You are on page 1of 5

Kahalagahan ng “Time Management” sa mga estudyante nang

“Business and Information Technology Department”

ng Kabankalan Catholic College

Isang Pamanahong Papel ang Ipinasa kay:

Gng. Anabelle Ramos

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananliksik

Ika-2 Semester

Ipinasa nina:

Celeste Dioteles

Karen Faith Oquendo

Christian Pecson

John Christian Villaflor

February 2017
1. Introduksyon

Napaka-importante nang oras sa lahat ng nilalang sa mundo. Dahil ang oras ay napakahalaga

marami na rin ang pananaliksik o mga pag-aaral ang mga naisagawa upang matulungan ang mga

tao sa pamamahala sa kayamanang ito. Ang time management ay pinagsamang mga panuntunan,

mga pagsasanay, mga abilidad, mga instrumento at mga pamamaraan na tumutulong sa tao upang

epektibong magamit ang oras sa layuningmapaunlad ang kalidad ng pamumuhay nito. (mula sa

http://www.timethoughts.com/time-management.htm)

Ayon kay Ward(2008) ang time management ay paglilinang ng mga proseso at instrumento na

mapataas ang pagka-episyente at produktibo.

Ayon naman kay Allen(2001) hindi pinamamahalaan ang oras, ganoon lamang iyon. Kung

kaya’t ang time management ang problemang dapat paglapatan ng solusyon. Sa katunayan, ang

pinamamahalaan ng tao ay ang mga gawain niya sa oras na iyon; ang inaasahang kalalabasan at

ang pisikal na aksyon kasama ang kaibuturan ng prosesong kinakailangan upang mapamahalaan

ang mgagawain ng tao.

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay kaalaman o impormasyon tungkol sa kahalagan

ng time managemement sa mga mag-aaral ng “Business and Information Technology Department”

at sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga susunod na katanungan:

1. Ilang oras ba ang nilalalaan ng mga estudyante sa iba’t ibang mga gawain sa loob ng isang

araw?
2. Mayroon bang libreng oras na nilalaanan ang mga estudyante para sa paglilibang?

Kung mayroon man:

 Anu-ano ang mga libangang mga ito?

 Gaano kadalas ito ginagawa?

3. Anu-ano ang mga paraang ginagamit ng mga estudyante sa kani-kanilang “Time

management”?

3. Kahalagahan ng pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay taos puso ang pag-aaral sa kahalagahan nang “Time Management”

at ang idudulot nito. Ito’y magsisilbing gabay kung ano ang problema at kahinaan ng estudyante

ng “Business and Information Technology Department” sa kanilang pamamahala ng oras.

Mahalaga ang datos at impormasyon ang makakalap dito dahil malaki ang maitutulong nito sa

mga estudyante at sa iba ring manaliksik na gawing reperensya ito sa kanilang partikyular rin na

pag-aaral sa “Time Management” ng mga estudyante.

4. Saklaw ng pag-aaral

Ang pangunahin layunin ng pag-aaral na ito ay makapagbigay ng impormasyon parte sa

problema at kahinaan ng estudyante ng “Business and Information Technology Department” at

ang kahalagahan nito.

Saklaw ng pag-aaral nito ay ang lahat ng mga estudyante na kumukuha nang kurso na nasa

ilalim ng “Business and Information Technology Department”.


Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga estudyante na hindi nasa ilalim nang “Business and

Information Technology Department”. At dahil sa malaking populasyon nang ibang departamento

ay ninarapat nang manaliksik na mas kaunti ang bilang sa populasyon nang isang partikyular na

departamento upang matuunan ng pokus ang kahalagahan ng “Time Management” sa partkyular

an estudyante.

Ang mga pag-aaral rin na ito ay nagpapahayag ng ilang rekomendasyon upang

maisakatuparan ang lahat na obhetibo sa kahalagan ng “Time Management” sa pag-aaral

estudyante sa ilalim nang “Business and Information Technology Department”.

4. Reperensiya

Allen (2001). Time management hinango noong Pebrero 2008. (mula sa

https://en.wikipedia.org/wiki/Time_management)

Ward (2008). Time management hinango noong Enero 2008. (mula sa

https://en.wikipedia.org/wiki/Time_management)

You might also like