You are on page 1of 1

Varayti ng wika.

updated ShS (Techvoc) 1 week


1. ?KABANATA 1: ? AngWika saTech- Voc
2. Bago pa talakayin ang iba�t ibang uri ng mga sulating teknikal-bokasyunal,
napakahalagang malaman ng mga mag-aaral ang hinggil sa kalikasan ng wika at ang mga
batayang konseptong may kaugnayan dito. Hindi maitatangging wika ang magsisilbing
sandata ng mga mag-aaral upang makabuo ng mga sulating may kinalaman sa kanilang
piniling larangan at espesyalisasayon. Makatutulong ang malinaw na pagkaunawa sa
wika tungo sa angkop at wastong pagbuo at pagpapakahulugan sa mga babasahing
ihahain sa mga mag-aaral. Pasulat man o pasalitang paraan, ang wastong paggamit ng
wika ang isa sa mga pangunahing batayan ng tagumpay at pagiging epektibo ng
mensaheng nais iparating ng isang indibidwal.
3. ? Binubuo ang kabanatang ito ng mga babasahing isinulat ng mga guro at mag-aaral
ng wika. Makatutulong ang pagkatuto ng mga varayti ng wika sa piniling larangan ng
mga mag-aaral, gayundin upang maunawaan ang iba�t ibang jargon nito. ? Bukod pa
rito, may kalakip na babasahing tumatalakay sa rehistro ng pagluluto, gayundin sa
rehistro ng wika ng mga mananahi. Kaugnay nito, inaasahang makasusulat at
makasusuri din ang mga mag-aaral sa hinaharap ng mga katulad na sulating may
kaugnayan sa kani- kaniyang larangan.

You might also like