You are on page 1of 17

Isang Sikolohikal na pag-aaral sa Pelikulang “Last Night”

Isang Papel Pananaliksik na iniharap kay


Bb. FAITH D. LABRADA

Bilang pagtugon sa Pangangailangan Pang Akademiko


sa Kursong Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik

Angus, Ma. Alyssa Daye A.


Artiaga, Mary Ann A.
Aranton, Davidson A. III
Macarampat, Sittie Ashley B.
Manabat, Francis Roi L.
Ompad, Khrys Laurence G.

Marso 2018
TSAPTER 1
INTRODUKSYON

Isa sa mga pangunahing problemang kinakaharap ng mga tao ngayon ay ang


depresyon. Isang kondisyon na kung saan ang isang tao ay nakararamdam ng
matinding kalungkutan, kawalan ng pag-asa at interes, pakiramdam na hindi
mahalaga, at kadalasan ay hindi kayang mabuhay sa normal na paraan. Isang
nakapipinsalang kondisyon na labis na nakakaapekto sa pamilya ng pasyenteng
meron nito, sa trabaho, sa pag-aaral, sa pagtulog, pagkain at sa kabuuang kalusugan.
At ang labis na depresyon ay maaaring humantong sa puntong kaya nang saktan
ang sarili at ang planong mag suicide o pagpapakamatay ay pumapasok. Ang
suicide o pagpapakamatay ay pagkilos ng sinasadyang pagsasagawa ng sariling
ikamamatay. Ang pagpapakamatay ay kadalasan na ginagawa dahil sa matinding
depresyon. Ang mga salik ng stress katulad ng problemang pinansiyal o mga
problema sa mga interpersonal relationship o pakikipag-ugnayan sa kapwa ang
madalas na inuugnay dito. Ang kaisipan ng pagpapakamatay ay kadalasang
nangayayri kapag ang isang tao ay nawawalan na nang solusyon sa mga suliraning
mukhang hindi na maiiwasan, hindi na makaya ang sakit at walang katapusan.

Dahil ang suicide o pagpapakamatay ay isa sa mga napapanahong isyu sa


Pilipinas ay na angkop ang temang ito ng industriya ng pelikula, para maipakalat at
maipaalam sa lahat na ang gawaing ito ay hindi ang tanging solusyon para
malampasan ang mga matitinding suliranin sa buhay. Isa sa mga pelikula na may
tema at pumapatungkol sa isyung pagpapakamatay ay ang pelikulang Last Night
sa direksyon ni Bb. Joyce E. Bernal na isinulat naman ni Bb. Bella Padilla, na
pinagbibidahan nina Toni Gonzaga-Soriano bilang Carmina Salvador at Piolo
Pascual bilang Mark Peters.

Ang pelikulang ito ay umiikot sa dalawang karakter na si Mark at Carmina na


may intensyong magpakamatay dahil sa bigat ng mga problema na kanilang
dinadamdam. Sa kalagitnaan ng pagtangkang pagpapakamatay ni Mark na tatalon
na sana sa Jones Bridge ay nagkatagpo ang kanilang landas. Si Mark ay isang
negosyante na nawalan na nang ganang mabuhay dahil sa panloloko sa kaniya ng
sarili niyang ina at nawala ang pera na pinag-ipunan ng kanilang non-government
organization kaya kinasuhan siya ng kaniyang mga kaibigan at nawawala pa ang
ina nito dahil nagtatago sa ibang bansa. Habang si Carmina ay isang babae na tila
sumuko na sa buhay dahil pagod na ito sa problema ng kaniyang pamilya. Nang
muntik na sanang tumalon si Mark ay naantala siya dahil sa narinig niyang sigaw
na nanghihingi ng tulong, at nakita niya si Carmina na nasa gilid ng tulay. Ang
jacket ni Carmina ay nasabit sa isang billboard kung saan siya ay mahuhulog na
sana. Tinulungan siya ni Mark, matapos iyon ay naisip ni Carmina na magtulungan
sila sa paghahanap ng iba’t ibang paraan para mamatay. Sa kalagitnaan ng kanilang
paghahanap ng iba’t ibang paraan ng pagpapakamatay, may natuklasan si Mark
tungkol sa sikreto at pagkatao ni Carmina na nagpabago sa takbo ng buhay ni Mark.

Napili ng mga mananaliksik ang pelikulang ito dahil pumapatungkol ito sa


isyung suicide na napapanahon ngayon lalo na sa Pilipinas at naipapakita rin nito
kung gaano ka importante ang buhay ng bawat tao.

Ang pag-aaral na ito ay para sa mga taong nalalagay sa depresyon, stress at


pressure sa kanilang paligiran. Upang maiba ang kanilang pananaw sa buhay at
malaman nila na mayroon pang pag-asa at may layunin pa ang kanilang buhay. Nais
din ng mga mananaliksik na mas maunawaan ng ating lipunan na dapat bigyan ng
pansin ang mga isyu tungkol sa mental health lalong lalo na ang depresyon dahil
isa ito sa mga tumataas na isyu sa ating bansa partikular sa mga kabataan at
kadalasan itong humahantong sa pagpapakamatay o suicide. Upang mabago ang
stigma ng nakararami tungkol sa isyu na ito, at maging boses ng mga taong may
depresyon para hindi silang matakot na humingi ng tulong dahil hindi biro ang isyu
na ito at dapat silang bigyan ng pansin at pag-uunawa.
1.1 Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang kabuoang


ipinahihiwatig ng pelikulang Last Night at upang malaman ang mga tiyak na sagot
sa mga sumusunod na katanungan ng pagsusuri:

1.1.1 Ano ang kwento ng pelikulang Last Night?


1.1.2 Paano nabago ng bidang karakter ang kanyang sarili?
1.1.3 Bakit nagkaroon ng pagsisisi, ano ang hatid nito sa isang tao?

1.2 Saklaw at Delimitasyon

Saklaw ng Pag-aaral ng pelikulang Last Night. Saklaw nitong nabanggit ay


ang pangunahing karakter na si Mark Peters na mayroong depresyon at may
gakustohang magpakamatay. Saklaw din ng pag-aaral ang iba’t ibang aspekto kung
bakit siya nagkaroon ng depresyon haggang sa gusto na niyang magpakamatay.

Hindi na kasali pa sa pag-aaral ang iba pang karakter sa pelikula.

1.3 Depinisyon ng mga Termino

Ang mga sumusonod na salita ay binigyang kahulugan base sa kung paano


sila ginamit sa pag-aaral:

Teoryang Sikolohikal. Binibigyan diin ang pagtatalakay sa kapaligirang


panlipunan na nagpapalalim at nagpapatingkad sa paksa.
Depresyon. Isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang
mood na sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili, kawalan ng interes o
kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain.
Non-government Organization. Isang organisasyon na naayon sa batas na nilikha
ng mga pribadong tao at mga organisasyon kung saan hindi sumasali o
kumakatawan ang anumang uri ng pamahalaan.
Stigma. Isang interpretasyon ng mga tao tungkol sa isang indibidwal o karamihan
dahil sa isang karakteridad na tinataglay nito.
Pelikula. Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang
anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
TSAPTER 2

MGA KAUGNAY

Matutunghayan sa bahaging ito ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura


na may malaking maitutulong para sa ikalilinaw ng pag-aaral.
Dito matutunghayan ang mga ideya at kaisipan na nagmula sa mga eksperto
sa mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral. Makikita rin dito ang iba’t ibang
pananaliksik na naisagawa na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.

2.1 Kaugnay na Literatura

Ayon sa Whisper (N.D.),


Suicide, doesn’t end the pain. It only passes it to someone else.

Ayon sa binanggit ng Whisper, kung ang isang tao ay magpapakamatay lahat


ng mga taong nagmamahal at nagbibigay halaga sa kanya ay masasaktan at
malulungkot. Ang pagpapakamatay ay isang kamalian na kapag nagawa ay hindi
mo mararanasang magsisi habang buhay. Hindi porket nagkaproblema lang ang
isang tao, ay pagpapakamatay na ang solusyon, marami mga paraan upang mahanap
ang kasagutan nga problema at marami pang pwedeng mangyaring maganda sa
buhay. Hindi dapat ginagawang solusyon ang pagpakamatay dahil ito lamang ay
nagdadagdag sa problema.
Maiugnay ito sa pelikulang Last Night dahil ito ay naipakita sa eksenang
may ipinakita si Carmina kay Mark at ito ay ang posibleng mangyari kapag siya ay
magpapakamatay. Ipinakita nito ang pag-iyak ng mga tao na nagmamahal sa mga
taong nagpakamatay sa Jones Bridge at higit sa lahat, nakita ni Mark ang
kalungkotan na mararamdaman ng nanay niya pag siya ay magpakamatay.
Ipinaramdam niya kay Mark na hindi ito tama na solusyon para sa kanyang
problema, na ito lamang ay nagbibigay ng mas malaking problema sa kanyang
nanay. Naiparamdam rin ni Carmina kay Mark ang mga posibleng mangyayari sa
buhay ni Mark.

Ayon sa Pinterest (N.D.),


Suicide, is the one mistake you won’t live to regret.

Ang suicide ay isang kamalian na di mo maranasang magsisi na buhay. Ang


pagpakamatay ay isang pagkakamali na hindi mababago ng isang tao, pag naggawa
na ito, wala ng atrasan pag ito ay maggawa na. Ito ay pagtalikod sa lahat ng
problema at sakit na nararamdaman at ito rin ay ang pagtalikod sa mga opurtunidad
na pwede pang ibigay ng buhay. Sa pangkalahatan, ito ay ang pagtalikod sa buhay
at sa lahat ng mga nagmamahal sa isang tao.
Umuugnay ito sa pelikulang Last Night sa eksenang ipinapakita ni Carmina
kay Mark ang mga pwede pang mangyari sa buhay kay Mark. Naipiakita ni Carmina
ang mga opurtunidad na pwede pang maibigay ng buhay. Ang kasabihan na ito ay
tumutukoy sa mensahe na nais na ipinakita ni Carmina kay Mark.

2.2 Batayang Teoretikal

Nakabatay ang pag-aaral sa Teoryang Sikolohikal na may layuning


ipaliwanag sa pamamagitan ng mga salig sa pagbuo ng naturang behavior (pag-
uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.
Ipinakikita sa akda. Ipinakita sa akda na ang tao nagbabago o nagkaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na magbago o mabuo ito.
Ang pananaw sikolohikal ay may iba’t ibang aspekto ngunit ang
pangunahing sinusuri sa pananaliksik ay ang tauhan sa loob ng pelikula, ang
motibasyon nito, ang epekto ng nakaraan sa kanila, ang relasyon nila sa isa’t isa at
kung may pagbabago sa bida dahil sa isa pang karakter.
Sa kontekstong ito ginagamit ang Teoryang Sikolohikal dahil ang
kagustohang magpakamatay at may pagbabago sa kanyang desisyon sa angunahing
karakter na si Mark sa pelikulang Last Night ay may tulong ng isa pang karatek na
si Carmina. Dahil sa kalagitnaan ng kanilang pagsasama ay nakita niya ang halaga
ng buhay at nakombinsi siya ni Carmina na wag ipatuloy ang plano niyang
magpakamatay.

2.3 Batayang Konseptual

LAST NIGHT

MARK

PROBLEMA DAMDAMIN STRESS

SUICIDE
Figyur 1.
Sa batayang konseptual na ito ay pinapakita ang paghihiwalay ng kabuoang
mensahe ng pelikulang Last Night. Isinasaad dito ang mga aspeto na nagdudulot
sa gagustohang magpakamatay ni Mark batay sa problema, damdamin at stress na
naranasan niya.
Ang depresyon ay isang mental illness na kung saan naaapektohan ang pag-
iisip at ang emosyonal na aspeto ng isang tao, nandahil rin sa wala silang mahanap
na solusyon sa kanilang problema ay nag-uudyok ito sa pagpapakamatay, at ang
mga katangiang ito ay natataglay ng pangunahing karakter na si Mark Peters.
Kadalasan sa mga kadahilanan nito ay tungkol sa Pamilya at Relasyon sa kaibigan,
kasintahan o katrabaho.
Dahil sa mga kaisipan tungkol sa pamilya at relasyon naidudulot nito ang
pagka-stress ni Mark, naapektohan din ang kanyang damdamin at palaging umiikot
sa kanyang isipan ang mga problema na hindi niya masolusyonan. Hanggang sa
dumating ito sa punto na naisip ng bidang karakter na si Mark na taposin ang
kanyang buhay o magpakamatay.
TSAPTER 3

METODOLOHIYA

Ilalahad sa bahaging ito ang paraang ginamit upang maging matagumpay


ang isinagawang pag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang kwalitatibong kategorya at
ang pagsusuri ng dokumento (content analysis). ginagamit ito upang masukat o
mabigyang ebalwasyon ang nilalaman ng isang dokumento o mga tala gaya ng mga
rekord, dokumento ng mga libro, artikulo, alamat, kanta, ay iba pang babasahin.

3.1 Pangangalap ng Datos


Bago magkaroon ng paksang itatalakay ang mga mananaliksik, nag isip
muna sila ng isang magandang pelikula na maaaring maging paksa. Upang mas
maunawaan ng mga mananaliksik ang pelikulang mapipili at mapag-aaralan,
gagamit ang mga mananaliksik ng gadget o mga makabagong teknolohiya tulad
ng selpon, tablet, laptap at kompyuter para ito ay mapanood nila. Nanood muna
sila ng trailer ng pelikula at naghanap ng kopya ng pelikula at ito ay mahahanap
sa website na Putlocker. Ida-download ng mga mananaliksik ang pelikula
upang ito ay mapanood. Ipamimigay ang kopya ng pelikula sa bawat
mananaliksik. Pagkatapos ay panonoorin ng bawat mananaliksik at pag-aaralan
ang pelikula.

3.2 Pagsasaayos at Pag-aanalisa ng mga Datos


Ipinanood ng mga mananaliksik ang pelikula ng magkasama. Habang
ipinanonood ito ay nagsusulat ang mga mananaliksik ng mga importanteng
impormasyon upang magamit sa pangkalahatang ideya sa kung ano ang
maaaring tatalakayin tungkol sa pelikulang pag-aaralan bilang grupo.
Pagkatapos panoorin ang pelikula, nagkaroon ng paghahambing ang mga
mananaliksik at susuriin ng maayos kung ano ang maisusulat nila na maaaring
talakayin tungkol sa pelikula at pinili ang mga deskripsyon na maaaring
magkapareho na kanilang maisusulat sa pagitan ng mga mananaliksik.
Sa pagsasagot, gumawa ng indibidwal na pagsusuri ang mga mananaliksik.
Pagkatapos ay pinagusapan ang kanilang naging obserbasyon o sagot sa
kanilang pagsusuri bago ipinagpatuloy ang pagawa ng mga datos.
TSAPTER 4

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Inilahad sa bahaging ito ang presentasyon ng mga nakolektang datos. Ang


presentasyon ng mga datos at kaukulang analisis nito ay inilahad ayon sa
pagkasunod-sunod ng mga katanungang nais masagot sa pag-aaral na ito.

4.1 Kwento ng pelikulang Last Night


Ang pelikukang Last Night ay tungkol sa isyung suicide na isa sa mga
isyung tumataas ngayon lalong lalo na sa mga kabataan at naipapakita rin ng
pelikula kung gaano ka importante ang buhay ng bawat tao. Ang pelikulang ito
tungkol sa buhay ng dalawang karakter na sina Mark Peters at Carmina Salvador na
may intensyong magpakamatay dahil sa bigat ng mga problema na kanilang
dinadala. Nagtagpo ang landas nila sa hindi inaasahang paraan at kung saan niyaya
ni Carmina si Mark na sabay silang magpakamatay para kahit sa huling sandal nila
sa mundo ay may kasama siya at di siya nag iisa, kung saan sumang-ayon naman si
Mark. Sila ay nag isip ng iba’t ibang paraan ng kanilang pagpapakamatay at ilang
ulit nila itong ginawa ngunit paulit ulit din silang nabibigo. Sa patuloy nilang
paglalakbay ay binuksan nila ang damdamin ng isa’t isa at tila may nag bago sa
puso at pagiisip ni Mark na nakapagbago sa pananaw niya sa buhay.

4.2 Pagbabago ng Bidang Karakter


Sa ilang ulit nilang pagpapakamatay at paulit ulit na pagiging bigo sa
kanilang pagtangka, unti-unting nagkakaroon ng saysay ang buhay ni Mark. Sa
kanilang pagsasama, nagbago ang perspektibo ni Mark sa buhay at nagkaroon siya
ng pag-asa sa tulong ni Carmina. Ipinakita sa kanya ni Carmina na kapag siya ay
nagpakamatay, maraming mawawala sa kanya, may mga opurtunidad na maaari
pang mangyari na masasayang at lubusang masasaktan ang mga taong
nagmamalasakit sa kanya, kagaya ng kanyang pamilya sa kabila ng mga nagawa
niya sa buhay.

4.3 Pagsisisi ng Bidang Karakter at ang hatid nito sa isang tao


Sa eksena kung saan ipinaranas ni Carmina kay Mark ang kahihinatnan niya
pakag siya ay magpapakamatay ay nasa ilalim sila ng Jones Bridge at kasama niya
ang iba’t ibang tao na nagpakamatay noon na nakatingin sa itaas na may malungkot
at halong pagsisisi. Sinundan ni Mark kung saan sila naka tingin at nakita ang mga
nagmamalasakit sa mga taong iyon na nagluluksa sa itaas ng tulay habang hinahagis
ang mga bulaklak, at isa na don ang kanyang ina na sa kasalukuyan ay nag tatago.
Pagkatapos non ay binalik ni Carmina si Mark sa kasalukuyan at ipinaliwanag sa
kanya na maraming mga opurtonidad na mawawala sa kanya kung ipagpapatuloy
niya ang planong magpakamatay, ipinagtanto sa kanya na may pagasa pang mag
bago ang takbo ng buhay niya.

Ang kasunod na eskena ay kung saan mag isa lng si Mark at nagiisip ng
malalim tungkol sa sitwasyon niya lalong lalo na ang ipinaranas sa kanya ni
Carmina, at ang tanging emosyon na nangingibabaw sa kanya ay ang ang pagsisisi.
Nagsisisi siya sa mga kamalalian na nagawa niya noon, ang pagsisinungaling,
pagtraydor sa kanyang mga kaibigan na naging dahilan ng pag bagsak ng kanilang
non-government organization, pagtitiwala sa maling tao at pag iwan sa kanya ng
kanyang asawa. Pinagsisisihan niya lahat ng iyon at napagtanto niya na tama si
Carmina at kung magpapakamatay siya magsisisi lng din siya sa huli, dahil
mawawalan siya ng opurtonidad na itama ang mga mali niyang nagawa.

Ang hatid ng pagsisisi sa isang tao ay ang pagtanto sa lahat ng masamang


nagawa at maintindihan ito ng mabuti upang maunawaan ang lahat at na hindi pa
huli ang lahat na magsimula muli, upang itama ang mga pagkakamali.
TSAPTER 5

BUOD, KONKLUSYON, AT REKUMENDASYON

5.1 Buod

Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri tungkol sa pelikulang Last Night.


Naglalayon ang pag-aaral na ito na masuri ang pelikula at maibahagi ang mas
malalaim na kahulugan ng pelikula. Pinagsikapang sagutin ng pag-aaral na ito ang
mga sumusunod na mga katanungan:

5.1.1 Ano ang kwento ng pelikulang “Last Night”?


5.1.2 Paano nabago ng bidang karakter ang kanyang sarili?
5.1.3 Bakit nagkaroon ng pagsisisi, ano ang hatid nito sa isang tao?

Gumamit ang mga mananaliksik ng pagsusuri ng dokumento (content analysis)


upang mabigyang kahulugan ang akda.
Lumabas sa pag-aaral na ang pelikukang “Last Night” ay tungkol sa isyung
“suicide” na napapanahon ngayon at naipahayag rin ng pelikula kung gaano ka
mahalaga ang buhay ng bawat tao. Naipakita dito ang dala ng isang mabigat na
problema sa isang tao, at kung paano ito humahantong sa kagustohang
magpakamatay.
Nabago ang pananawa ni Mark sa buhay sa tulong ni Carmina. Muling nabigyan
ng pag-asa si Mark na baguhin at ipatuloy ang kanyang buhay. Sa pangyayaring ito
nalaman niya na maraming mawawalang opurtunidad kapag siya ay magpakamatay
at lubos lamang siyang masasaktan.
Nagsisi si Mark dulot ng kanyang kagustuhang magpakamatay, nalaman niya
ang kahihinatnan niya kapag siya ay magpakamatay. Sa eksenang iyon ipinakita ni
Carmina ang kanyang ina na nagluluksa para sa kanya. Mula noon, nalaman na ni
Mark na hindi tama na tapusin niya ng ganun lang kadali ang kanyang buhay dahil
ito lamang ay magdudulot ng mas malaking problema at maraming mawawalang
mga magagandang opurutunidad na nais pang dadating sa kanyang buhay.

5.2 Konklusyon
Batay sa resulta ng isinasagawang pag-aaral, nabuo ang sumusunod na
konklusyon:

1. Ipinakita sa pelikula na ang suicide o pagpapakamatay ay hindi ang tangin


solusyon para malutas at matakasan ang mga mabibigat na problema.
2. Ang suicide o pagpapakamatay ay nagbibigay lamang ng matinding
pagdadalamhati at kalungkutan sa mga taong nagmamalasakit sa taong
nagpapakamatay.
3. Hindi pa huli ang lahat para magbago at itama ang mga pagkakamali na
nagawa sa buhay. Dahil ang buhay ay isang paglalakbay na puno ng pag-
aaral at sa mga pagkakamali tayo natututo.
4. Ang mga sugat ng nakaraan ay hihilom rin baling araw, na magagawa rin
ng tao na ipagpatuloy ang kanyang buhay sa kabila ng kanyang mga
matitinding pinagdaanan.
5. Ang isang problema ay hindi magpasiya sa buhay ng isang tao, kundi ito
lamang ay isang balakid na humaharang sa daanan ng buhay ng tao.
6. Ang pagpapakamatay ay walang maganda na maidudulot sa buhay ng isang
tao, ngunit ito lamang ay nagpapalaki ng problema sa paraan ng pagpasa
nito sa mga taong may pagmamalasakit sa kanya.
REPERENSIYA

https://www.youtube.com/watch?v=2-5BerbNjOE

http://whisper.sh/whisper/051aeffeba537168312147a1dbda298b9afd8c/Suicid
e-Doesnt-Stop-The-Pain-It-Just-Passes-It-On-To-Someone-Else-

https://www.pinterest.com/pin/325596248041924743/
MGA MANANALIKSIK

Angus, Ma. Alyssa Daye R.


Artiaga, Mary Ann A.
Aranton, Davidson P. III
Macarampat, Sittie Ashley B.
Manabat, Francis Roi L.
Ompad, Khrys Laurence G.

You might also like