You are on page 1of 18

SALOOBIN NG MGA 4P’S (PANTAWID PAMILYA PILIPINO PROGRAM) NA ESTUDYANTE SA

PAGIGING SGP-PA ISKOLAR NILA SA PAMANTASANG NORMAL NG LEYTE


TAONG PANURUAN 2012-2013

----------------------------

Isang Payak na Pananaliksik na Iniharap sa Kagawaranng


Filipino Yunit ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham
Pamantasang Normal ng Leyte
Syudad ng Tacloban

------------------------------

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang


Filipino 102:Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

ni

Nieves V. Balderian, BSSW 1-1


Christine Joy Dianne D. Collantes, BSSW 1-1
Precious Viloh B. Dadap, BSSW 1-1
May Joy T. Magcuro, BSSW 1-1
Leah Marie A. Resma, BSSW 1-1
TFri 10:30-12:00

Marso 2013
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

1. Introduksyon

2. Layunin ng Pag-aaral

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Kabanata II: Mga Kugnay na Pag-aaral at Literatura

Kabanata III: Disenyo at Paraan na Pananaliksik

1. Disenyo ng Pananaliksik

2. Mga Respondante

3. Instrumentong Pampananaliksik

4. Tritment ng mga Datos

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

1. Lagom

2. Kongklusyon

3. Rekomendasyon
Kabanata I

INTRODUKSYON

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Ang Pilipinas ay nasa 55 na pwesto sa mga pinakamahihirap na bansa sa mundo,

nakabatay ito sa GDP o Gross domestic Product ng bansa mula sa datos ng International Monetary

Fund(2010). Umaabot ng 335, 208 ang mahihirap na pamilya Pilipino sa Rehiyong VIII Silangang Visayas

at ika-7 sa mga rehiyon na may mahihirap na pamilya sa Pilipinas, ayon sa serbey na ginawa ng NHTS-PR

o National Household Targeting System for Poverty Reduction(2009).

Ang Pilipinas hangang ngayon ay patuloy paring nilalabanan ang kahirapan sa maraming

taon. Ang problema patungkol sa kahirapan ay naipapasa sa bawat presidente, ang pinakamataas na

posisyon ng republica. Dahil sa patuloy na paglala ng kahirapan, ang mga lider na bansa ay may kani-

kanilang mga statehiya at polisiya upang malabanan ang seryusong esyung ito. (Fabros, 2012).

Ang bagong kampanaya laban sa kahirapan na ipinatupad na sa ilang mga bansa sa mundo

ay ang Conditional Cash Transfer program (CCT). Mga bansa sa Timog America tulad ng Brazil, Colombia

at Mexico ay patuloy paring ipinatutupad ang CCT na programa. Sa Pilipinas, sa kasalukuyan, ang

programang CCT ay kinupkop at ipinatutupad. Ito ay pinangalanan bilang Pantawid Pamilyang Pilipino

Program (4Ps) (Chaudharry,et al., 2013).

Pangarap ng bawat magulang ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga

anak. Ang kalusugan at edukasyon ang siyang daan upang maisakatuparan ang pangarap na ito (Soliman,

2010). Ngunit, maraming mahihirap na mga pamilya ang hindi natutugunan ang pag-aaral ng kanilang mga

anak (Monchique, 2012). May 30 sa bawat 100 na pamilyang Pilipino na may kita mababa pa kaysa
minimum na halaga para makabili ng kanilang pangunahing pangangailan. At dinagadag pa nito na may 24

sa bawat 100 na pamilyang Pilipino ang walang kakayahanig tustusan ang iba pang pangangailangan liban

sa pagkain (NSDB o National Statistical Coordination Board ,2003).

Ayon sa NHTS-PR (2009), ang Silangang Visayas o Rehiyong VIII ay ika-5 sa may pinaka

mahirap na kabataan na nag-aaral, at umaabot ito sa mahigit kumulang na 600,000 na kabataan at

mahigit 250,000 naman ang mahirap na kabataaan na di nakakapag-aral, edad 3-18 taong gulang.

Sabi pa nga na ating pambansang bayani si Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag- asa ng

bayan. Kung kaya’t ang bawat kabataan ay karapatdapat na mabigyan ng maayos na edukasyon para sa

mga susunod na mga lider at di lamang sa kanilang henerasyon ngunit para rin sa bansa (Mochique,

2012).

Upang mas matulungan ang edukasyon ng kabataan sa bansa ang Department of Social

Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (Pantawid

Pamilya) kaakibat ang Commission on Higher Education (CHED) at ang Department of Labor and

Employment (DOLE) sa pagpatupad ng programa nagbibigay tulong pinansyal sa mga estudyante na mas

kilala bilang Students’ Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation (SGP-PA) (DSWD F.O VIII, 2012).

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa saloobin ng mga

4p’s (Pantawid Pamilya Pilipino Program) na estudyante sa pagiging SGP-PA iskolar nila sa Pamantasang

Normal ng Leyte. Narito ang mga mahahalagang katanungan na nais mabigyan ng kasagutan at

mapagbigyan ng paglilinaw ukol sa programang ito.

Ang sumusunod na mga katanungan ay nagsisilbing gabay sa pag-aaral na ito.


1. Ano o anu-ano ang mga saloobin ng mga 4Ps na estudyante sa Pamantasang Normal ng Leyte sa

kanilang pagiging 4P’s grantee?

2. Ano o anu-ano ang mga saloobin ng mga 4Ps na estudyante sa Pamantasang Normal ng Leyte sa

SGP-PA iskolarship ?

3. Anu-ano ang nagging batayan sa pagpili nga mga SGP-PA iskolar?

4. Ano o anu-ano ang naging epekto ng SGP-PA iskolarship sa mga benepisyaryo nito sa Pamantasang

Normal ng Leyte ?

5. Ano o anu-anong ahensya ng pamahalaan tumulong sa mga SGP-PA iskolar, nang

napabilang sila sa programan ito ?

6. Anu-ano ang mabuting naitulong ng SGP-PA iskolarship sa mga estudyante sa Pamantasang

Normal ng Leyte?

7. Anu-ano ang masamang naidulot ng SGP-PA iskolarship sa mga estudyante sa Pamantasang

Normal ng Leyte?

8. Anu-ano pang tulong ang nais matangap ng mga estudyante sa Pamantasang Normal ng Leyte mula

sa programang 4Ps at SGP-PA?

9. Anu-ano ang mga mungkahi ng mga estudyante sa Pamantasang Normal ng Leyte sa pagpapaunlad

ng programang 4P’s at SGP-PA na ipinapatupad ng pamahalaan?

10. Ano ang mga pananaw ng mga estudyante sa Pamantasang Normal ng Leyte sa pagiging SGP-PA

iskolar ng ibang 4P’s grantee na kagaya nila?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng mga karagdagang impormasyon

sa mga taong kasangkot sa pag-aaral na ito.


CHED. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pageebalweyt ng ahensya na ito sa mga

benesyaryo ng programang SGP-Pa sa Pamantasang Nomal ng Leyte. Maipapakita rin nito ang epekto ng

program sa performans ng mga mag-aaral patungkol sa kanilang pag-aaral.

DSWD. Ang pananaliksik mahalaga sa ahensyang ito dahil ito ay makakapagbigay ng feedback

sa epektibidad ng implementasyon ng programang Pantawid Pamilya sa pamilya ng mga SPP-PA iskolar.

Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas. Makatutulong ito upang malaman at maebalweyt ng

pamahalaan ang mga epekto ng mga programang kanilang ipinatutupad sa buong bansa, sapamamagitan

ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga saloobin sa mga benepisyaryo na mga programa tulad ng Pantawid

Pamilya at SGP-PA.

Leyte Normal University. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa unibersidad bilang isa sa dalawang

SUC’s sa rehiyong VIII, sapagkat malalaman nila ang epektibidad at maging ang saloobin ng mga

benepesyaryong mag-aaral sa kanilang direktang implementasyon sa programang SGPP-PA.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng saloobin ng mga 4Ps na estudyante sa

pagiging SGP-PA iskolar nila. Saklaw nito ang mga 4Ps na estudyanteng na nakatanggap ng SGP-PA

iskorship, na nasa unang taon ng Pamantasang Normal ng Leyte sa ikalawang semestre ng akademikong

taon 2012-2013.

Nililimitahan ang pag-aaral sa unang taon lamang sa Pamantasang Normal ng Leyte na

kumukuha ng BEED, BSED at BSIT, sapagkat ito ang unang taon ng pagpapatupad ng programang SGP-

PA , kaya ang lahat 4Ps na estudyante ay na sa unang taon pa lamang. Nililimitahan sa mga kursong
BEED, BSED at BSIT sapagkat ito lamang ang mga kursong iniaalok ng CHED na sa tingin nila ay kritikal

at makakatulong sa pag-unlad ng bansa na abeylabol sa Pamantasang Normal ng Leyte.

DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA

Upang maging mas madali ang pagkakaintindi ng mga mambabasa minarapat naming

bigyang depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay batay sa kung anu ang kahulugan nito at

kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanagong -papel na ito.

4Ps. Ang Pantawid pamilya ay programa ng pamahalaaan na ang layunin ay makatulong sa mga

mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinanasyal o cash grant para sa

pangangailangan sa nutrisyon, kalusugan at pag-aaral ng mga bata edad 0-14 (Pantawid Pilipino Pamilya

Program Beneficiary Guide Booklet, 2010).Ang Pantawid Pamilya ay bersyon ng Pilipino ng Conditional

Cash Transfer (CCT) (DSWD Pantawid Pamiya, 2012). Ito ay ang pinaikling bersyon ng Pantawid

Pamilyang Pilipino Program.

CCT. Conditional Cash Transfer ay mga programa na nagbibigay ng pera sa mga mahihirap na

pamilya, sa condition na ang mga pamiyang iyon ay magbibigay ng halaga o magpupundar sa human

capital ng kanilang mga anak (Fiszbein, et al., 2009). Ito ay ang pinaikling bersyon ng Conditional Cash

Transfer.

SGP-PA. Students’ Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation ay programa nagbibigay tulong

pinansyal sa mga 4Ps na mga estudyante. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)

sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (Pantawid Pamilya) kaakibat ang Commission

on Higher Education (CHED) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang nagpatupad ng
programang ito (DSWD F.O VIII, 2012). Ito ay ang pinaikling bersyon ng Students’ Grant-in-Aid Program for

Poverty Alleviation.

DSWD. Department of Social Welfare and Development ay isang pampamahalaan na institusyon na

responsible sa proteksyon sa mga karapatan ng mga mamayan sa lipunan at nagsusulong ng

pangkaunlaran ng bansa (dswd.gov.ph). Ang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa programang

Pantawid Pamilya at nakipagtulongan sa CHED, DOLE sa pagpapatupad ng SGP-PA.

CHED. Commission on Higher Education ay isang pampamahalang institusyon sakop ang parehong

pampubliko at pribadong institusyon para sa mataas na edukasyon at magalok ng mga programang na

nagbibigay ng mga kurso/degree sa lahat ng tersiyaryong edukasyon(ched.gov.ph). Ang ahensya ng

pamahalaan na isa sa namamahala sa SGP-PA.

SUC’S. State Universities and Colleges ay ang mga institusyon na inaprobahan ng CHED upang

mamahala at imonitor ang pag-aaral ng mga SGP-PA na iskolar (CMO No. 22, 2012). Ito ay ang

pinaikling bersyon ng State Universities and Colleges. Ang halimbawa ng mga SUC’s ay mga ang

Pamantasang Normal ng Leyte.

Estudyante. Isang tao na pumapasok sa paaralan, unibersidad o kolehiyo para mag-aral (The New

Websters Dictionary, 2000). Ang mga benepisyaryo ng 4Ps nanakatangap ng SGP-PA na iskolarsyip na

nakapag-aral sa Pamantasang Normal ng Leyte.


Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumotokoy sa mga kaugnay na literature at pag-aaral na may

kaugnay sa isinasagawang pag-aaral.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay programa ng pamahalaaan na ang layunin ay

makatulong sa mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinanasyal o

cash grant para sa pangangailangan sa nutrisyon, kalusugan at pag-aaral ng mga bata edad 0-14

(Pantawid Pilipino Pamilya Program Beneficiary Guide Booklet, 2010)

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Pantawid

Pamilyang Pilipino Program(Pantawid Pamilya) kaakibat ang Commission on Higher Education (CHED) at

ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagpatupad ng programa nagbibigay tulong

pinansyal sa mga estudyante na mas kilala bilang Students’ Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation

(SGP-PA) (DSWD F.O. VIII, 2012)

Ang SGP-PA ay may layuning na makatulong sa pambansa at pampamahalaang pagsulong

sa epektibidad nito sa pagahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagpapataas ng bilang ng mga

makapagtatapos sa kolehiyo mula sa mga mahihirap na pamilya, at ang mga nakapagtapos ay mabigyan

ng mataas na kalidad na trabaho, upang maiangat ang kanilang pamilya sa kahirapan at makatulong sa

pag unlad ng bansa (The CHED-DSWD: SGP-PA, 2012).

Ang listahan ng mga potensyal na benepisyaryo ay kinuha mula sa Pantawid Pamilya

database at ang batayan sa pambansang level ay ang kabataan na nakapatapos ng mataas na paaralan o
maging sa kolehiyo. Ang listahan na ito ay ipinasa sa pangrehiyon na lebel para sa balidasyon ng mga

datos (SGP-PA for Pantawid Pamilya, 2012).

Ang Pantawid Pamilya Regional Coordinator na si Marichu Bustillos ay naguna sa oryentasyon

sa mga staff at ang mga kinilalang mga munisipalidad na may mga potensyal na benebisyaryo sa

programang ito. Idinaos ang oryentasyon noong nagdaang mayo 10, 2012 sa Leyte Park Hotel na may

Labing lima (15) na mga Municipal Links at anim(6) na mga probinsya sa Silangang Visayas (SGP-PA for

Pantawid Pamilya, 2012).

Umaabot sa 4,041 na benipisyaryo ang kwalipikado na maenroll sa mga nagugunang SUCs na

kumuha nga mga kursong na sa tinggin ng CHED ay kritikal upang makatulong para sa pagunlad ng bansa

na nakasaad sa CMO No. 04,s. 2011(CHED priority Courses from SY-2011-2012 to SY 2015-2016). Mula

sila sa mga kinilalang mahihirap na pamilya sa 609 municipalidad na kasapi sa Pantawid Pamilya Pilipino

Program ng DSWD. Ang pinakamataas na matatangap ng bawat SGP-PA iskolar ay umaabot sa

Php60,000.00 tulong pinansyal bawat taong panuruan. Sakop sa tulong na ito ang tuition at ibang bayarin

sa paaralan – Php10,000.00 bawat semestre, mga aklat at ibang kagamitan pampaaralan – Php2,500.00

bawat semestre, at ang stipend ( pambayad sa upa at tirahan, damit, transportasyon, gamit pangkalusugan

at ibang kabilang na gastusin) – Php 3,500.00 bawat buwan X 10 buwan ng pag-aaral (CHED SGP-

PA,2012).

Ang mga sumusunod na mga impormasyon na nakalap mula sa interbyu sa iskolarsyip

koordineytor at Guidance counselor ng Pamantasang Normal ng Leyte si Gng. Bacierra noong Pebrero

2013. Ayon kay Gng. Bacierra ang mga SGP-PA iskolars ay pinipili ng DSWD mula sa mga mahihirap na

pamilya. Mayroong anim na daan at siyam (609) na munisipyo ang sakop ng Pantawid Pamilyang Pilipino

Program. At sa mga munisipyong ito na sakop ng 4P’s kinukuha at pinipili ang mga SGP-PA iskolars.
Kabilang sa mga benepisyong natatanggap ng mga iskolars ay ang Educational Program at Tuition Fees.

Ang bawat SGP-PA iskolar aymay 10,000 badyet sa bawat semestre, 2,500 na book allowance sa buong

semestre at 3,500 na allowance bawat buwan. Mayroong dalawang (2) kurso na pwedeng piliin ng mga

iskolars: Education (BEED at BSED) at I.T (Information Technology). Kapag hindi napanatili ng mga

iskolar ang pasadong marka, maaari silang matanggal sa kursong pinili nila. Mayroong isang daan at

walumpu’t isang (181) iskolars sa kabuuan. Pero isang daan at dalawampu’t pitong (127) iskolars lamang

ang kasalukuyang nag-aaral sa LNU. Dalawa (2) ang nag-drop dahil sa kanilang kalusugan (health

reasons)

Ang qualipikasyon upang mapabilang sa iskolarship, ang bawat isa ay dapat; benepisyaryo

ng 4Ps, hindi lalagpas ng tatlong po(30) ang edad sa oras ng pagpili,may mabuting pangangatawan at ag-

iisip, nakapagtapos sa high school,wala na ibang iskorship sa ibang mga pambulikong institusyon, maipasa

ang entrance eksam at ibang mga mga kinakailangang document hinihingi ng SUC’s, maipasa ang lahat

ng kinakailangan na hinihingi ng National SGP- PA Committee at makapag-enroll/makalipat sa CHED

Priority programs na pinili ng mga nanguguna at kinilalang SUC’s, na madali nilang makuha mula sa

kanilang lugar (Guidelines on SGP-PA, 2012).

Sa Rehiyong VIII, may roong dalawang kinilalang Unibersidad na accredited sa SGP- PA –

Visayas State University(VSU) at Leyte Normal University (LNU). kinilala sa pamamagitan ng proseso ng

balidasyon na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Baclay, 2012)
KAUGNAY NA PAG-AARAL

Isang pananaliksik kaugnay sa CCT(Conditional Cash Transfer) na isinagawa nina Fiszbein,

et al. ng World Bank. Pinamagatan itong A World Bank Policy Research Report: Conditional Cash

Transfers, Reducing Present and Future Poverty(2009). Ayon sa isa sa mga resulta ng pananaliksik sa

mga bansa na nagpatupad ng CCT ay nagkaroon ng pagtaas ng porsyento ng mga pagenroll at madalas

na pagpasok sa paaralan ng mga benepisyaryong estudyante. Nagkaroon din ito ng positibong pagtaas ng

porsyento sa aspetong pangkalusugan ng benipisyaryong pamilya. Ang mga epektong ito ay mas

kapansin-pansin sa mga bansang may mababang kita tulad ng Honduras,Nigaragua, Cambodia at iba pa.

Inilahad nina Fiszbein, et al.(2009)sa kanilang konklusyon, na sa haba nag tinatakbo ng

pagpapatupad ng programang CCT ito ay naging epektibo sa paglaban ng kahirapan sa maikling panahon

sa pamamagitan ng pagtaas na serbisyo ng edukasyon at kalusugan.

May ginawa naming pananaliksik patungkol sa programang CCT sa Pilipinas o ang

Pantawid Pamilya, isinagawa ito nina Chaudharry, et al. ng World Bank , Developmental Economics

Research Group at ng World Bank, east Asia and Pacific Region, Human Development. Ang pananaliksik

ay pinamagatang Philippines Conditional Cash Transfer Impact Evaluation 2012 (2013). Ang pag-aaral na

isinagawa ay nagpapakita na ang Pantawid Pamilya ay may malakas na epekto sa enrollment sa paaralan

ng mga batang estudyante. Sa mga batang preschool at daycare edad (3-5 taong gulang), ang enrollment

ay 10.3% puntos na mas mataas ang mahihirap na bata sa Pantawid na barangay kay sa mga di-Pantawid

na barangay. At tulad din sa enrollment ng mga batang nasa elementarya edad (6-11) mas mataas din

ang porsyento ng 4.5 ang mga Pantawid barangay. Ang pagtaas ng enrollment ay nag tuloy –tuloy rin

hangang sa pagtaas ng pagtatapos ng taong panuruan at pagbaba ng porsyento ngmga dropout, ito ay ulat

mula sa 120 na mga paaralang elementarya sa bansa.


Dinagdag di nina Chaudharry, et al.(2013) ayon sa pagaaral na ang mga Pantawid

Barangay ay mas mataas ang porsyento ng pagpasok sa paaralan kay sa di-Pantawid barangay ng 3.8%

puntos mas mataas sa mga kabatang edad 6-11 taong gulang, 4.9% mas mataas sa mga edad 12-14

taong gulang at 7.6% mas mataas sa mga edad 15-17 taong gulang. Nagpapakita ito ng magandang

naidudulot ng programa sa mga benepisyaryong pamilya at mag-aaral.

Sa sinagawang pag-aaral ni Rosario Mansan, isang ekonomista ng Philippine Institute for

Development Studies (PIDS)(2012), makikita ang mataas na pagpasok sa paaralan ng ibang mga lunsod

at probinsya sakop ng programang Pantawid Pamilya. Sa mga lugar labas sa Metro Manila at ng

Autonomous Rigion of Muslim Mindanao, napansin ni Mansaan(2012) na ang bilang ng mga estudyante sa

elemenarya sa pampublikong paaralan ay tumaas ng 3.5 na porsyento sa 2008-2010, taon ng

pagpapatupad ng 4Ps. Sa mga pampublikong paaralan pangsecondarya ay tumaas ng 3.5 na porsyento

ang bilang ng mga estudyante sa mga taong 2008-2010. Sa ARMM naman ay tumaas ang enrollment sa

elementarya ng 19 na porsyento sa taong 2010.

Sinabi pa ni Mansaan(2012) ang epekto ng enrollment ay “more distinct and felt” sa

elemntarya kay sa secondary.


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa bawat pananaliksik ay mayroong disenyo at parran ng panaliksik. Dahil ito sa magiging

batayan ng mananaliksik para maging mas matibay ang kanilang ginawang pananaliksik.

Nakatala sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, mga respondent ng pananaliksik,

instromento ng pananaliksik at ang tritment ng mga datos na nakalap.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Upang malaman, ilarawan at suriin ang saloobin ng mga 4PS na estudyante sa pagiging SGP-

PA na iskolar nila sa Pamantasang Normal ng Leyte sa taong panuruan 2012-2013 ginamit ang diskriptive

analitik bilang paraan ng pananaliksik. Ang purposive sampling naman ang ginamit bilang teknik sa pagpili

ng mga respondent sa dahilang kaya nilang sagutin ang mga tanong na inihanda ng mga mananaliksik.

MGA RESPONDENT

Ang mga piniling respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga 4Ps na mga estudyante na

nakatangap ng SGP-PA na iskolarship sa Pamantasang Normal ng Leyte, taong panuruang 2012-2013.

Kumuha ng limampu (50) respondent ang mga mananaliksik, mula sa mga mag aaral sa unang

taon na kumukuha ng BEED, BSED, BSIT na mga SGP-PA na iskolar. Sila ang mga napili bilang

respondent sa pananaliksik sa kadahilanang may kaalaman silang sagutin ang mga katanungan na may
kinalaman sa 4Ps at SGP-PA at sila rin and direktang nakararanas sa mga benepisyo nito. Sa kasalukuyan

wala pang SGP-PA na iskolar ang nasa nagaaral sa ikalawa, ikatlo at ikaapat na taon sa Pamantasang

Normal ng Leyte, dahil ito ang unang taon ng pagpapatupad ng proramang ito.

Talahanayan I

Distribusyon ng mga Respondent

Kurso Bilang ng mga Respondente Bahagdan


BEED 18 36%

BSED 18 36%

BSIT 14 28%

Kabuuang Dami 50 100%

INSTRUMENT NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik

ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapalap ng mga datos upang masuri ang

saloopin ng mga respondete sa pagiging SGP-Pa iskolar nila. Sampung mga katanungan ang ginawa ng

mgga mananaliksik upang sagutan ng mga respondent.


Nagsagawa rin ng interbyu ang mga mananaliksik sa iskolarsyip koordineytor ng

Pamantasang Normal ng Leyte si Gng. Bacierra, upang makakuha ng impormasyon patungkol

pagkasalukuyang estado sa mga SGP-PA iskolar sa Pamantasng Normal ng Leyte.

TRITMENT NG MGA DATOS

Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi isang

pangangilangan sa pagtamo ng isang digri tulad ng ng mga tisisat disertasyon , walang ginawang

pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mataas at kompleks na

istatistikal na pamamaraan. Kaya sa pagsususri ng datos na nakalap ay gumamit ng pormulang simple

upang makuha ang percentage sa pamamaraan ng pagkuha ng bahagdan na siyang pinagbatayan sa

pagkuha ng bawt detalyeng nakalap.

Sa ibabaang poang pormulang ginamit:

b = e / k x 100

kung saan:

b - bahagdadan

e - bilang ng mga respondent na sumagot

k - kabuuang bilang ng mga respondent

100- kabuang porsyento


KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT RECOMENDASYON

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman kung ano ang mga saloobin ng mga 4Ps na

estudyante sa pagiging SGP-PA iskolar nila sa Pamantasang Normal ng Leyte.

Gamit ang disenyong deskriptib-analitik bilang pamamaran ng pananaliksik, ang mga

mananaliksik ay gumawa ng sarbey-kwestyoner na pinagsagutan ng limangpu (50) na respondante, labing-

walo (18) sa Bachelor of Elementary Education, labing- walo naman nagmula sa Bachelor of Secondary

Education at labing-apat naman sa Bachelor of Science in Information Technology.


BIblograpiya

The new Webster dictionary of English language 2000 lexicon publications , inc p 983

You might also like