You are on page 1of 1

Pamumunong may butas, may lunas kay Salinas!

Ruffa Mae Salinas nga po pala, ang presidenteng may


serbisyong seryoso, pulido, hindi ginagawang biro, totoo! Ruffa Mae Salinas po ang susunod na presidente
mo!

Isang mapagpalang araw sa aking minamahal na mga kamag-aral. Nakatayo sa inyong harapan ang isang
babaeng handa kang ipalaban! (di tulad ng ex mo, ipinaglaban ka ba?)
Isang babaeng handang maging boses ng bawat isa. Maging inyong tagapaglingkod. At nangangako ng
seryoso, pulido at totoong serbisyo.

Batid ko ang hirap ng responsibilidad na aking susuungin, Ngunit, ako’y naniniwala na kaya ko, kasama kayo,
kaya nating lumaban! Panahon na para ibalik ang tunay na kabuluhan ng College of Education Student
Council: Hindi nababase sa popularidad,Hindi nababase sa karanasan. Bagkus nababase sa pagkilos at hindi
lamang sa pag-upo, naglilingkod at tinutupad ang mga pangako - hindi ito pinapako.

I, together with my officers will make sure to devote ourselves fully and to uphold the mission and vision of
our beloved College of Education as your student council! Nandito po kami hindi para sa sarili namin, kundi
para sa inyo at sa ating kolehiyo. Kumakatok po kami sa inyong mga puso na kami’y inyong supportahan sa
laban na ito at sama sama, magkakaKAPIT BISIG, nating ibangon ang ating mahal na kolehiyo.

IBOTO! Camille Dalida bilang inyong susunod na 4thyr rep


IBOTO! Mark Guerrero bilang susunod na PRO
IBOTO! Stephanie Hugo bilang susunod na Auditor
IBOTO! Althea Zarate bilang susunod na Treasurer
IBOTO! Erriel Ferrer bilang susunod na Secretary
At ang inyong lingkod, Ruffa Mae Salinas bilang susunod na presidente!

Kami po ang KAPIT BISIG, tatlongpu’t anim na taong nagsisilbi sa pamantasan! Tatlongpu’t anim na taong
naninindigan at kumikilala sa lakas ng bawat isa!

Bumoto ng tama, iboto ang karapat dapat! Bumoto ng deretso, deretsong kapit bisig!

Muli…
(Lahat) MagKAPITBISIG tayo, para sa PAGBABAGO!

Maraming Salamat po!

You might also like