You are on page 1of 4

TEKNOLOHIYANG PANG-EDUKASYON SA ANTAS NG KAHUSAYAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

SA BAITANG 7

Intoduksyon

Ang wikang Filipino ay kabilang sa mga pangunahing asignaturang tinatalakay at pinag-

aaralan mula sa batayang antas ng edukasyon hanggang sa antas tersyarya.

Sa anumang antas ng edukasyon, bahagi ng pagtuturo ang paggamit ng mga

teknolohiyang pang-edukasyon upang mapadali at mapagaan ang pagtuturo at pagkatuto sa

loob ng klasrum. Samakatwid, ang guro ay siyang gagamit ng masaklaw, malalim at

integratibong set ng kaalaman at kasanayan sa pagpaplano, pagpapatupad, at pagrerebisa ng

pagtuturo. Ang kaalaman sa teknolohiya (kasama ang kabatirang teknikal at aplikasyon sa

pagtuturo) ay isa lamang sa mga dimension ng kahusayan sa pagtuturo (Gooler, Kautzer, at

Knuth, 2007).

Sa pang-araw-araw na nagaganap sa loob ng klasrum, makikita ang guro na gumagawa

ng kanyang mga kagamitan sa pagtuturo. Naglalaan siya ng panahon upang planuhin at buuin

ang mga ito upang may magamit sa kanyang aralin. Sa takdang oras, makikita ang guro na

gingamit ang binuong kagamitan bilang pampukaw ng kawilihan, tagapagdaloy ng talakayan at

lunsaran sa pagbubuo ng mga batayang konsepto ng aralin.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang paggamit ng mga teknolohiyang pang-

edukasyon sa antas ng kahusayan sa pagtuturo ng Filipino sa baiting 7 ng Iloilo City National

High School.

Nilalayon din ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na tiyak na

katanungan:

1. Ano ang antas ng kahusayan sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino gamit ang teknolohiyang

pang-edukasyon sa kabuuan?

2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kahusayan sa pagtuturo gamit ang

teknolohiyang pang-edukasyon na pinangkat ayon sa kasarian at antas ng grado?

Banghay Teoritikal

Kapaki-pakinabang naman para sa mga guro ang paggamit ng mga teknolohiyang pang-

edukasyon dahil sa napagaan nito ang kanilang pagtuturo. Ayon kay Brinton (2006), pinadadali

nito ang pagganyak sa mag-aaral, pagpoproseso ng kaalaman ng mga mag-aaral, pagpapatibay

ng konseptong inilalahad ng guro at naiiwasan ang di-kinakailangang pagpapaliwanag (Brinton

2006).

Banghay Konseptwal

Ipinakikita sa Larawan I ang banghay ng pag-aaral. Nilalagom nito ang buong konsepto

ng pag-aaral.
Iskema ng Pag-aaral

Malayang Salik Di-Malayang Salik

Teknolohiyang Antas ng Kahusayan sa


Pagtuturo
Pang-Edukasyon

Larawan I. Ang iskema ng pananaliksik ay nagpapakita ng ugnayan ng Malaya at di-malayang salik sa paggamit ng teknolohiyang
pang-edukasyon at antas ng kahusayan sa pagtuturo mg mga guro sa Filipino.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Punong guro. Magiging batayan ang kinalalabasan ng pag-aaral na ito upang makabuo

ng mga programa ng pagsasanay ang punong-guro kung saan maaring sumailalim ang mga

guro sa paggamit ng mga makabagong teknolohiyang pang-edukasyon.

Gurong Nagtuturo sa Filipino. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng

malinaw na pang-unawa sa magandang epekto ng teknolohiyang pang-edukasyon sa klaseng

pangwika. Lalo na nitong pag-aalabin ang hangarin ng mga guro sa Filipino nag awing

pantulong sa pagtuturo ang iba’t-ibang makabagong teknolohiyang pang-edukasyon.

Mag-aaral. Ang kinalabasan ng pananaliksik na ito ay ang inaasahang pagkatuto ng

mga mag-aaral sa asignaturang Filipino kasabay ang kahusayan ng paggamit ng teknolohiyang

pang-edukasyon sa pag-aaral sa Filipino.

Magulang. Ang kinalabasan ng pananaliksik na ito ang magbubukas sa isipan ng mga

magulang hinggil sa gagampanin ng mga teknolohiyang pang-edukasyon sa pagtuturo ng

kanilang mga anak.


Mananaliksik. Ang kinalabasan ng pananaliksik na ito ay magdadala sa mananaliksik

sa lalong mataas na pag-unawa sa pagtuturo ng Filipino.

Saklaw ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa ikapito na baiting na mag-aaral ng (piniling

paaralan). Titingnan kung may makabuluhang impluwensiya ang paggamit ng teknolohiyang

pang-edukasyon sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino.

Ang korelesyunal na pag-aaral ang ginamit bilang disenyo sa pag-aaral. Bilang

instrument ng pagtitipon ng datos, ang binuong talatanungan ng mananaliksik ang ginamit.

Katuturan ng mga Katawagan

Ang mga salitang ginamit na may kaugnayan sa pag-aaarl ay bibigyan ng katuturan

upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang ideya at gamit ng mga ito.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang gagamitin na disenyo sa pananaliksik na ito ay ang korelesyunal na pag-aaral. Ayon

kina Fraenkel at Wallen (2006), ang korelesyunal na pag-aaral ay nagsusuri ng posibilidad ng

kaugnayan sa pagitan ng dalawa o higit pang baryabol.

Sa pamamaraang ito, makikita kung may makabuluhang impluwensiya ang paggamit ng

mga teknolohiyang pang-edukasyon sa antas ng kahusayan sa pagtuturo ng mga guro sa

Filipino sa bilang 7.

You might also like