You are on page 1of 2

SA PAGHAHANAP NG WALA

EUNICE PATRICIA M. VILLANUEVA


STEM 11-08, Senior High School Department
Polytechnic University of the Philippines

Sa isang gabing madilim, malamig na hangin ang nangingibabaw


Ang buwan na sumisilip sa kalangitan ang nagsisilbing ilaw
Sa pagtingin sa magkabilang gilid mga mabeberdeng dahon ang makikita
Mga huni ng kuliglig ang magsisilbing musika
Musika na tanging ikaw lang ang nakakarinig
Para bang ang lahat ay punong-puno ng pag-ibig
Sa tahimik na lugar na ito, hindi inaasahan ang iyong pagdating

Sa pagdating ano nga ba ang iyong pakay


Mga yabag ng iyong paa ay nagsilbing ng ingay
Mga mata na tanging ang atensyon ay nasa paa
Binibilang kung ilang hakbang pa ba
Hindi alam kung malungkot o masaya ba
Hindi alintana ang lamig na nadarama
Di pansin na ikaw ay nag-iisa pala

Patuloy sa paghakbang ng mga paa


At sa iyong pagtingala maamong mukha ang nakita
Tila ano nga ba ang iyong problema
At sa ganitong lugar ika’y napadpad
Hindi ba napapagod sa paglalakad?
Imbis na sagutin ika’y umawit ng hiling

Hindi alam kung saan patungo


Ang aking isip ay litong-lito
Ano bang meron sila na wala ako
Hindi ko alam kung ako lang ba tong hindi kuntento
Ako’y tulungan sa paghahanap
Hindi ko alam pero parang may kung anong hirap
Naguguluhan sa totoong nadarama
Ang tanging nais lang ay mahanap kung ano ang wala
Mga paa’t kamay para bang nakakadena
Oh bigyan ng lunas itong aking damdamin
Dahil hindi na alam ang dapat gawin
Hindi alam kung paano ito tatawagin
Unti-unting nilalamon na ang aking saloobin

Ngayon ang nag-iisa ay tumuloy pa din sa paglalakbay


Sinusuri ang bawat maliliit na bagay
Sinusuyod ang bawat daan
Hindi na napansin ang pagdating ng malakas na ulan
Ulan na naging bagyo
Ikaw bilang nag-iisa na sanay dito
Sanay sa hirap na kinakaharap
Kahit nag-iisa ay hindi nagpatinag
Kinaya at patuloy na kinakaya ang lahat, ano pa’t ang unos
Ngunit sa hindi inaasahan
Dumating ang pighati ng baha na dulot ng malakas na ulan
Sinabayan pa ng paggambala ng kidlat sa kalangitan

Aking natandaan ako’y hindi dapat lumubog


Ano na’t ako’y nakarating dito kung hindi makakamtan ang gusto
Ako’y susugal sa unos na ito
Kakayanin at hindi susuko
At sa aking pagahon nagising sa tila panaginip
Nasaksihan ang muling pagsikat ng araw
Dama ang init sa balat
Kasama na umahon ang saya
At nahanap ang hindi makita
Sa bawat bahaghari isang bagyo muna ang dapat magdaan
Ang halaga ay hindi hinahanap sa iba
Kasi ang halaga ay nasa ating lahat
Nasa sarili ng bawat isa.

You might also like