You are on page 1of 3

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.1 Introduksyon

Ang apoy ay sanhi ng reaksyon ng mga kemikal na kung saan ang materyal na
naglalaman ng elemento ng karbon ay humahalo sa oxygen at naiinitan. Ang simoy na mula
sa nasabing reaksyon ng kemikal ay dumadapo sa mga bagay na maiinit kaya nagreresulta
ng pagliliyab.

Noong taong 2013,may natalang 39.8 porsyento na aksidenteng sunog sa


bansa(PSA, 2014). Kabilang sa mga sanhi nito ay ang mga napabayaang gamit sa bahay
tulad ng mga gumagamit ng kuryente,kandila,pagluluto,gas,paputok,pagtama ng
kidlat,pagsisilab at paninigarilyo na nagdulot ng pagtaas ng bilang ng mga walang bahay.

Fire is a chemical reaction in which a carbon based material, mixes with oxygen, and
is heated to a point where flammable vapors are produced. These vapors come in contact
with something that is hot enough to cause vapor ignition, resulting in a fire. In simple
terms, something that can burn touches something that is hot, and a fire is produced. Upang
maiwasan ang mga namamatay sasunog ay mahalagang maagang malaman ang apoy na
nabubuo habang maliit pa lamang ito.

Ang tao ang pinaka may kapabilidad upang malaman kung may namumuo na sunog
dahil nararamdaman nila ang init,naaamoy ang usok at nakikita ang apoy. Pero hindi sa
lahat ng pagkakataon ay nababantayan ng tao ang pagkakaroon ng sunog lalo na at hindi
masasabi if kelan at saan ito mangyayari. Dahil sa suliranin na ito ay nagdisenyo kami ng
fire alarm and smoke detector system upang maagang malaman ang pagkakaroon ng sunog
at maiwasan ang pagkalat nito.

1.2 Paglalahad ng suliranin


Sa kasalukuyan, malawak at moderno na ang saklaw ng elektroniks upang makabuo
ng mga bagay na makakatulong sa pagpapadali ng gawain ng tao. Ang hamon sa disenyong
ito ay makagawa ng may kalidad na gamit sa mababang halaga upang mapakinabangan ng
maraming tao. Ang pag aaral na ito ay naglalayon na masagot ang mga katanungan na:

 Abot kaya ba para sa nangngailangan ang produkto na ito?


 Ano ang mga kagandahan at kahinaan ng produkto?
 Gaano katagal na mgagamit ang produkto?
 Paano makakatulong ang proyekto na to sa pagkakaron ng sunog?

1.3 Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng disenyong ito ay makatulong upang maiwasan ang pagkalat ng apoy
at maagapan agad. Ang proyektong ito at nagtataglay ng mga paalala at senyales, at
makakatulong upang maprotektahan ang buhay ng tao.

Naglalayon ang proyekto na ito ipakilala ang makabagong teknolohiya at


awtomasyon sa pamamagitan ng paglalagay nito sa isang particular na lugar para sa
kaligtasan. Layon din ng proyekto na iapkita sa mga interesadong mamimili at mga kapwa
kamag aaral para malinawan sa operasyon at kagandahan ng nasabing proyekto.

1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang disenyong ito ay makatutulong upang mahasa ang kaaalaman ng mga


mananalisik sa paggawa ng Fire Alarm with Smoke Detection System na ginawa para sa
mga bahay at pang komersyo na mga gusali. Ang pagsasakatuparan ng proyekto na ito ay
magsisislbing gabay ng mga mananaliksik,teknisyan at mga inhenyero upang mapaganda
pa ang nasabing proyekto.

1.5 Saklaw at Limitasyon

Ang pyoyekto na ito ay saklaw lamang ang paggamit ng sensor upang malaman an
apagkakaroon ng usok at apoy. Ang circuit ay gumagamit ng 5 boltahe DC gayundin ang
microcontroller na Gizduino. Ang pagtukoy sa presensya ng usok at apoy ay may nakatakda
na sensitibidad para ito at gumana at mag alarma, pero maari baguhin ang sensitibidad na
akma sa lugar.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA]

2.1 Kaugnay na literature

Ang isang sistema sa pag alam ng pagkakaroon ng sunog ay kinapapalooban


ng maraming mga gamit na nagbibigay ng kanya kanyang interpretasyon para
mabigyang babala ang mga tao pag may nagaganap na sakuna. Ang alarma na ito ay
gumagana kapag may usok sa paligid at may init na nababasa ang sensor o maaari
din naman tao ang magpagana kung sakaling may sunog na nakikita sa paligid.

You might also like