You are on page 1of 2

Hindi ako Sang-Ayon sa RH Bill kasi ito ay pumapatay sa karapatang pantao, lalo na sa karapatan ng

bata. Karamihan ng mga ginagamit na gamot at implants ay maituturing na “abortion-causing” devices


dahil ito ay pumipigil sa pagbuo ng bata. Ang pagpigil sa pagbuo ng bata ay maituturin na tunay na
abortion. Maliban dito, ang makikinabang lang sa RH Bill ay ang mga kumpanyang nagbebenta ng mga
birth-control pills at implants. At sino ang talo? Ang mga Pilipino lalo na ang mga kababaihan dahil hindi
sila binibigyan ng pagkakataong mag-anak. Sila ay bibigyan ng mga contraceptives na libre na hindi
bibigyan ng sapat na kaalaman na ang paggamit nito ay maituturing na abortion na.

“Ang kabataan ang susi sa pag-unlad ng ating bansa.” akala ko ba naniniwala ang ating gobyerno sa
kasabihang ito? Kung maisasabatas ang RH Bill at nawala ang dami ng populasyon ng mga kabataan,
malamang wala ng mga bagong henerasyon ang magpapatuloy ng mga mabubuting gawain, kung
meron man, kaunti nalang, kaunti narin ang kikilos para mapabilis ang pag-sulong ng
naghihingalong Pilipinas. Sa katunayan ngayon pa lang tayo bumabangon sa pagkakalugmok natin
sa kahirapan, tapos pinapatay naten ang ating sarili? Iisa lang tayo! Bakit kailangang isa batas ito?

hindi kailangan na imulat ang mga bata sa maagang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa usaping pag-
buo ng pamilya. Hindi naman iyon tatatak sa isipan ng bata kung hindi ninyo bibigyan ng ideya kung
paano bumuo ng pamilya bagkus ay ituro sa kanila ang tamang daan tungo sa kanilang mga
pangarap. Hindi lang ito tumutukoy sa batas ng pinapairal ng usaping ito, kundi usaping din
ito kung gaano tayo nagtitiwala sa Diyos, sa kanyang mga plano. ang RH Bill ay nakasisira ito sa
moralidad ng mga mamamayan. Ang sex education ay nakasasama dahil magdudulot ito ng pagkasira sa
murang pag-iisip ng mga batang nag-aaral.

Balasabas Grezilme
Bakit po hindi ito makapasa ang rh bill hanngang ngayon

Totoo po ba na sa RH Bill ay bibigyan ng sex education ang mga bata kahit Grade V pa lang?

Bakit isinusulong ng RH Bill ang mga gamot at serbisyong napatunayan na ng medisinang nagdudulot ng
higit na panganib kaysa tulong sa katawan ng babae?

You might also like