You are on page 1of 19

TSAPTER 1

SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

“Kabataan ang pag-asa ng bayan” ayon sa isang sikat na kasabihan.

Ngunit sa kasalukuyang panahon, masasabi parin ba natin na kayang

maging modelo ng mga kabataan sa panahon ngayon?

Ang anak ay matuturing na isang biyaya ng maykapal sa mga

magulang at sila ang nagbibigay sigla sa isang tahanan, sila rin ang

nagsisilbing pag-asa ng mga magulang upang makaahon sa kahirapan.

Noong unang panahon, ang mga kabataan ay palaging nasa tahanan at

parating tumutulong sa magulang sa kanilang gawaing bahay. Ang mga

babae ay maayos at konserbatibo sa pananamit, tinatawag pa nga itong

“Maria Clara”. Mas nakakapag-aral pa sila ng mabuti, may takot sa

magulang at magalang sa pagsagot. Madali rin silang sawayin at

pagsabihan. Ang mga kabataan din noon ay may kusa sa paggawa ng mga

gawaing bahay. Samantalang ngayon, malaki na talaga ang pinagbago ng

mga kabataan lalo na sa mga kababaihan. Pabalang na kung sumagot at

sumusuway na sa mga utos ng magulang kaya naman nagiging resulta ay

pagrerebelde ng anak, maagang pagbubuntis, maagang pagkakaroon ng

asawa at nalululong sa masamang bisyo. Karamihan narin ay hindi na

pinagbubuti ang pag-aaral at paglalakwatsa na lang ang inaatupag. Dala

narin ng mga pagbabago at modernong panahon ang mga kabataang ito ay

nag iba na, maging ang mga pag-uugali, pananamit at pati narin ang
paraan ng pagpapakita ng emosyon ay nagbago na, ang dating pagmamano

lamang ay nagiging beso-beso na at ang dating sa pampribadong lugar

lamang ginagawa ay makikita na natin sa mga pampublikong lugar at ito

ay tinatawag na PDA o Public Display of Affection.

Ang Public Display of Affection o PDA ay ang lantarang

pagpapahayag ng damdamin sa pampublikong lugar. Karaniwan itong

nakikita sa mga magkasintahan at magkakaibigan. Sa kasalukuyan hindi

na bago sa paningin ng tao ang pagpapahayag nila ng damdamin, na dati

ang simpleng pagpapahayag ng damdamin ay binibigyan na nila ng

malaking kahulugan kung saan kapag dumampi na ang balat ng isang

lalake sa babae ay magdedesisyon na ang magulang na sila ay mag-isang

dibdib. Sa ganitong sitwasyon nakikita natin ang maraming pag babago sa

ating lipunan.

Iba’t iba ang pananaw ng tao ukol sa Public Display of Affection

sa iba ay ayos lamang na makakita ng ganitong gawain ngunit mayroon

namang hindi gusto at naiinis sa tuwing makakakita nito. Sa kasalukuyan

laganap na kaugalian ang gawaing ito hindi katulad noong mga sinaunang

panahon na mayroong sensitibong pananaw tungkol dito kung kaya’t lahat

ng kabataan noon ay mayroong pag iingat sa pag kilos at mga pananamit at

ganun din sa pagsasalita.

Ayon kay Kirkova (2015) kapag ikaw ay nasa bagong relasyon,

ang simpleng lantarang pagpapahayag ng damdamin ay hindi gaanong


nakababahala. Ang kakaumpisa pa lamang na relasyon ay limitado pa ang

galaw dahil maaaring kinikilala pa nila ang isa’t-isa at marahil sila ay

nagkakahiyaan pa.

Ayon naman kay Mayne (2016) ang umibig ay kahanga-hanga,

at kapag ito ay nangyari gusto nating malaman ng buong mundo.

Sinasabing ang isang taong umiibig ay nais na ipagsigawan sa lahat ang

kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang kilos sa

publiko.

Sa madaling salita, ang PDA ay isang gawain ng kahit sino

mang tao (babae sa lalake, lalake sa babae, babae sa babae atbp.) na

kumukuha ng atensyon ng publiko. Ito ay walang pinipiling lugar at oras.

Sa katunayan, ang PDA ay isang talamak na sitwasyon sa Pilipinas. Ang

ibang mga tao ay nagugulat dahil kahit ang mga kabataan ay nakikitang

gumagawa ng mga bagay na hindi naman dapat makita sa pampublikong

lugar.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang PDA o Public Display of Affection ay lantarang

pagpapahayag sa harap ng maraming tao o sa pampublikong lugar.

Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil ito’y nakatutulong upang maibukas

ang isipan ng mga taong gumagawa ng PDA sa pampublikong lugar kung

ano ang mga reaksyon o pananaw ng mga taong nakakakita nito at upang

malaman nila kung paano nila maiaangkop ang kanilang gagawin sa


tamang sitwasyon at lugar. Upang mabigyan ng ideya ang mga tao ukol

dito.

Sa mga estudyante, mahalaga ito sa mga estudyante dahil

magkakaroon sila ng kaalaman tungkol dito at maaari nilang malaman ang

iba’t ibang opinion ng mga nakakita nito at upang sila ay mabigyan ng aral

tungkol sa kung paano maiaangkop sa tama ang pagpapakita ng

pagmamahal sa isang tao.

Sa mga magulang, mahalaga ang pag-aaral na ito dahil maaari

nilang mapangaralan ang kanilang mga anak tungkol dito dahil mayroon

na silang sapat na kaalaman dito at malaman na di kaaya-aya sa paningin

ng ibang tao ang ganoong sitwasyon. At upang magabayan nila ang

kanilang mga anak .

Sa mga guro, mahalaga rin ito sa mga guro dahil malalaman

nila ang iba’t ibang opinyon ng mga mag-aaral tungkol dito. At upang

maipabatid nila ang mga mahahalagang bagay na maihahatid nila sa bawat

mag aaral.

Sa mga magkasintahan na hindi nililimitahan ang kilos na

ipinakikita sa pampublikong mga lugar, malaman na hindi kaaya-aya ang

mga gawaing dapat pampribado at hindi maganda ang resulta sa mga


nakakakita nito.

Sa mga nakakakita ng ganitong gawain, malaman na hindi

lamang ang PDA ay para lang sa magkasintahan, mayroon ding gumagawa

nito pero hindi lang ito masyadong nabibigyan ng pansin.

Sa mga magulang na hindi nagagabayan o napapayuhan ang

kanilang anak, malaman na dapat payuhan ang mga anak at lahat ng bagay

ay may naka ukol na panahon.

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Noon, ang pag-iibigan ay may sinusunod na edad at hindi

nagiging lantad sa publiko. Hindi ka makakakita ng PDA sa kung saan, at

iba ito sa panahon natin ngayon.

Saad ni Purdy (2007) na namamahala ng magandang asal at

isang manunulat, sa tamang lugar ito ay ayos lang. Ipagpalagay na nating

kalahati ng mga magkasintahan na hindi pa nagsasama ng higit sa

dalawang taon, ang lumabis sa paghahawakan ng kamay, paghawak sa

baywang at simpleng paghalik ay hindi na angkop at dapat.


Sinasabing bukod sa paghahawakan ng kamay, paghawak sa

baywang at simpleng paghalik ay wala na dapat pang ipakita sa

pampublikong lugar dahil ang mga gawaing lalagpas na sa mga ito ay

dapat sa mga pribadong lugar na ginagawa.

Ayon kay Klimek (1984) sa mga Amerikano¸ kapag kami ay

sumobra sa simpleng paghawak, ang aming kilos ay humahantong sa ibang

bagay.

Sa bansang Amerika ay sinasabing humihigit pa ang kanilang

mga nagagawa dahilan lamang ng simpleng paghawak maaaring sila ay

nadadala sa sitwasyon na humahantong sa mas matinding bagay.

Ayon naman kay Kavanagh (2010) ang pagmamahal ay tiyak

na mas mahalaga kaysa sa kapusukan, dahil ang kapusukan sa isang

relasyon ay karaniwang tumatagal ng tatlong taon, samantalang ang

pagmamahal ay tumatagal habang nabubuhay ang isang tao. Hinahayaan

nito ang isang magkarelasyon na maipakita na mayroon parin silang

malasakit sa isa’t-isa matapos ang unang daluyong ng pagnanasa. Ang

latarang pagpapahayag ng damdamin ay isang simbolo na

pinahahalagahan at nirerespeto mo ang iyong karelasyon - dalawang

mahalagang parte ng isang relasyon.

Ayon sa sinabi ni Kavanagh (2010) mas mahalaga ang

pagmamahal kaysa sa kapusukan dahil sa pagmamahal ay nagkakaroon ka


ng respeto sa iyong minamahal hindi katulad ng kapusukan na pagnanasa

lamang ang iyong naipaparamdam.

Nasasabi ni Altman Ph.D. isang manunulat (1999) may mga

taong kailangang ipadama ang pagnanasa sa iba, at ang PDA ang

eksaktong paraan para mapatunayan na ang ating pribadong buhay ay

talagang mahalay.

Ang PDA ang nagsisilbing susi upang mapatunayan ang

pagmamahal ng isang tao maging sa harap ng publiko.

Sabi ni McAneney (2012) Ito ay maaaring pagmamahal at ang

mga tao ay nahihirapang iwasan na maghawakan ng kamay, dahil ito ang

nangyayari sa mga bago pa lamang na relasyon. Ang nasa kakaumpisa pa

lamang na relasyon ay sabik at nagsisimula pa lamang bumuo ng mga

pangyayari.

Kapag ikaw ay umibig o magmasakim, kung minsan mahirap

iwasang hindi ipirmi ang kamay sa iyong sarili. Ang Public Display of

Affection o PDA ay umaabot lamang sa paghahawakan ng kamay, ugali

na kahit ang mga sikat na bayarang mga babae ay maaring mahiya.

(Lewis, 2011)

Ang simpleng kilos katulad ng pagbibigay ng pagkain,

pagbukas ng pintuan para sa isang tao o pagbili ng maiinom ng isa’t isa,

ito ay ang paraan upang maipakita ang iyong pagmamahal ng walang mga

nahihiya sa paligid mo. (Lewis, 2011)


Sa pagkakataong makakita ng sitwasyon ng mga

magkakarelasyon na maalaga sa isa’t-isa, may mga taong nahihiya kapag

nakakita nito o di kaya ay iiwas sa mga magkakaparehang gumagawa nito.

Konseptwal na Balangkas

Edad Antas ng Antas ng


Kaalaman Kaalaman
Kasarian sa PDA sa PDA
Katayuan

Pigura 1. Paradigma ng Pag-aaral

Nais ipakita sa Konseptwal na Balangkas kung may

direktang kinalaman ang kasarian edad, kasarian, katayuan sa saklaw ng

kaalaman ng mga mag-aaral sa PDA, gayundin ang saklaw ng kanilang

pagpapahayag ng damdamin sa publiko.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nais malaman ang saklaw ng

kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa Public Display of Affection.

Sasagutin ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na katanungan:

1. Gaano kalawak ang kaalaman ng mga tao tungkol sa kung ano ang

Public Display of Affection at kung bakit masasabing isa itong PDA?


2. Ano ang bahagdan ng mga gumagawa ng lantarang pagpapahayag ng

damdamin sa publiko o PDA?

3. Ano ang epekto nito sa mga mag-aaral?

Teorya ng Pag-aaral

1. Ang Public Display of Affection ay malalaswang gawaing ginagawa sa

mga

pampublikong lugar na nakakakuha ng atensyon ng mga tao.

2. Ang Public Display of Affection ay isang paraan ng pagpapakita ng

pagmamahal sa isang tao sa kanyang karelasyon.

Kahulugan ng Talasalitaan

Public Display of Affection. Isang lantarang pagpapahayag

ng damdamin ng isang tao sa harapan ng marami o ibang tao. Halimbawa

nito ay ang paghahawakan ng kamay o paghahalikan sa harap ng publiko.

Percentage Frequency. Isang presentasyon, alinman sa

grapiko o hugis ng mga talaan ang ayos kung saan ipinapakita ang bilang

na naobserbahan sa loob ng naibigay na agwat.

Bargraph. Isang tsart na gumagamit ng bar upang

maipakita ang pagkatulad ng uri ng datos.

Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa kung ano

ang nalalaman ng mga tao tungkol sa Public Display of Affection. Layunin

ng pag-aaral na ito na malaman kung gaano ba kalawak ang kaalaman ng

mga tao tungkol dito. Ang pagsusuri ay isasagawa sa mga mag-aaral sa

kolehiyo na may kursong Batsilyer ng Agham sa Pangangasiwa ng

Negosyo (BSBA) at Batsilyer ng Agham sa Impormasyong

Panteknolohiya (BSIT).
TSAPTER 2

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Disenyo ng Pag-aaral

Gumamit ang mananaliksik ng pamamaraang palarawan.

Pamamaraang palarawan ang ginamit dahil sa pamamagitan nito

nailarawan kung gaano ba kalawak ang kaalaman ng mga tao tungkol sa

Public Display of Affection, ang pagtantiya kung ano ang lebel nito.

Pinagmulan ng mga Datos

Ang pinagmulan ng mga datos ng pag-aaral na ito ay ang

mga mag-aaral na may kursong Batsilyer ng Agham sa Pangangasiwa ng

Negosyo (BSBA) at Batsilyer ng Agham sa Impormasyong

Panteknolohiya (BSIT) sa Unibersidad ng Bulacan State University,

Bustos Campus. Sa kanila magmumula ang mga impormasyon tungkol sa

mga suliranin ng pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mga talatanungan.

Sampol ng Pag-aaral

Ang mga mag-aaral na kumuha ng kursong Batsilyer ng

Agham sa Pangangasiwa ng Negosyo (BSBA) at Batsilyer ng Agham sa

Impormasyong Panteknolohiya (BSIT). Ang distribusyon ng sampol na

tagatugon ay nakatala sa Talahanayan I.


Pamamaraan ng Pagpili ng Sampol

Ang mga mag-aaral na sasagot sa mga tanong ay mula sa

Unibersidad ng Bulacan State University, Bustos Campus. Ang sampol ay

binubuo ng mga mag-aaral na nasa unang antas sa Batsilyer ng Agham sa

Pangangasiwa ng Negosyo (BSBA), unang antas sa Batsilyer ng Agham sa

Impormasyong Panteknolohiya (BSIT).

Instrumento at Paraan ng Pagkuha ng Datos

a. Talatanungan. Ito ang ginamit upang makalipol ng impormasyon

mula sa mga nakalap na datos.Ito ay ipinamahagi ng mga mananaliksik

sa mga mag aaral sa Unibersidad ng Bulacan State University, Bustos

Campus (unang antas) na may ibat ibang opinyon ukol sa paksang

pinag aaralan.

Ang layunin ng mananaliksik na malaman ang saklaw ng

kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa PDA kaya’t ang mga

mananaliksik ay nagbigay ng talatanungan na binubuo ng anim (6) na

katanungan.
Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Tagatugon

Kurso Kabuuang Bilang ng

Populasyon Tagatugon

Batsilyer ng Agham sa 426 50


Pangangasiwa ng
Negosyo (BSBA)
Unang Antas
Batsilyer ng Agham sa 317 50
Impormasyong
Pangteknolohiya
(BSIT) Unang Antas
Kabuuan 743 100

b. Proseso sa Pagkuha ng Datos

Ang mananaliksik ay nagserbey sa Bulacan State

University-Bustos Campus upang makapagbahagi ng katanungan sa mag-

aaral at makalikom ng mga kasagutan para sa nasabing pag-aaral.

c. Pagsusuri ng mga Datos

Ang kaalaman ng mga mag aaral sa Unibersidad ng Bustos

na nasa unang antas ukol sa aming paksa ay sinuri ng mabuti ng

mananaliksik upang makagawa ng Bar graph o Percentage frequency

upang malaman ang eksaktong porsyento ng may kaalaman, at may di-

gaano pang kaalaman. Ang mga datos mula sa pagsusulit ay sinuri gamit

ang deskriptibo at istatistikang pamamaraan. Ang pagkuha ng percentage

frequency ay ginawa gamit ang pormulang:


P= (F/n) x 100%

P= bahagdan

f= dalas

n= kabuuan
TSAPTER 3

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS

Talahanayan 2. Datos sa Kaalaman ng mga Mag-aaral ukol sa Public Display

of Affection

1. Alam mo ba ang Public Display of Affection o PDA?

100%

90% 88%

80%

70%

60%

50%

40%

30%

20%
12%
10%

0%

Oo Hindi

Ayon sa nakalap na datos ng mga mananaliksik

88% ng kabuuan ng tagatugon ang nagsabing alam nila ang PDA o Public Display

of Affection. Para naman sa sagot na hindi, 12% ang kabuuang sagot ng mga

tagatugon.
2. Nakaranas ka na ba nito?

100%

90%

80%

70% 65%

60%

50%

40% 35%

30%

20%

10%

0%

Oo Hindi

Ayon sa nakalap na datos 35% ang nagsasabing Oo,

naranasan na nila ang Public Display of Affection, 65% naman ang kabuuan ng

nagsabing hindi pa nila nararanasan ang pagpapakita ng damdamin sa publiko.

Ayon sa datos na ito mas marami pa rin ang hindi nakakaranas ng Public Display of

Affection o tinatawag na PDA.


3. Ang PDA ay para lamang sa magkasintahan. Sang-ayon ka ba dito?

100%

90%

80%

70%

60% 52%

50% 48%

40%

30%

20%

10%

0%

Oo Hindi

Sa tanong na ito ang nakalap ng mga mananaliksik

52% ang nagsabing oo, sang-ayon sila na para lamang sa magkasintahan ang Public

Display of Affection, 48% ang nagsabing hindi sila sang-ayon, mas mataas ang

nagsabing sila’y sang ayon na para lamang sa mga magkasintahan ang PDA kaysa

sa hindi.
4. Ang PDA ay hindi lamang inilalalarawan sa magkasintahan kundi pati narin sa
magkakaibigan o taong gumagawa ng hindi dapat isinasapubliko. Sang ayon ka ba
dito?

100%

90%

80%

70% 68%

60%

50%

40% 32%

30%

20%

10%

0%

Oo Hindi

Para sa kabuuan ng pang-apat na tanong na ito, 55%

ng mga mag-aaral ang nagsasabing oo na kung saan ang PDA ay hindi lamang para

sa mga magkasintahan kundi maaari rin na ilarawan sa mga gumagawa ng hindi

dapat gawin sa harap ng publiko. 32% para sa sagot na hindi.


5. Para sa iyo, masama ba ang epekto ng Public Display of Affection?

100%

90%

80%

70%

60% 52%

50% 48%

40%

30%

20%

10%

0%

Oo Hindi

Lumalabas sa mga datos para sa tanong na ito, na

48% ang nagsabing oo, ayos lamang sa kanila na makakita ng taong gumagawa ng

lantarang pagpapahayag ng damdamin, 52% ang mataas na kabuuan na nagsabing

hindi ayos sa kanilang makakita ng mga tao na gumagawa ng ganitong gawain.

You might also like