You are on page 1of 1

Melwyn V. Francisco.

2 ChE - D

Title

Pagbasa, madalas kinatatamaran at tinuturing na obligasyon ng marami. Bilang isang mag-aaral na

may mataas na pangarap, masasabi ko na hindi dapat isiping isang obligasyon ang pagbasa at hindi

rin ito dapat kinatatamaran. Marahil bukod sa impormasyon ay maaari din itong magdulot at

magbigay sa atin ng samu't saring emosyon at damdamin tulad ng kasiyahan, kalungkutan, takot,

pag-asa, at ng marami pang iba. Para sa akin, masasabi ko na isang biyaya ang pagbasa sa atin,

sapagkat hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon at ng kakayahang bumasa maging ang

sumulat. Marahil sa pagbasa ay malayo na ang narating ng sibilisasyon sa ating daigdig. Kung wala

ang pagbasa, maaaring wala ngayon ang lahat ng ating nakikita, maaaring hindi magiging ganito

ang ating pamumuhay, wala tayong magagandang bahay at paaralan na sinisulungan, wala ang mga

nagsisitayugang mga imprastraktura, wala tayong teknolohiyang kinakamtan, at higit sa lahat ay

maaring wala tayong mga pangarap na tinatamasa at nais na abutin. Narito ang lahat ng bagay na

iyan marahil sa kagustuhan at mithiing matututo ng mga taong nais gumanda at gumaan ang ating

pamumuhay na masasabi ko na nabigyang buhay ng marahil sa pagbasa.

You might also like