You are on page 1of 1

Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita[1] na ipinapahayag ang mga ugnayan sa

panahon o lawak (sa, sa ilalim, patungo sa, bago) o pagmamarka sa iba't ibang
semantikong pagganap (ng, para sa). Isa itong morpema na nauuna sa mga pangkat na
salitang pangngalan at panghalip na nagdudulot ng kaganapan (complement) o
pagbabago sa parirala.[2] Kapag ginagamit sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan
nito sa pamamagitan ng paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan, panahon at
iba pa.[2]
Sa balarilang Filipino o Tagalog, ang katawagang pang-ukol at iba pang bahagi ng
pananalita ay nilikha ni Lope K. Santos na kanyang sinulat sa aklat na Balarila ng
Wikang Pambansa.[3] Sa balarilang Ingles, tinatawag ang pang-ukol
bilang preposition o postposition (kapag pinagsama ay tinatawag na adposition ngunit
mas malawak na kilala bilang preposition lamang). Ang preposition ay nangunguna
bago ang kapunuan o complement samantalang ang postposition ay pagkatapos
ng complement.

You might also like