You are on page 1of 2

29 January 2018

HON. JOEL MAGLUNSOD


Undersecretary
Department Of Labor and Employment
Intramuros, Manila

Dear SIR!

Tulungan nyo po kami sa aming kalagayan bilang mga manggagawa na inaapi ng


isang Labor Service Manpower COOPERATIVE na iniikutan ang batas paggawa at
D.O.174-17 na bagamat kami po ay sobra na ng sampung (10) taon sa ibat-ibang
kumpanya na kliyente ng aming COOPERATIVE MANPOWER, hindi pa rin kami
regular sa aming trabaho at maaaring tanggalin sa trabaho kapag hindi kami
pumayag na maging miyembro ng COOPERATIVE.

Ang cooperative manpower na ito ay gumagamit ng lisenysa ng D.O.174-17 bilang


isang Janitorial Services provider pero kami ay mga skilled workers na
nagtatrabaho hindi bilang janitors bagkus production workers, receptionist, cook,
waiters sa kanilang kliyente, Inihaw Express, Handaan, LCC Malls, Mantrade
Philippines at CANARY, mga directly related functions na dapat sana ay regular na
kami sa kanilang kliyente. Mulat sapul ay hindi kami nakatikim ng dividend mula
sa kita ng cooperative bilang isang miyembro at patuloy kaming kinakaltasan ng
membership fee at capital build-up kahit ito ay labag sa aming kalooban.
Maraming beses na kaming nagtangka na magreklamo pero lagi kaming pinauuwi
ng inyong DOLE field office . Totoo nga siguro na napakalakas ng kumpanyang ito
at may nagbibigay ng proteksyon sa kanila gaya ng sinasabi nila .

Ang Pangalan ng cooperative manpower ay: SAVEPLUS LABOR SERVICE


COOPERATIVE na may higit na 10,000 cooperative workers nationwide na
matatagpuan sa Unit 7161 Schilling Lane Villanueva Village, San Dionisio,
Paranaque City.

Umaasa sa inyong tulong,

Mga Manggagawa ng SPLSC

You might also like