You are on page 1of 4

“Carlee! Nako bumangon ka na diyan kung ayaw mong mabuhusan ng malamig na tubig!


umalingawngaw sa buong kuwarto ko ang boses ni Mama.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagpikit. Ang sarap na ng tulog ko eh!

Ano ba kasing meron at kailangan kong gumising ng maaga? Nakakabadtrip ah!

“Sige. Mukhang ayaw mo naming sumabay sa sasakyan ng ahia mo. Manigas ka diyan. Magtiis ka
sa pagcommute papuntang EIS. Rush hour pa naman.”

Then it clicked. Omo! May pasok! First day of high school ko ngayon! MAY GULAY! Nalimutan ko!

Napabangon ako at nakita ko ang mataray na pagmumukha ng minamahal kong ina.

“Hehehehehehe…”

“Ikaw talagang bata ka! Maligo ka na nga!”

Agad akong sumaludo at dumiretso sa CR para maligo at maghanda.

Tapos na ako sa middle school! Sa wakas! Junior na ako sa high school! Ameyzingg!

Sa Eastern International School kasi, ‘yung Grade 1 – 6, primary school ang tawag. Grade 7 – 8,
middle school. Grade 9 – 12, high school. Grade 9 – 12, high school. Tapos college at grad school na.

Maya-maya lang, ay nakita ko na ang malaking gate ng alma mater ko! Haaaaaaaay, nakita na
ulit kita, my beloved EIS!

Kaso, hindi na ako pupunta sa MSD (Middle School Department). Aww, mamimiss ko ang mga
tambayan naming doon ni Vanessa – kalog na bespren ko.
Dito kasi sa school namin, may iba’t-ibang department. Sa loob ng napakaaaaluwag na campus
naming, may ‘sub-campuses’. It’s either PRIMARY, MIDDLE SCHOOL, HIGH SCHOOL, COLLEGE, or
GRAD SCHOOL. Ginawa ‘to para hindi maghalo-halo ang mga students at para maiwasan daw
‘yung gulo.

“Bye ahiaaaaa! Sunduin mo ako mamaya ah!”nakangiti kong sabi kay kuya habang bumababa s
sasakyan niya. Yep, may kotse na si ahia (kuya). Freshman na kasi siya sa college ngayon. Taray ng
kafated ko.

“Oo na.”

Kumaway pa ulit ako at tumakbo papunta sa gate ng HSD. Ipinakita k okay Manong Guard ‘yung
I.D. ko at masaya naman akong pumasok sa magiging tambayan ko for four years!

Pumunta muna ako sa admin building para makita kung saang section ako ngayong school year.
Sana classmate ko si Vannie (Vanessa) para hindi naman ako lonely. Pero okay lang din kung hindi,
para mas marami akong friends!

Pagdating ko sa bulletin board kung saan nakapaskil ang sectioning, madami nang students ang
nagkukumpulan. Kung sabagay, 15 minutes nalang before class starts kaya kailangang mahanap na
agad naming ang mga homerooms naming.

Nakisuot naman ako at walang problema dahil I am kind of skinny. Pero not the kind of skinny na
pang-Korean actresses type. Sakto lang. Pati ‘yung height ko, typical height lang din among the girls
of my age.

Malapit na ako sa front ng bulletin nang nabangga ako sa isang likod.

Na mabango…

Na matigas…

Na…
“Excuse me, miss?”

I snapped out of my reverie and immediately, bumalik ‘yung malay ko. Oops!

“A-Ah yes?”

“Can you get off my back? Medyo mabigat kasi ‘yung bag ko eh. Dumadagdag ka pa.” sabi ng
nakatalikod na lalaki.

Shems, ‘di ko napansin na nakasandig na ako!

“Ay hehe, sorry. ‘Di ko napansin.”

Naramdaman kong humarap siya kaya tumingala ako. Paksiiiiiii! Ang gwapo niya pooooo!

Alam niyo ‘yung fez ni Hu Yi Tian? Parang siya! Ang kaso mas gwapo lang si Hu Yi Tian pero…
Kamukha niya! Oh my gosh! May similarities!

Ang kaso lang, mashungit pala si koya! Pero wala akong pake! Ang gwapo niyon! Mahal ko na ata
siya!

Titili na sana akong nang naalala ko na titingnan ko pa kung saang klase ako.

Bumuntong-hininga siya at umalis. Ay?

Agad kong hinanap ang aking pangalan.

Grade XI – Class A
29.) Tan, Carlee Louisse H.

Okay! Class A pala ako. Noted!

May unfamiliar name naman akong na-encounter.

30.) Yu, Zakariah Nathan G.

I shrugged it off at masayang pumunta ako sa homeroom namin.

Nakaupo na ako sa napili kong upuan (which is at the front row) nang maalala kong hindi ko na-
check kung magclassmate ba kami ni Vannie! Ugh, completely slipped my mind!

Wala pa naman ‘yung homeroom teacher naming kaya naisipan kong i-text muna si Vannie.

To:

You might also like