You are on page 1of 3

Weather news Philippines

PAGASA: Maulan na panahon, asahan ngayong Huwebes


ABS-CBN News
Posted at Aug 03 2017 06:23 AM
MAYNILA - Asahan muli ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong
Huwebes dahil sa hanging habagat, ayon sa state weather bureau PAGASA.
Sa 4 a.m. forecast, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina hanggang katamtaman
na pag-ulan, gayundin ng thunderstorms, ang Luzon, kasama ang Metro Manila, Visayas,
at hilagang Mindanao.

Alas-4:00 ng umaga, naglabas ng yellow rainfall warning ang PAGASA sa Zambales at


Bataan. Ayon sa PAGASA, posibleng magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar ang
mga pag-ulan.
Bandang alas-5:00 naman ng umaga, naglabas ang PAGASA ng thunderstorm advisory
sa Metro Manila, Bulacan, Batangas, Cavite at ilang bahagi ng Rizal.
Posibleng tumagal ng hanggang 3 oras ang malakas na ulan sa mga nabanggit na lugar.

Ayon sa PAGASA, ang habagat ay patuloy na pinalalakas ng bagyong "Noru"


(international name) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Nitong Miyerkoles, binaha ang ilang bahagi ng Rizal dahil sa mga pag-ulan. Sa isang
lugar sa Cainta, Rizal, umabot pa ng hanggang dibdib ang baha.
Para sa latest sa lagay ng panahon, tumungo sa ABS-CBN Weather Center.
Showbiz news Philippines

Bakit makahulugan kay Enrigue Gil ang 'Bagani'?


ABS-CBN News
Posted at Feb 28 2018 10:02 PM

Makahulugan para kay Enrique Gil ang pagbida bilang action-adventure idol sa
inaabangang teleseryeng "Bagani."

Tampok sa serye ang malalaking engkuwentro ng mga lahi sa kakaibang daigdig ng


Sansinukob.

"They said it's the most expensive teleserye in Philippine history... this is actually five
years in the making, para siyang movie," sabi ni Gil sa panayam ng ABS-CBN News.

Gagampanan ni Gil ang karakter na si Lakas na aniya'y milestone role o makasaysayang


papel sa kaniyang karera bilang aktor.

"Ang hugot ni Lakas, pamilya niya. To fight with dignity, protect and serve your tribe,
and not do harm to others," ani Gil. "Bayani siya o bagani."

Matindi ang paghahanda ni Gil para sa papel, lalo sa kaniyang pisikal na anyo.

"Kailangan diet. Tsaka sa taping parang nagwo-work out ka, puro action scene, fight
scene, takbuhan," kuwento ng aktor.

Dagdag pa ni Gil, isa sa mga mahirap na ginawa nila para sa serye ay ang mag-taping sa
disyerto ng Ilocos.

"Mainit so naka-sandals lang kami. Iyong buhangin, napakainit," aniya.

Kabilang sa mga bituing makakasama ni Gil sa "Bagani" ay sina Liza Soberano, Matteo
Guidicelli, Makisig Morales, at Sofia Andres.

Magsisimula ang "Bagani" sa Marso 5 pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano."

You might also like