Bilang manggagawa ng Kagawaran ng Edukasyon, ako si
______________________________ ay taos-pusong nanunumpa na aking gagampanan nang maayos ang aking tungkuling bilang guro sa darating na pasukan. Gagawin ko ito hindi lang dahil ito’y mandato ng kagawaran bagkus isasakatuparan ko ito nang bukal sa aking kalooban.
Ako’y nangangakong isasakatuparan ang lahat ng aking natutunan sa
limang araw na seminar na ito. Sisikapin kong ang lahat ng aking mag-aaral ay matututong sumulat, bumasa nang may pang-unawa at marunong makipagtalastasan sa kapwa. Papanindigan kong hahabaan ang aking pasensya at pang-unawa sa mga batang mas mahina. Maglalaan ako ng oras para tulungan silang bumasa nang walang hinihinging kapalit. Handa rin akong ibahagi ang aking natutunan sa aking mga kapwa guro upang wala ng batang di – marunong bumasa. Gagawin ko ito para sa ikakaunlad ng aking bayan.
Ang lahat ng ito’y aking babalikatin nang buong tapang at husay.