You are on page 1of 3

Pollero, Jenny B.

CHRM-1A

3 mahahalagang kailangan sa pagbuo ng mabisang pangungusap.?


1. Kaisahan
2. Kakipilan
3. pagbibigay-diin

Pangungusap -lipon ng mga salitang binubuo ng buong diwa.

Bahagi ng Pangungusap
Simuno/Paksa - ang pinag-uusapan sa pangungusap
Panaguri - nagsasabi tungkol sa simuno o paksa

Itapon mo ang basura.


ang basura- ang paksa ng pangungusap sa itaas.
itapon mo- ang panaguri ng pangungusap sa itaas

Dalawang ayos ng Pangungusap


1.Karaniwang - ayos - nauuna ang panaguri na sinusundan ng
paksa o simuno
2.Kabaligtarang - ayos - nauuna ang paksa o simuno na
sinusundan ng panaguri.

Apat na Kayarian ng Pangungusap


1.Payak - binubuo ng isang diwa lamang.
Humanga siya sa iyo.

2.Tambalan - binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng


mga pangatnig na sapagkat, at, pati, dahil sa, ngunit, subalit, datapwat, bagamat at o.
Napapahalagahan nila ang mga mamamayan sapagkat sinabi ng mga ito ang kanilang
karaingan.

3.Hugnayan - Binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa na sinasamahan pa ng isa o mahigit


pang katulong na sugnay. Ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na kung, kapag, pag, nang,
upang, kaya, gayon at habang.
Kung di ka makaalis ngayon, sabihin mo lang sa
akin.

4.Langkapang Pangungusap - binubuo ito ng dalawa o mahigit pang punong sugnay na kapag-
iisa at isa o mahigit pang sugnay na pantulong o sugnay na di makapg-iisa.
Pinapahalagahan ngayon ang mga magsasaka dahil
sila ang nagbibigay ng pagkain sa buong bansa
kaya maypagpupulong ngayon.
Pollero, Jenny B. CHRM-1A

Mga dapat tandaan sa pagbuo ng isang talata


1. Simulan ang talata sa isang pamaksang pangungusap.
2. Ang mga sumusunod na pangungusap ay dapat magkakaugnay upang magkaroon ng
kaisahan ang talata.
3. Dapat na may tamang pagkakasunod-sunod ang mga pagpapaunlad na pangungusap o
panggitnang pangungusap.
4. Iwasan ang paggamit ng napakaiksi o napakahabang pangungusap sapagkat kung maiksi
nawawala ang kagandahan sa pagpapahayag at kung napakahaba naman nawawala ang
diwa nito.
5. Wakasan ang talata sa pamamagitan ng isang mabisang at kasiya-siyang pangungusap.

Paksang pangungusap
naglalahad ng pangunahing paksa o kabuuang diwa ng buong talata. Ito ay maaaring
matagpuan sa unahan, gitna o hulihan ng talata.

Paksang Lantad
Paksang mababasa mismo sa loob ng talata, kahit hindi na uulit-uliting basahin. Ang isa
nitong kabaligtaran ay ang paksang tago kung saan makukuha lamang ang paksa
pagkatapos maunawa o maunawaan ang talata.

Kailangan ng isang talata


1. Kaganapan o tinatawag sa ingles na “completeness”
2. Kaisahan – ang talatang may kaisahan ay yaong may mga pangungusap na nakatutulong
sa pagbuo ng kaisipang isinasaad ng pamaksang pangungusap.
3. Kaayusan
a. Tamang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari.
b. Maayos o maanyong paglalarawan ng nakikita o naiisip.
c. kaayusang mula sa tiyak na patungong pangkalahatan.
d. Kaayusang mula sa pangkalahatan patungong tiyak o dedaktibong pamamaraan.
e. Pamamaraang tanong at sagot.
f. Pamamaraang sanhi at bunga o bunga at sanhi.
4. Papkakaugnay

3 Bahagi ng pangungusap
1. Panimulang pangungusap
2. Gitnang pangungusap
3. Pangwakas na pangungusap

Uri ng talata
Talatang naglalarawan
Talatang nagsasalaysay
Talatang naglalahad
Talatang nangangatwiran
Pollero, Jenny B.
CHRM-1A

Halimbawa ng talata

Talatang naglalarawan ng damdamin

Nadama ni isagani na ang poot na sampung taong nagaalab sa kaniyang dibdib ay


naglalagablab ngayon, ngunit gumagapng sa ibang landasin halos mapilitan syang maibulalas
upang bigyan ng laya ang isang damdaming ganoong bago pa lamang nagaalimpuyo ay tila kay
tagal nang nagkukuyom. Ngunit ang paningin nya ay biglang naganiyak ng dalawang aninong
mabilis na naglalakad sa daan sa tapat ng kinaroroonan nila Dodoy.ang mga kaibigan ay halos
nagkasabay na napatayo. Madali nilang nakilala ang dalawang aninong yaon ay kina Doktor
Fronda at tandang Anong na kapit bahay.

Talatang nangangatwiran (matuwid)

Ang pepsi ay tinaguriang “inumin ng bagong henerasyon”. Ayon sa kanilang sarbey ng


hamon sa Coca Cola, 52% ng mga tao sa buong daigdig ang umiinom nito. Ito kaya ang dahilan
kung bakit hinamon ng pepsi ang coke? Ito rin kaya ang dahilan ng pagbabago ng timpla ng
coke?

You might also like