You are on page 1of 11

ABISO

Group 1 – St. Ambrose of Milan


Acosta, Nickole Jazlyn R.
Birog, Josine Noelle A.
Beatingo, Xander Mark P.
Crizaldo, Angela Grace E.
Pons, Patrick Joseph B.

PAKSA: Buhay
TAGPUAN: La Ciudad Blanca (“the white city", legendary city of Honduras)
GOD/S & GODDESS/ES:

 Alastor - god of family feuds and avenger of evil deeds


 Morpheus - god of dreams and sleep
SIMBOLISMO:

 panaginip - babala
 Calix - kasipagan
 Ulysses at Mr. Fockerson - mga tao sa paligid/ nakakapansin ng kilos ng iba
 Ulysses – palaging galit
 Miles - mapagmahal
TAUHAN:

 Calix - bida  Darius - kaibigan


 Agatha – childhood bestfriend  Gregory – kaibigan
 Miles - butihing ina  Mr. Fockerson – Company President/CEO
 Ulysses – striktong ama  Mrs. Simeon – CEO Assistant

MORAL: Tayo'y dapat maging mapagpakumbaba bago pa mawala lahat ng mahahalaga saatin.
MGA INAASAHANG MANGYAYARI:
 727th day:

 (1 day before 2 years anniv sa company), epekto ng: dahil nag sstand out sa trabaho, naging
mayabang sa mga kaibigan lalo na sa kanyang ama
 last day until promised promotion
 last day para magbago
 mawawalan ng kaibigan
 tatalikuran ng babaeng nagkakagusto sakanya (kaibigan rin)
 mamamatayan ng ina (nag iisang kakampi sa buhay)
Sa isang malaking bayan ng La Ciudad Blanca ay may isang kilalang lalaki dahil sa kanyang kakisigan, kasipagan at
katalinuhang taglay. Maraming babae ang nagkakagusto sakanya kaya nama’y halos lahat ng lalaki sa lugar ay
may galit sakanya dahil nasa kanya na ang lahat. Siya at siya lang ang ang gusting gusto ng mga kababaihan noon
pa lamang. Siya rin ay mayroong masayang pamilya ngunit nagbago ito nang may nagdasal kay Alastor, ang diyos
ng away-pampamilya at diyos ng tagapaghiganti ng
masasamang gawain sa kalangitan na sana’y
magkaroon siya ng isang malaking problema na
dadalhin niya hanggang sa kanyang pagtanda. Kaya
bata pa lamang si Calix ay nagkakaroon na sila ng 'di
pagkaka unawaan ng kanyang amang si Ulysses.
Pagkat nagbago ang isipan ni Ulysses sa pamamaraan
ng kanyang pag disiplina sa anak. Dati’y ayos lang
sakanya ang onting pagkakamaling nagagawa ni Calix
ngunit ngayo’y gustong gusto ni Ulysses na mag
pursige pa at maghirap si Calix para magkaroon siya ng
maginhawang kinabukasan 'di tulad ng kahirapan ng
buhay nila sa kasalukuyan. Naiintindihan naman ni
Miles ang ibig ipahiwatid ng kanyang asawa sakanila ngunit 'di parin siya sang-ayon sa sobrang kahigpitan ni
Ulysses sa nag-iisa nilang anak na si Calix. Kaya kada gabi nalang ay nagkakaroon sila ng matinding away
pampamilya. Dagdag pa sa rason ang laging paglalasing ng ama ni Calix tuwing gabi dahilan sa kalungkutan sa
sobrang hirap nang kanilang kabuhayan. Hanggang sa unti-unti na itong nababago mula nung nakahanap na ng
trabaho si Calix.

Mula pa noong college pa lamang si Calix, nakagawian na nila ni Agatha, ang kanyang matalik na kaibigan, na sa
umaga ay laging niyang susunduin si Agatha sa kanyang tirahan para sabay silang pumasok at mag almusal. At
nadala na din nila ito hanggang sa sila’y nagttrabaho na. Ang kaibahan lang nito sa dati ay nagkaron na siya ng
sariling kotse na dati’y naglalakad lamang para makapasok sa eskwelahan.
Sa pagpasok ni Calix at Agatha sa trabaho nung unang buwan pa lamang nila, ay kinabahan sila nang Makita ang
CEO Assistant na si Lara Simeon na papalapit ng papalapit sa kinatatayuan nila.
“Mr. Gregory Verge, Darius Santos, Calix Villafuerte and Ms. Agatha Ortigoza, Mr. President wants to see you in
his office. This way please.” Mahinahon na sabi ng dalaga.
Sa sobrang kaba ng apat ay ‘di na nila nasagot ang dalaga at agad na lamang nila ito sinundan patungong opisina
ng presidente. Pagkadating na pagkadating ng apat sa opisina ay agad nilang binati si Mr. Fockerson na siyang
nagpatawag sa apat na bagong empleyado. “okay, good morning. Don’t be too nervous, I only wanted to talk
with you because I’ve seen much potential in you than the other new employees. Inshort, only four out of 150
new employees standout. At kayo ‘yon. Lalo na si Mr. Villafuerte at Ms. Ortigoza. Congratulations! Keep up the
great work and let’s see kung sino ang mabibigyan ko agad ng promotion. I only give it to the most deserving
employee.” Masayang wika ng presidente. Sa pagkasabi na pagkasabi non ng presidente ay sa wakas nakahinga
na rin ng maluwag ang apat. “Thank you for the notice, Mr. Fockerson!” sagot nina Gregory at Darius. “Thank you
sir!” habol naman nina Calix at Agatha. “Okay, that’s all. Mrs. Simeon, you may lead them back to their respective
own area. Thank you!”
“Yes, Mr. President. This way please.”
Sa pag lakad pabalik sa kani kanilang work area, binati sila ni Ms. Simeon at ‘doon na ‘rin nagsimulang makausap
nina Calix at Agatha sila Gregory at Darius.
“Congratulations once again and you may continue your work.”
“Thank you, Ms. Simeon!”
Masayang nag-usap ang magkaibigang si Calix at Agatha nab aka simula na ‘rin yon ng pagpapatunay ni Calix ng
kanyang sarili sa kanyang ama.
“Unang buwan pa lamang natin sa trabaho, kilala na agad tayo ni Mr. Fockerson! Magandang simula ‘to, Cal!”
“At malaki ‘rin ang opurtunidad natin na makakuha ng promosyon! No offense Agatha pero pag hihirapan ko
talagang makuha ‘yon. Ako makakakuha ng promosyong ‘yon!” nangangasar na sabi ni Calix.
“Hay nako sige na. Basta pag-igihin natin ang pagttrabaho.”
Nagpatuloy na sila sa kanilang ginagawa hanggang sa sila’y tinapik nina Darius at Gregory.
“Uy oh, desisdido silang makuha yung promosyon. Mamaya na ‘yan! Kumain muna tayo at alas dos na, di pa tayo
nag llunch.” Wika ni Darius.
“Oo nga naman. Tara na! Atsaka para naman may kaibigan ‘rin kami dito. Oh ano? Dali, treat ko.” Singit ni
Gregory.
Nagkatinginan ang magkaibigang Agatha at Calix at napangiti.
“Okay lang sakin. Gutom na din ako e. Ikaw ba, Agatha?”
“Kung okay lang sayo, okay lang din sakin.” Sagot ni Agatha.
“Sakto! Tara na!”
Sa pagtungong cafeteria ay ‘di masyadong nagsasalita sina Calix at Agatha. Ngunit pagkaupo na pagkaupo nila sa
kani kanilang upuan ay siya namang ingay nina Gregory at Darius.
“So, ano palang meron sainyo ni Agatha, Calis?” tanong ni Gregory.
“Calix, hindi Calis.” Natatawang sagot ni Calix.
“Mag bestfriend kami ni Agatha noong bata pa lamang kami.” Dagdag niya pa.
“Nako, pagpasensiyahan niyo na ‘tong si Greg. Mahina talaga pandinig niyan minsan.” Banat ni Darius.
“Huwag mo nga akong pahiyain sa harap nila, Dari!”
“Kanino ka ba nahihiya? Sakanilang dalawa o kay Agatha lang? Yie!”
Habang nagkukulitan sina Gregory at Darius, tinatawanan lang sila ni Calix at si Agatha nama’y nakatitig lamang
sa mga mata ni Calix at napansin ito ni Gregory. Napatigil saglit si Gregory at napabulong sa hanging, “kainggit
naman.”
“AY!”
Nagulat sina Calix, Agatha at Gregory sa pagsigaw ni Darius.
“Alam ko na! Magkwentuhan na lang muna tayo! Bakit ang talino niyong dalawa masyado?” dagdag ni Darius.
“Hindi naman. Siguro may gusto lang din patunayan. At pinaghirapan ko din talagang makaabot rito. Parehas
kami ni Agatha ngunit mas kumplikado ang kwento ko.” Sagot ni Calix.
“Oh, anong oras na pala. Sa susunod na lang uli. Salamat sa libre at sa onting oras na pinatawa niyo kami.” Singit
ni Calix.
“Salamat!” habol pa ni Agatha.
At simula nung araw na yon ay sila na lagi ang magkakasama kumain sa umaga, sa hapon at maging sa uwian.
Pagkatapos lumipas ng mahigit isang taon at anim na buwang pagsasama, ay naikkwento na ‘rin ni Calix ang
araw-araw na pag-aaway nila ng kanyang ama na si Ulysses. Hangganag sa isang araw, pagkauwi ni Calix ay tila
sobrang lasing ng kanyang ama at ‘di na makontrol ng kanyang ina. Dumadating na din sa punto na
pinagbababato ni Ulysses si Miles ng mga bote ng alak na siyang ikinagalit ng lubusan ni Calix. “Tama na ama!
Nasasaktan na ang inay sa pinaggagagawa mo!” sabay hawak sa ama niyang walang wala na sa huwisyo. “Huwag
na huwag mokong pagsasabihan, Calix at wala kapang napatutunayan! Isa ka lang kahihiyan sa pamilyang ‘to! Di
porket nasweldo kana ay pwede mo na akong pagsabihan! Bahay ko ito at ako ang lagging masusunod!” sigaw ng
ama habang tinatanggal ang pagkakahawak ni Calix sakanya.
“Tama na! Lasing na lasing kana at sumosobra kana!” sagot ni Calix.
“Wala akong pake sa nararamdaman mo! Wala
kang bilang sa pamilyang ‘to! Antagal ka
naming inalagaan ng ina mo, puro sakit pa sa
ulo ipararating mo sakin? Nakakahiya kang
tawaging anak!” galit na galit na sabi ni Ulysses
hanggang siya’y natumba na at nakatulog sa
lapag.
Nagmarka ang mga sinabi ni Ulysses sa puso’t
isipan ni Calix na siyang dagdag nanaman sa
sakit at poot na nararamdaman ni Calix.
Ramdam ‘to ng kanyang ina kaya niyakap niya
ng mahigpit ang nasasaktan na anak.
“Hindi totoo ang sinabi ng ‘yong ama, Calix. Huwag na huwag mong dadamdamin ang mga ‘yon dahil ang totoo’y
proud na proud kami sayo, anak.”
Hindi na nakapagsalita si Calix at patuloy lang ang luhang umagos sa kanyang mga mukha.
Kinabukasan noo’y umaga palang ay tila pansin agad ni Agatha ang katamlayan ni Calix at ang kanyang matang
magang maga kakaiyak.
“Cal, may gusto kabang pag-usapan?”
“Wag na muna ngayon, Agatha. Tara na?” mahinahong sagot ni Calix.
Tumungo nalang si Agatha kahit alam niyang kailangang kailangan ni Calix ng kausap. Alam niyang sa kabila ng
bawat ngiting ipinapakita sakanya ni Calix ay siyang malubhang sakit sa damdamin ang dinaranas nito. Kung ano
ang nararamdaman ni Calix ay siyang dobleng epekto kay Agatha kaya nama’y sa kanilang byahe patungong
kompanya ay walang umiimik.
Pagdating nila ng kompanya ay sinalubong agad sila nila Gregory at Darius at agad napansin ang bago sa dalawa.
Hindi matatamis na ngiti ang kita, kung hindi ang katamlayan ng sakit ng kahapon.
“Cal, Atha, anong problema?” tanong ni Greg.
“Mag almusal na muna tayo at huwag na muna pag-usapan ang kung anong meron. Tara na?” tugon ni Calix.
Sumunod ang lahat kay Calix na siyang nanguna patungong cafeteria. Tahimik ang lahat dahil alam nilang
malubha nanaman ang away ni Calix at ni Ulysses ngunit ‘di nila alam kung paano pasasayahin si Calix.
Nagpatuloy ang katahimikan na ‘to hanggang sa linapitan ni Ms. Simeon ang binata.
“Mr. Calix Villafuerte, will you please come with me at the president’s office?”
Tumungo lang ang binata at agad sinundan si Lara.
“Are you ready, Mr. Villafuerte?” tugon ni Lara.
“For what, Mrs. Simeon?”
Ngumiti lang si Lara at ‘di na sinagot ang tanong ni Calix.
Pagdating sa opisina ng presidente ay masaganang bati galing kay Mr. Fockerson ang agad niyang sinalubong.
“Congratulations, Mr. Villafuerte! You are the
chosen one to have the promotion slot! Stay like
this until your second year in this company and
you’ll be promoted immediately.”
Agad napaltan ng kasiyahan ang kalungkutang
dinamdam ni Calix ng marinig niya ang magandang
balita.
“Thank you very much, Mr. Fockerson!” masayang
sagot ni Calix at bumalik sa mga kaibigan niyang
may malaking ngiti sa kanyang mga mukha.
“Kamusta? Bakit ka tinawag ni Ms. Simeon?” nagtatakang tanong ni Agatha.
“Galing kami sa opisina ng presidente. At ako ang nakakuha ng promotion slot!”
“Talaga? Congrats pre!”
“Sabi na nga ba, ikaw makakakuha e.”
“Salamat! Salamat dahil lagi kayong anjan para sakin.” wika ni Calix.
At simula noon, mas lalong nag pursigi at mas nag seryoso pa sa trabaho si Calix para mapatunayan niya sa
presidente na karapat dapat siya sa promosyong pinangako sakanya. Ngunit habang papalapit na papalapit na
ang araw ng kanyang pinaka-aantay, ay unti-unti nang nababago ang ugali ni Calix. Yumayabang at sumosobra na
rin ang kanyang pagsasalita kahit sa kanyang mga kaibigan.
Isang araw, ay nagkaron ng problema sa papeles si Darius at agad siyang humingi ng tulong kay Calix.
“Ano ba ‘yan, simpleng problema, ‘di mo kayang ayusin? ‘Di kita matutulungan at marami pakong tatapusin.”
Sagot ni Calix sa paghinging tulong ni Darius at agad nang umalis. Sa sumunod naman na araw, ay humingi si
Gregory ng tulong kay Calix para magtapat ng kanyang damdamin kay Agatha. “Labas nako diyan, Gregory. Ano
ba iyan, aamin ka lang, ‘di mo pa magawa? ‘Di nako magtataka kung ba’t ako ang napili para sa promotion slot!”
at bumalik uli sa pagttrabaho. Sa kanyang pag-uwi, ay sumalubong ang lasing na ama na pagalit na nanghihingi ng
pera sakanya. “’Yan, yan ang napapala mo sa pagbibisyo mo sa buhay! Tagahingi nalang ng pang-inom!”
“Aba’y talagang umaangal kapa pagkatapos ng ilang taon kong pag-aalaga sayo? Tandaan mo, wala kapang
napatutunayan!” pagalit na wika ni Ulysses.
“Antayin mong biyayaan nako ng promosyon at kakainin mo lahat ng pinagsasasabi mo!”
Narinig uli ito ng butihin niyang ina at biglang bumigat ang kanyang damdamin. Dalawang tulog nalang ay
pangalawang taon na ni Calix sa kanyanyang trabaho na nagbunga ng matinding kalungkutan at katakutan ni
Miles. Kalungkutang nag iba na talaga ang ugali ng
kanyang anak at takot na lumala pa ito kapag
nakuha na niya ang promosyong matagal nang
inaasam. Kaya nama’y ipinagdasal niya sa
kalangitan na sana’y bumalik na ang dating Calix
na kanyang pinalaki, ang dating Calix na sobrang
maintindihin sa lahat ng bagay at ang Calix na
sobrang mapagkumbaba. Narinig ni Morpheus,
ang diyos ng panaginip at ng tulog ang mga
hihinagpis ni Miles mula sa kalupaan at
nagpasyang biyayaan ang hingil niya sa pamagitan
ng pag kontrol nito sa panaginip ng anak niyang si
Calix.
Nang makatulog na ang binata, ay siya namang nanaginip. Nanaginip na siya’y nasa opisina ng presidente ng
kumpanya kung saan siya ginamtimpalaan ng promosyon ng kay tagal niyang pinaghirapan at inasam.
“Thankyou Mr. Fockerson for trusting me for this position. I promise that I will do my best, and never will fail
you.” Nakangiting sabi ni Calix habang nakikipagkamay sa presidente ng kompanya. “No. Thank you for showing
your potential, for being the business’ asset, and for coming to our company. Keep it up, Mr. Villafuerte!”
At sa kanyang pag bangon sa ikapitong daang dalawampu't pitong araw niyang nagtatrabaho sa isang sikat na
kompanya ay nagmamadali siya sa pag-ayos at pagpasok ng trabaho dahil ito na rin ang huling araw na
patutunayan niya ang sarili na karapat dapat siya sa pangakong promosyon sakanya sa pangalawang taon niyang
pag pasok dahilan sa kanyang kagalingan sa trabaho. At pagbukas ni Calix ng kanilang pintuan para umalis at
pumasok sa trabaho, ay hinawakan siya ng kanyang ama sa kanyang balikat sabay sabi ng “Anak, alam kong
paunti-unti ka nang na-asenso sa buhay. Pasensiya kana sa mga pagpaparusa’t masasakit na salita na mga sinabi
ko sayo noon. Ngunit ‘yun lang ang alam kong tanging paraan para mag pursigi kang makapagtapos at matupad
ang mga pangarap mo. Sana mapatawad mo ‘rin ako balang araw, anak.”
“Sinasabi mo lang ang mga ‘yan dahil alam mong nagkakapera nako at para humingi ka ng pang inom mo! At
hindi! Hinding hindi kita mapapatawad sa lahat ng pananakit mo sa damdamin ko na nandito parin sa puso ko
hanggang ngayon!” wika ni Calix sabay tinanggal ang kamay ng kanyang ama sa kanyang balikat at agad pumasok
ng kanyang kotse.
Agad na napaupo sa sofa si Ulysses at napaluha sa sobrang lungkot at pagsisisi sa kanyang mga nagawa noon.
Ngunit si Calix naman ay tuwang tuwang nabawian niya rin ng sakit sa damdamin ang kanyang ama pagtapos ng
ilang taon pag titiis. Samantala, ‘di nila alam na narinig pala ni Myles ang sinagot ni Calix sa kanyang nagsising
ama na siya namang lubusang nasaktan dahil sa malaking pagbabago ng kanyang anak. Masyado niya itong
dinamdam at natakot para sa kanyang anak na baka tuluyan nang magbago dulot ng unting-unti niyang pag-
angat sa buhay.
Patungo naman sa bahay ni Agatha, ay dali-dali siyang nagdrive upang maikwento ang nangyari bago pa siya
makapunta kila Agatha. At sa kanyang pagkatok, ngiting ngiti niyang sinabing, “Agatha nandito na ako! Dalian mo
at may maganda akong balita sa’yo!” sa pagbukas ni Agatha ng pintuan ay nagulat siyang masayang masaya ang
kanyang matalik na kaibigan na para bang napa-aga ang pagbigay sakanya ng promosyon ng kompanya. Sa
sobrang saya ni Agatha na makita muli ang kanyang kaibigan na masaya, masayang masaya na din siya sa loob
loob ng kanyang damdamin. “Oh Calix, ano yun? Ngayon nalang kitang nakitang ganyan kasaya ah. Ano ba ‘yun?”
“Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ‘to, Agatha. At dumating na din sa wakas!”
“Aba’y napa-aga ata ang pag tanggap mo ng promosyon?”
“Hindi, Agatha. Bukas pa ‘yun. Ang tinutukoy ko ngayon, ay dumating na ‘rin ang araw na nasagot ko rin si
Ulysses na may laban!”
“Ha?” nalilitong sagot ni Agatha.
“Inamin niya ‘ring nagkamali siya sa lahat ng ginawa at mga nasabi niya sakin noon at humingi ng tawad. Pero
syempre, ‘di ako hangal para patawarin nalang siya ng ganon ganon. Alam kong pera lamang ang habol niya
sakin! Kaya nama’y kinuha ko na ang pagkakataong masaktan rin ang damdamin niya at makabawi sa lahat ng
sakit ng kanyang ginawa!” nanggigigil na wika ni Calix.
“Paano mo nagawa ‘yun, Calix? Ama mo parin siya.”
“Ginawa ko lang ang dapat kong gawin, Agatha. Maging masaya kana lang para sakin!” tugon ni Calix habang
inakbayan si Agatha pasakay ng kanyang kotse.

Sa byahe patungong kompanya, ‘di matiis ni Agatha na balewalain nalang ang nalaman. Pagkat nalulungkot
siyang anlaki na ng pagbabago ng kanyang kaibigan mula ng unti-unti niyang pag-unlad sa buhay.

Nang makarating na sila ng kompanya, ay agad nilang nakita sila Gregory at Darius. Masaya silang sinalubong ni
Calix at sinabing may maganda raw siyang balita at naikwento na raw niya ito kay Agatha. Ngunit bago pa ito
makwento ni Calix, ay napansin ng dalawa na para bang walang gana si Agatha pumasok sa trabaho. “Sigurado
bang good news ‘yan? E bat parang ‘di naging masaya si Agatha? Parang nalugi sa buhay e.” ngutya ni Darius.
“Siguradong may iba lang na iniisip si Agatha. Diba?” napangiti nalang si Agatha at tumango na lamang. “Tara na
nga’t mag almusal muna! Mamaya niyo na ituloy yan at nagugutom nako!” singit ni Greg.

Nangunang naglakad si Greg at Darius patungong cafeteria at palihim na pinag-uusapan si Calix. “Greg alam mo,
nararamdaman ko nang pagyayayabang nanaman ang pa good news good news niyan ni Calix. Haaay. Diko alam
bat umabot ng ganyan ‘yang kaibigan niyo.” Wika ni Darius. “Naku Dari, nararamdaman ko ngang ‘yun ang
dahilan kung bakit parang walang gana sa lahat si Agatha. Hay nako, kawawang Agatha. Kung ako nalang sana
nagustuhan niya…” “Asa ka pa!” asar ni Gregory at sabay silang napatawa habang nag-uusap.
Samantala, sa may likuran nila ay nag-uusap rin si Agatha at Calix. ‘Di alam ng dalawa na naririnig din pala ni Calix
ang ibang parte ng kanilang pinag-uusapan ngunit nagpasya parin siyang i-ku-kwento parin niya ang nangyari sa
bahay nila bago niya sinundo si Agatha sa

Nang makarating sila sa cafeteria, agad silang bumili ng pagkain at agad na nagkwento si Calix pagkaupo na
pagkaupo pa lamang nila. Si Gregory naman, na sobrang mapagmahal sa pamilya, ay siyang nainis sa ugaling
pinakita ni Calix sa kwento nito. Kaya ‘di niya napigilan at pinagsabihan si Calix.
“Hindi ka ba marunong rumespeto sa nakakatanda? Lalo na’t sa ama mo? Kahit marami siyang pagkakamali noon
sayo, inalagaan at ‘di ka parin niya itinakwil! Wala ka manlang utang na loob?”
“Alam mo lahat ng pinagdaanan ko noon, Gregory. At hindi pa sapat ‘yun para sa lahat ng nagawa niya!” pasigaw
na sagot ni Calix. ‘Di kumikibo si Darius at Agatha pagkat marami nang nakatingin sakanila at namumuo na ang
tensyon sa lugar. Ipinagpatuloy na lamang nila ang pagkain ng ‘di nagkikibuan.

Pagkatapos naman nila kumain, ay sabay sabay sila tumungo kung saan sila nag ttrabaho. At bago mag hiwa-
hiwalay, may pahabol pang sinabi si Calix. “Sa susunod, hinding hindi mo na ako mapagsasabihan uli, Gregory.
Bukas na bukas ay hindi na tayo magka pantay dahil ma ppromote nako sa mataas na posisyon. Masyado kasi
akong matalino ‘di tulad niyo ni Darius!” Nang-iinsultong sabi ni Calix habang nakangiti. Agad namang pinaalis ni
Agatha ang dalawa para maiwasan ang away sa gitna ng working area.

Nang makapunta na sila sa kanya kanyang work place ay napansin ni Calix na parang iniiwasan na ‘rin siya ng
pinakamalapit niyang kaibigan.
Pagkauwi galing sa trabaho, agad nilapitan ni Calix ang kanyang ina.
“Ma ang lungkot ng araw ko ngayon napapansin ko naiwas sa akin ang mga kaibigan ko.”
“Baka naman may nagawa kang masama sa kanila. Isipin mo Calix at para maayos ninyo iyan.”
“Wala naman po. Sa susunod ko na lang iisipin iyon. Usap muna tayo inay. Kumusta ka na? Wala ka ba
nararamdaman na sakit sa iyong katawan?”
Biglang nalungkot si Miles dahil siya ay may malubhang sakit. Ayaw niya ito sabihin sa kanyang pamilya dahil
ayaw nya mag-alala ang mga ito lalo na si Calix dahil baka mawala ang pokus sa trabaho. Kaya naman tiniis niya
na lang at hindi nagpagamot sa doktor.
“Ok naman anak, nako huwag mo na ako alalahanin ayos lang ako.”
Habang naghahain ng pagkain para kay Calix nakaramdam ng sakit sa puso si Miles. Nagtataka si Calix kung bakit
parang nanghihina ang ina at hawak ang dibdib. Lumapit si Calix at nagulat na makitang halos hindi na makahinga
ang ina. Hindi alam ni Calix ang gagawin kaya agad niyang dinala ang ina sa ospital.
Nang sila ay makarating tinakbo agad ng mga doktor si Miles sa emergency room.
Ipinagdadasal ni Calix na sana may pagasa pa ang kanyang ina, sana wag siya pabayaan ng Diyos at sana iligtas
siya dahil si Miles na lang ang kakampi ni Calix sa buhay niya.
Habang nasa emergency room ang kanyang ina ay may tumawag sa kanya.
“Good afternoon Calix, ikinalulungkot ko sabihin sayo na hindi na para sayo ang promosyon dahil may nakita
kami na mas kailangan ng promosyon na iyon.”
Nang marinig ni Calix ang sinabi sa kanya nakaramdam siya ng galit at lungkot. Galit dahil pinaghirapan niya ang
trabaho para makuha ang promosyon na iyon. Lungkot dahil kapag nalaman ito ng kanyang ina baka mas lumala
ang sakit at makakaramdam din ng lungkot. Naibato niya ang telepono dahil ang daming malas na duma
ating sa kanya.
Lumabas na ang doktor sa emergency room at kinausap si Calix.
Lumabas ang doctor at kinausap si Calix.
“Pasensya na po Ginoo ngunit hindi po nakaabot ang inyong ina. Sinubukan po naming gawin lahat ng makakaya
namin.”
“Anong sabi mo?! Niloloko mo ba ako ha?”
“Pasensya na po. Paki-asikaso nalang po ang kanyang burol.”
At dun ay napaluhod si Calix at bumuhos ang kanyang mga luha sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman
ngayon. Dahil pati ang iisang kumampi sa kanya nawala na rin sa piling niya.
Pinuntahan ni Calix ang kanyang ina at mas lalong bumuhos ang kanyang mga luha nang makita niya na wala na
talagang pag asa si Miles na mabuhay.
“Inay bakit naman ngayon? Kung kailan ang dami kong problema, ikaw na lang ang natatanging kakampi ko sa
buhay. Bakit hindi mo sinabi sa akin na may nararamdaman ka palang sakit. Nandito lang naman ako para sayo,
aalagaan kita. Bakit ngayon ka pa bumigay, Inay. Kung sinabi mo sa akin ng maaga yung sakit mo sana napagamot
pa kita sana ngayon magkasama pa tayo sana masaya tayo.”
Iyak ng iyak si Calix dahil siya ay nawalan ng iintindi at susuporta sa kanya, nawalan siya ng kakampi sa buhay, at
higit sa lahat nawalan siya ng ina. Yun na yata ang pinakamasakit na nangyari kay Calix.
Bigla naman naisip ni Calix ang trabaho.
“Ano bang ginawa ko? Bakit napakamalas ko ngayong araw. Nawalan na ako ng ina pati ba naman ung
pinaghirapan ko sa trabaho? Kung ako kaya mawala na rin sa mundong ito?”
Dumating si Darius at Gregory, at nagulat naman si Calix.
“Calix ayos ka lang ba? Nabalitaan namin si tita daw....” tanong ni Darius.
“Calix kahit ano mangyari nandito lang kami. Kung kailangan mo ng kausap lumapit ka lang sa amin.” sabi ni
Gregory.
Ngumiti lang si Calix at hanggang ngayon nagtataka pa rin siya kung bakit umiiwas ang kanyang mga kaibigan
kanina sa trabaho.
“Bakit nga pala parang umiiwas kayo sa akin kanina?” tanong ni Calix.
“Nako Calix wag mo muna isipin yun ang importante nandito kami ngayon para sayo.” sabi ni Darius.
At dahil hindi pa rin mawala ang lungkot ni Calix naisipan niya na mawala na rin, sasamahan niya ang kanyang ina
sa kabilang buhay.
“Calix bili muna kami ng ating makakain.” sabi ni Gregory.
Tumango at ngumiti lang si Calix at inisip na kung paano magpapakamatay. Pumunta siya sa taas ng ospital at
balak niya tumalon dahil yun na lang ang kanyang naiisip para mawalan ng buhay.
“Hindi ko na alam ang dapat gawin. Hindi na maganda ang mga nangyayari sa akin ngayon. Wala ako kwentang
tao. Mahal kita inay, hindi ko kaya nang wala ka kaya pasensya sa aking gagawin.”
Hinanap ni Darius at Gregory si Calix kaya naman sila ay nagtanong.
“Dok may nakita ba kayong lalaki na sobrang lungkot, matangkad, kulay asul ang damit at ang pangalan Calix?”
tanong si Gregory.
“Ay oo ang kanyaNg ina ay aking pasyente, hindi nga kinaya ni Calix ang pagkamatay ng kanyang ina. Napansin ko
siya umakyat gamit ang hagdan.” sabi ng doktor.
Naisip agad ni Darius na baka nasa itaas ng ospital na ito si Calix. Agad sila umakyat at nakita agad ang kanilang
hinahanap.
“Calix! Umalis ka diyan! Kung anuman ang iniisip mo wag mo itutuloy!” sigaw ni Darius.
Ngunit hindi ito pinansin
Napaluha si Calix at siya ay tumalon na.
Biglang nagising si Calix sa masama niyang panaginip at kasalukuyang nangyayari ang nangyari sa unang nangyari
sa kanyang panaginip. Natakot siyang baka mangyari rin sa totoong buhay ang mga nangyari sa kanyang
panaginip kaya napagtanto niya na magbago upang hindi mangyari ang nangyari sa kanyang masamang
panaginip.
Kaya simula nun, napag-isipan na ni Calix na magbago. Hindi na siya nagmamayabang sa kanyang pamilya at sa
kanyang mga kaibigan, ngunit tutulungan na niya ang mga ito kapag sila’y humingi ng tulong at handa na rin
siyang unti-unting intindihin ang ama hanggang sa ito’y mapatawad na niya. Pinagsikapan niyang baguhin uli ang
sarili dahil natakot siyang mangyari lahat ang kanyang napanaginipan.
“Nak, sana makuha mo yang promosyon mong pinaghirapan mo ng ilang taon. Mag-ingat ka ha.”
“Salamat po.”
At nang pumasok siya sa opisina,
Kinausap siya ng kanyang mga kaibigan na sina Gregory at Darius.
“Brad! Kamusta? Ngayon na daw malalaman kung makukuha mo ang promosyon ah? Goodluck sayo!”
“Salamat mga brad!”
At dumating na ang oras para malaman niya ang pinakamatagal niyang hinihintay.
“Calix, binabati kita dahil nakuha mo na ang promosyon na ninanais mong makuha noon palang! Pag-ingatan mo
ito at wag pabayaan ha.”
“Thank you very much, Mr. Fockerson!”
At ang pinakahuli.
Paglabas na paglabas ni Calix sa opisina ay nagkita sila ni Agatha.
“Uy Cal! Ano kamusta? Nakuha mo ba?”
“Ay nako Agatha. Syempre naman! Salamat sa Diyos at Salamat sainyo nila Greg at Dari!”
“Walang anuman, Cal! Ikaw paba?”
“Kaso may isa pa akong bagay na hindi pa
nakakamit…” malungkot na tugon ni Calix
“Ano naman iyon?” naguguluhang tanong ni
Agatha.
“Ikaw.”
“Ha?”
“Maaari bang maging tayo, Atha?”
“Oo, Calix! Oo na oo!”
At dun nagwakas ang istorya.

You might also like