You are on page 1of 2

Sabik

Tumigil ang oras.


Tanging kagandahan
Niya ang nanatili.
Buong diwa ko'y
Kanyang inangkin
Nang unang
Mabanaagan ko siya.

Dahan-dahan siyang
Lumapit sa akin.
Sabay haplos sa
Aking nag-iinit na pisngi.
Ang halimuyak ng
Kanyang pabango
Ay tila gayumang
Nang-aakit.

Bawat hininga ko,


Bango nya ang nasasamyo.
Di mapigilan ang
Pag-alab ng aking
Damdamin.
Kinabig ko siya sa akin
At buong init na
Hinagkan ang kanyang
Mga labi.

Ibinalik nya sa akin


Ang mga halik na yaon,
Habang ang kanyang
Balingkinitang katawan
Ay humubog sa akin.
Umahon sya mula sa halik
At bumuntong-hininga
Bago inilapit ang kanyang
Mapupulang labi
Sa aking leeg.

Napuno ng dagitab
Ang aking katawan.
Bumulwak ang init
Sa aking puson.
Niyakap ko siyang
Mas lalong mahigpit
Humahalinghing sa sarap
Na aking nakamit.

Di ko na namalayan
Ang pagsirit
Ng dugo ko nang
Tumusok sa akin
Ang kanyang mga pangil.
Ang tangi ko na lamang
Naramdaman
Ay purong kaligayahan,
Saka ang kawalan.

You might also like