You are on page 1of 2

Domingo, Mark John C.

4BSIT7D

Republic Act 1425

(Batas Rizal)

Ang republic act 1425 o mas kilala bilang Batas Rizal ay pinangunahan ng dating

pinunong Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito

mapagtibay noong Hunyo 12, 1956, dumaan ang batas na ito sa mga umaatikabong

debate sa loob ng Senado at Kongreso. Tinawag itong House Bill 5561 sa kongreso na

pinangunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag naman itong Senate Bill 438 sa

Senado na pinangunahan naman ni Sen. Claro M. Recto. Hindi makakapagtaka na sila

ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito, dahil kung babalikan ang kasaysayan,

malinaw na may marubdob na pagmamahal sa bayan ang dalawang ito. Si Gonzales ay

nakipaglaban upang mapalaya ang kanyang mga kababayang sakdalista at si Recto

naman ay malinaw na ipinaglaban ang soberanya ng Pilipinas labas sa Estados Unidos.

Nilalayon ng R.A. na ito na maging inspirasyon ng mga taong bayan, lalo na ng

mga kabataang Pilipino ang naging buhay, at karanasan ni Rizal noong panahon ng

Kastila. Ang batas ay naghahangad na magkaroon ang mga Pilipino ng kanilang sariling

simulain ng kalayaan at pagiging nasyonalismo na binigyang halaga ng ating mga bayani.


Domingo, Mark John C.

4BSIT7D

Nilalayon nitong muling gisingin ang damdaming makabayan ng bawat

mamamayang Pilipino upang maipamana at maisaalaala ng mga kabataan ng susunod na

henereasyon.

Nilalayon din nitong mabigyang parangal ang pambansang bayani, na si Dr. Jose

Rizal at ipaalala sa bawat Pilipino ang kanyang naging malaking bahagi sa kasaysayan ng

Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga ginawa para sa bayan. Ang kanyang buhay,

mga ginawa, at mga sinulat, tulad ng “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”, ay

magsisilbing inspirasyon sa kaisipan ng bawat pilipino upang magkakaroon ng

pagmamahal sa bayan.

Hindi natin dapat kaligtaan ang nagawa nyang kabutihan sa bayan – napalaya niya

tayo sa mga manunupil. Kailangan pa rin talagang pag-aralan dahil bahagi na ito ng ating

kasaysayan. Nagpapatunay na kailangan pa rin natin itong pag-aralan dahil ito ay

kabilang sa mga batas na ipinatupad; layunin ng batas na ito na dapat lahat ng mga

eskuwelahan sa buong pilipinas ay mayroong mga libro at mga nagawa ni Rizal. Dapat

natin siyang gawing simbolo ng ating kalayaan. Ang pag-aaral sa kanya ay para na ring

pagpapasalamat sa nagawa niyang kabutihan.

You might also like