You are on page 1of 2

Senior High School Financial Assistance Program (SHAP),

pasado na sa Committee Level.

Naipasa na sa committee level ang panukalang batas na nagbibigay ng pinansyal na


ayuda sa poor but deserving students mula sa probinsiya ng Cagayan.

Pinangunahan ng Committee on Education at Committee on Laws ang ginanap na pagdinig


noong ika-tatlo ng Agusto sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall kung saan
dinaluhan ito nina BM Ponce, BM Turingan, BM De Asis BM Tumaliuan at BM
Resuello.

Dumalo din sa nasabing pagdinig sina Dr. Gilbert Tong at Dr. Emelynne U. Agcaoili
mula sa DepEd Cagayan at si Mrs. Lilian Taquiqui mula Provincial Budget Officer
bilang Resource Persons.

Inihain naman ang Committee Report noong ika-pitong sesyon ng Sanggunian kung
saan ito ay naaprubahan para sa 2nd reading.

Maaalalang inihain ni BM Ross Resuello ang SHAP Ordinance upang makatulong sa


mga mahihirap, ngunit masisipag at karapat-dapat na kabataan na makatapos ng
Senior High School.

Nakasaad sa Ordinansa na magbibigay ng Tatlong Libong Piso (3,000 Php) ang


Provincial Government sa isang libong estudyante ng Senior High School na papasa sa
inilahad na requirements.

Mark Michael M. Resuello


BM Resuello, inihain ang Anti- Dengue Ordinance

Inihain ni BM Resuello ang “Ordinance Institutionalizing the Cagayan Dengue Control


Program and Providing Funds Therefor” noong ginanap na ika-pitong sesyon ng
Sanggunian Panlalawigan ng Cagayan.

Sinabi ni BM Resuello na ang tumataas na bilang ng kaso ng dengue sa ating bansa ang
nag-udyok sa kanya upang ipasa ang nasabing Ordinansa.

“Prevention is always better than cure. Nais nating maagapan ang pagkalat ng dengue
sa ating probinsya, kung kaya’t dapat magtulung-tulong ang lahat para maiwasan ang
sakit na ito”, sabi ni BM Resuello.

Nakapaloob sa Ordinansa ang mga iba’t ibang istratehiya upang mapuksa ang dengue.
Kabilang dito ang “Education and Information Dissemination, Environmental Sanitation at
Monitoring and Coordination”.

“Dapat magsimula ito sa paglilinis ng ating mga bahay at pagbigay ng mga


karagdagang kaalaman sa ating mga kababayan upang mapuksa ang pag-laganap ng
dengue. Magiging epektibo ang pagsasagawa nito sa pamamagitan ng patuloy na
tulong at gabay galing sa ating gobyerno”, dagdag pa ni BM Resuello.

Hinihikayat ng nasabing Ordinansa ang mga Munisipalidad and Syudad sa Cagayan na


magsagawa ng bloodletting activities at magkaroon ng sariling Blood Bank Account
upang mayroong mapagkukuhanan kung sakaling may Cagayanong nangangailangan.

Itinalaga naman ang Committee on Health at Committee on Laws upang talakayin ang
nasabing panukalang batas sa Committee Level.

Mark Michael M. Resuello

You might also like