You are on page 1of 1

Panganiban, Yumaira U.

11 ABM- Pro

Fil 111

7 Septyembre 2017

NBA superstar na si LeBron James muling bumisita


sa Pilipinas
Ang Cleaveland Cavaliers atleta na si LeBron James ay muling bumisita sa Manila noong
Sabado, Septyembre 2 para sa kanyang “Strive for Greatness Tour 2017” na ginanap sa Mall of
Asia Arena. Ito na ang ikatlong pagkakataon ng atleta na dumayo sa bansa.

Hindi rin naitago ng atleta ang kasiyahang nadama na natupad niya ang kanyang pangako
sa mga tagahanga na babalik ito sa bansa. Sapagkat naka-iskedyul na pumunta sa Manila si
James noong Septyembre 2016 ngunit kinansela ito ng organizer.

Ang okasyong naganap noong huling Sabado ay nagkaroon ng pasiklaban laban sa mga
manlalaro ng Gilas Pilipimas. Nahati sa dalawang grupo ang mga atleta kung saan nagsama-
sama ang mga beteranong manlalaro kagaya na lamang nila LA Tenorio at Paul Lee.
Samantalang ang isang grupo naman ay kinabibilangan ng mga nakababatang miyembro ng
Gilas o kilala sa tawag na Gilas Youngbloods tulad nila Kiefer Ravena at Kai Sotto.

Noong huling limang minute ng laro, sumali na ang 4 time MVP sa grupo ng mga
youngbloods at nagpakita ng galing sa paglaro ng basketball. Gumawa ang atleta ng mga
eksibisyon at mga nakakamanghang dunks na nagdulot ng paghanga at palakpakan galing sa mga
manonood.

Ibinahagi rin ni James ang kahulugan ng kanyang sikat na linyang “Strive for Greatness”.
Ayon sa atleta, ang linyang ito ay nangangahulugan na kailangan nating magsumikap sa mga
pagsasanay upang maging pinakamahusay sa anumang larangan na ating gustong gawin.

You might also like