kahulugan sa haypotesis na nais mapatunayan ng mga mananaliksik. Upang maisakatuparan ito, ang mga mananaliksik ay gagawa ng talatanungan na ipamimigay sa mga piling tao sa Lungsod ng Maynila. Ang paraan ng pamimili ay nakabatay sa posisyon sa kumpanyang pinagtatrabahuhan, kung sila ba ay mayroong kapangyarihan para magdesisyon sa pagtanggap ng mga bagong empleyado ng kanilang kumpanya. Limitado lamang sa (target population) ang bilang ng mga taong magkakaroon ng pagkakataon upang masagutan ang talatanungan. Pagkatapos sagutin ay ibabalik nila ito sa mga mananaliksik para sa pagsasama-sama ng mga datos na kanilang makukuha.