You are on page 1of 1

Ika-26 ng Mayo, 2018.

_________________________
_________________________
_________________________

Minamahal naming kapatid:

Kapayapaan po!

Sa darating pong June 27, 2018 ay ipagdiriwang ng Barangay ng Bagong Nayon ang Kapistahan ng Ina
ng Laging Saklolo na syang patron ng ating barangay. Sa taong ito, ang ilan sa atin pong proyekto para
sa ating bisita ay una, ang pagsasa-ayos ng ating Sound System. Ito po ay huling naipundar noon pang
taong 1974 at ito po ay nangangailangan ng panibagong pagsasa-ayos at para mapaganda ang ating sound
system. Pangalawa, atin pong ipapaayos ang kampanaryo ng ating bisita.

Kaugnay po nito, kami po ay lumalapit sa inyong kabutihang loob upang humingi ng tulong pinansyal
upang maipaayos ang mga nasabing pagawain. Gayun din po, kayo po ay inaanyayahan naming mag-
alay ng Bigas sa araw ng ating Pista, Hunyo 27 sa ganap na ika-9 ng umaga.

Pauna na po ang aming taos pusong pasasalamat sa inyo at umaasa po kami na sa pamamagitan ng
inyong tulong ay maitataguyod at maisasakatuparan natin ang ating mga pagawain sa ating bisita.

Pagpalain nawa kayo ng ating Panginoon!

Lubos na gumagalang,

SIS. MA. ROSA P. PAGADUAN


Pangulo, Sub Parish Pastoral Council
Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan

Sa Kapahintulutan ni:

REV. MSGR. ANDRES S. VALERA, H.P., SLL.


Kura Paroko, Parokya ni San Agustin
Baliwag, Bulacan

Control No: _____________

You might also like