Bago tuluyang matapos ang ating programa, nais ko po munang pasalamatan ang ating mga hurado, Ma’am She-anne, Sir Charlie, at Ma’am Tina. Ang ating mga magulang na walang-sawang sumusuporta sa atin. Pati na rin ang mga kalahok na walang-takot na ipinakita ang kanilang angking galing sa larangang ito. Nais ko ring pasalamatan ang mga taong naglaan ng kanilang oras upang maging matagumpay ang ating programa. Sana sa pamamagitan ng mga programang katulad nito ay mas lalo tayong mamulat sa pagbibigay-halaga sa ating wikang Pambansa at kulturang Pilipino. Dapat nating pagtuonan ng pansin ang ating wika sapagkat ito ang nagbubuklod sa ating lahat at ito rin ang salamin ng kulturang Pilipino. Muli, magandang hapon po sa ating lahat!