You are on page 1of 1

ALS para sa mga OSY, mas lalong pinagtibay

Ni Marvin D. Bautista

Patuloy na binibigyan ng bagong pag-asa ang mga OSY o Out of School Youth; mga
kabataang hindi nakakatuntong sa paaralan sa pamamagitan ng ALS o Alternative Learning
System na dating Non-Formal o Informal Education sa mataas na paralan ng San Pedro sa
pangunguna ng kanilang guro na si Joel B. Galiza.

Ayon kay Joel B. Galiza, “Maganda itong ALS dahil ‘yung mga kabataang hindi pa
nakapagtapos dati ng hayskul ay maaari na nilang ipagpatuloy at kapag nakapagtapos sila ng
ALS ay makakatanggap sila ng Junior High School Diploma dahil sa kurikulum na K-12 at dahil
din sa bagong kurikulum ay nabago rin ang mga learning strands.”

Ang ALS ay inimplementa ng gobyerno para sa mga kabataang hindi nakapagtapos ng


hayskul o ‘di naman kaya’y mga kabataang mayroon lamang kaunting oras para makapag-aral.

Dagdag pa ni Galiza, “meron lamang 11 na tala ng mag-aaral ng ALS, kaming mga


trainer naman ay may kota naman na 75 students , pero sa ngayon ay medyo bumaba ang mga
enrollees dahil nga sa situwasyon nila sa buhay ‘yung kahirapan kaya mas pinipili na lang nilang
magtrabaho kaysa mag-aral, pero kahit na ganun, ginagawa pa rin namin ‘yung nakasaad sa
kurikulum para kahit papaano ay makasabay sila sa mga regular na estudyante.”

Ang klase ng mga mag-aaral ng ALS ay tuwing huwebes alas 8 hanggang alas 11 ng
umaga. Ngunit kahit isang araw lamang ang pasok nila tuwing linggo ay marami pa rin ang mga
hindi pumapasok, dahil ang karamihan sa mga mag-aaral ng ALS ay magsasaka at sa
kadahilanang mas pinipili na lamang magtrabaho kaysa ang mag-aral, kung may libreng oras
naman ang kanilang guro ay pinupuntahan na lamang niya ang mga mag-aaral sa kanilang bahay.

Sa kabila ng kahirapan at kawalan, pursigido pa rin na makapagtapos ng pag-aaral si


Joshua T. Arciete, isa sa mga mag-aaral ng ALS. “Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para
balang-araw ay makahanap ako ng magandang trabaho at makapag-abroad para matulungan ko
ang mga magulang ko at maihaon sila sa kahirapan” turan ni Arciete.

You might also like