You are on page 1of 2

Dalawang araw bago sumapit ang Araw ng mga Puso,

Maluwalhating nilisan ng isang anghel ang ginagalawang mundo,

Dala lahat ng masasayang alaala ng mga taong nagtatangis,

Sapagkat habambuhay na ang kanyang pag-alis.

Hindi inaakalang kaybilis nyang lilisan,

Tanging bulong sa mahimbing na natutulog natitirang paraan,

Napakaraming pagkakataon ang aking pinalipas,

Mga dapat sambitin na mga salita at saloobin, hindi nailabas.

Oras na nalaman na ikaw ay nalagutan ng hininga,

Bumabagal ang inog ng mundo, bumigat lahat ng nadarama

Maaaring misyon sa lupa ay tapos na, bilang kapiling na ng Diyos Ama

Ngunit humihiling na sana ‘ang bukas ay kahapon’, malaking sana.

Ang iyong mga ngiti at halakhak na walang bahid ng karumihan,

Para sa ami’y sadyang anong sarap titigan at pakinggan,

Maikubli lamang ang lahat ng sakit na iyong nararanasan,

Tunay ngang anong bigat sa dibdib na makita ang yong kalagayan.

Dumating na nga ang araw na inilathala ng Makapangyarihan,

Buhay na may hinagpis, sakit ay kanya ng tinuldukan,

Ang tila habambuhay na paglisan ay sadyang simula lamang,

Ng kanyang paglalakbay tungo sa paraiso kasama ang Poong Maykapal.


Lungkot, pighati, pagdadalamhati tanging nadarama,

Ngunit ang pagpanaw ng isang minamahal ay dapat ipaggunita,

Para sa mga nangangabuhay, ang buhay ay saglit lang na mawawala,

Kaya’t ipagpasalamat ang bawat madadatnang umaga.

You might also like