You are on page 1of 3

Mga Isyung Tampok sa #SONA2018

ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Ilang araw na nag nakalipas ng magpalabas ng panayam ang ating


pinakamamahal na pangulo ng bansa. Naging tampok sa ikatlong State of the Nation
Address (SONA) niya ang kanyang kampanya kontra droga, ang kahalagahan ng
pagsugpo ng kriminalidad at katiwalian, ang batas para sa relihiyon ng Bangsamoro, at
ang importansiya ng kapaligiran at ng West Philippine Sea. Gaya ng ipinangako ng
Malacañang, naging maikli lang ang talumpati ng pangulo, at ito ay tumagal lang ng
halos 50 minuto kumpara sa 120 minuto noong nakaraang SONA.

Ang mga sumusunod ay ang mga isyung tinalakay ni Duterte sa kaniyang talumpati:

1. BANGSAMORO

Hindi natuloy ang ipinangako ng Malacañang na pagpirma sa Bangsamoro Organic


Law dahil nabigo ang House of Representatives na ratipikahin ang panukalang
batas.

Naratipika naman ng Senado ang naturang panukala ilang oras bago ang SONA.

Ayon sa pangulo, sa oras na maratipika ng Kongreso ang panukala ay pipirmahan


niya ito sa loob ng 48 oras.

Nangako rin si Pangulong Duterte ng mas malaking pondo para sa Mindanao.

2. KAMPANYA KONTRA DROGA, KRIMINALIDAD, KATIWALIAN

Sinabi rin ni Pangulong Duterte na magpapatuloy ang kampanya ng kaniyang


administrasyon kontra droga.

"The war against illegal drugs will not be sidelined. Instead, it will be as relentless as
chilling, if you will, as the day it began," sabi ni Duterte sa talumpati.

Nagbabala naman siya sa mga kaalyado sa gobyerno na huwag sirain ang kanilang
pagkakaibigan dahil sa katiwalian.

3. WEST PHILIPPINE SEA

Nanindigan din ang pangulo na patuloy niyang ipaglalaban ang mga interes ng
bansa sa West Philippine Sea, kahit pa bumubuo siya ng magandang relasyon sa
Tsina.

"Our improved relationship with China does not mean we will waver to defend our
interest in the West Philippine Sea," aniya.

4. BABALA SA MINING COMPANIES

Nagbabala din ang Pangulo sa malalaking mining companies na huwag sirain ang
kalikasan.
"To the mining industry, I say this once again and maybe for the last time, do not
destroy the environment or compromise our resources. Repair what you have
mismanaged," aniya.

Parating na umano ang mas mahigpit na patakaran gaya ng pagbabawal sa open pit
mining.

Sinabihan din niya ang mga pamahalaang lokal na huwag nang hintayin ang
national government na ipatupad ang batas para sa mga mining company.

5. EASE OF DOING BUSINESS

Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte ang Kongreso sa pag-apruba sa mga batas


tulad ng Ease of Doing Business Act, na layong pabilisin ang mga transaksiyon sa
mga ahensiya ng gobyerno.

Hinimok ng pangulo ang mga pamahalaang lokal sa pagpapatupad nito.

"I hereby direct all government units, makinig sana kayo, to faithfully implement this
law and simplify the process," ani ng Pangulo.

6. MGA ITINUTULAK NA BATAS

Hinimok ng Pangulo ang Kongreso na ipasa ang ilan sa mga legislative priority tulad
ng isang batas na titigil sa kontraktuwalisasyon, sa kabila ng isang executive
order na nagbabawal sa mga ilegal na contractual practice.

Nais din niyang mapasa ang National Land Use Act para mapigilan ang pag-abuso
gaya ng nangyari sa Boracay.

Hinikayat din ng pangulo ang pagpasa ng batas na bubuo sa isang kagawarang


pagtutuunan ng pansin ang pangangasiwa sa mga kalamidad.

"We need a truly empowered department characterized by a unity of command,


science-based approach and full-time focus on natural hazards and disasters,"
aniya.

7. TRAIN LAW

Nanindigan din ang pangulo na patuloy ang pagpapatupad ng Tax Reform for
Acceleration and Inclusion (TRAIN) sa kabila ng "iresponsableng" pagsisi rito sa
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

"Some have incorrectly blamed our efforts toward a fairer tax system for all the price
increases in the past months, and some irresponsibly suggesting to stop TRAIN’s
implementation," sabi ni Pangulong Duterte.

"We cannot and should not. We need this for sustainable growth that leaves no
Filipino left behind," dagdag niya.

Ipinangako naman ng pangulo na isusulong niya ngayong taon ang ikalawang


package ng TRAIN Law na bababaan ang corporate income tax ng mga maliliit na
negosyo.

8. CHARTER CHANGE
Pinasalamatan din ni Duterte sina dating Chief Justice Reynato Puno, dating
Senador Aquilino Pimentel Jr., at ang mga miyembro ng consultative committee na
bumuo sa draft federal constitution.

Ipinahayag niya ang kaniyang kumpiyansang maraming Pilipino ang susuporta sa


isinusulong ng kaniyang administrasyon na pagbabago sa porma ng gobyerno.

Sa huling bahagi ng kaniyang talumpati, muling iginiit ni Pangulong Duterte na wala


siyang balak manungkulan nang higit sa isinasaad ng kasalukuyang Konstitusyon o
ng kung ano pa mang konstitusyon.

Hindi na idinetalye ng pangulo ang ilan pang mga nagawa ng kaniyang


administrasyon pero ipamamahagi na lang ang written version nito sa mga susunod
na araw.

You might also like