You are on page 1of 2

Ráðningarsamn.

Tagalog
Kasunduan ng manggagawa at pagawaan (Hiring contract)
Ito ay kasunduan sa pagitan ng manggagawa at paggawaan kung saan nakasaad dito
ang mga karapatan at tungkulin ng bawat isa.
Ayon sa batas sa paggawa, ang paggawaan ay nararapat na gumawa ng isang
kasulatan na ang manggagawa ay tinatanggap nito sa isang posisyon sa paggawaan.
Ang kasulatang ito ay magpapatibay at magiging batayan ng pamamalakad ng mga
paggawaan at manggagawa.

Kailan dapat isapapel ang kasunduan sa pagitan ng manggagawa at


paggawaan
Kung ang manggagawa ay tinanggap upang magtrabaho sa loob ng isa o mahigit pang
buwan, at siya ay magtatrabaho ng mahigit 8 oras sa isang linggo, ang kasulatan
tungkol sa mga tadhana/panunungkulan ng magkabilang panig ay dapat isagawa. Ang
mga tadhana ukol sa trabaho ng isang manggagawa ay dapat nakasaad sa kasunduang
ito. Kailangang isagawa ang nasabing kasulatan sa loob ng unang dalawang buwan sa
trabaho ng isang manggagawa. Inirerekomenda na gawin agad ang kasulatang ito sa
simula pa lamang ng trabaho upang maiwasan ang anumang di pagkakaunawaan.

Kung ang manggagawa ay umalis sa trabaho bago dumating ang dalawang buwan at
wala ang kasunduang nabanggit, ang paggawaan ay kailangang gawin ang kasulatang
ito at agad na ibigay sa manggagawa bago siya umalis.

Ano ang mga dapat na nakasaad sa kontrata


Ang nakasaad sa kontrata o mga tadhana sa paggawa ay naglalaman ng mga
sumusunod:
1. Pagkakakilanlan ng bawat panig.
2. Lugar ng paggawaan at legal na tirahan ng may-ari nito.
3. Pangalan, baitang, likas o uri ng tungkulin ng manggagawa o kaya job description.
4. Kailan/petsa ng umpisa ng trabaho, petsa ng bisa ng kontrata
5. Bisa ng kontrata kung pansamantalang kontrata ang nakatalaga.
6. Araw ng walang pasok (vacation leave).
7. Pagwawakas o pagtatapos ng kontrata sa bawat panig.
8. Buwanan o kaya lingguhang sahod, pati na rin ang mga karagdagang
kompensasyon na matatanggap sa trabaho.
9. Pangkaraniwang haba ng oras ng trabaho sa isang araw o linggo.
10. Pensyon
11. Sangguniang tadhana ayon sa batas sa paggawa at ng unyon na kinabibilangan ng
mga manggagawa.
Ang karagdagang kaalaman tungkol sa blg. 6-9, ay matatagpuan sa batas ng mga
manggagawa at paggawaan.

Pagtatrabaho sa labas ng bansa


Kung ang manggagawa ay magtatrabaho sa loob ng isa o mahigit pang buwan sa
ibang bansa ay kailangang magkaroon ng isang kasulatan na nagpapatunay ng
kanyang trabaho bago umalis sa bansa. Bukod dito, ang mga sumusunod ay
kailangang nakasaad din sa kontrata.

1. Takdang panahon ng paggawa sa ibang bansa.


2. Paano/uri ng bayaran (hal. euro/pounds).
3. Mga karagdagang kabayaran/kompensasyon kaugnay sa trabaho
4. Pakatapos ng kontrata ay tiyaking ang manggagawa ay babalik sa bansang
pinanggalingan.

Pagbabago ng batas paggawa


Sa pagkakataong ang batas paggawa ay kailangang baguhin, ito ay kailangang
pagtibayin sa pamamagitan ng kasulatan at dapat na ipatupad na di lalampas sa loob
ng isang buwan.

Natatangi o di pangkaraniwang kontrata


Ang ganitong usapin ay naglilimita sa kalayaan ng manggagawa na sakop ng
proteksiyon ng konstitusyon. Ang karapatan ng paggawaan na magpasya at magbigay
ng limitasyon sa manggagawa ay di kalawakan – halimbawa, ang limitasyong ito ay
para lamang sa loob ng nakatakdang panahon at sa natatanging grupo ng
manggagawa. Ang ganitong limitasyon sa paggawa ay nangyayari lamang sa
natatanging pagkakataon kung saan ang pinag-uusapang manggagawa ay isang
dalubhasa. Ang usaping ito ay di halos nagaganap sa pangkalahatang manggagawa.

Isang halimbawa na kung saan ang paggawaan ay may karapatang humingi na ibalik
ng manggagawa ang nagasto nito sa kurso o pagsasanay na kinuha, kung saan ang
manggagawa ay ipinadala at ginastahan ng kompanya. Maaari ring magbigay ng
tuntunin ang paggawaan na ang manggagawa ay kailangang manatiling manungkulan
sa paggawaan pagkatapos ng pagsasanay at kurso nito, o kaya ibalik ang bahagi o
lahat ng gastos ng kompanya sa kanyang kurso o pagsasanay. Ang pagawaan ay
kailangang may tanging tuntunin, kung gaano katagal na kailangang manatili sa
paggawaan ang manggagawa at kung paano nila kukuwentahin ang bayarin.
Sa pagkakataong ito, ang manggagawa ay dapat sang-ayon sa naturang kasunduan at
kung may agam-agam, makipag-ugnayan lamang sa tagapayo ng unyon.

Mga dapat isa alang-alang


° Lumagda ba/meron bang kasulatan o kontrata sa paggawa ang lahat na
manggagawa?
° Ang kontrata sa paggawa ay ginagawa ba sa pagsimula mong manungkulan sa
paggawaan o ginagawa ba ito sa loob ng nakatakdang panahon ayon sa batas ng
paggawa?
° Binibigay o natatanggap ba ng mga manggagawa ang lahat na benepisyo at pagtaas
ng sahod tuwing may pagbabago sa pasahod?
° May pagkakataon ba na ang manggagawa ay kailangang lumagda sa mga tuntunin
na ibinigay ng paggawaan dahil sa di pangkaraniwang gawain nito?
° Sa nasambit na pagkakataon, humingi ba ang manggagawa ng payo sa
kinabibilangang unyon?

You might also like