You are on page 1of 1

FIGUEROA, ANGELA D.

BSA 1C

Isang magandang araw sa ating lahat! Sa aking mga masisiglang kamag aral,
sa aking kagalang galang na guro na si Ginoong Doble at sa ating mga nagpipitagang
panauhing pandangal. Isang nagbubunying okasyon ang araw na ito dahil ngayon ay
ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa, bilang paggunita sa ating
kasaysayan at pagpapahalaga sa mga naging kaganapan upang ang wikang Filipino ay
maisabatas bilang Pambansang Wika ng Pilipinas.

Kung ating babalikan ang nakaraan, isa sa mga tanyag na kasabihan noon ay
ang kasabihang "Ang Kabataan ang Pag-Asa ng bayan" na isa sa mga nabanggit ni
Gat. Jose Rizal tungkol sa kabataan. Ngunit, sa kasalukuyang panahon, ang kabataan
pa rin ba ang sinasabing pag-asa ng bayan? Sandali tayong manahimik at pagnilay-
nilayan ang katanungang iyan. Sa ating makabagong henerasyon ay hindi na maganda
ang pagsasalarawan sa isang kabataan sa kadahilanang halos lahat ng kabataan
ngayon ay naliligaw na ng landas. Ang iba sa mga ito ay gumagamit ng ipinagbabawal
na gamot, nagrerebelde sa mga magulang, mas iginugugol ang oras sa pamamasyal
kasama ang mga barkada at marami na ring mga kabataan ngayon na sa murang edad
pa lamang ay mayroon ng anak. Gayunpaman, kung ako ang inyong tatanungin ay oo
ang aking isasagot na kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan. Sa aking pananaw, ang
isang kabataan ay naligaw man ng landas ay maaari parin itong magbago at kayang
gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang makapag ambag sa pag-unlad ng ating
bayan.

Sa kabila ng lahat ng ito ay gusto kong bigyan-pansin naman natin ang mga
kabataang mas pinipiling magsunog ng kilay kaysa magsayang ng oras sa ibang bagay.
Mga kabataan na nagpapaubaya ng kanilang kagustuhan para sa kanilang pamilya.
Ang mga kabataang naulila na pero patuloy pa ring nagsisikap para sa kanyang mga
pangarap. Mga kabataang minsang naging masama pero natutong iwasto ang
pagkakamaling nagawa. Lahat ito ay isa nang magandang rason upang sabihin na ang
kabataan ay ang pag-asa ng bayan.

Ako, bilang isang kabataan rin ay nakatayo sa inyong harapan na naniniwalang


hindi pa huli ang lahat para sa ating magagawa sa ikauunlad ng ating bayang
sinilangan. Gusto kong magkaisa tayong lahat at patunayan ang katagang sinabi ni Gat.
Jose Rizal tungkol sa mga kabataan. Simulan na nating maging inspirasyon sa ibang
kabataan at tulungang bumangon ang mga kabataang naligaw ng landas nang sa
gayon ay hindi natin mabigo ang ating pambansang bayani at matulungan natin ang
bansang Pilipinas.

You might also like