You are on page 1of 3

PH paddlers dinomina ang ICF Dragon Boat World Championships

23SHARES000
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2018 - 12:00am
MANILA, Philippines — Bumanat pa ang Pinoy paddlers ng isang ginto sa final day para angkinin ang overall crown
sa 2018 International Canoe Federation Dragon Boat World Championships na ginanap sa Lake Lanier Olympic
Park sa Gainesville, Georgia sa Amerika.

Engrande ang exit ng Pilipinas nang mamayagpag ito sa 10-seater senior men’s 200-meter race sa bilis na 47.39
segundo para kunin ang ikalimang gintong medalya ng bansa sa naturang torneo.

Tinalo ng Pinoy squad ang Italy na nagkasya sa ikalawang puwesto (49.58) at Hungary na pumangatlo lamang
(49.87).

Magkakatuwang sina Mark Jhon Frias, Hermie Macaranas, Ojay Fuentes, John Lester Delos Santos, Oliver Manaig,
Reymart Nevado, Lee Robin Santos, Jordan De Guia, Roger Masbate at John Paul Selencio sa pagkopo ng
naturang medalya.

Humataw ng husto ang Pinoy squad sa huling bahagi ng karera nang magbigay ng signal sina drummer Patricia
Bustamante at steersman Maribeth Caranto na ibuhos na ang lahat para ungusan ang Italians.

Humakot ang Pilipinas ng kabuuang limang ginto, dalawang pilak at dalawang tansong medalya para malagpasan
ang limang ginto at isang pilak na nakuha ng tropa noong 2012 edisyon sa Milan, Italy.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2018/09/18/1852515/ph-


paddlers-dinomina-ang-icf-dragon-boat-world-championships#xvxfwlkmM4L4fJVs.99

Solo 3rd asam ng Blazers


7SHARES000
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2018 - 12:00am
MANILA, Philippines — Target ng College of Saint Benilde na masolo ang No. 3 spot upang mapalakas ang tsansa
nito sa Final Four sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament ngayong hapon sa The Arena
sa San Juan City.

Makakasagupa ng Benilde ang Mapua University sa alas-2 na susundan ng duwelo ng University of Perpetual Help
System Dalta at Arellano University sa alas-4.

Kasosyo ng Benilde ang Colegio de San Juan de Letran sa ikatlong puwesto hawak ang magkatulad na 7-4 marka
sa ilalim ng nangungunang Lyceum of the Philippines University (12-0) at nagdedepensang San Beda University
(11-1).

May tsansa sana ang Blazers na makopo ang solo third place subalit hindi counted ang buzzer-beating basket ni
Justin Gutang sa kanilang huling laro para lasapin ng kanilang tropa ang 65-66 kabiguan sa kamay ng San
Sebastian College-Recoletos.

Nais sana ng Benilde na magprotesta matapos pirmahan ni team captain Yankie Haruna ang scoresheet.

Subalit hindi na ito itinuloy ng Blazers.

Kaya’t inaasahang babawi ang Benilde lalo pa’t gumaganda na ang laro ni Gutang na nagtala ng career-high 25
points kabilang ang 16 sa fourth quarter laban sa Stags.

Haharapin ng Blazers ang Cardinals na naghahabol ding makakolekta ng mga panalo sa second round para
makahabol sa Final Four race.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2018/09/18/1852530/solo-3rd-


asam-ng-blazers#Yt2QkWHmIlY5lYbm.99
Anak ng balut vendor, 4 na tankers nagpasiklab
agad
24SHARES100
(Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2018 - 12:00am
BAGUIO CITY , Philippines — Isang anak ng balut vendor ang umangkin sa unang gintong medalya na
inilatag habang apat na tankers ang nagtampisaw ng tig-dalawang gold medal sa swimming event sa pagsisimula
ng 2018 Batang Pinoy National Finals kahapon dito.

Naghagis si Mary Grace Joson ng Camarines Sur ng 26.87 metro para pitasin ang gold medal sa secondary girls’
discus throw kasunod sina Janine Medina (26.64m) ng Zambales at Althea Guadalupe (26.54m) ng General Santos
City sa Baguio Athletic Bowl.

Nakatakdang tumanggap ang 15-anyos na si Joson, ang ina ay isang balut vendor at ang ama ay isang OFW sa
Dubai, ng cash incentive na P3,000 mula kay Camarines Sur Gov. Miguel Villafuerte.

“First time ko po ito sa Batang Pinoy National Finals,” sabi ng Grade 10 student ng CamSur Sports Academy na
kumuha ng ginto sa shot put at javelin throw sa Luzon Leg ng Batang Pinoy.

Sa Baguio Swimming Pool, umiskor naman ng tig-dalawang ginto sina Roz Ciaralene Encarnacion ng Laguna
Province, Althea Michel Baluyot ng Quezon City, Markus Johannes De Kam at Mervien Jules Mirandilla ng Lucena
City.

Pinoy paddlers sumagwan agad ng 2 ginto sa World Championships


41SHARES000
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am
MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ng lakas ang Pinoy paddlers nang angkinin nito ang dalawang gintong
medalya sa pagsisimula ng 2018 International Canoe Federation Dragon Boat World Championships na ginaganap
sa Lake Lanier Olympic Park sa Gainesville, Georgia sa Amerika.

Humataw ang national team sa 500m 10-seater senior mixed event makaraang itarak ang dalawang minuto at 7.506
segundo.

Malayo ito sa nakuhang 2:11.360 segundo ng Hungary na siyang umani sa pilak na medalya.

Tumersera ang Amerika na may 2:11.876 kasunod ang France (2:12.497), Canada (2:12.622) at Germany
(2:14.219).

Nasikwat ng Pinoy paddlers ang ikalawang ginto matapos manguna sa 20-seater senior mixed 500m race sa bilis
na 1:52.58.

Tinalo ng Pilipinas ang Hungary (1:55.09) at Czech Republic (1:55.14) na nakapilak at tanso, ayon sa
pagkakasunod.

Target ng Team Pilipinas na humirit pa ng gintong medalya ang koponan sa 500m 20-seater mixed at 200m 20-
seater mixed na mga events na napanalunan nito noong 2016 sa Moscow, Russia.

Tiwala si men’s team captain Hermie Macaranas na malalampasan ng tropa ang tatlong ginto, isang pilak at
dalawang tansong medalyang napanalunan noong 2016 edisyon.

Kasama ni Macaranas sa koponan sina Mark Jhon Frias, Ojay Fuentes, Norwell Cajes, John Lester Delos Santos,
Oliver Manaig, Roberto Pantaleon, Lee Robin Santos, Jordan De Guia, Jonathan Ruz, John Paul Selencio at Roger
Kenneth Masbate.

Nasa women’s team naman sina Rosalyn Esguerra, Rhea Roa, Christine Mae Talledo, Sharmane Mangilit, Apple
Jane Abitona, Raquel Almencion, Lealyn Baligasa, Glaiza Liwag at Maribeth Caranto.

Galing ang national team sa kampanya sa 18th Asian Games na ginanap sa Jakarta at Palembang sa Indonesia.
Ngunit bigo ang Pinoy paddlers na makakuha ng kahit isang medalya sa Asian meet kaya’t marami ang nagtaas ng
kilay nang makapagbulsa ang koponan ng ginto sa isang world-level competition na nilahukan ng Russia, Hungary,
Germany, France, Japan, India, Italy, Canada at Amerika.

Noong 2015 Southeast Asian Games sa Singapore, tanging isang tanso lamang ang nakuha ng Pinoy squad mula
sa women’s 200m six-crew event.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2018/09/15/1851539/pinoy-


paddlers-sumagwan-agad-ng-2-ginto-sa-world-championships#kixUC5oZpfJ20aRJ.99

Nanguna si Encarnacion sa girls’ 12-under 200m IM (2:40.97) at 50m breaststroke (37.33) habang bumandera si
Baluyot sa girls’ 13-15 100m freestyle (1:01.16) at 100m butterfly (1:06.98), si De Kam sa boy’s 12-under 100m
freestyle (59.11) at 50m backstroke (32.27) at namuno si Mirandilla sa boys’ 13-15 100m freestyle (58.38) at 100m
butterfly (59.92). (RC)

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2018/09/18/1852503/anak-ng-


balut-vendor-4-na-tankers-nagpasiklab-agad#Lz47i20BH8oEPBzj.99

You might also like