potter! Bobo mo!”
“Eh tanga ka rin pala eh, hindi ko naman ginagaya si Harry Potter eh. Mas gwapo pa ko dun.
Tatambuhin ko lang yung mukha nung lalaki. Bobo.”

Ganyan kami magmahalan. Murahan.

“Weh? Wala ka pa nga sa kuko ni Harry Potter eh. Gwapo gwapo nun no! Eh ikaw? Kamukha mo si
Voldemort! Yung walang ilong. HAHAHAHAHAHA!”
“Ang bobo mo talaga. Wala ako sa kuko ni Harry Potter kasi ako ang boss niya. Mas gwapo ako no.
Mukha pa lang lamang na lamang na ako.”
“Kapal mo ha! Lamang siya sayo ng isang libong paligo no!”

Nagulat naman ako nung tumayo siya tapos paalis na siya ng kwarto ko.

“Oh san ka pupunta?”


“Maliligo ako ng 1,001 times para lamang na ako sa kanya. Sige, matagal-tagal na bakbakan ‘to
sa sabon.”

Pagkaalis na pagkaalis niya, humalakhak talaga ako. WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Napakasiraulo ng kuya


ko. Hahaha! Galing magjoke eh! Kaya mahal na mahal ko yun eh, lagi akong pinapatay sa tawa.
HAHAHA! Aray ko ang sakit na ng tiyan ko. T__T

Dylan’s POV

*yawn*

Damn. My head hurts. Ugh.

Pagkatayo ko, biglang may nalaglag na kung ano sa likod ko. Pagtingin ko, kumot. Ewan ko pero
bigla akong napangiti. Tss, anong nangyayari sa akin? Bigla-biglang ngumingiti.

Naghilamos muna ako dahil sobrang sakit ng mata ko tsaka ng ulo ko. Ugh. Bakit ba kasi ako
uminom? Tss. Teka nga, itatanong ko kay Lyka kung anong mga pinaggagawa ko kagabi, wala akong
maalala eh. Pero natandaan ko, dumating siya.

Pumunta ako sa kwarto, tapos binuksan ko yung kwarto.

WALA SIYA?

Teka, di ba umuwi siya kagabi? Asan na yun?

Nilapitan ko yung kama niya, ayos ah. Simot na simot mga gamit niya. Tss, mukhang umalis na
siya. Di man lang ako ginising.

Paalis na sana ako dun, kaso may nakita akong nakadikit sa pader. Kasama nung mga post-its na
dati niyang pinagdidikit dun. Binasa ko ulit isa-isa yung mga post-its niya. Di ko naman
masyadong maintindihan yung iba. Parang words or phrase lang kasi eh. Kinuha ko nalang yung
nakadikit na papel sa pader, dalawang piraso pa nga eh. Ano naman kaya ‘to? Umupo ako sa kama
niya at sinimulan ko nang basahin.

Hello Dylan! Malamang pag binasa mo ‘to, wala na ako ngayon dyan sa unit. Ayoko kasing maabutan
mo ako eh. Haha.

Ano na naman ‘tong pinagsusulat niya?

First of all, thank you sa lahat. Joke lang pala, naiinis pala ako sayo, simula nung una kitang
makita hanggang ngayon. Naalala mo pa ba yun? Yung nagtanong ako sayo kung nasaan yung Math
Building? Ang sagot mo sa akin, “Bakit ko sasabihin? Makinig ka kasi.” Nainis talaga ako sayo
nun. Feeling ko kasi ang yabang-yabang mo. At nung nakabasag ako ng alak, that’s my worst
nightmare! Dahil dun, nakasama kita sa iisang bubong.

Sa loob ng four months na magkasama tayo sa iisang bahay, andaming nangyari. Di ba nga dapat
one month lang yun? Actually, nakalimutan ko talaga na one month lang dapat yun. Nasanay na
kasi ako sa presence mo. Yung laging may kasama sa bahay. Alam mo kasi ako, loner ako lagi
simula nung high school. Wala akong ibang kinakausap dahil sa pagkamatay ng parents ko. At
natuwa ako dahil kahit papaano, eh nagawa mo akong pagtiyagaan kahit sinusungitan kita lagi.
Pero hindi ko akalain, na sa loob lang ng maiksing panahon,

AY MAMAHALIN KITA.

Siguro, magugulat ka kapag nabasa mo ‘to. Oo Dylan, mahal kita. Nasabi ko na nga yun sayo
kagabi eh. Pero alam kong hindi mo yun maaalala. Kasi laging si Mei yang laman ng utak at puso
mo. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nainlove sayo eh. Ang sungit sungit mo sa akin, lagi
mo akong inaaway, at may mahal ka ng iba. Kahit anong pigil ko, wala eh. Nahuhulog at nahuhulog
pa rin ako sayo dahil sa mga pinaggagawa mong kabutihan sa akin. Kasalanan ko rin naman kasi
eh. Bakit ba hindi ko pinigilan yung sarili ko? Bakit kasi pafall ka? Ha? At ang manhid manhid
mo pa? Umiiwas na nga ako sayo, lapit ka pa rin ng lapit. Umaasa tuloy ako. Umaasa na kahit
papano, may space ako dyan sa puso mo.

Hahaha sorry kung may patak-patak yang papel ha? Umiiyak kasi ako habang sinusulat ko ‘to eh.
Parang timang lang. Ikaw kasi eh. Wag kang mag-alala, ito na ang huling beses na makakausap
kita. Hinding-hindi na ako magpapakita sayo. Gusto kong makapag-move on. Alam mo ba nung nasa
airport tayo, mas nasaktan ako kaysa sayo. Dun ko kasi nareaalize na ang tanga-tanga ko para
mahalin ka. Halos ipagduldulan mo sa akin na mahal na mahal mo si Mei. Actually kagabi din.
Sabi ka ng sabi na mahal na mahal mo si Mei. Hindi mo ba alam kung gaano yun kasakit habang
sinasabi mo yun sa harapan ko? Ang sakit eh. Tagus-tagusan Dylan. Hindi ko na alam kung paano
ko ipapakita sayong nasasaktan ako sa bawat kilos mo.

Siguro nga nagkamali akong minahal kita. Nagkamali akong ibigay sayo ang puso ko. Nagkamali ako
sa pagpili. Nasaktan tuloy ako. Pero okay lang yun, at least I’ve learned a lesson from you.
Salamat.

Goodbye Dylan. Thank you for all the good memories. Kahit four months lang tayong nagkasama,
Masaya ako dun. Masaya akong nakasama ko ang taong mahal ko sa loob ng isang bahay.

Goodbye. I love you. But I need to move on.

I don’t know but tears fell from my eyes.

.Chapter 34.

Bakit ba ako umiiyak? Sht. Anong nangyayari sa akin? Nagulat naman ako nung biglang bumukas
yung pinto. Tss. Di pa pala nilock ni Lyka.

O___O

"Surprised?"

Nakatulala lang ako. Bakit ba ang dami-daming nangyayari ngayon? Hindi ko na alam kung anong
paniniwalaan ko. Tapos lumapit siya sa akin. Then she wiped my tears.

"Dylan, alam mo, ang tanga-tanga pala natin no? Nasasaktan siya dahil sa akin. Nasasaktan siya
dahil mahal mo ko." nagsimula na rin siyang umiyak.

"Ang bait-bait niya sa akin at di ko maatim na nasasaktan siya dahil lang dyan sa nararamdaman
mo para sa akin Dylan. But I know, you don't really love me. Siguro, nasanay ka lang para sa
nararamdaman mo sa akin dati. Haha, ano ba yan para tayong baliw, pareho pa tayong umiiyak."
tapos pinunasan niya yung luha niya.

"Answer me, Dylan. Kapag ba nagkikita kami ni James, nagseselos ka?"

Oo. Pero sanay na ako eh. Kahit papano eh wala na akong maramdamang selos.

"Not really."
"Eh nung umalis ako? Anong naramdaman mo?"
"I was hurt. Ni hindi ka man lang nagsabi sa akin." hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Eh nung si Lyka ang umalis? Anong naramdaman mo?" this time, napatingin na ako kay Mei. Hindi
ko alam ang sasabihin ko. Ewan.
"Now I know. Your eyes can't hide the truth, Dylan. Tignan mo, panay ang tulo ng luha mo.
Dylan, isa ka sa mga taong pinapahalagahan ko ng sobra. Ayokong nakikita kang ganyan. Dapat
marealize mo na ang feelings mo. Kasi tayong apat, pare-pareho tayong nasasaktan. I know that
Lyka is also important to you. I know that she's special. Sana Dylan, marealize mo yun."

I hugged her tightly while we're crying on each other's shoulder. Ngayon na lang ulit ako
umiyak ng ganito. I'm starting to realize some things. Sana nga lang, hindi pa huli ang lahat.

"Thank you Mei. Sorry for everything that I've done. Sorry for hurting you."
"No. ako dapat ang magsorry. Sorry for hurting you for nine long years. Sorry bestfriend. Sana
mahanap mo na ang babae para sayo."
"Yeah. At sana mahanap mo na rin ang lalaki para sayo."
"Nope. I already found him. Sige, alis muna ako. May aasikasuhin pa ako eh. Bye Dylan. I hope
her letter changed your feelings." then she ran away from me.
Mei's POV

Masaya ako ngayon kasi natulungan ko si Dylan. Masaya ako ngayon na pinalaya niya na ako. Pero
mas masaya sana kung kasama ko ngayon yung lalaking mahal ko.

Mamaya uuwi na rin ako sa Manila tutal sembreak na. Pero bago ang lahat, pumunta muna ako sa
lake malapit sa bahay ni Tito Sam. Andito ako ngayon, nakaupo. Pinagmamasdan yung tubig.
Naaalala ko lang yung gabing umiiyak si James dito. That night when he admitted that he loves
me. Naiiyak tuloy ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na nalaman mong mahal ka rin ng taong mahal
mo. Pero ang sakit rin dahil di niya magawang aminin sa'yo.

Kumuha ako ng bato at tinapon ko sa lawa.

"Ang hina mo namang bumato."

Nagulat naman ako sa nagsalita at nakita kong bumato rin siya sa tubig. Mas malayo nga yung
narating ng sa kanya kaysa sa akin. Pagtalikod ko..

"J..J..Ja..mes?" nagccrack na yung boses ko. Naman eh. Wag ka ngang iyakin Mei. :’(

Tapos bigla siyang tumabi sa akin. Kinakabahan tuloy ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. At
talagang nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko maalis yung tingin ko.

"Akala ko talaga umalis ka. I'm glad that I found you here." he flashed a weak smile. Tapos
bigla siyang tumingin sa akin at..

at..

niyakap niya ako.

Napaiyak na talaga ako. Kasi naman eh. Kaiiyak ko lang kanina, tapos ngayon ulit? Ang sakit na
ng mata ko. :’(

"I really missed you Mei. Really. Sorry for everything. Sorry for hurting you. Sorry for
rejecting you everytime. Sorry if I'm coward. Sorry if I didn't fight. Sorry for not saying my
feelings. Sorry." were both crying. Deja vu. Parang ganito rin kami kanina ni Dylan ah? But I'm
really crying harder this time. God. Hindi ako makapagsalita. Gusto ko lang umiyak ng umiyak sa
balikat niya.

"I really love you, Mei. Simula pa lang nung makilala kita. I treated you as my special
someone. I just don't have the courage to tell you. Sorry for the long wait."

Bakit kahit narinig ko na yung mga sinabi niya dati dito sa lawa eh naiiyak pa rin ako hanggang
ngayon? Hindi ko alam kung tears of joy ba 'to o ano. Pero nakakagaan sa damdamin na umamin
siya sa akin. Di pala nasayang yung efforts ko for the past seven years. I really really love
this guy. Kahit ano pang mangyari, siya lang talaga.

Magkayakap lang kami dun ng matagal. Walang nagsasalita. Paghikbi ko lang ang maririnig pati na
rin yung tunog ng tubig.

This place.
This place is the witness of our love for each other.

I know, masaya akong uuwi. Dahil sa wakas, my dream came true.

He, whom I love, also loves me.

Thank you James. For everything. :)

.Chapter 35.

Lyka's POV
Haaay. Ang boring dito sa bahay. Si kuya kasi nasa trabaho pa. Eh mamaya pa uwi nun. Tsk.

Kamusta na kaya si Mei tsaka si James? Sana magkaayos na yung dalawang yun. Nakukunsumi ako sa
kanila eh. Ang dami pang arte-arte, eh mahal naman pala nila isa't isa.

AAAAAAHHH!

Wag na ngang topic ang love! Ayaw ko nyan! Malas ako dyan! Psh.

Tumayo nalang ako mula sa pagkakahiga ko sa kama tapos naligo na. After ko maligo, tinext ko si
kuya na gagala muna ako. Nakakatamad talaga dito sa bahay eh.

***

[Mall]

Alam niyo yung feeling na parang first time mo ulit magmall? Shemay. Kasi naman puro ako aral
at lovelife nung last sem. Nawalan tuloy ako ng social life. Haaay! Window shopping mode. Wala
akong pera. Di ako binigyan ni kuya. T__T Damot-damot talaga nung Voldemort na yun!

Pumunta ako sa herbench. Hahaha, tingin-tingin lang. Wala naman akong bibilhin eh. Nag-iikot-
ikot na rin ako sa ibang stalls ng mga damit. Waaah gusto kong bumili kaso wala talaga akong
pera! Pangkain ko lang 'to eh T__T May nakita pa naman akong dress na maganda. Actually di ako
mahilig magdress pero nagandahan talaga ako dun. Kaso pagtingin ko sa price.. tumataginting na
P900 lang naman.

Dahil nga pinapamukha ko sa sarili ko na wala akong pera, pumunta nalang ako sa Mcdo at
lalaklak nalang ako ng McFloat. Psh. Lesheng damit yan, ang mahal mahal. Tapos yung nasa
kabilang table pa kamukha ni kuya kaya naalala ko na namang hindi niya ako binigyan ng pera,
kaya lalo ako---- TEKA HINDI PALA KAMUKHA NI KUYA, SI KUYA PALA TALAGA!

"Ackk!!" aww shemay, nalunok ko yung isang yelo! Ack, sakit sa lalamunan. T_T

Napatingin naman sa akin si kuya dahil halos mamatay na ako dahil sa lesheng yelong nasa
lalamunan ko ngayon. Jusme, mamamatay na ata ako! Bigla siyang tumakbo papalapit sa akin.

"Huy Lyka!!!" tsaka nya pinalo-palo yung likuran ko.


"Ahem! uhh. ahem!" ayun, buti lumabas yung yelo. Kaso pati ata baga ko nasama eh =_= Ang sakit
ng pagpukpok sa likod ko eh!
"Ano, ilang yelo ba nalunok mo? Baka meron pa? Teka papaluin ko ulit likod mo."
"Hep! Wala na. Isa lang. Over ka ha Adrian, ang sakit mo na ngang mamalo, uulitin mo pa?!
sapak, you want?" ang galang ko talagang kapatid.
"Uhh." napatingin naman kaming pareho ni kuya dun sa nagsalita. Eeh? Sino 'to? Nagulat ako nung
biglang lumapit si kuya dun sa babae.

"Oo nga pala Lyka. This is Catherine, my girlfriend. Catherine, this is Lyka, my sister."

O____O

WHOA! SIYA? SIYA NA TALAGA? OMG.


Ang ganda niya promise. Lalo na nung ngumiti.

Magpasex-change kaya ako tapos sulutin ko 'to kay kuya? Hmm.

Nakipagbeso naman ako dun kay ate Catherine. Ang ganda niya talaga *__*
Eh di si kuya na ang may lovelife. T_T

Tapos sabay-sabay na kaming kumain ulit. Yiheee libre ako! Wahaha kaya pala ayaw akong bigyan
ng pera ni kuya eh ipangdedate niya pala kay ate Catherine. Duga!

"Lyka, gusto mong magshopping?" biglang tanong sakin ni ate Catherine. *O* Gusto! Gusto! Kaso
nakakahiya. Wala naman akong pera eh.

"Don't worry, my treat."

Biglang nagtwinkle twinkle yung mata ko dahil dun. Waaa ang swerte ko naman sa girlfriend ni
kuya! Haha galante! Mayaman! After naming kumain eh hinila na ako ni ate Catherine papunta sa
mga stalls ng damit. Si kuya naman biglang nalungkot. Binelatan ko nga. Hindi niya masosolo si
ate Catherine. BWAHAHAHA! Wala siyang nagawa kundi sumunod nalang sa amin. Poor Adrian.

"Ikaw ba Lyka, may boyfriend ka na?"


"HAHAHAHAHAHAHAHHAA!!" grabe makatawa ha. Nakakainis =__=

Sino pa bang nilalang ang tatawa sa isang broken hearted na tulad ko? Eh di ang mongoloid kong
kuya. Leshe. Sipain ko siya eh!

"Cath, wala yan! Busted! HAHAHAHAHAHA!"

Psh. Yari sakin 'to pag-uwi. Gugulpihin ko siya, promise! Matitikman niya ang lahat ng moves na
natutunan ko. +_+

"Ohh? Okay lang yan Lyka, may ipapakilala ako sa'yo gusto mo?" sabi sa akin ni ate Catherine.
Aba? Balak pa ata niyang maging matchmaker ah? Hmm pero pwede rin. Baka sakaling makatulong sa
pagmomove-on ko.
"Ahh sige po. Ayos lang." then nagsmile siya sa akin.
"Pinsan ko yun. Actually second cousin pero super close kami. Andy ang name niya. Yiiee ano ba
yan kinikilig agad ako kahit hindi mo pa siya kilala. Hahaha. Bagay kasi kayo eh."

-__-
Biglang ganun? Adik rin pala 'tong si ate eh.

Nagshopping-shopping lang kaming dalawa. Tapos si kuya yung tagabitbit. Nabili ko nga yung
dress eh. Nilibre ako ni ate Cath. OMG talaga! Super bait niya. Kyaaah! Excited na akong ikasal
sila. Gusto ko na siyang maging totoong ate. Hahaha. Tapos nagkwento rin siya tungkol dun kay
Andy. Actually interested din ako eh. Oh well, hintayin nalang ang bukas. Bukas kasi kami
magkikita.

Andy huh?
I hope he can help me.
Help me to forget Dylan.

.Chapter 36.

"Kuyaaaaaaa, alis na ko!!!" sigaw ko kay kuya dahil nasa banyo pa siya.
"Alis na!! Naghihintay na ka-eyeball mooooooo!!" sigaw niya rin sa akin. Siraulo talaga 'to.

Sumakay na ako ng bus. Sa mall kasi kami magkikita nung Andy. Nagtext nga kanina eh. Kainis
lang. Aba naman kasi?! Itext ka ba naman ng 'Sa mall. Wag kang magpapalate, or else you're
dead.' Nakakairita di ba?! Nakuuu. Babatukan ko talaga siya pag nakita ko siya! Akala ko pa
naman yung gentleman na type siya. Tss hindi pala. Parang.. parang..

Si Dylan lang. :\

Naghintay ako sa National Bookstore. At infairness naman ha? Fifteen minutes na akong
naghihintay sa kanya. Nakakainis! Sasabihan niya akong wag malate tapos siya pala yung
malalate?! Eh kung sapak-sapakin ko kaya siya?! Aish. Turn off yang Andy na yan ha.

Fifteen.
Twenty.

..

Twenty-five..
AAAAHHH ANTAGAL TALAGA!! NANGANGAWIT NA AKO HA!!

*vibrate vibrate*

'Andito na ako. I'm wearing a checkerd shirt.'

-__-+++ So ako pa ang maghahanap sa kanya ganun? Napipikon na ako sa kanya ha! Sana pala di
nalang ako pumayag dito. Sana mag-isa nalang akong nagmomove-on. Argh! Badtrip.

Paglingon ko sa kaliwa, may nakita akong guy na medyo blonde ang hair tapos nakacheckerd.
Matangkad.. uhmmm tsaka ano.. sexy ang likod?

Baka siya na yan? Nakacheckerd daw siya eh? Pupuntahan ko ba? Eeeeehhh! Bakit parang tinamaan
ako ngayon ng hiya?! Yung paa ko ayaw gumalaw!

*Dugdugdugdug*

Unti-unti ko siyang nilapitan. Nakatalikod kasi siya sa akin. Walanghiyang Andy 'to, ni hindi
talaga nag-abalang hanapin ako?! Nakaka--

*vibrate vibrate*

'Hey KL, where the heck are you?!'

Where the heck?! Where the heck? Aba bakit hinahanap niya ba ako?! Eh nakatayo lang siya dun sa
isang sulok eh! Batuhin ko siya ng libro eh. Psh. Ah oo nga pala, KL ang pakilala ko sa kanya.
Short for Kristell Lyka. Ayoko naman kasing gamitin yung Lyka, kasi di ko naman siya kilala. eh
di KL nalang.

At dahil sa sobrang inis ko sa lalaking 'to, nilapitan ko siya. Nagdidilim na talaga yung
paningin ko dahil napakarude niyang magtext. Tapos pinaghintay niya pa ako dito ng thirty
minutes! Ang kapal di ba? Ayoko nang makipagdate sa kanya! Tama. Haharapin ko siya at sasabihin
kong wala siyang kwentang kadate. Di pasado sa standards ng mga babae.

Nasa likuran na niya ako.

"Hoy ang kapal din ng mukha mo para paghintayin ang kadate mo no?! Thirty minutes. Imagine?!
Hoy Andy, nakikinig ka ba??" then hinawakan ko yung balikat niya dahilan para humarap siya sa
akin.

"Ano ha? Tama ba ako And---"


"Turn off ka na? Then wag na nating ituloy tong d--"

OH. MY. GOD. Pareho kaming natulala. Oh my God talaga. What the..

"Dylan/Lyka?!?!"

***

"HAHAHAHA AKALAIN NIYO YUN, MAGKAKILALA PALA KAYO?." nasa restaurant kami ngayon. Nag-uusap at
nagkakaalaman ng mga kalokohan ni Ate Catherine. Andito rin siya actually, nagspy daw siya sa
amin. =__=

Seriously, talaga bang 20 years old na siya? Mukhang hindi eh. At akalain niyo nga naman?! Si
Andy at Dylan iisa?!

"Teka nga po, bakit Andy sabi niyong pangalan niya? Eh diba Dylan name niya?" tanong ko kay Ate
Cath. Si Dylan nasa cr. Ewan ko kung anong ginagawa nun dun.
"Ahh. Kasi mahilig akong gumawa ng nicknames. Hihihi. Binaligtad ko yung syllables ng pangalan
niya. Kaso ang weird kasi pag ganun. Nagiging Landy. Parang landi. HAHAHAHA kaya tinanggal ko
yung L. And tenen! Andy na!"

Bakit hindi ko naisip yun? Ang stupid ko naman! >_< Dylan.. Andy.. WAAAH! Oo nga no!
"Eh ikaw? Bakit sabi mo ikaw si KL?"
Ay pusa! Napatayo kaming pareho ni ate Cath dahil biglang may nagsalita sa likod namin. At sino
pa nga ba yan?

"Eh paki mo?" bitter na kung bitter. Gusto kong magmove-on tapos bigla siyang susulpot sa
harapan ko? Aba naman. Pano ako magmomoveon niyan kung lagi ko siyang nakikita di ba? T_T

"Ehem ehem. Mukhang may issues pa kayo ah? Oh sya sige, may date rin ako eh. Ciao! Enjoy your
day kids!" then she winked and walk away from us.

Now, kaming dalawa nalang.

AWKWARD.

"Kahit kelan talaga ang sungit-sungit. Hmp." bulong ko sa sarili ko.


"Hindi ko akalaing nakikipag-eyeball ka rin pala?" the he gave me a naughty smirk.
"Ba.. bakit?? Hindi ba ako.. pwedeng m..makipagdate?!" walanghiya 'to! Bakit pa kasi siya yung
pinsan ni ate Cath? Ang malas-malas ko talagang tao. T_T

Teka nga bakit ba ako inaasar neto? Ako lang ba ha?

"Eh ikaw rin naman ah? Akalain mo yun? Nakikipag-eyeball ka rin pala?" I also smirked. Huh!
Akala niya siya lang ang pwedeng mang-asar ha? Aba no way! Tapos nakita ko nalang eh biglang
sumeryoso yung mukha niya. Pero feeling ko hindi talaga seryoso eh.

More like, malungkot.

"Honestly, ginawa ko 'to para magmove-on."

Pareho kami?
Pero may naramdaman na naman akong kirot. Kasi biglang tumulo yung luha niya.

.Chapter 37.

Dylan's POV

Ah sht. Why am I crying? And of all people, why her? In front of her? Damn this is humiliating.

"Uhh.. ano.. here." tapos inabot niya sa akin yung panyo niya, looking to the other direction.
Ako naman, natameme. Ewan. Gusto ko lang siyang titigan kaya di ko makuha yung panyo. Ang weird
ko na talaga.

O_O

Nabigla naman ao sa ginawa niya.

"Ano ba? Hindi maganda sa lalaki pag umiiyak. Tsk." she was wiping my tears and she's really
blushing really hard. Pero hindi siya tumitingin sa akin.
"There. Wag ka ngang umiyak, di bagay sayo eh. Sige, alis na ko."
"Wait." pinigilan ko siya at hinawakan yung wrist niya.
"Bakit?" sinabi niya yun habang nakatalikod siya sa akin.

"Can we please continue this date? Let's forget the past for this day. Okay lang ba? Ha, Lyka?"

Yeah right. Mas marami akong narealize nung umalis siya. Pagkatapos kong mabasa yung sulat niya
sa akin, naramdaman ko na kung pano magsisi. I didn't know my feelings for her until she was
gone. Alam ko huli na, pero gusto kong bumawi. Gusto kong ipakita at iparamdam sa kanya kung
ano talaga siya para sa akin.

Nakatingin lang siya sa akin at nakita kong malapit ng tumulo yung luha niya. With that,
hinatak ko siya palabas ng restaurant at dinala sa parking lot.

"Yun andito na kayo! Hahaha! Ayos double date! Let's go hon!"

=___=

Bakit andito pa yang Catherine na yan? Tsk. Kasama niya yung boyfriend niya. Sa totoo lang,
boto ako sa kanya kasi napagtitiisan niya yung ugali ni Catherine. Medyo isip-bata kasi kahit
twenty na eh. At hindi ko yan tinatawag na ate, dahil sasabunutan niya ako. Ayaw niya daw
magmukhang matanda. Pero parang pamilyar talaga yung mukha ng lalaki eh. Di ko lang matandaan
kung saan ko siya nakita.

"Ku..kuya? What are you doing here?" biglang sabi ni Lyka.

Ah! Siya yung nasa picture sa wallet ni Lyka! Yung picture ng family niya. Naalala ko na. Small
world huh?

"Ohh. Siya pala ka-date mo kapatid! Naks tiba-tiba ka dyan ah, gwapo. Patusin mo na!" tapos
ginulo niya yung buhok ni Lyka.

Pinasakay nila kami sa kotse ni.. ano nga pangalan niya? Ah basta, nung kuya ni Lyka. Kami ni
Lyka yung andun sa likod. Hmm, san ko kaya siya dadalhin?

Sa totoo lang, pinilit lang talaga ako ni Catherine sa date na 'to. Ayoko talaga nung una dahil
balak ko ngang hanapin si Lyka. Pero nung napag-isipisip ko yung sinabi niya sa sulat na lalayo
na siya sa akin, I gave up. Tinanggap ko yung offer ni Catherine. Hindi ko ginamit yung totoong
number ko dahil baka hindi ko naman type yung babaeng mamimeet ko. Psh. At KL pa daw ang
pangalan niya. Di man lang nagpakilala ng maayos. Ang taray magtext.

At dahil magulo ang isip ko, nagbalak na naman akong hanapin si Lyka. Pero hindi naman pwedeng
iwanan ko yung kadate ko ngayon. So ginawa ko lahat para maturn-off siya sa akin para di na
matuloy 'tong date na 'to.

I texted arrogantly at pinaghintay ko siya ng matagal. Sigurado ako, katulad ng ibang babae,
matuturn-off yun.

Nga pala, nagpakulay ako ng buhok. Baliw kasi sila Mei at James eh. Napagtripan ako. Tsk. Hindi
pala ako nagpakulay, PINILIT akong magpakulay. Lagot talaga sila sa aking dalawa pag nakita ko
ulit sila. -__-++

At nagulat nalang ako, na yung KL na kadate ko..

AY SI LYKA.

***

"Andito na tayo! Hahaha! Lika na hon, humiwalay tayo sa kanila at baka makaistorbo tayo.
HAHAHA!" sabi ni Catherine. Baliw rin 'tong isang 'to eh.

I think nasa park kami. Ang ganda nga eh. Pati ako naamaze. Malinis kasi tignan tapos maganda
yung environment. Perfect for this day. Perfect for a date.

"Whoa! Ang ganda!" tinignan ko si Lyka at katulad ko, you can see amazement in her eyes.

"Lika, dun tayo." hinatak ko siya dun sa isang place na medyo malilim. At thank God prepare ang
boyfriend ni Cath/kuya ni Lyka kaya may picnic set-up kami ngayon. At sabi nga ni Cath,
nakahiwalay talaga sila sa amin.

Nagtulong naman kaming ilatag yung cloth at iprepare yung mga pagkain. Pagkatapos nun, apreho
kaming nagrelax. Ang sarap ng ganito, walang masyadong iniintindi. Kasama mo pa yung taong...

"Dylan?"
"Hmm?"
"Ano kasi.. uhmm.. y..yung sinabi ko sa sulat--"
"I said don't think about the past right? Please? Ienjoy muna natin 'tong araw na 'to tsaka
tayo mag-usap."
"Why?"

"Seriously? Are you asking me that question?" Inirapan naman niya ako. Problema niya?
"Hindi. Hindi ko tinatanong sayo!" tapos nagpout pa. Anak ng. Nagpapacute pa eh. Natetempt
ako.=__=

"Because I missed you." tapos humiga ako sa lap niya at balak ko munang matulog.

.Chapter 38.

Lyka's POV

NAKAKAINIS NA HAAAAAAA!!!!

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako?


Maiinis ba ako?
Maiiyak ba ako?

Eh kung sakalin ko kaya ngayon 'tong lalaking nakahiga sa lap ko?


ARRGHH!

Pero anong sabi niya?

'I missed you'

>/////<

Nakakainis talaga eh! Eto na naman. Umaasa na naman ako. Alam niyo yung feeling na nagsisimula
ka na ngang magmove-on, biglang nagbigay na naman siya ng motibo para mahalin ulit siya? Grrr.
PAFALL!

Tinignan ko lang siya. Nakatulog na ata. Ang himbing niya matulog eh. Parang bata at parang
walang pinoproblema. Pag tinitignan ko siya, hindi ko maiwasang masaktan. Pag tinitignan ko
siya, naaalala ko lahat ng nangyari. Haaay ano pa nga bang magagawa ko? Di naman niya ako mahal
eh. The feeling's not mutual.

Bago pa pumatak yung luha ko, pinunasan ko na kaagad.

"Oi. Gising na. Kumain na tayo." tama. Cold treatment nalang ang gagawin ko. Mahirap na, baka
lalo pa akong mafall.

=___=
Nakalimutan kong mahirap nga pala 'tong gisingin. Tsk.
"OUCH! What the-- ouch.." tapos tinignan niya ako ng masama.

GULP.
Waaaah ayan na naman yang masungit na aura niya. T_T

Eh kasi tinanggal ko bigla yung binti ko mula sa pagkakahiga niya dun kaya nauntog siya. Eh ang
hirap naman kasi gisingin eh! Mas mabuti na yang ganyan. Para gising talaga. Tapos lumayo ako
ng konti sa kanya. Mamaya gantihan ako niyan eh.

Kumuha nalang ako ng sandwich dun sa picnic basket. Hmmm masarap. ^__^ Idagdag mo pa ang
ambiance dito. Fresh air, green field, colorful flowers.. sobrang ganda! Parang kahit hindi ka
kumain, mabubusog ka na agad eh. Nakatingin lang ako dun sa isang puno na nalalagas yung mga
dahon tapos tinatangay ng hangin habang inuubos ko yung sandwich ko. Waaah ang sarap picture-
an! Kaso wala pala akong dalang camera T_T

"Lyka." napatingin naman ako sa kanya dahil tinawag niya ako.

O/////O

WAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!

"Waaah peste ka! Lu..lumayo ka ngaaaaa!!" napatumba ako ng di-oras. Walanghiyang Dylan yan! T_T
Tapos ngayon pinagtatawanan niya ako. ANO BA TALAGANG PROBLEMA NG LALAKING 'TO?! Aba akalain
niyo ba namang nung tinawag niya ako, at paglingon ko eh... >///<

Eh halos one inch nalang yung pagitan ng mga mukha namin? To think na nakangiti pa siya nun.

Naman oh! Alam kong sobrang pula ng mukha ko ngayon. Takte. Ano ba talagang pinaggagawa niya?!
Nakakainis na ha! Ayoko nang ganito.. umaasa na naman ako eh.. Lagi nalang..

"Dylan, pwede bang itigil na natin 'to? Alam mo naman na lahat di ba? Sa tingin mo ba
makakatulong sakin 'tong ginagawa mo? Ano ba talagang plano mo ha?? Saktan ako ng paulit-ulit?
Paasahin ako? Please naman oh. Please? Gusto ko nang makalimot. Ayoko nang masaktan." then
again, I cried. Masakit kasi eh. Yung may natitirang pag-asa sa puso mo. Pero yun pala, para sa
kanya eh wala lang yun.

"Tingin mo ba ginagawa ko 'to para lang sa wala?" then he looked at my eyes. Ewan ko kung tama
ba 'tong nakikita ko, pero I can see the sadness there. Mas lalo akong naguguluhan.

"Pwede ba Dylan! TAMA NA!!" Ginugulo na naman niya yung utak ko eh. Nagpaplano na nga ako ng
pagmomove-on eh. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Ayoko na dito. Gusto ko nang umuwi. Ayoko dito
kasi andito yung taong dahilan kung bakit ako umiiyak. Pero mas lalong tumulo yung luha ko sa
ginawa niya.
"Please don't leave me." sabi niya habang nakayakap siya sa likuran ko.

At akalain niyo nga namang nakikisabay sa akin yung panahon? Nagsitakbuhan yung mga tao sa
ilalim ng mga malalaking puno o kaya sa mga kotse nila. Kami, nakatayo lang dito. Ayaw gumalaw
ng mga paa ko at naghahalo na yung ulan sa luha ko.

Nakakainis ka Dylan. Ang gulo-gulo mo. Bakit ba kung kelan gusto na kitang kalimutan at saka ka
ganyan kumilos? Tapos ano? Ganun rin. Masasaktan na naman ako.

"I need to tell you something Lyka. Hindi ko lang narealize dati. Pero nung nawala ka sa akin,
tsaka ko lang napag-isip isip." umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Parang mas lalong bumigat
yung pakiramdam ko. Lalo pang lumalakas yung ulan. Basang-basa na kaming dalawa dito.

"Sorry Dylan, but I really have to go." Ayoko na talaga. Tinanggal ko yung pagkakayakap niya sa
akin mula sa likod and I started to walk away from him.

Siguro nga hindi siya ang lalaki para sa akin.


Siguro nga nakilala ko siya para masaktan ako.

Habang humahakbang ako papalayo sa kanya, mas lalong lumalakas yung ulan. Ang lakas-lakas na
katulad ng pag-iyak ko para sa lalaking hindi man lang sinuklian yung pagmamahal ko. Ni hindi
ko na siya narinig magsalita. Yung patak lang ng malakas na ulan ang naririnig ko.

"LYKA!! MAHAL RIN KITA! MAHAL KITA KAYA WAG MO AKONG IWAN! SORRY SA LAHAT! SORRY DAHIL
NASAYANG KO YUNG PAGMAMAHAL MO SA AKIN! PLEASE GIVE ME A CHANCE! LYKAAAAA!!" my heart skipped a
beat. He's crying. Crying really hard. Hindi ko itinigil yung paglalakad ko...

Gusto ko munang mag-isip.

.Chapter 39.

Isang linggo na rin ang nakakaraan simula nung nangyari yun. Haaay, di ko pa rin talaga
maimagine eh.

"HOY! Para kang sira dyan Lyka, bakit ka nakangiting mag-isa? Tulungan mo nga muna ako dun sa
kusina."

At hindi ko pa rin maimagine na meron akong epal na kuya. =__= Ayun na eh. Nagdedaydream na ako
eh. Biglang nang-istorbo! Naman oh!
Sinundan ko nalang siya sa kusina at pinaghihiwa niya ako ng..

"KUYAAAAAA!!!"
"Ano? Hiwain mo na yan malapit na silang dumating oh!"

Napakasama talaga. T_T


Paghiwain ba naman ako ng sibuyas?! Take note ha. Yung malaki pa! Anak ng tokneneng naman oh.
Wala akong nagawa at naghiwa na. Hindi nalang ako dumidilat o kaya humihinga para di ako
maluha. Pero masakit pa rin sa mata. Waaaahhh. T___T

Pagkatapos kong makahiwa, nanood nalang ako ng TV sa sala at iniwan ko dun si kuya. Nagluluto
kasi siya eh. Sila Mei at James kasi pupunta dito. Akalain niyo yun? SILA na? OH MY GOSH TALAGA
EH.

Buti pa sila :\

Isang linggo na.


Isang linggo mula nung sinabi niya yung feelings niya sa akin...

**Flashback

"LYKA!! MAHAL RIN KITA! MAHAL KTA KAYA WAG MO AKONG IWAN! SORRY SA LAHAT! SORRY DAHIL NASAYANG
KO YUNG PAGMAMAHAL MO SA AKIN! PLEASE GIVE ME A CHANCE! LYKAAAA!!" tuloy-tuloy lang ako sa
paglalakad. Sobrang basa na ako. Lakad lang ng lakad kahit hindi ko alam kung saan ako
pupunta..

pero..

O__O

"He..hey.. a..ano bang ginagawa mo?! Dylan!!"


"Please give me a chance. I want to show you what I really feel. Please Lyka?"

Nakaluhod siya sa harapan ko ngayon.


Nakakainis naman eh. Lalo lang akong naiiyak sa mga pinaggagawa niya ngayon. NAKAKAINIS!

"..." hindi ko nalang siya tinignan at tumingin ako sa ibang direksyon.


"Give me a chance, Lyka."
"..." ang lakas pa rin pala ng ulan. Yung luha ko hindi na halata.
"Hindi ako tatayo dito hangga't di mo ko kinakausap."

Nakakainis naman eh. Mas lalo lang akong nahihirapan eh!

"Dylan, hindi ganun kadaling makalimot. Masakit yung pinagdaanan ko dahil sa'yo. Anong gusto
mong gawin ko ngayon? Bigyan ka ulit ng chance?! Para ano? Mamaya paasahin mo na naman ako. Eh
di ako na naman yung kawawa? Ako na naman. Ako nalang lagi. Ayoko na. Nakakasawa nang masaktan
Dylan."

"Kahit patawarin mo lang ako dahil sinaktan kita. I'm sorry. Kahit tanggapin mo lang yung sorry
ko. Please?" he held my hand. Kanina pa rin siya umiiyak.

Matagal ko naman na siyang napatawad eh.


Hindi ko kayang magalit sa kanya.

"Apology accepted." I said coldly.

Pagkasabing-pagkasabi ko nun, napatingala siya. Hindi ko alam kung masaya siya pero kitang-kita
yung gulat sa mukha niya. Bigla siyang tumayo at..

niyakap niya ako.


"Thank you Lyka. Salamat talaga. A..akala ko.. galit ka talaga sa akin eh.. Thank you." bumitaw
ako sa yakap niya at lumakad na ulit palayo. Tama na muna 'tong nangyari. Masyado nang nagugulo
yung utak ko. Pero habang palayo ako ng palayo, narinig ko yung mga salitang hindi ko aasahang
masasabi niya.

"Magsimula tayo ulit. Gusto kong makilala ka ulit. Papatunayan ko sa'yo na hinding-hindi ka
magsisisi na pinatawad mo ako. I'm hoping."

Sana nga mapatunayan niya.


I'm also hoping, Dylan.

"BESTFRIEEEEEENNNNNNNNNNNNNDDDDDDD!!" napatayo naman ako bigla sa couch nung narinig ko yung


alingawngaw na yun.

Pagtingin ko sa bintana, nasa labas ng gate si Mei at James. Nagduet pa sila sa pagsabi ng
bestfriend ha? Jeez. Tanghaling tapat, sumigaw? Lagot sila sa mga kapitbahay namin. =__=

Pinagbuksan naman sila ni kuya ng gate. Hihihi. Tumatawa nga kaming tatlo kasi nakalimutang
tanggalin ni kuya yung apron niya. Para tuloy siyang bakla. BWAHAHAHAHA!

“Wazzup bestfriend?" pa-cool na tanong ni James kaya binatukan siya ni Mei.


"Aray ko naman! Makabatok ka naman. Ang sakit nun ha? Isang kiss kapalit nun." tapos ngumuso si
James at nakapikit pa talaga. Haha para talagang bata!
"Hoy James baka gusto mong ipabugbog kita dito kay Lyka? You like?"

Hala bakit nadamay ako?

At ayan, naghabulan sila sa loob ng bahay. =__=


Baliw talaga 'tong dalawang 'to.

Pero masaya talaga ako sa kanila. Kinikilig nga ako eh. Haha. At least di ba? After all those
years.. sila rin pala ang magkakatuluyan.

*dingdong*

"Mukhang sila na yan. Lyka bakulaw, pagbuksan mo na sila, baka kasi masunog 'tong niluluto ko
pag iniwan ko!"

Tokneneng talaga 'tong Adrian na 'to eh. Mang-uutos na nga lang may kasama pang lait. Siya
iluto ko dyan eh. -__-

Lumabas naman ako at binuksan ko yung gate. As expected sila nga yun.

"Waaaahh Lykaaaaaaaa!!" tapos dinamba na ako ni ate Catherine. Ack. Di ako makahinga! T_T
"Aish. Ate, hindi makahinga si Lyka oh. Stop that!" then hinila ni Dylan si ate Catherine.

Yup.
Si Dylan, kasama siya.
Isang linggo ko na rin siyang nanliligaw. Isang linggo ko na siyang pinapahirapan.
Kaya nga kanina napapangiti ako mag-isa sa kwarto eh. Kinikilig kasi ako sa mga pinaggagawa
niya. :''>

"Uhh.. here.." then inabot niya sa akin yung boquet of flowers. Tinignan ko siya pero umiwas
siya ng tingin. Hihihi si Dylan nagbublush. >///<
"Waaah! Walangya ka Andy! Ang landi mo! Hahaha!" sabay hampas ni ate Catherine sa braso ni
Dylan.

Pinapasok ko na sila sa loob ng bahay. Actually kaya sila andito ngayon eh celebration namin.
Napromote kasi pareho si ate Catherine tsaka si kuya sa work nila kaya ayan, may celebration.
Inimbita na rin namin si Mei at James kasi namimiss ko na sila.
"Yo dude! Long time no see." tapos nagtapikan si James at Dylan. Bakit kaya ganun no? Hindi ba
pwedeng magyakapan nalang rin ang mga lalaki pag nagkikita? Yung parang sa mga babae?

*imagination*

James: Weeee hello Dylan! Long time no see! *yakap kay Dylan*
Dylan: Waaa oo nga James, namiss kita. *yakap rin kay James*

......
......
......

WAAAAAAAAAAAAHHHH YUCK!!!!

Erase! Erase! Erase!


Ano ba naman yang pinag-iisip ko! >_<

"Lyka, pagamit naman ng computer! Pafacebook!" sabi ni James sa akin.


"Ayun oh." turo ko sa computer. At ayun, lumapit siya tapos nagfacebook na nga.
"HOY DYLAN! Tagal mo ng di nag-oopen ng facebook ah?" -James

Oo nga no? Pansin ko rin yun. Mga 4 months ago pa yung huling status niya eh. Baka hindi siya
mahilig magfacebook?

"Ayokong magfacebook. Tinatanong lagi yung what's on my mind eh." -Dylan

Eh? Ano daw? Tinignan ko si Mei. Nakakunot rin yung noo. Waaah di rin siguro niya gets. Si
James naman ngumiti ng malapad.

"Nice dude, pick-up line ba yan? HAHAHA! Yow boy pick-up ka na!" then nagshrug lang si Dylan ng
balikat. So pick-up line nga?
"Oh Lyka, kunwari ikaw si Neneng B. HAHAHA!" -James

Oh siya. Sige lang. Sakayan ang trip ng mga 'to. Mukhang masaya sila eh. Pero pick-up ba yun?
Diba pag pick-up patanong? Ah ewan, basta kung ano man yun.

"Bakit?" tanong ko kay Dylan

"Eh kasi ikaw lang naman ang nasa mind ko eh. Eh di pag nilagay kita dun, iseshare kita sa
kanila. Para ano? I-like nila? No way. You're only mine."

O/////O

"YOWN PARE! NADALE MOOOOOO!!!" tapos nag-apiran silang tatlo.

Ako parang estatwa dito. Waaaaahhhhh.

Bakit ganyan na si Dylan? Nakakakilig. >///<

.Chapter 40.

"KAIN NAAAAAAA!!"

Nasira ang pagkakilig ko nung biglang sumigaw si kuya. Napakapanira talaga ng moment ng kapatid
ko. Tsk. Nagsilapitan naman kaming apat dun sa dining area at nagsiupo na rin.

"Ang cheesy ng shota mo ha. Kinilig ka naman?" bulong sa akin ni kuya with matching smirk.
Magkatabi kasi kami tapos nasa kanan niya si ate Cath.

"Ang chismoso mo rin kuya no? Baka gusto mong ikwento ko kay ate Cath lahat ng kahihiyan mo?"
this time ako naman ang nag-evil grin.
Natawa naman ako nung bigla nyang nilayo yung upuan niya sa akin tapos sobrang lumapit kay ate
Cath at narinig ko pa siyang nagsabi ng 'Cath wag kang maniniwala sa mga sasabihin ni Lyka sayo
ha? Kahit ano.' Hahaha. Isip bata talaga ang kuya ko.

Naagsimula na kaming kumain. Grabe ang sarap magluto ni kuya. @_@ Bakit ngayon lang 'to? Bakit
pag ako pinagluluto niya di naman ganito kasarap?! Napakaduga talaga ni kuya! Paimpress masyado
kay ate Cath! >_<

O///O

Nagulat ako dun grabe!

Eh kasi.. kasi.. ano..

Hinawakan ni Dylan yung kamay ko mula sa ilalim ng lamesa. Lechugas naman oh! Feeling ko
pulang-pula na yung mukha ko! Di ko naman matanggal kasi ang higpit nung hawak niya.

"Oh bro, lapad ng ngiti mo ah?" narinig kong sabi ni James. Di ako nakatingin sa kanila kasi
busy akong tanggalin yung kamay ko sa kamay niya.

Pagtingin ko, naka-grin lang siya sa akin.

"Hmm, naabot ko na kasi yung pangarap ko eh."


>///<

Jusme. Kung pwede lang magwala dito kanina ko pa ginawa eh. Mamamatay na ako sa kilig. Ayokong
humarap kay kuya kasi kilala ako nyan pag kinikilig. Gaaaahd. Ang hirap naman nito oh!

Kumain ako ng kanang kamay lang ang gamit. Bakit ba kasi ayaw niyang bitawan? >///>

Nakasurvive naman ako dun kanina. Buti nalang. Napakaadik ng Dylan na yun. Psh. Andito kami
ngayon sa sala at nagpupusoy dos. HAHAHA. Mga sugarol. Joke. Wala namang perang involve eh.
Tsaka by paair ang laro. Si kuya tsaka si ate Cath, si Mei at James and ako at si Dylan.

"Hoy wag kang manilip ng cards bro. Duga mo eh!" sabi ni Dylan. Abno kasi si James eh
pasimpleng sumisilip.
"Hala? Wala akong ginagawa, nag-iinat lang ako eh. Di ba Mei labidabs?" sabay pa-cute kay Mei.

In the end, nanalo sila kuya. Napakaduga eh. May tinatagong card! Bugbugin ko yang si kuya eh
makita niya. =__=

"Pwede bang mahirap sandali si Lyka, may ipapakita lang ako sa kanya." nagulat naman ako nung
kinausap ni Dylan si kuya. Eh kasi minsan ko lang naman sila makitang mag-usap eh. At ano na
namang pinagsasabi niya?

Nag-nod nalang si kuya tapos may binulong. ay ewan ko sa kanila. Di pa rin ako makaget-over sa
pandadaya ni kuya eh. -__-

***

"San ba tayo pupunta?"


"Hmm secret."
"Eeehh? Walang clue?"
"Wala."
"Pfft. Duga."

Andito kami ngayon sa car nila. May driver siya eh. Paano wala pa siyang lisensya. Minor pa eh.
Pero san ba kami pupunta at ako lang ang kasama? Bakit hindi kasama sila Mei? Ugh. Sumasakit
ang ulo ko kakaisip eh!

Bahala nga siya dyan. Mukhang mahaba-haba pa 'tong byahe na 'to eh. Matutulog muna ako..
"Lyka.. Lyka.. gising na.. andito na tayo.."

Minulat ko naman yung mata ko. At talagang napalaki yung mata ko. Pa..pano ba naman.. TEKA NGA
PANO AKO NAPUNTA SA GANITONG POSISYON?!

"Aahh sorry. Nahihirapan ako sa posisyon mo kanina eh." sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin.

Grabe hindi na to nahiya sa driver niya. WAAAAAHHH nakakahiya kaya yun! GRABE TALAGA!!!!!!
>/////<

EH KASI NAMAN PARA AKONG BATA NA NAKAKALONG SA KANYA AT NAKATULOG! NAKAKAHIYA KAYAAAAAAAAAA!!!

Bumaba ako ng sasakyan dahil kailangan ko ng hangin. Whoooooooo. Grabe. Ilang beses na ba akong
namula ngayon? Namumuro na 'tong Dylan na 'to ha. Pero special kasi 'tong araw na 'to sa akin
eh. Sa sobrang special, hindi ko alam kung pano ko maisasagawa yung plano ko. Haaaay. At dahil
na rin masyadong occupied yung utak ko, ngayon ko lang narealize kung nasaan kami.

"Oh my God." napabulong nalang ako sa sarili ko.


"Let's go?" he said while holding my hand and smiling widely.

Ako naman, napangiti ako bigla sa gestures niya.


Tama. Kelangan ko nga 'tong gawin.
Kung saan kami mas liligaya.
I can do it.

Pumasok kami sa loob.

"Dito nagsimula ang lahat. Marami akong natutunan dito." sabi niya habang lumilibot sa unit
namin.

Yeah. Dinala niya ako dito. Sa 7th unit.

"Dito ako unang nagluto ng pagkain para sa isang babae dahil lang sa house rules. Dito rin ako
unang nag-alaga ng maysakit. Dito ako natutong magpahalaga ng mga kaibigan. Natutong magmahal.
Naranasang masaktan. Andami na palang nangyari no? Itong bahay na 'to ang witness sa lahat ng
pinagdaanan natin."

Naiiyak ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Pero sigurado akong hindi dahil sa lungkot 'to.
Ito na ba yung tinatawag nilang tears of joy?

Oo nga. Masyado ng maraming nangyari sa unit na 'to. Kasama 'to sa mga lugar na hindi ko
makakalimutan. Kasi dito ko rin naranasan lahat ng naranasan niya. Happiness. Sadness. Sa lahat
ng yun, etong unit ang witness.

Bigla siyang lumapit sa akin at..

"Hey hey, what are you doing Dylan?"

Lumuhod kasi siya sa harapan ko.

"Ngayon, gusto ko ring masaksihan ng lugar na 'to, kung gaano kita kamahal. Kung gaano ko
narealize na minsan na akong naging tanga dahil pinakawalan kita. Gusto kong mangako sa lugar
na 'to, na hinding-hindi kita iiwan. Hinding-hindi kita sasaktan. I will love you forever. Sana
ganun pa rin ang nararamdaman mo sa akin."
He really never fails to amaze me. Nagtuloy-tuloy na yung luha ko sa sobrang saya. Siguro nga
ito na yung right time. Eto na yung sign na hinihintay ko.

Hinila ko siya patayo at hinawakan ko yung mukha niya.

"Gusto ko ring maging witness ang lugar na 'to sa gagawin ko. Dylan, kahit kelan naman, hindi
nagbago yung feelings ko sayo. Infact, mas mahal pa kita ngayon. This place, is our witness.
Dylan, YES. Make me your girl."

After I said YES, he immediately hug me.

"Talaga? Sinasagot mo na ko? Huh.. Thank you. Thank you. THANK YOUUUU!! I REALLY LOVE YOU!!"
then binuhat niya ako at inikot-ikot.

I feel like I'm the happiest girl in the world.


Kasama ko ngayon yung lalaking mahal ko.

"I LOVE YOU KRISTELL LYKA ALONZO!!"


"I LOVE YOU MORE DYLAN ARELLANO!!"

I kissed him.
I will never make him regret making me her girl.

.Epilogue.

Love and friendship are two different things.


Two different things that changed my life.

Akala ko wala ng pag-asang magkaroon ako ng friends, but look at me now. Marami palang
nagmamahal sa akin.

Akala ko rin, hindi ako matututong magmahal. Again, I'm wrong.

It is difficult to know at what moment love begins.


You won't know how it begun.
At an instant moment, you'll just realize that you have fallen.

You can fall in love with a complete stranger in a


heartbeat, if God planned that route for you.

A stranger named Dylan Arellano.


I fell in love with that guy.

7th unit was the witness.


This place, where our love begins and grows, will have a special part in my heart.

Start na ng second sem ngayon. At dahil mahal ko ang lugar na 'to, dito ulit kami nagstay.
Kasama na namin sila Mei at James.

Alam kong marami pa kaming pagdadaanan.


Marami pang problemaa ang dadating.
Pero hindi ako natatakot.

Basta magkasama ang salitang TRUST at LOVE,


you don't have to be afraid.

Salamat sa pagbabasa ng aming kwento hanggang huli.


But I know this is not yet the end.

True love doesn't have a happy ending,


because true love never ends. <3

You might also like