You are on page 1of 2

LLABAN, JUNE CLEAR O.

GE 10-E

“ESTUDYANTE”
May iba’t-ibang uri ng mag-aaral,
May mabait at ang kasipagan ay natural.
May mga pasaway o di kaya’y minsan ay tamad,
Madalas lumiliban, o di kaya’y umuuwi agad.
Para bang ibong ligaw, -Pagtutulad
Kung kani-kaninong pugad inaagaw.

Estudyanteng pagod,
Kung maglakad ay para bang isang uod. -Pagtutulad
Siya’y isang kwagong nagpupuyat, -Pagwawangis
Dahil sa gabi’y gumagawa ng kanyang iuulat.
Nagsusunog ng kilay,
‘Kala mo’y kapag bumagsak ay di na mabubuhay.

May estudyanteng tila pagod sa buhay,


Pero sa gabi’y gumagala’t late kung dumating sa bahay.
Akala mo’y galing study,
Yun pala’y nasa labas at nagpa’party.
Makati ang paa,
Pamasahe lang naman ang pera.
Hindi ko lubos maisip kung sa ating pag-aaral
Tayo ay hindi makatatagal.
Paano nalang ang pagsasakripisyo ng ating mga magulang
Simula nang tayo ay isinilang?
I-krus mo sa iyong noo!
Mga bagay na nagawa ng magulang mo para lang sayo.

Bulong ng hangin ay huwag ng hintayin pa, -Pagtatao


Hindi pa huli’t makakabawi ka pa.
Pagsasakripisyo ng ating mga magulang ay suklian mo na,
Huwag nang hintayin na magpantay ang kanilang mga paa,
Pagiging ulirang estudyante’y isakatuparan mo na,
Upang mga magulang nati’y maging masaya.

You might also like