Let me have this sentiment... I saw this photo here in Facebook.
And I was inspired to make this thought
to share with you. Medyo may kahabaan 'to, but let me enlighten you in a way of sharing my experience being in this course, Bachelor of Music. Ako? Hindi pa man ako ganap na musikero, pero in the making masasabi kong napakahirap pala. Lalo sa part kong nag start from being tanga now to a slightly tanga na lang. � � Bago ko kunin ang kursong 'to inakala ko at sinabi ko sa sarili ko, "Masaya 'to! Kanta-kanta lang. Tugtog-tugtog lang.." pero pinatay ako ng sarili kong akala. Para akong biglang nabulunan ng unti-unti ko ng pinag-aaralan ang mga subjects ko. Hindi ko akalain na ang simpleng pag pindot sa piano o sa anumang klaseng intrumento na hahawakan mo ay may kaakibat na pagti-tiyaga matutunan mo lang ang tama at magiging magaling ka lang kung uupuan mo hindi lang ng trenta minutos na practisan kundi kailangan mong gumugol ng panahon, kung kinakailangan mong magpalipas ng oras ng kain gagawin mo makapasa ka lang sa applied major and minor mo. Sa simpleng pagkanta na ginagawa na ng marami na akala mo simple lang, sige placement na lang ng boses pag-usapan tignan natin kung hindi ka literal na mahilo at pagpawisan. Totoo! Walang halong biro. Lalabas ka ng studio na masakit ang ulo at pinagpapawisan lalo na kung ikaw ay baguhan kasi hindi ka pa sanay sa ganung klase ng pagkanta. Considering the periods of the piece kasi to tell you iba-iba sila ng technique, mapa-voice man yan, piano, violin etc. Mag-aaral ka sa gabi ng piyesa kasi sa kagustuhan mong kinabukasan sa lesson time niyo eh mapabilib ang mentor mo, nako, tiyak magrereklamo mga kasamahan mo kasi hindi ka pwedeng hindi makagawa ng ingay dahil kailangang ina-apply mo kung ano natututunan mo. Magsisimula ka rin sa madaling piyesa, at habang nataas ang level mo, pahirap din ng pahirap mga magiging piyesa mo. Hindi kame tulad ng ibang kurso na, uupo ka lang sa study table na bukas ang study lamp at magbabasa ng taimtim para makapasa. Bes, PERFORMANCE AT ACADEMIC field namin iisa. Eh sana isang piyesa lang aaralin mo sa isang sem? Hindi ako nagbibiro, pero kung may lagpas 50, posible kasi kasama na diyan yung piyesa niyo sa choir at instrumental ensemble na ge-grade-an ka rin. Bongga noh? Eh dahil hindi ka robot, hindi mo mapagsasabay-sabay lahat ang aral kasi may mga minor subjects ka pa NA FEELING MAJOR! � Magiging tsismosa/tsismoso ka pa in a sense kasi aaralin mo pa yung buhay ng composer at bakit niya na-compose yung piyesa na 'yon para makatulong sa emosyon mo sa pagpe-perform. Lalim di ba? Tapos sa choir naman, iexpect mo na na kailangan laging handa na para kang member ng Boy Scout and Girl Scout of the Philippines na dapat lagi kang ready kapag nagpatawag ng practice kasi may biglaang appointment. At take note: GRADED PA RIN YAN! Then after trying your hardest sa exam, disappointed ka kasi feeling mo di mo nagawa yung ganitong technique, may na-miss kang nota na importante pa man din, yan, diyan ka matututo sa mga failures mo to try and push your best to the limit. Sa school, especially sa mga schools na public at wala talagang music teacher, madalas naituturo ang music ng mali. Tulad nung book na nai-publish recently na humakot ng bad comments award dito sa Facebook! Kung hindi ako nagaaral ng music, hindi ko malalaman na mali pala 'yon. Haha! Nakakatawa! Kaso yun nga, matututunan ng mga bata ang mali. Haaay... � At bilang Music Educator, sa classroom bida ka rin! Dahil kung choice mo magturo sa classroom, odi siyempre may dagdag trabaho na naman dahil isa ka ring guro. At bilang music major, ieexpect ka ng madlang people na maalam sa lahat, at ikaw naman kahit hindi mo talaga forte tumugtog ng isang instrumento, mapipilitan kang aralin yun dahil sasabihin nila, "Music major ka bakit di mo alam yan?" the thought is like, "Doktor ka, pero di mo kaya manggamot?" At yun na nga, dahil "music major" ka, conductor ka rin ng choir at orchestra. So another time na naman para mag doodle sa pahina ng piyesa para araling yung mga complicated parts or measures, kung sino sasalo ng ganitong chord at saan mapupunta ang melody, sinong boses ang dapat lumakas at humina, mga ganyang bagay. Tapos iisipan mo pa yan ng mga expression at ilalagay at ibibigay ang sarili mong interpretasyon mapatunog lang ng maganda. Both voice and instrument yang application na yan ah, mind you! Madalas, para ka ng paranoid kasi may masasabi ka ng iba't ubang ilustration mai- inject mo lang sa kanila yung gusto mong mangyareng tunog. With matching action pa yun habang ini- explain sa kanila. Nakakatawang isipin, pero once you're there you'll get amazed! PROMISE! O wait bes, I almost forgot! Church musician din nga pala kasali sa trabaho namin. As a member of the Seventh-day Adventist Church, nag-iiba rin ang pananaw namin pagdating sa music ministry. So imagine, from weekdays na busy ka sa school perfecting your major and minor instrument, pagdating ng Sabado, appointed ka to render special music for the LORD — AGAIN, ISASALI MO YAN SA MADIBDIBANG PRACTICE HOURS MO. Lahat ng yan plus yung kailangan mo rin ipakilala sa industriya yung sarili mo paano ka naging iba sa mga musikero sa buong mundo. Tulad ng kung paano mo ginagawang bida ang sarili mo sa propesyong napili mo. Dapat distinct ka. May sarili kang flavor na wala sila. Ganyan ang musikero! At kung maabilidad at madiskarte ka, estudyante ka pa lang, pwede ka na sumideline through teaching your craft. Tatanggap ka ng piano/voice/violin/guitar/cello/ lesson. Kung may gusto magpaturo sa'yo ng Bungkaka lesson, tanggapin mo na rin. � � � So kung ganon, odi another time mo na naman yun. Pero at least, kumikita ka na. So sino may sabing walang pera ang mga musikero? Haha! Basta maabikidad ka lang, nasa sipag at tiyaga ang pang laman sa bulsa at tiyan. Tapos, kapag nakatapos ka na sa kurso mo, akala mo tapos na kalbaryo mo? Hindi pa! Dahil yung buhay mo nung nag-aaral ka pa, yun pa rin ang buhay mo kapag nakapag tapos ka na. Practice dito, practice doon. Not to mention na aarkilahin ka sa isang event like kasal, birthday etc. Bibigyan ka nila ng piyesa na gugugulan mo ng panahon at oras, na pagsasabayin ang pagkain at pag-aaral ng piyesa. Tapos minsan "TY" lang o babaratin ka pa ng umarkila. Pero dahil masaya ka sa ginagawa mo, hahayaan mo na lang kasi katwiran mo, di ka naman sikat na musikero o manganganta. Pero tulad ng litratong ito, exaggerated as it may seem, pero ITO ANG TOTOONG BUHAY NG MGA MUSIKERO. Yung 3 hanggang 5 minutong kabuuan ng isang piyesa maging kanta man o intrumentalist ka lang, sa likod nito ang mga pagpupuyat at gutom na tiniis ma-perfect lang ang gagawin mong pagperform. Madali pa rin ba sa pandinig mo kung ano ang buhay ng musikero? Hindi mo malalaman hangga't wala ka sa sapatos ng isang musikero. Kung gaano kahirap ang course mo bes, ganun din sa amin! Kaya sana yung iba, huwag niyo sabihin na madali ang kursong ito. Sa bagay, wala namang madali eh. Ang importante, lahat tayo gusto ang trabaho. :)