You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Aralin Panlipunan VIII

I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga uri ng lupa
b. Napahahalagahan ng bawat isa ang iba’t-ibang uri ng lupa
c. Naisasagawa ang tungkuling ginagampanan sa pagpapanatili.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Uri ng mga lupa
b. Kagamitan: Mga larawan
c. Sanggunian: Batayang aklat sa Aralin Panlipunan VIII, pahina 19
d. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa iba’t-ibang uri ng lupa
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
(Tatawag ng isang studyante upang pangunahan ang pagdarasal.)
2. Pagbati
“Magandang Umaga sa inyo mga bata!”
3. Pag-alam sa Lumiban
“Sino ang lumiban klase?”
4. Balik-aral
“’Kahapon ating napag-aralan ang mga anyong anyong tubig.”
“Ano-ano ang mga anyong tubig?”

B. Bagong aralin
1. Pagganyak
“Gusto niyo bang umawit?”
“Sabay-sabay nating awitin ang kanatang “Mga Anyong Lupa” sa himig na
“Leron-leron sinta.”

Mga anyong lupa


Dito sa ating bansa
Lambak, kapatagan
Yaman nitong bayan
Talampas at bulkan
Kaygandang pagmasdan
Burol, kabundukan
Ating alagaan
2. Paglalahad
“Anu-ano ang mga anyong lupa ang binanggit sa awitin?”

“Burol, bundok, kapatagan, lambak,talampas, bulkan at bulubundukin ay isang


uri ng anyong lupa”
“Ngayon, alamin natin kung anu-ano ang mga uri ng anyong lupa at ang
kanilang mga katangian.

3. Pagtatalakay
“Sa mga larawan sa pisara ano sa tingin niyo ang Kapatagan?”
 Ang kapatagan ay isang lugar kung saan walang pagtaas o
pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong
taniman ng mga palay,mais,at gulay.
“Ano naman sa tingin niyo ang bundok?”
 “Ang bundok ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may
matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol.
“Saan naman sa mga larawan na ito ang bulkan?”
 “Ang bulkan ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan
ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman
ng daigdig.
“Alin naman dito ang burol?”
 “Ang burol ay higit na mas mababa ito kaysa sa bundok. Pabilog
ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon
ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
“Saan naman dito ang lambak?
 “Ang lambak ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga
bundok.
“Saan naman dito ang talampas?”
 Ang talampas ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar.
“Alin naman dito ang baybayin?”
 “Ang baybayin ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
“Alin naman dito sa mga larawan ang Bulubundukin?
 Ang bulubundukin ay ang mga magkakatabi o magkakadugtong
na bundok.
“Alin naman ditto ang pulo?”
 Ang pulo ay mga lupain na napalilibutan ng tubig.”
“Ngayon mga bata kung naintindihan niyo na ba ang paksa natin?”

4. Paglalapat
“Magkakaroon tayo nang Gawain.”
“Ihahati ko kayo sa tatlong grupo. Bawat grupo magbibigay ako ng mga letra
at buuin niyo ito. Pag nabuo na ninyo ang mga letra, pupunta kayo dito sa
gitna at sabihin kung anong uri nang anyong lupa ang inyong nabuo sa mga
letra.

5. Paglalahat
“Ano ang inyong natutunan sa leksyon natin ngayong araw?”
“Anu-ano ba ang uri ng lupa?”
“Magbigay nang halimbawa nang isa sa mga uri ng anyong lupa.”

IV. Pagtataya:
Isulat at sagutin ang mga sumusunod.
Ilagay ang angkop na anyong lupa ang sa patlang.
1. Matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
2. Higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.
3. Patag na anyong lupa sa mataas na lugar.
4. Isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag
at pantay ang lupa rito.
5. Isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi.
6. Mga magkakatabi o magkakadugtong na bundok.
7. Mga lupain na napalilibutan ng tubig.
V. Takdang-aralin
Mag hanap at magprint ng ibat- ibang larawan nang mga anyong lupa at idikit sa
kwaderno.

You might also like