You are on page 1of 1

HULING LABAN SA HULING PAGKAKATAON:

BSBA sinupalpal ng Edukasyon

Talas ng isipan ang naging puhunan ni Sheila Kaye Pedrosa ng BSBA para makopo ang kampeonato
laban sa pambato ng Edukasyon na si Angelie dela Cruz sa larong chess sa ginanap sa 2017 ACFI
intramurals.

Makapigil hininga ang naganap na laban sa pagitan ni Pedrosa at Dela cruz sa kanilang paghaharap
para sa kampeonato sa larong chess sa dibisyon ng babae.

Stratehiya sa pag depensa ang ipinakita ni Dela cruz ngunit nalusotan pa rin ito ni Pedrosa para
magawa ang unang check.

“Mahirap siyang kalaban sapagkat alam niya depensahan ang kanyang hari”, Pahayag ni Pedrosa nang
tanungin naming siya tungkol sa kakayahan ng kanyang kalaban.

Sinubukan pa ni Dela cruz na ilagay sa ligtas na posisyon ang hari ngunit isang pagkakamali ang
kanyang ginawa ng inilipat niya ang rook at binigyan ng lagusan ang reyna ni pedrosa.

tuluyan ng tinapos ni Pedrosa ang laro ng i-check mate na niya ito sa kanyang pagkakataon at maling
panghihinayang ang nakita sa pagmumukha ni Dela cruz.

“ Sayang kasi hindi ko nakuha ang kampeonato pero masaya ako kasi nakapaglaro ako sa huling
pagkakataon bago ako makapagtapos ng kolehiyo”, Sagot ni Dela cruz nang tinanong naming siya
tungkol sa kanyang nararamdaman.

You might also like