You are on page 1of 1

SI BIUAG AT SI MALANA

Noo’y ipinanganak Lakas sa lakas, bilis sa bilis

Isang batang ngala’y Biuag Ngunit tao’y talunan kahit ano pang bangis

Pinagkalooban ng kapangyarihan Masaktan man, kung sarili lamang ang pinipili

Nang isang diyosang kagandahan Tiyak pagkakaitan at di mananaig sa huli

Tatlong bato sumisimbolo

Sa katangiang taglay nito

Bilis na tulad ng hangin

Lakas at proteksyon din

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito

Tila ba siya’y hindi makuntento

Babaeng taglay sobrang kagandahan

Nais mapasakaniya’t kaniya ring hagkan

Sa kabilang dako’y may isa ring binata

Malana ang ngalan, maituturing na banta

Malaueg ay nilisa’t lumakbay ng malayo

Upang baya’y iangat sa dumaang delubyo

At sa kaniyang pagbabalik, lahat sa kaniya’y humanga

Si Biuag na walang alam, muhi ay biglang namunga

Labanan ng dalawang matapang na binata

Para sa kamay ng dalagang mala-diwata

You might also like