You are on page 1of 2

Gloria Macapagal Arroyo

Ikalawang Babaeng Pangulo ng Pilipinas


Maria Gloria Macaraeg Macapagal Arroyo Pangalawang Babaeng Pangulo ng Pilipinas Si Maria Gloria Macapagal-
Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong 5 Abril 1947) ay ang ika-14 na Pangulo ng
Republika ng Pilipinas (20 Enero 2001 – 30 Hunyo 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak
ng dating pangulong si Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan
noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at ilalim-kalihim (undersecretary) ng Kagawaran ng
Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang
senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada
kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsiyon, nagbitiw siya sa
posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali
sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa
pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng
EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika,
negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko [1]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo
ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong 20 Enero 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA
II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa
loob ng anim na taon noong kontrobersiyal na eleksiyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon 30 Hunyo
2004. Isinilang siya bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal sa amang politikong si Diosdado Macapagal at sa
asawa nitong si Evangelina Macaraeg-Macapagal. Kapatid siya nina Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr at Cielo
Macapagal-Salgado. Una siyang nanirahan sa Lubao, Pampanga kasama ang kanyang dalawang nakatatandang
kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama.[2]Sa gulang na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa kanyang
nanay sa Lungsod ng Iligan.[3] Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati ang kanyang panahon sa Mindanao at
Maynila hanggang siya ay maging 11 gulang.[3] Matatas siyang manalita ng Ingles, Tagalog, Kastila at iba pang
wikang Pilipino, gaya ng Kapampangan, Ilokano at Sebwano. Noong 1961, nang si Arroyo ay 14 taon gulang, nahalal
ang ama niya bilang pangulo ng Pilipinas. Lumipat ang kanilang pamilya sa Palasyo ng Malacañang. Isang bayan
ang isinunod sa kanyang pangalan, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya sa Dalubhasaang Asuncion para sa
kanyang mababa at mataas na pag-aaral, at nakapagtapos ng valedictorian noong 1964. Nag-aral siya pagkatapos
noon sa Walsh School of Foreign Service ng Pamantasan Georgetown sa Washington D.C. kung saan naging
kamag-aral niya ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton.[4] Natamo niya ang kanyang antas sa
Batsilyer sa Sining ng Ekonomiks mula sa Dalubhasaang Asuncion, at nakapagtapos bilang magna cum laude noong
1968. Noong 1968, kinasal si Arroyo sa abogado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo ng Binalbagan, Negros
Occidental, na nakilala niya noong siya ay dalagita pa.[2] Nagkaroon sila ng tatlong anak, sina Juan Miguel
(ipinanganak 1969), Evangelina Lourdes (ipinanganak 1971) at Diosdado Ignacio Jose María (ipinanganak 1974).
Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at nakuha ang Master sa Antas ng Ekonomiks sa Pamantasang Ateneo de Manila
(1978) at Antas Doktoral sa Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 1985.[5] Mula 1977
hanggang 1987, nagturo siya sa ilang mga paaralan, kabilang na ang Unibersidad ng Pilipinas at sa Pamantasang
Ateneo de Manila. Naging tagapangulo rin siya ng Kagawaran ng Ekonomiks ng Dalubhasaang Asuncion. Noong
1987, inanyayahan siya ni Pangulong Corazon Aquino na sumali sa pamahalaan bilang Assistant Secretary ng
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Itinaas ang kanyang posisyon bilang Undersecretary dalawang taon
makalipas. Bilang kasabay na Tagapamahala ng Garments and Textile Export Board, napalawig ni Arroyo ang
industriya ng pananamit noong huling bahagi ng dekada 80.
Ramos , Randell Kurt Septyembre 10, 2018

10- Modesty Gng. Lorraine N. Gabay

GAWAIN: Pagsasaliksik

LAYUNIN: Nakikilala ang ilang babae sa Pilipinas na nagpamalas ng katangi-tanging katangian

LARAWAN:

You might also like