You are on page 1of 4

INTRODUKSYON

Hindi maiiwasan na magkaroon ng mga suliranin. Ito ay parte sa pamumuhay dito sa


mundo. Walang pinipiling estado at walang pinipiling grupo o tao. Katulad na lamang ng
isang bansa na hangaring mapaunlad ang ekonomiya. Maraming tao ang bumubuo ng isang
bansa. Samakatuwid, maraming suliranin ang kinakaharap at kakaharapin pa. Ang tanong,
ano ba ang maituturing na pinaka-una sa listahan pagdating sa problemang pang-
ekonomiya ng isang bansa? Maraming pagpipilian, ngunit ito ang maituturing na isa sa
pinaka-importanteng isyu na dapat tutukan. Ito ay ang suliranin sa kakapusan at
kakulangan.

KATAWAN

Ano nga ba ang kakapusan at kakulangan?

Kahit saang panig ng mundo ay mayroong mga isyu patungkol sa kakapusan at kakulangan.
Ito ay isang malawak na suliranin na walang pinipili at lahat ay nararanasan. Patungkol sa
usaping pang-ekonomiya, lahat ng bansa ay nahaharap sa problemang may kinalaman sa
kalagayan ng mga pinagkukunang-yaman. Gayundin naman ang kakayahan upang
matugunan ang hindi mabilang na mga pangangailangan ng mga tao. Ang pangunahing isyu
ng kakapusan ay ang katotohanang walang kakayahan ang kahit na anong bansa na
matustusan ang mga pangangailangan ng ekonomiya bilang kabuuan.

Kakapusan (scarcity) – ito ay isang uri ng suliranin na tumutukoy sa pagkakaroon ng


limitasyon sa mga pinagkukunan ng yaman na siyang ginagamit sa paggawa o paglikha ng
mga serbisyo at produkto. Ito ay isang uri ng kalagayan kung saan kaakibat ng buhay ng tao
na nagpapakita ng pagtutunggalian sa paggamit ng yaman ng bansa bilang sagot sa mga
pangangailangan ng lipunan. Ito ay palagiang problema ng tao at lipunan na hindi madaling
lutasin. Ang suliranin sa kakapusan ay ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng mga
problemang pang-ekonomiya.

Umiiral sa dalawang bagay:

 Pisikal na estado – limitado ang pinagkukunang-yaman

 Pangkaisipang kalagayan – walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

Dahil sa isyu ng kakapusan, napakahalaga na magkaroon ng malalimang pag-aaral o


mahalaga na pag-isipan ng bansa kung anong serbisyo at produkto ang gagawin at kung
gaano ito karami. Gayundin, mahalagang malaman kung para kanino ito at kung paani ito
maipapamahagi.

Mga suliraning pang-produksyon

 Ano ang gagawin? – mahalagang mabatid ang mga serbisyo at produkto sa isang
ekonomiya. Sadyang mahalagang malaman ang mga pangangailangan ng bawat tao na may
kaukulang pagbibigay ng halaga.

 Paano ito gagawin? – sa paglikha ng mga produkto at serbisyo, ito ay may proseso n
sinusunod. Isinasaalang-alang rito ang mga bagay na gagamitin sa pagbubuo ng mga
produkto.

 Gaano karami ang gagawin? – ang dami ng produktong gagawin ay pagbibigay ng halaga sa
yaman ng bansa gayundin ang bilang ng mga mamamayan na siyang direktang
makikinabang. Sa pagkakataong makagawa ng produkto ang ekonomiya, marapat lamang
na ito’y maipamahagi sa mga mamamayan.

Mga suliraning pang-distribusyon

 Para kanino ang gagawin? – binibigyang pansin ang mga mamamayan na siyang gagamit at
makikinabang sa mga gagawing produkto upang mas maging epektibo ang pamamahagi ng
mga produkto.

 Paano maipapamahagi ang mga produkto? – ang isa sa mga layuning tinitignan ng
pamahalaan ay ang maging epektibo sa pamamahagi ng mga produktong nagawa kung
kaya’t ito ay isinasagawa ng may iba’t-ibang paraan upang makarating sa mga
nangangailangan ang mga produktong nalikha. Ang mga mekanismo na makakatulong ng
lubos sa pamamahagi ng mga produkto ay ang kalakalang lokal at mga pamilihan.

Ang mga katanungang ito ay makakatulong upang mabigyan ng pansin ang mga kakapusan
na dinaranas ng isang bansa. Ang bawat bansa ay may mga layunin pagdating sa
pangkabuhayan na nais mabigyan ng katuparan na kayang gawin ang lahat upang ito ay
masolusyunan lamang.

Mga palatandaan ng kakapusan

 Kapag ang mga produkto ay may mataas na halaga o presyo gayundin naman ang iba pang
mga pangunahing mga pangangailangan.

 Mayroong pera ngunit wala nang mabili.

 Kapag marami na ang nagkakasakit dahil sa gutom.


 Kapag ang isang bansa ay nagpupumilit paring mag-angkat ng mga produkto kahit na sa
totoo ay naghihirap na ito.

Kakulangan (shortage) – ito ay ang panandaliang kawalan o hindi kasapatan ng mga


pangangailangan. Malaki ang tyansa na ito ay gawa lamang ng tao. Ito ay kadalasang
umiiral sa tuwing may pansamantalang pagkukulang ng suplay ng isang produkto o
serbisyo. Sa isang ekonomiya, madalas na nangyayari ang pagkakaroon ng artipisyal na
kakulangan. Kapag naisaayos na ang suplay, nawawala na awtomatiko ang kakulangan. Sa
madaling salita, mas madali itong masolusyunan kumpara sa kakapusan. Halimbawa:

 Hoarding – ito ay kung saan itinatago ng mga negosyante upang hintayin ang pagtaas ng
presyo kung saan sila ay lubos na makikinabang. Nagiging sanhi ito ng artispisyal na
kakulangan sa mga pamilihan. Ang madalas na ilegal na itinatago ay bigas na siya namang
pangunahing pagkain ng mga tao. Kung mapapansin sa mga pamilihan, ang mga mamimili
ay hindi maiwasang magkagulo at mag-panic.

 Kartel – ito ay ang pangkat ng mga malalaking negosyante na nagmamanipula at


kumokontrol ng distribusyon, pagpe-presyo ng mga produkto at gayundin ang pagbili.

Senyales ng kakulangan

 Bumababa ang suplay ng mga produkto sa mga pamilihan o merkado

 Kapag hindi mapigilan ang pagtaas ng demand

KONKLUSIYON

Mga maaring gawin upang masolusyunan ang suliranin ng kakapusan at kakulangan

Kailangan ng sapat na pagsusuri o tamang kaisipan upang makabuo ng mga tamang


solusyon. Ang isang bansa ay kinakailangan ng tulong ng mga mamamayan o kooperasyon
ng mga tao kung gustong maisakatuparan ang mga hakbangin na nabuo. Mawawalan ito ng
bisa kung ang mga mamamayan mismo ay walang kooperasyon at walang tiwala na uunlad
ang ekonomiya ng bansa. Ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip ay makakatulong upang
magkaroon ng paniniwala na magreresulta ng maganda ang mga paraang gagamitin.

Halimbawa:

Solusyon sa kakapusan:

 Maaring magpatupad at magpaigting ng mga batas.


 Pagsusumikap na makapagtipid sa maliit man o malaking bagay.

 Pagsusumikap na maiangat ang buhay mula sa kahirapan

Solusyon sa kakulangan:

 Matutong magreserba

 Paggamit ng mga bagay na mas importante kaysa sa mga bagay na maari namang isantabi.

REKOMENDASIYON

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga suhestyon na maaaring gawin o maaaring
maging batayan upang makabuo ng mga magagandang pamamaraan. Ang kakapusan at
kakulangan na pang-ekonomiya ay sadyang makakaapekto sa pamumuhay ng tao kung
kaya’t nararapat lamang na magkaroon ng kontribusyon ang mga mamamayan upang mas
higit na makamit ang solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng bansa.

You might also like