You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Trece Martires City College


College of Education
Trece-Indang Road, Brgy. Luciano
Trece Martires City, Cavite

November 25, 2017

NENITA V. DEL ROSARIO


Punong Guro II
Trece Martires City Senior High School

Madam,

Magandang araw po!

Kami po ang mananaliksik na nasa Ikatlong Antas ng kursong Edukasyon Major in


Filipino ay magsasagawa ng pananaliksik na may pamagat na “Kalagayan ng
Asignaturang Filipino sa Pampublikong Paaralan ng Senior High School sa Lungsod ng
Trece Martires Kaugnay ng Iba’t ibang Kagamitang Pampagtuturo Batayan sa
Pagpapaunlad ng Instruksyon sa Filipino”.
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang kalagayan ng
Asignaturang Filipino kaugnay sa tradisyunal at modernong kagamitang pampagtuturo.
1. Malaman ang kabisaan ng tradisyunal at modernong kagamitang pampagtuturo.
2. Malaman ang iba’t ibang uri ng kagamitang pampagtuturo na ginagamit sa loob
ng klasrum.
2.1. Tradisyunal na kagamitang pampagtuturo
2.2. Modernong kagamitang pampagtuturo.
3. Makapagbigay ng solusyon sa problemang natuklasan kaugnay sa paggamit ng
tradisyunal at modernong kagamitang pampagtuturo.
Kaugnay po nito ay humihingi kami ng pahintulot upang makakalap ng datos sa tulong
ng sarbey sa mga piling mag-aaral ng nasa ika-11 at 12 na Baitang ng Senior High
School sa paaralang ito.

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik

Binigyan pansin ni:

DR. MARIBETH C. RIETA


Guro sa Pananaliksik

Pinahintulutan ni:

DR. MIRAMOR N. PALOAY


Dekana,Kagawaran ng Edukasyon

You might also like