You are on page 1of 1

Bilibpinas

So ayun nasa inyo akong harap para I represent ang AECES sa Spoken Word Poetry
Di ako magaling ah kaya pasensya na kung minsan nagiging comedy
Simulan natin sa tanong na “Bakit ka nag aaral?” May sumagot sakin ng “Para makapag tapos”
“Para makakuha ako ng trabaho, kumita at magkaroon ng sariling panggastos”
“Bakit ka nag aaral?” “Kase meron akong pangarap”
“Gusto kong maranasan na matupad yun at parang lumilipad ka sa alapaap”
“Bakit ka…” Lahat tayo may kani kaniyang dahilan at tinatahak na landas
Tayo ay pawang mga salita, may kani kaniyang nilalaman, binubuo ng iba’t ibang letra at binabasa sa
magkakaibang bigkas
Pinili kong isyu ng Pilipinas ang sistema ng edukasyon
Bakit? Simple lang, kapag ba gumawa ka ng bahay bubong agad? Di naman diba, lupa muna para sa
isang magandang pundasyon

Siguro kasi mas pinagtutuunan natin ng pansin ang dami ng matututunan


Kaya napapabayaan na natin ang ating kalagayan at kalusugan
Buti pa ang mga aklat, mas marami pang pahina kesa sa mga mag aaral na may pahinga
Sa isang gabing pagpupuyat dapat kabisado mo na lahat ng formula, na parang makina
Pero ayos lang, malipasan ng gutom at walang laman ang sikmura
Basta ba hindi tayo malipasan ng panahon at sa bigayan ng grado hindi tayo namumura
Katumbas na kase ngayon nang pagiging mahusay ang matataas ng grado
Kaya kopya kopya din tuwing exam, okay lang na hindi ka matalino basta malinaw ang mata mo
Nakakatuwang isipin na sa multiple choice na exam lima o apat lang ang pagpipilian
Samantalang sa buhay minsan dalawa lang, pero dun pa tayo nagkakaroon ng maling kamalian

Minsan nasa labas ako ng ng ating sintang paaralan at may nagtanong, kung ano daw ba ng pinaka
magandang kurso
Di agad ako naka sagot. Pero tinanong ko din siya, kung ano ang kaniyang gusto
Kase diba parang babae lang yan, hindi ka naman pipili ng basta lang maganda, kundi kung sino tinitibok
ng iyong puso
Aanhin mo nga naman ang taong maganda lang sa katawan pero walang laman ang utak at walang puso
Pumili tayo ng propesyon hindi dahil sa mataas na sahod
Kung hindi dahil ipagpapatuloy natin ito kahit araw araw tayong pinapagod
Binigyan tayo ng Poong May kapal ng utak upang makapag isip kung paano mabubuhay
At puso upang ating makita kung gaano kaganda ang ating pang araw araw na buhay
Kilala tayong mga Pilipino sapagkat ang ating mga suliranin ay naka ngiti nating hinaharap
Sana mas makilala tayo sa ating pag ngiti sa ating magandang hinaharap

You might also like