You are on page 1of 3

Para kang narcotics

Kapag kasama’y nagiging kalamado

Ngunit kapag ika’y naabuso

Katotohana’y nawawala sa buhay ko

Para kang alcohol

Ang depresyon ko’y naglalaho

Ngunit kapag nasobraha’y nakakahilo

Nabubuhay pa ang kademonyohan ng pagkatao

Para kang marijuana

Na maaring maging gamot

At nakakapawi sa aking lungkot

Ngunit kapag nawala’y hindi mabaon sa limot

Para kang caffeine

Ang bumuhay sa kaluluwa kong nagtutulug-tulogan

Ngunit hindi dapat nasosobrahan

Pagkat ang puso ko’y naapektohan

Para kang barbiturates

Kasi ang pagutlog ko’y nagiging mahimbing

Ngunit kapag nasobraha’y baka hindi na magising

At diretso na sa hukay upang ilibing

Para kang phencylcidine

At kapag ako’y iyong tinamaan

Sarili ko’y maaring saktan

Pati na rin ang ibang tao sa lipunan


Para kang LSD

Mundo ko’y binibigyan mo ng kulay

Na nagpapasaya sa akin kahit hindi tunay

At nagbabalik ng masamang ala-ala mula sa aking buhay

Para kang cocaine

Na nagbibigay ng lakas ng loob

Ngunit pag nasobraha’y, lumalala ang kutob

sukob XD

Para kang shabu

Gustong-gusto kita kahit ako’y mahirap lamang

Kahit na ang paggamit sayo’y hindi madalang

Parang lagi pa ding may kulang

Para kang amphetamine

Na nagbibigay ng kakaibang enerhiya

At nagpapawala sa aking hiya

At kapag nasobrahan, buhay ko’y wala na

Para kang ecstasy

Dahil ako’y lumalambing at napapayakap

Sa labis na paggamit, kakaiba ang mga nagaganap

Mga multo’y tila nakikita sa isang sulyap

Ikaw ang droga ng buhay ko

Ang nagbibigay ng kaligayahan

Na may katumbas na kaguluhan

Kaya dapat pala’y ikaw tinanggihan


Pilit kitang kalilimutan at pakakawalan

Upang ang kalayaan ko’y bumalik nang dahan-dahan

Kaya paalam na aking droga

At sana’y huwag nang mandamay ng iba

You might also like