You are on page 1of 6

Pebrero 5, 2017 (1st)

Pagbasa 1: Propeta Isaias 58:7-10


Ito ang ipinasasabi ng Pangino�n:
�Ang mga nagugutom ay iny�ng pakanin,
patuluyin sa iny�ng tahanan ang walang tirahan.
Yaong mga tao na halos hubad na ay iny�ng paramtan,
ang iny�ng pagtulong sa mga kasama ay huwag tatalikdan.
At kung magkagayon,
matutulad kay� sa bukang-liwayway,
hindi maglalao�t gagaling ang iny�ng sugat sa katawan,
ak�y laging sasainy�,
ililigtas kay� at iingatan kahit saang lugar.
Sa araw na iyon,
diringgin ng Poon ang dalangin niny�,
pag kay�y tumawag,
ak�y tutugon agad.
Kung titigilan niny� ang pang-aalipin at pagsuway sa akin,
at ang masamang salita�y iiwasan,
kung ang nagugutom ay pakakanin niny� at tutulungan,
ang kadilimang bumabalot sa iny� ay magiging tila liwanag sa katanghalian."

Pagbasa 2: I Sulat sa mga Taga-Corinto 2:1-5


Mga kapatid:
Nang ak�y pumariyan,
ipinahayag ko sa iny� ang lihim na panukala ng Diy�s,
ngunit hindi sa pamamagitan ng malalalim na pananalita
o matataas na karunungan.
Ipinasiy� kong wala ak�ng ipangangaral sa iny�
kundi si Hesukristo na ipinak� sa krus.
Kaya mahina,
tak�t,
at nanginginig ak�ng humarap sa iny�.
Sa pananalita at pangangaral ko�y
hindi ko kay� inakit ng matatamis na pangungusap
batay sa karunungan ng tao,
kundi sa pamamagitan ng patotoo ng Espiritu
at ng kapangyarihan ng Diy�s.
Kaya�t hindi sa karunungan ng tao
kundi sa kapangyarihan ng Diy�s
nababatay ang iny�ng pananalig kay Kristo.

Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Mateo 5:13-16


Noong panahong iyon,
sinabi ni Hes�s sa kaniy�ng mga alagad:
�Kay�y asin sa sanlibutan.
Kung mawalan ng alat ang asin,
paano pang mapapanauli ang alat nito?
Wala na itong kabuluhan,
kaya�t itinatapon na lamang at niy�yapakan ng mga tao.
Kay�y ilaw sa sanlibutan.
Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol.
Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan.
Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan
upang matanglawan ang lah�t ng nasa bahay.
Gayon din naman,
dapat niny�ng paliwanagin ang iny�ng ilaw sa harapan ng mga tao,
upang makita nila ang iny�ng mabubuting gawa,
at papurihan ang iny�ng Amang nasa langit."
===================================================================================
===

Pebrero 12, 2017 (2nd)

Pagbasa 1: Ecclesiastico 15:15-20


Pagpapahayag mula sa Aklat ni Sirak:

Kung gusto mo,


masusunod mo ang utos ng Panginoon;
ikaw ang magpapasiy�
kung magiging tapat ka sa kaniy� o hindi.
Naglagay siy� sa harapan mo ng tubig at ng apoy,
kunin mo ang iyong maibigan.
Makapipili ka ng alinman sa dalawa:
buhay o kamatayan;
ang iyong mapili ang siy� mong tutunguhan.
Dakila ang Karunungan at kapangyarihan ng Panginoon,
nakikita niya ang lahat ng bagay.
Nalalaman niya ang lahat ng ginagawa ng bawat tao,
at kinakalinga niya ang mga may takot sa kaniy�.
Kailanma�y wala siy�ng inutusang magpakasama,
o pinahintulutang magkasala.

Pagbasa 2: I Sulat sa mga Taga-Corinto 2:6-10


Pagpapahayag mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Corinto

Mga kapatid:
Sa mga may sapat na gulang sa pamumuhay espirituwal,
karunungan ang ipinangangaral namin,
subalit hindi karunungan ng sanlibutang ito
o ng mga tagapamahala sa ngayon na nakatakdang malipol.
Ang tinutukoy ko ay ang panukala ng Diyos,
na nalihim sa tao;
itinalaga niya ito para sa ating ikadarakila,
bago likhain ang sanlibutan.
Isa man sa mga tagapamahala sa kapanahunang ito�y
walang nakaunawa sa panukalang iyon.
Sapagkat kung naunawaan nila iyon,
hindi sana nila ipinako sa krus ang dakilang Panginoon.
Ganito ang sinasabi ng Kasulatan,
�Hindi pa nakikita ng mata,
ni naririnig ng tainga,
hindi pa rin sumasagi sa isip ng tao,
ang inihanda ng Diyos sa mga umiibig sa kaniy�."
Subalit ito�y inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu.
Nasasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay,
maging ang pinakamalalim na panukala ng Diyos.

Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Mateo 11:25


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon,


sinabi ni Hesus sa kaniy�ng mga alagad:
�Sinasabi ko sa inyo:
kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos
ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo,
hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.
Narinig ninyo na noong una�y iniutos sa mga tao,
�Huwag kang papatay;
ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman.
Ngunit ngayo�y sinasabi ko sa inyo:
ang mapoot sa kaniy�ng kapatid ay mananagot sa hukuman.
Narinig ninyo na noong una�y iniutos sa mga tao,
�Huwag kang makikiapid.� Ngunit ngayo�y sinasabi ko sa inyo:
ang sinumang tumingin nang may mahalay na pagnanasa sa isang babae,
sa isip niya�y nakiapid na siy� sa babaing iyon.
Narinig pa ninyo na noong una�y iniutos sa mga tao,
�Huwag kang sisira sa iyong pinanumpaang pangako
bagkus ay tupdin mo ang iyong sinumpaan sa Panginoon.�
Ngunit ngayo�y sinasabi ko sa inyo:
huwag na kayong sumumpa kung nangangako kayo.
Sabihin mo na lang na �Oo� kung oo at �Hindi� kung hindi;
sapagkat buhat na sa Masama ang ano mang sumpang idaragdag dito."

===================================================================================
===

Pebrero 19, 2017 (3rd)

Pagbasa 1: Levitico 19: 1-2.17-18

Pagpapahayag mula sa Aklat ng Levitico


Sinabi ng Panginoon kay Moises,
�Sabihin mo sa buong kapulungan ng Israel,
�Magpakabanal kayo,
sapagkat akong Panginoon ay banal.
Huwag kang magtatanim ng galit sa iyong kapwa.
Sa halip,
pangangaralan mo siy�.
Sa gayon,
hindi ka magkakasala
dahil sa kaniy�.
Huwag kang maghihiganti
o magtatanim ng galit sa iyong mga kasamahan.
Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.
Ako ang Panginoon.� �

Pagbasa 2: I Sulat sa mga Taga-Corinto 3:16-23


Pagpapahayag mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid,
hindi ba niny� alam na kay�y templo ng Diy�s
at naninirahan sa iny� ang kaniy�ng Espiritu?
Parurusahan ng Diy�s ang magwasak ng templo niy�.
Sapagkat banal ang templo ng Diy�s,
at kay� ang templong iyan.
Huwag dayain ninuman ang kaniy�ng sarili.
Kung may nag-aakalang siy�y marunong ayon sa sanlibutang ito,
ibilang niy�ng siy�y mangmang
upang maging tunay na marunong.
Sapagkat ang karunungan ng sanlibutang ito
ay kamangmangan sa paningin ng Diy�s.
Ganito ang sina- sabi sa Kasulatan,
�Hinuhuli niy� ang marurunong sa kanila na ring katusuhan."
Gayon din,
�Alam ng Pangino�n
na ang iniisip ng marurunong ay walang kabuluhan."
Kaya�t huwag ipagmalaki ninuman ang nagagawa ng tao.
Ang lah�t ay iny�:
si Pablo,
si Apolos,
at si Pedro;
ang sanlibutang ito,
ang buhay,
ang kamatayan,
ang kasalukuyan,
at ang hinaharap � lah�t ng ito�y sa iny�.
At kay�y kay Kristo,
at si Kristo nama�y sa Diy�s.

Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Mateo 5:38-48


Ang Mabuting Balita ng Pangino�n ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon,


sinabi ni Hes�s sa kaniy�ng mga alagad:
�Narinig niny� na sinabi,
�Mata sa mata at ngipin sa ngipin.�
Ngunit ngayo�y sinasabi ko sa iny�:
huwag niny�ng labanan ang masamang tao.
Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi,
iharap mo pa sa kaniy� ang kabila.

Kung ipagsakdal ka ninuman


upang makuha ang iyong baro,
ibigay mo sa kaniy� pati ang iyong balabal.
Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig
ang kaniy�ng dala nang isang kilometro,
pasanin mo ito nang dalawang kilometro.
Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo,
at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo.

Narinig na niny�ng sinabi,


�Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.�
Ngunit ito naman ang sabi ko:
ibigin niny� ang iny�ng mga kaaway,
at idalangin niny� ang mga umuusig sa iny�,
upang kay�y maging tunay na anak ng iny�ng Amang nasa langit.

Sapagkat pinasisikat niy� ang araw sa masasama at sa mabubuti,


at pinapapatak niy� ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan.
Kung ang mga umiibig sa iny� ang siy� lamang niny�ng iibigin,
ano pang gantimpala ang iny�ng hihintayin?
Hindi ba�t ginagawa rin ito ng mga publikano?
At kung ang binabati lamang niny�y ang iny�ng mga kapatid,
ano ang nagawa niny�ng higit kaysa iba?
Ginagawa rin iyon ng mga Hentil!

Kaya, dapat kay�ng maging ganap,


gaya ng iny�ng Amang nasa langit."

===================================================================================
===

Pebrero 26, 2017 (4th)


Pagbasa 1: Propeta Isaias 49:14-15
Pagpapahayag mula sa Aklat ni propeta Isaias

Ang sabi ng mga taga-Jerusalem,


�Pinabayaan na tayo ng Pangino�n.
Nakalimutan na niy� tayo."
Ang sagot ng Pangino�n,
�Malilimot kaya ng ina ang sarili niy�ng anak?
Hindi kaya niy� mahalin ang sanggol na iniluwal?
Kung mayroon mang inang lumilimot sa kaniy�ng bunso,
ak�y hindi lilimot sa iny� kahit na sandali."

Pagbasa 2: I Sulat sa mga Taga-Corinto 4:1-5


Pagpapahayag mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid,
kami�y mga lingkod ni Kristo,
at katiwala ng mga hiwaga ng Diy�s �
ganyan ang dapat na maging palagay niny� sa amin.
Ang katiwala�y kailangang maging tapat sa kaniy�ng Pangino�n.
Walang anuman sa akin ang ak�y hatulan niny�
o ng alin mang hukuman ng tao;
ni ak� ma�y di humahatol sa aking sarili.
Walang bumabagabag sa aking budhi,
ngunit hindi nangangahulugang ak�y walang kasalanan.
Ang Pangino�n ang humahatol sa akin.
Kaya�t huwag kay�ng humatol nang wala sa panahon;
maghintay kay� sa pagdating ng Pangino�n.
ipahahayag ang mga lihim na hangarin ng bawat isa.
Sa panahong iyon,
bawat isa�y tatanggap ng papuring nauukol sa kaniy� mula sa Diy�s.

Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Mateo 6:24-34


Ang Mabuting Balita ng Pangino�n ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon,


sinabi ni Hes�s sa kaniy�ng mga alagad:
�Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang Pangino�n
sapagkat kapopootan niy� ang isa at iibigin ang ikalawa,
paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.
Hindi kay� makapaglilingkod nang sabay sa Diy�s at sa kayamanan.

Kaya�t sinasabi ko sa iny�:


huwag kay�ng mabagabag
tungkol sa pagkain at inumin na kailangan niny� upang mabuhay,
o tungkol sa damit na kailangan ng iny�ng katawan.
Hindi ba�t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain,
at ang katawan kaysa pananamit?

Masdan niny� ang mga ibon:


hindi sil� naghahasik ni nag-aani o kaya�y nagtitipon sa bangan.
Gayunman, pinakakain sil� ng iny�ng Amang nasa langit.
Hindi ba�t higit kay�ng mahalaga kaysa mga ibon?

Sino sa iny� ang makapagpapahaba ng kaniy�ng buhay


nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kaniy�ng pagkabalisa?
At bakit kay� nababagabag tungkol sa pananamit?
Isipin niny� kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang;
hindi sil� nagpapagal ni humahabi man.
Ngunit ito ang sasabihin ko sa iny�:
maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda
ng isa sa mga bulaklak na ito,
bagamat napakariringal ang mga damit niy�.

Kung ang mga damo sa kabukiran,


na buhay ngayon at kinabukasa�y iginagatong sa kalan,
ay dinaramtan ng Diy�s,
kay� pa kaya?

Kay liit ng pananalig niny� sa kaniy�!


Kaya�t huwag kay�ng mabalisa
tungkol sa iny�ng kakanin, iinumin, o daramtin.
Sapagkat ang mga bagay na ito
ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diy�s.
Alam ng iny�ng Amang nasa langit na kailangan niny� ang lah�t ng ito.

Ngunit pagsumakitan niny� nang higit sa lah�t


ang pagharian kay� ng Diy�s
at mamuhay nang ayon sa kaniy�ng kalooban,
at ipagkakaloob niy� ang lah�t ng kailangan niny�.
Kaya, huwag niny�ng ikabahala ang para sa araw ng bukas;
saka na niny� harapin kapag ito�y dumating.
Sapat na sa bawat araw ang kaniy�ng mga suliranin."

You might also like