You are on page 1of 2

Isang araw meron isang lolo na naglagay ng makulay ngunit walang lamang

kahon sa isang sulok ng tindahan. Sa kahon nagdikit ang lolo ng isang papel na
nakasulat “Salamat at mayroon pa pala akong silbi kahit isang basurahan.” Dumaan
ang ilang araw, meron isang kasambahay na naglagay ng isang madumi na manika sa
kahon. Ang tuwa-tuwa ng kahon na meron na siyang laman.

KAHON: Kumusta, manika? Sa hitsura mo lang parang pinaglaruan ka yata ng batang


na umangkin sa iyo.

MANIKA: Uy, kaibigan, kung alam mo lang ang aking kwento ikaw ay malulungkot.

KAHON: Dalawa lang naman tayo, makikinig ako sa kwento mo, manika.

MANIKA: O sige. Noong una ako ay isang magandang manika. Ang ganda ng aking
buhok at ang damit ko ay talagang mabango at maganda. Mayaman na bata ang nag-
mayari sa akin, ngunit ang pangit ang ugali. Hindi niya iniingatan ang kanyang mga
laruan at madalas gawan ng kalokohan.

KAHON: Kawawa ka naman! Masaklap pala ang iyon sinapit sa kamay ng isang batang
malupit.

Lumipas ang isang araw, meron isang ama na naglagay ng robot sa kahon.

MANIKA & KAHON: Kamusta, robot?

ROBOT: Hay, eto, bali ang isang kamay at di na gumagana. At isa na akong basura.

KAHON: Tatlo lang naman tayo, makikinig kami sa kwento mo.

ROBOT: Noon, ako ay isang sikat na robot sa telebisyon. Binili ako ng isang mabait na
tatay para sa kanyang bunsong anak. Tuwang-tuwa ang bunso sa akin, pero
naiingit ang panganay. Pinagaagawan nila ako at parehong ayaw magpatalo,

MANIKA: Meron talagang mga bata na dapat dinidisiplina.

ROBOT: Oo nga. Nagalit ang tatay at pinagalitan niya ang magkapatid.

KAHON: Dapat talagang nagbibigayan ang bawat isa, lalo na sa pamilya.

Kinabukasan, isang bata naman ang naglagay sa kahon ng isang magara at makintab
na kotse-kotsehan.

MANIKA AT ROBOT: Kamusta kaibigan?

KOTSE: Eto, malungkot.

KAHON: Malungkot? Ikaw ay bagong-bago ano ba ang kwento mo? Kami ay makikinig.
KOTSE: Hindi bata ang bumili sa akin. Isang binatang mahilig bumili ng laruang
sasakyan pero hindi niya nilalaruan. Pangdisplay lang ang mga laruan. Tanging hiling
ko’y may batang ngingiti habang ako’y pinaglalaruan.

MANIKA: Pero bakit ka nandito?

KOTSE: Nasa ibang bansa na ang binata at pinili niya ang pinakamagandang niyang
laruan, at hindi ako napili.

Lumipas pa ang mga araw at malapit nang mapuno ang kahong dating walang
laman na nag ging basurahan. Parati kasing may naglalagay ng mga kung anu-anong
basura sa kanya. Iba-ibang laruan. Iba-ibang hugis. Iba-ibang kulay. Lahat ay may mga
bagong kwento. Nasa gayon silang pagkukuwentuhan nang tuluyang isinara ng lolo ang
makulay na kahon. Natakot ang mga laruan dahil alam nilang sa Bundok ng Basura ang
kanilang pupuntahan. Sabay-sabay silang nagdasal.

ALL: Sana ay mapulot kami ng mga batang hangad ay kasiyahan at paglilibang. Mga
batang matututo sa amin ng pagkakaibigayan.

Mahaba ang nilakbay ng kahon. Ang mga laruan naman ay mistulang mga
batang naglalaro sa loob nito. Nag-umpugan. Tumambling. Nagbungguan.
Nagpabalentong. Napataas. Napababa. Pabalikwas-balikwas. Bumabali-baligtad.
Nawala sa isip nila ang pag-aalala sa pupuntahang Bundok ng Basura.

Hanggang ang kahon ay nakarating sa isang trak na puno rin ng mga kahong
kagaya niya. At ngayon lang niya nabasa ang nakasulat.

“Kahon ng Kasiyahan, Panahon ng Pagbibigayan. Laruan Para sa Bahay-


Ampunan.”

At muling napangiti si Kahon. At sa isip niya’y gumuhit ang masayang larawan ng


mga batang sabik sa laruan at mga laruanng sabik sa pagmamahal ng mga kabataan.

You might also like